Professional Documents
Culture Documents
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan
nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong
pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi
binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang
batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take
steps towards the development and formal adoption of a common national language to
be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang
Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang
anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong
ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the
basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa
ng isang resolusyon[4] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika,
pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang
Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at,
dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang
Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang
Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 – Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang
ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi
na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang
Kastila ng Arabic.
Sek. 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
source : http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kasaysayan_ng_wikang_pambansa
Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong
mapagtibay.
Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang
Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng
alpabetong Romano.
1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m,
n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.
Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
Patungkol sa
Intelektuwalismo at Wika
ni Renato Constantino
Jomer G. Bongalos
Dalawa ang layunin ng may-akda sa sanaysay na ito: 1) maipakita ang
koneksyon at epekto ng wika sa tradisyong intelektuwal ng isang bansa, at 2) maipakita
ang kawalang kakayahan ng wikang banyaga sa pag-unlad ng isang bansa at ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wikang pambansa na siyang magpapaunlad
nito. Ang dalawang layunin na ito ay maaring magsilbing isang reaksyunaryong o
etnosentrikong pananaw kumporme sa konteksto, ngunit sa ating kalagayan bilang
isang semikolonyal na bansa, ang pambansang layunin laban sa imperyalismo ay hindi
mapagmataas bagkos ay isang mapagpalayang hangarin. Nilinaw rin ni Constantino
ang pagkakaiba ng karanasang kolonyal sa mga karatig na bansa, na tinawag niyang
‘
indirect colonialism
’
.
Ang mga bansang nakapaloob sa anyong kolonyal na ito
ay “hinayaang manatili ang institusyon at wika ng taumbayan,” ayon sa may
-akda.
Ngunit ayon sa kasaysayan, ginamit at nagsilbing wikang opisyal ang wikang kolonyal
at nagamit rin ang nasabing wika ng mga
elite
, mapabanyaga man o hindi, partikular ang wikang Dutch sa Indonesia nang masakop
sila ng mahigit tatlong siglo (Paauw, 2009). Tulad din ang karanasang ito sa pananakop
ng mga Espanyol sa Pilipinas at ang wikang kolonyal rin ay hindi napalaganap bilang
wika ng karamihan, dahil nakareserba ito para sa
elite
o
ruling class
. Ayon rin sa may-akda, nagsimula ang pagpapalaganap ng wikang banyaga at pag-ukit
ng institusyong panlabas sa ating pag-iisip sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano. Katulad sa wikang Dutch sa Indonesia, madaling natanggal sa ating bansa
ang wikang Espanyol hindi lamang dahil sa ito ay hindi naukit sa kultura ng karamihan,
bunga rin ito ng kawalang presensyang internasyunal. Samakatuwid, mas madaling
natanggal ng Indonesia ang wikang Dutch kaysa sa India o Malaysia na tanggalin ang
Ingles (Dardjowidjojo, 1998); ganoon din ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa
naunang wika ng kolonisador at sa wikang Ingles. Ayon rin sakanya,
nagkukulang ang mga Pilipino ng tinatawag na ‘
intellectual tradition
’
at ito
ang sanhi kung bakit ‘walang karanasang
intelektuwal
sa kahulugan at layunin’ at kung bakit
hindi napapansin
ang mga ‘problemang panlipunan’
.
May limang dahilan ng pagkawala ng
tradisyong ito: 1) dahil ang mga kontribusyon ng ating kababayan sa mundo ng kaisipan
ay hindi nabibigyang pansin at importansya sa ating kasalukuyang akademya, 2) ang
pagtangkilik sa
‘mababaw na kaisipan’ na mula sa mga salita ng may
-
akda ay ang “
mga pelikula o palabas sa telebisyon na simpleng mga pormula ang ginagamit
na bunga
ng pagkabiktima sa ‘kolonyal na kamalayan’
, 4) ang pangangalaga sa
status quo
na nagpapalaganap ng
anti-intellectualism,
na naglalayong pigilan ang pagusbong ng progresibong pag-
iisip na kayang magpabago at “magluwal ng bagong kamalayan”, at 5) “ang pagtanggap
at pagkaalipin sa wikang banyaga.”
