You are on page 1of 11

Ang Alibughang Anak

(Parabula)

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.Ang bunso ay hiningi


na sa kanyang ama ang parte ng kanyang kayamanan.Kaya naman hinati ng ama sa
dalawa ang lahat ng kanyang yaman.

Pagkalipas ng ilang araw ay umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong


lupain dala ang lahat ng kanyang mana.Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-
arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang yaman ay saka naman
nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.Nakahanap siya
ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy.

Sa sobrang gutom ay pati ang kaning-baboy ay kanya na ring kinakain.Nang


makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng kanyang ama
ay maraming upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tinapay
samantalang siya ay mamamatay na dahil sa gutom.Naisip niyang bumalik sa
kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at siya’y hihingi umano ng
tawad.Tumayo siya sa kinauupuan at naglakbay pabalik sa kanyang ama.Malayo
pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang anak at
hinagkan.Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong
paningin. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.”

Gayunpaman ay tinawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing, “Madali!


Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay
kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa.
Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito
ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at
natagpuan.”Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang
kasiyahan sa kanilang bahay. Itinanong niya sa isa nilang alipin kung anong
mayroon doon.Anang alipin ay dumating na umano ang bunso niyang kapatid.
Nagpapatay ng guya ang kanyang ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang
kapatid niya.Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa
kanilang bahay.Dahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.
Anang panganay, “Naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan
ay hindi ako sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan
ng maliit na kambing upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan.
Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya.
Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga masasamang babae.”

Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay
sa iyo. Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay
namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

Aral:

 Nagagalak ang Diyos sa tuwing nagbabalik-loob ang mga anak Niya sa kanya.
Maging mapagpakumbaba, aminin ang mga kasalanan, at magbalik-loob sa
Diyos.
 Iwasan ang pagiging mainggitin. Ang nais ng Diyos ay matuwa ka sa tuwing
may magandang nagyayari ito man ay sa iyong kapwa o sa sariling kapatid
dahil ang disenyo ng Diyos sa tao ay ang magmahalan at hindi ang magsakitan.
 Tunay nga na walang magulang na makatitiis sa anak. Gayundin naman, hindi
kayang titiisin ng Diyos ang mga anak niya.

ANG MGA DUWENDE


(Kwentong Bayan)
Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang
magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila
para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara
ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na
bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak
kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito: “Katulad lang ng mga ordinaryong
tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang,
ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa
mga muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa.
Kung hindi sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila
ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang maging mabigat
ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang
mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa
mga ito. Sinasabing dinadalhan
nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila
mula sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang
makakilalang duwende.
Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan
dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit
kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng
anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng
mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling babalikan. “Ang duwendeng
binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay ko, o ang lola
ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at mga bintana
bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng kamisa at
saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago
maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto.
Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang
kaniyang mukha;mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok.
Maigsi ang mga brasoniyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya--
malaki para sa kaniyang braso.”
Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila.
Nangmaghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng
duwende.Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang
duwende na
pumapasok sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng
bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na
nagpaliyab sa mga kamisa at saya. Mula noon, naging maingat na ang magkapatid
at ang buong bayan ng Legaspi sa duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga
pinto at mga bintana bago sila matulog sa gabi.

