You are on page 1of 2

Alamat ng Mangga

Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya


ng kanyang mga nasasakupan. Siya ay si Haring Enrico. Sa isang banda ay
gusto naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng disiplina.
Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot sa parusang
iginawad ng hari.

Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian.


Nagpaimbistiga si Haring Enrico. Nalaman niya na nakatulog pala ang kawal
na bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo.Agad niyang
ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa oras ng
trabaho. Sinabi ng kawal na puyat ito dahil sa pagbabantay sa anak na may
sakit.

"Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga


bilanggo!"anang hari. Hindi nakasagot ang kawal. Alam nito na siya ang may
pagkakamali. Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang parusa sa
kapabayaan.

Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap


sila na pakawalan ang kawal ngunit hindi pumayag si Haring Enrico. Walang
nagawa ang mag-ina kundi ang umiyak. Nang malapit na ang kaarawan ng
hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa mga nasasakupan. Ayon sa
patalastas, ang sinumang makapagdadala na wala pa ang hari o pagkaing
hindi pa natitikman ay makahihiling sa kanya at kanya namang
ipagkakaloob.

Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong
maisip na maaaring ibigay sa hari. Naisip nitong yayain sa gubat ang anak
para maghanap ng kahit anong maibibigay sa hari. Inabot sila ng pagod at
gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa kanilang harapan. May
hawak na dalawang malalaking bunga ng halaman ang diwata. Kulay berde
iyon. Noon lang nakakita ang mga ito ng ganoong bunga.

"Ito ang ibigay ninyo sa hari," sabi ng diwata. "Itago muna ninyo ito sa
inyong bigasan at ilabas mismo sa kaarawan ng hari." "A-ano po ba ang
bungang ito?" tanong nila. "Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa
lupa. Sa aming daigdig lamang meron niyan at itinuring naming sagrado ang
bungang iyan." "Maraming-maraming salamat po!" sabi ng mag-ina at
nagpaalam na sa diwata. Tuwang-tuwa nagsiuwi ang mga ito.

Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang


kaarawan ng hari ay kinuha nito ang dalawang bunga. Nanggilalas ito nang
makitang naging dilaw ang bunga at mabangong-mabango.

Maging ang hari ay nanggilalas nang m akita ang dalawang hinog na


bunga na nasa amoy palamang ay mukha ng napakasarap.Agad niyang
kinain ang isa at lubha siyang nasarapan.

'Anong pangalan ng bungang ito ?" tanong ng hari.


"Mangga po sabay na wika ng mag-ina.
"Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito.Saan galling ito?"
"Bigay po sa amin ng isang diwata."
"Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang
anumang hilingin mo." Sabi niya sa asawa ng kawal.
"Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa" sabi ng
babae.
"Matutupad ang iyong kahilingan."

Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari


ay binigyan pa ng kaunting halaga ang mag-asawa.

Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga
iyon upang muli siyang makatikim ng pambihirang bunga.

Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon
ng kanyang mga nasasakupan. Nagtanim din ng mga buto ang mga tao.

Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga

You might also like