Mas naging kritikal ang akda sa panlimang dahilan at ito ang nagsilbing koneksyon ng
wika at intelektuwalismo. Ang kahulugan ng intelektuwalismo ayon kay Constantino ay
ang pagkakaroon ng
‘
malalim na kaisipan
’
na hindi direktang nabanggit ang kahulugan ngunit ayon sa aking suri, ito ay ang
kaisipang kayang umunawa at mag-isip ng lunas sa mga suliraning panlipunan. Kung
hindi natin magagamit ang mga impormasyong nakukuha natin, na sinabi ng may-akda
na napipigilan dulot ng paggamit ng wikang banyaga at ng
‘mekanikal na
paraan ng pag-aaral,
’ hindi rin ito
maituturing na isang tradisyong intelektuwal. Sang-ayon ako sa kawalan ng
intelektuwalismo at pag-usbong ng
anti-intellectualism
sa bansa. Nakikita rin ito sa pang-araw-araw na diskurso, partikular sa mga bernakular
na pag-uusap, i.e.
“edi wow” at “ikaw na!” Sa larangan ng akademya
ay nakikita rin ang pagpigil sa malayang pag-iisip, at nakakulong ang ating kaisipan sa
mga ideyang nakahain na isusubo na lamang, partikular sa larangan ng agham
panlipunan. Sa ikalawang layunin ng sanaysay ay ipinakita ng may-akda ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng pambansang wika upang paunlarin ang pambansang
kaisipan
. Ayon sakanya, “ang mahabang kasaysayan ng paggamit ng Ingles ay di nagbunga ng
kaunlaran.”
Katulad ng sinabi kanina, hindi madaling matanggal sa sistemang kolonyal ang Ingles
dahil sa presensya nito sa buong daigdig; dahil narin sa globalisasyon, mas lalong
napaigting ang kapit ng wika sa ating bansa dahil nagsisilbi itong instrumento upang
magkaroon ng komunikasyon sa iba pang bansang gumagamit nito. Samakatuwid, hindi
na natin kayang gawin ang nagawa ng mga maunlad na bansa tulad ng Japan, Taiwan
at Korea dahil nga sa pagusbong nito; naging pangangailangan na ang paggamit ng
wikang banyaga, o ang wikang pandaigdig sa diplomasya at ekonomiya ng
isang bansa. Dagdag pa rito, hindi nakaranas ang mga nasabing bansa ng
kolonyalismo upang maikumpara ang pag-unlad nito sa kasalukuyang kalagayan ng
mga bansang nakaranas nito. Isa rin naging balakid sa pagkakaroon ng maayos na
pambansang wika ay ang pagkakaroon ng
iba’t ibang
wika at dialekto sa bansa, dahil ang Pilipinas ay isang ar
kipelago na may iba’t ibang
kultura, at ang pagpili sa pambansang wika ay lubhang mahirap at nagbunga pa ito ng
oposisyon mula sa iba sa ibang lalawigan na may ibang sinasalitang wika. Nabuo rin
ang katagang
“Imperyalismong Tagalog” sa
kadahilanang kahit wikang Filipino na ang pambansang wika, nakondisyon na ang mga
tao sa wikang tagalog kaya iyon parin ang itinatawag ng mga Pilipino at maging mga
dayuhan (P. Constantino, 1996). Kung tunay ngang mapagpalaya ang wika,
maipapalaya rin ba nito ang bayan mula sa umuusbong globalisasyong nagpapatuloy at
nagpapatibay ng paniniil ng mga malalakas na bansa sa mga mas maliit at mas
mahihina? Lingid sa nilalaman ng akdang ito ang isyu ng globalisasyon na umiiral sa
buong daigdig sa kasalukuyan, at ang pambansang wikang mapagpalaya ay tila isang
reaksyunaryong at etnosentrikong ideya na lamang sa kanilang angking realidad. Mga
Sanggunian: Constantino, Renato. (1996). Intelektuwalismo at Wika
. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino,
No.1 8-12. http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4939/4451 Paauw,
Scott. (2009).
One land, one nation, one language: An analysis of Indonesia’s national
language policy.
University of Rochester Working Papers in the Language Sciences
, 5(1), 2-16
.
http://www.rochester.edu/college/cls/assets/pdf/working/Paauw.pdf
Indonesian Case
. International Journal of the Sociology of Language
130. Constantino, Pamela C. (1996).
Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan: Wikang Pambansa Tungo sa Pangkaisipan at
Pang-ekonomikong Kaunlaran
nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, Pamela C. Constantino at Monico M.
Atienza, mga ed. University of the Philippines Press: Quezon City.