You are on page 1of 4

FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

MODYUL 2 PABULA – NATALO RIN SI PILANDOK


Learning Hand-outs
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda;
2. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan;
3. Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhang nagsasalita
at kumikilos na parang tao o vice versa;
4. Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na panlapi;
5. Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad;
6. VI: Napapahalagahan ang ibayong pag-iingat upang maiwasang mabiktima ng mga manloloko.

Batayang Aklat:
1. Pinagyamang Pluma 7 Aklat 1 Alinsunod sa K to 12, Phoenix Publishing House (2014)
Kagamitan:
1. Hanay ng Talasalitaan, Diksyunaryo
2. Video Clips/Movie Clips (Youtube:

 https://www.youtube.com/watch?v=FqFx8nF2QHg
SUSI NG KAALAMAN (KEY CONCEPTS)
 Pabula
 ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng kwentong karaniwang nagtatampok sa mga
hayop bilang mga tauhan.
 Panlapi
 salita na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng salita.

TALASALITAAN
Napatunayang Nagbabago ang Kahulugan ng mga Salitang Naglalarawan batay sa Ginamit na Panlapi
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng salita. Nababago kasi ang kahulugan ng mga salita batay lang sa panlaping
ginamit diot. Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng panlapi. Piliin ang sagot sa hanay B at tsaka
isulat ang titik sa patlang.
A B
_______1. lamigin a. ginagawa ng tao para guminhawa ang pakiramdam kapag mainit
_______2. malamig b. nagiging asal ng tao na nagpapakiatang ayaw na sa isang relasyon
_______3. nagpapalamig c. naramdaman ng tao kapag malamig
_______4. nanlalamig d. taong madaling nakadama ng lamig
_______5. nilalamig e. tumukoy sa uri ng panahong nararanasan

OCGS FILIPINO Module


FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

SIMULAN NATIN!
Panoorin ang isang video clip mula sa youtube gamit ang link na nasa ibaba na isang halimbawa ng panloloko sa
iyong kapwa.
Gawain 1: Panonood ng Video: https://www.youtube.com/watch?v=FqFx8nF2QHg
Gabay Tanong:
1. Anong klaseng panloloko ang naranasan ng matansa sa napanood na video?
________________________________________________________________
2. Kung ikaw ang matanda sa video, ano ang mararamdaman mo?
________________________________________________________________
3. Paano ba makaiwas sa mga taong mapanlinlang o manloloko?
________________________________________________________________

TUKLASIN
Sa pabulang ating mababasa sa modyul na ito, makikilala natin ang katauhan ni Pilandok.
.
ALAM MO BA?
Ang pabula na katumbas o kasingkahulugan ng salitang Griyego muzos na ang ibig sabihin ay myth o “mito” ay
nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon haggang sa kolektahin ng mga pantas at sa
huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan.

Bago basahin ang pabulang pinamagatang Natalo Rin Si Pilandok, subukang ilarawan ang mga pag-uugali ng mga
pangunahing tauhan sa pabula.

PAG-UUGALI: PAG-UUGALI:
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ SUSO ____________________________
PILANDOK ____________________________ ____________________________

Basahin ang kuwentong-bayan na pinamagatang “NATALO RIN SI PILANDOK” na nasa pahina 30-34.

PAGTATAYA
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na hindi lalampas sa 15 na salita.

1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Sa iyong palagay, pagiging matalino ba o pagiging mapanlinlang ang higit na
angkop na paglalarawan sa kanya? Patunayan.
________________________________________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay babalik din sa iyo”? Ano-anong patunay ang maibibigay mo sa
katotohanan ng kasabihang ito?
________________________________________________________________________________________________
3. Bakit hindi mabuti ang manlinlang o manloko ng kapwa? Ipaliwanag.

OCGS FILIPINO Module


FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

________________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Sagutan ang pagsasanay na nasa pahina : NAHIHINUHA ANG KALALABASAN NG MGA
PANGYAYARI BATAY SA AKDANG NAPAKINGGAN O NABASA
KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANRETORIKA
MGA EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD
Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay
nagpapahayag tayo ng mga posibilidad. Posibilidad ang tawag sa mga
pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masigurado o
may pag-aagam-agam pa tayo. May mga salita o ekspresyong ginagamit sa
ganitong pagpapahayag tulad ng:
baka puwede kaya ang marahil
maaari siguro sa palagay ko
may posibilidad bang posibleng kayang tila

Gawain 1: Kilalanin at bilugan ang salita o mga ekpresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat bilang.

_______1. Maaari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos tulad ng pilandok?
_______2. May posibilidad kayang makatulong ang mga mamamayan para maisalba ang mga hayop na ito?
_______3. Sa tingin mo, possible kayang maparusahan ang mga taong nanghuhuli at nagbebenta ng mga hayop na ito
para hindi na sila pamarisan?
_______4. Baka mahirap iyan dahil wala nang palaging nakabantay sa ating mga kagubatan.
_______5. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas.
_______6. Sa palagay ko makatutulong iyan para mapigilan ang mga mangangasong ito.
_______7. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.
_______8. Puwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag pansin sa iba para pangalagaan ang mga hayop sa
kagubatan?
_______9. Makabubuti kaya kung kukumbinsihin natin ang mga kamag-aral na suportahan ang proyektong ito?
______10. Marahil, iyan ang pinakamabuting dapat nating gawin ngayon.

UNAWAIN AT PAGNILAYAN
Sagutin ang sumusunod na tanong sa pamamagitan ng buong pangungusap gamit ang mga salita o ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad. Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong ginagamit mo.

1. Matatapos mo kaya ang hayskul na walang bagsak?


________________________________________________________________________________________________
2. Saan ka kaya mag-aaral pagdating mo sa kolehiyo?
________________________________________________________________________________________________
3. Anong kurso kaya ang kukunin mo?
________________________________________________________________________________________________
4. Saan ka kaya magtatrabaho kapag nakatapos ka na?
________________________________________________________________________________________________

OCGS FILIPINO Module


FILIPINO – Grade 7 MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

OCGS FILIPINO Module

You might also like