You are on page 1of 13

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halina’t Tuklasin


Aralin
2
Ang Kasaysayan at Pagkakabuo
ng Wikang Pambansa
Layunin ng Talakayan
⮚ mailahad ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang
pambansa;

⮚ matalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang


batayan ng pambansang wika ng Pilipinas;

⮚ makabuo ng sariling opinyon tungkol sa pagpili sa Tagalog


bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas; at

⮚ makapagsagawa ng saliksik sa mga kasalukuyang isyung


pangwika.
Daloy ng Talakayan
◆ Kasaysayan ng pagkakabuo ng pambansang wika;

◆ Dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng


pambansang wika ng Pilipinas; at

◆ Iba pang kaalaman tungkol sa wika.


Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika
Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang
opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika


ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles
at Espanyol.

Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.

Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng


mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Marso 24, 1934 – pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados


Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang
pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung
taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.

Pebrero 8, 1935 – pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng


Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.

Oktubre 27, 1936 – ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na


magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.

Nobyembre 13, 1936 – pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184,
na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.

Enero 12, 1937 – hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod
sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185.

.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Nobyembre 7, 1937 – inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang


gawing batayan ng pambansang wika.

Disyembre 30, 1937 – lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134


na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng
Pambansang Wika ng Pilipinas.

Abril 1, 1940 – inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-


uutos
nito ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at
ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa.
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19,
1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang
Wika
Panahon ng Pananakop ng mga
Hapon

Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong


1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang mga
nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na
batayan lamang.

Nang panahong iyon, Nipongo at Tagalog ang naging opisyal na mga


wika.
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika
Nang Matapos ang Digmaan…
Hunyo 4, 1946 – ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na
nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika.

Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon


Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.

Setyembre 1955 – sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa


pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19
taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon
na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”

1959 – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang


Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang
“kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.”
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng Pambansang Wika

Oktubre 24, 1967 – nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali,
edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa
Pilipino.

1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa


ng
Resolusyon Blg. 70.

Marso 12, 1987 – sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987,


sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang
Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng
1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Dahilan sa Pagpili sa Tagalog bilang Batayan ng
Pambansang Wika ng Pilipinas

Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura,


mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng
nakararaming mamamayan.
Iba pang Kaalaman Tungkol sa
Wika
Ang Tagalog, Pilipino, at
Filipino
Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng
Pilipinas (1935)

Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)

Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas,


lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa
Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
Iba pang Kaalaman Tungkol sa
Wika
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang
wikang Filipino ay:

• ang wikang pambansa ng Pilipinas;

• dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga


wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at

• dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang


ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang:

1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at


2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.

You might also like