You are on page 1of 3

ALAMAT NG MAKOPA

Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom


dahil may isang gong o batingaw silang nagkakaloob ng
kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya
nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang
lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan,
ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.
Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga
taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong
magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-
rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng
gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan
nakatago ang gong.
Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang
gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata
ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong
may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na
nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang
bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga
kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang
bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang
gong. Nagpuntahan ang mga tao roon
at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim
niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan.
Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may
matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.
ANG ALAMAT NG ROSAS

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na


nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil
na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't
pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa
kanyang mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga
magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay
masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin
sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa
kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang
mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang
pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga
magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na
ang loob sa masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang


manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon
din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang
marining niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang
pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang
kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni
Rosa habang siya ay bumalik sa kaniang bahay. Nag-aalala naman siyang
tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga.
Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na mga
araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat
sanang tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas
dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga
mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na
napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing
wala sinumon ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi
nasasaktan.
ALAMAT NG SAGING

May isang dalagang hinahangaan sa angkin niyang kagandahan. Mariang Maganda ang
tawag sa kaniya. Siya ay may harding puno ng sariwang halaman. Marami dito ang
namumulaklak. May rosal, kamya at santan dito. Mayroon ding sampaguila, eadena de amor
at ehampaea. Nakikipagtagisan ng ganda ang dalaga sa bawat bulaklak na dito ay
makikita.Parang kabubukadkad na bulaklak pa lang si Maria. Siya ay batang-bata pa.
Bagamat marami nang aali-aligid na nanliligaw ay wala pa siyang mapili isa man.Kay Maria,
hindi mahalaga kung sino ka. Ang tanging basehan niya sa pagsinta ay kung gusto ba niya ang
binatang sa kanya ay nagmamahal.

Isang hapong namumupol siya ng mga bulaklak ay may isang makisig na binatang bumaba sa
isang karwahe. Natiyak ni Mariang galing sa isang marangal na pamilya ang ginoo.
Ipinagtanong ng binata kung saan daw ba makikita ang plaza. Itinuro ni Maria ang tamang
daan. Nagpasalamat na may ngiti sa mga labi ang binata. Hindi alam ni Mariang gusto lang
palang makipagkilala ng ginoo kaya ito bumaba sa tarangkahan ng hardin nila.Magmula
noon, buwan-buwan nang dumadalaw sa hardin ang binatang nakakarwahe na nagpakilala sa
pangalang Aging. Nang makasiguro si Maria sa matapat na saloobin ng binata ay sinagot ito
ng dalaga.Isang hapon ay nagulat si Maria nang humahangos na dumating ang
kasintahan.“Ikinalulungkot ko Maria. Sa lalong madaling panahon ay isasama kita sa aming
daigdig. Natatakot akong baka hindi ko na matutunan ang daan papunta sa inyong
sangkalupaan. Unti-unti nang napapansin ng aking mga kalipi ang lagi kong pagkawala sa
aming daigdig.”Nahintakutan ang dalaga na baka mawala na sa kaniyang paningin ang
tanging binatang nakapagpatibok sa puso niya.Sa sobrang pagkalito ay lalong dumiin ang
pagkakakapit ni Maria sa mga kamay ni Aging nang magpapaalam na ito.

Nakaalis at nakaalis ang nagmamadaling binata ay di napansin ng humahagulgol na dalaga


na lalong humigpit ang tangan niya sa naputol na mga kamay ni Aging na inaagusan ng
sariwang dugo.Sa matinding takot ay ibinaon ni Maria ang dalawang putol na kamay sa
kanyang hardin.Tulad ng pangamba ni Maria ay di na nga nakabalik pa si Aging. Makalipas
ang mga araw ay napansin ng dalaga na may sumibol na halaman sa lugar na kanyang
pinagbaunan. Lumaki ang halaman.Naging malusog na puno ito at namunga. Nagtataka si
Mariang kahawig ng mga bunga nito ang mga daliri ni Aging.

Ilang linggo pa ay sumulpot naman ang animo puso nitong kulay pula sa labis na pagmamahal.
Kahit hindi na nakabalik pa ang kasintahan ay masaya na rin si Maria na may panahong
isang dakilang mangingiba ang nagmahal sa kanya. Pero tuwing sasagi sa isip ng dalaga ang
matagal na pinagsamahan nila ay napapaluha rin ito at sinasambit-sambit ang pangalang
Aging… Aging.

Ang pangalang Aging ay naging Saging. Yan ang alamat ng unang saging.

You might also like