You are on page 1of 4

PABULA

Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,
pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang
mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa
mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

MGA HALIMBAWA:
Ang Buwaya at ang Pabo
Ang Daga at ang Leon
Ang Gorilya at ang Alitaptap
Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw
Ang Kabayo at ang Kalabaw
Ang Madaldal na Pagong
Ang Mag-anak na Langgam
Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw
Ang Masamang Kalahi
Ang Pagong at ang Kalabaw
Ang Palaka at ang Kalabaw
Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay?
Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa at Daga?
Kung bakit dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw
Si Alitaptap at si Paruparo
Ang Buwaya at ang Pabo
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig.
Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas
ng loob na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-
asawa na. Pasigaw niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa kanyang
harapan.

Sabi niya sa kanyang sarili,“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung
mapapasaakin lamang ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging
pinakamasayang asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng pilyong
buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang
mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang diyamante at


ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong
pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi daw
madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon
ang kahilingan ng buwaya.

Ginawang masarap na hapunan ng sakim na buwaya ang kanyang bagong asawa.

MGA ARAL:
1) Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang lason sa
katawan na nakamamatay.

2) Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya mo
ring aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin sa iyo
ang pangit na itinanim mo.

3) Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti at ng


makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan sa bandang huli.
4) Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi ang taong
nais pakasalan.
PARABULA
Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring
nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.
Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng
kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng
kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

MGA HALIMBAWA:
Ang Aso at ang Ibon
Ang Pulubi
Ang Kambing at ang Magsasaka
Ang Gutom Na Aso
Ang Pariseo at Kolektor ng Buwis
Ang Alibughang Anak
May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng bunsong
anak na ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya. Nang
makuha na ng bunso ang kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas lamang
ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa malayong bayan. Dito niya
walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa
bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga
baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na alaga niya.
Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay
kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang
nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang
nagbalik na anak. "Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat
na maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila," sabi ng anak sa
ama.

Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang
kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at binigyan ng
sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang matabang baka at sa
ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.

"Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang


pagbabalik," ang sabi ng nagagalak na ama.

Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan.


Itinanong niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang malaman
niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit kaya't di napigilan
ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama.

"Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi


ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha
ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at
magdiriwang!"

Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng
akin ay iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling
nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita."

You might also like