Ang Mainit na Sibol sa Tiwi


(Mitolohiya)
Ayon sa mga matatandang tao sa Tiwi, Albay, ang ngayong maiinit na sibal ay
dating isang payapa at maunlad na baryo. Sa nayong ito nakatira si Rosa, isang
napakagandang babae, na may maraming manliligaw sa iba’t ibang lugar.
Isang araw, bumaba sa lupa ang anak ng Diyos ng Araw upang maglakad. Sa
kanyang paglalakad, nakita niya si Rosa at tulad ng karaniwang mortal, naakit siya
ng kanyang kagandahan.
Nang magbalik siya sa kanyang kaharian, agad-agad niyang sinabi sa kanyang ama
na natagpuan na niya ang babaeng pakakasalan. Subalit ayaw ng Diyos ng Araw na
siya’y payagang magpakasal sa isang dalagang taga-lupa.
Labis na namanglaw ang binate sa desisyon ng kanyang ama.
Nang sumunod na araw, tumanggi siyang magdala ng liwanag, tulad nang kanyang
nakagawiang gawin. Dahil dito, sa buong isang lingo, napakadalimi ng daigdig ng
tao. Akala niya’y dumating na ang katapusan ng mundo. Nang makita ng Diyos ng
Araw ang madilim na daigdig, naawa siya sa mga tao kaya’t sa katapusan ay
pumayag na rin siya sa pagpapakasal ng kanyang anak sa dalagang taga-lupa.
Lumabis ang tuwa ng binata sa pagbabagong-isip ng kanyang ama at ginusto
niyang bumaba kaagad sa lupa. Sa kanyang pagmamadali, gayunman, nalimutan
niyang alisin ang nagbabaga niyang damit. Sumakay rin siya sa karwahe niyang
apoy, na hinihila ng mga kabayong bumubuga ng apoy. Nalimutan rin niyang
alisin sa kanyang mga mata ang kapangyarihang masunog ang anumang bagay na
kanila nakikita. Kayat nang marating niya ang baryo na tinitirhan ng magandang
dalaga, ang lahat na natitigan niya ay nagningas. Nasunog na lahat ang mga bahay,
puno, tao, kasama ang magandang dalaga. Nang humupa ang apoy, walang natira
kundi ang bukal na pinagbabalunan ng maiinit na tubig.
Hanggang ngayon dinadalaw pa rin ng mga dayuhan ang mga maiinit na bukal sa
Tiwi, lalo na yaong mga may rayuma, na nakahahanap ng ginhawa buhat sa maiinit
nitong tubig.

Ibalon
(Epiko)
Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo. Siya’y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang
lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon.
Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang
mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang
gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban.
Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga
halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang
engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito
ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao
ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa
kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay
gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa
bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na
namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut.
Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May
nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan
ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay
kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay
habang natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama
man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito.
Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang
ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig,
iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa
pamumuno ni Bantong.

Mga Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas


 Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)
 Hudhud (Epiko ng Ifugao)
 Ibalon (Epiko ng Bicol)
 Kudaman (Epiko ng Palawan)
 Manimimbin (Epiko ng Palawan)
 Ullalim (Epiko ng Kalinga)
 Hinilawod (Epiko ng Panay)
 Humadapnon (Epiko ng Panay)
 Labaw Donggon (Epiko ng Bisayas)
 Maragtas (Epiko ng Bisayas)
 Bantugan (Epiko ng Mindanao)
 Darangan (Epiko ng Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao)
 Agyu (Epiko ng Mindanao)
 Bidasari (Epiko ng Mindanao)
 Olaging (Epiko ng Bukidnon)
 Sandayo (Epiko ng Zamboanga)
 Tudbulul (Epiko ng Mindanao)
 Tuwaang (Epiko ng Mindanao)
 Ulahingan (Epiko ng Mindanao)
 Ulod (Epiko ng Mindanao)

Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)

Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay


nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union.
Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng
mga pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si
Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na
nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang
bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon
at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935.
Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang.
Bago siyá ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na
si Don Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si
Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang batà si Lam-ang
dahil káya na niyang magsalita at may taglay siyáng kakaibang lakas. Itinanong ni
Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis
ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta
sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya na
nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya ang ulo ng
kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot.
Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya
upang paliguan siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda
sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines
Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing
lugar, kasáma ang tandang at aso niya. Nakarating siyá matapos ang
pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang
mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mga hiling ng
magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain
siyá ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang
labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng nabuhay at namuhay nang
matiwasay.

Buod ng Biag ni Lam-ang


Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-
asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.
Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot
ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob
naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi
na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan
ng ulo ng mga Igorot.
Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na
ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging
ninong.
Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa
siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay
malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng
kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-
ang na makaalis.
Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang,
ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa
punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga
kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog.
Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw
at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa
paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan
na nasa sarukang, isang haliging kawayan.
Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang
huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si
Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay
narinig ng marami kaya’t dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang
ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan
ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang
mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na
pinagpapatay niya ang mga nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga
dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga
isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang
manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang
ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang.
Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong
bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang
mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang
tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.
Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si
Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-
ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.
Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga
magulang ni Ines.
Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan.
Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian,
kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang
na may mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan.
Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.
Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang
bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan
ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.
Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si
Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.
Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At
namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

You might also like