You are on page 1of 9

Pangalan: __________________________________________________

Seksyon: ___________________________________________________

Petsa ng Pagpasa: Pebrero 5, 2021

Q3: Modyul 3
Tanikalang Lagot
“Anumang gapos ng sumpa sa ating buhay ay maaaring mawala.
Kung ito ay isusuko sa Diyos at sa Kanya ay ipagkakatiwala”
Sa araling ito ikaw ay inaasahang:

 Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa mga ito
(F8PD-IIId-e-30)
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-III-e-30)
 Napag-iiba ang katotohanan (facts), sa hinuha (inference), opinyon, at personal na interpretasyon sa kausap (F8PN-
IIId-e-29)
 Nagagamit ang mga angkop ng ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto o pananaw (F8WG-IIId-e-31)

Panimula:
Ang radyo ay itnituring na “go-anywhere medium” ng pamamahayag sapagkat spagkat ito ay naririnig
ng mga tao kahit habnag sila ay naglalakad, nagbibiyahe, nagmamaneho, nagtratrabaho, o namimili.
Anong huling balita sa radyo ang iyong napakinggan at ano naman ang huling balitang napanood
mo rin sa telebisyon? Ano ang kaugnayan sa isa’t isa ng mga balitang itong iyong napakinggan? Isulat ang
iyong opinion tungkol dito.

Balitang Napakinggan Balitang Napanood

Sa aking opinyon ang mga balitang ito ay

Alam Mo Ba?
Sa kasalukuyan, isa sa mga itinuturing na pinakamalakas na manghikayat at makaimpluwensiya sa isip at
damdamin ng mga tao ay ang mass media. Madali nitong napupukaw ang interes ng mga tao sapagkat ginagamitan ito ng audio
(pandinig) at visual (paningin). Ang mass media ay tumutukoy sa ibat ibang paraan ng komunikasyon kung saan naaabot nito
ang maraming tao sa mundong tinatawag na audience o receiver na wala naming personal na relasyon sa mga sender nito.
Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na kinapapalooban ng radio at telebisyon; print na
binubuo naman ng pahayagan at limbagan; advertizing tulad ng commercial ads at patalastas; posters; billboards; streamers;
pelikula at maging video technology. Ang mga nabanggit na midyum ng mass media ay nagsisilbing instrumento o lakas na
humihigop sa utak ng tagatanggap (receiver) ng mensahe mula sa tagapagsalita (source o sender).
Itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino ang mass media sapagkat may kakayahan
itong baguhin ang paniniwala at pagpapahalag ng tao sa mabilis na paraan. Kaya napkahalagang sinusuri ng bawat isa ang
nilalalman o mensaheng pinapahatid ng kanilang pinapanood, binabasa, nakikita, o maging ang kanilang pinakikinggan.
1
Sa araw na ito ay isang dulang panradyo ang iyong matutunghayan ng itinanghal sa estasyon ng 702 DZAS
sa kanilang programang “Tanikalang Lagot” na isinulat ni Gerri Peňalosa.
Gawain 1: Payabungin natin

Panuto: Tukuyin at bilugan ang titik ng kahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiing na gamit sa akda.

1. Mapalad ang anak na nakikinig at sumusunod sa pangaral ng magulang.

a. Bukas-palad c. Mayaman
b. Masunurin d. Pinagpala
2. Ang mga anak na pinalaki sa luho ay karaniwang lumalaking mahilig sa material na bagay at walang alam sa buhay.
a. Katamaran c. kayamanan
b. Kayabangan d. layaw
3. Ang sutil na anak ay sakit ng ulo ng magulang.
a. Maluho c. masama
b. Mapagsamantala d. mayabang
4. Ang pagiging matapobre ay isang ugaling dapat iwaksi ng kabataan.
a. Madamot sa kapwa c. mapang-api sa mahihirap
b. Mapangmaliit sa kapwa d. palaaway at mayabang
5. Ang pagkakaroon ng masaya at mapagmahal na pamilya ay maituturing na isang mabuting tadhana.
a. Kapalaran c. pabuya
b. Kayamanan d. suwerte

BASAHIN at UNAWAIN:
Kontemporaneong Programang Panradyo: TANIKALANG LAGOT by Gerri Peňalosa,
mababasa sa inyong aklat na “Pinagyamang Pluma 8” sa pahina 363-371. Maaari rin itong

mapapakinggan sa link na ito : https://www.youtube.com/watch?v=lD0RA6-7mzA upang

masagutan ang mga sumusunod na gawain pagkatapos.

Gawain 2: Sagutin natin (Nasasagot ang mga tanong tungkol sa programang panradyong nabasa.
Panuto: Sagutin nag mga sumusunod na tanong.
1. Sino si Leona? Bakit siya inutusan ng kangyang ama na tumungo sa Agusan Del Sur?
2. Bakit nasabi ni Aling Juvecia na sinusunod lahat ng ama ang luho ni Leona na ayon sa kanya ay siyang nagiging dahilan kung
bakit lumalaking sutil ang anak?
3. Ano ang tingin ni Leona kay Aling Jovencia? Tama bang magkaroon siya ng negatibong pagtingin sa ina?
4. Anong aral ang nakuha mo sa kapahamakang nangyari kay Leona?
5. Ikaw bilang isang kabataan, paano mo hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?

Mga Positibong Pahayag Mga Negatibong Pahayag

2
Gawain 2: Sagutin natin

Panuto: May mga positibo at negatibong pahayag na ginagamit sa dulang panradyong binasa. Isa-isahin ang mga ito at suriin
kung ito ba ay pahayag na positibo o negatibo . Isulat sa tamang hanay ang sagot.

1. Wala akong nakikitang problema sa iyong pagtratrabaho rito sa aking kompanya.

2. Ang sipag mo namang magtrabaho, kapitbahay.
3. Bakit iniwan mo kami? Paano na kami ngayon ng mga bata ngayong wala ka na?
4. Maliit pa ang mga anak ko nang mamatay si Sergio pero nakayanan ko itong lahat dahil sa tulong Diyos.
5. Si Mamang talaga super sungit, palibhasa may dugong kastila.
6. Magtiwala ka lamang sa ating Panginoon.

BUOIN NATIN
Ang katotohanan ay mga pahayag na may kongkretong ebidensya. Ang opinyon ay kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng
isang tao. Samantalang ang hinuha ay pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o kondisyon at ang personal na
interpretasyon ay batay sa sariling kaisipan o pananaw lamang.

Sa pamamagitan ng Spider Map ay suriin ang pahayag ng iyong kamag-aaral batay sa mga impormasyon at mahahalagang kaisipang
nakuha mula sa binasang akda. Suriin kung alin sa kanilang pahayag ang katotohanan, opinyon, hinuha, at personal na interpretasyon.

_______________________________________ _________________________________________

Nakalap na _________________________________________
_______________________________________
KATOTOHANAN Impormasyon __________________HINUHA
mula sa
PERSONAL NA INTERPRETASYON Aking kamag- OPINYON
aaral
_______________________________________ _______________________________________

MAGAGAWA NATIN
Sa dulang panradyong iyong tinalakay ay inisa-isa ang ilang panyayari sa buhay ni Leona na nagpapakita ng kanyang kahinaan bilang
isang anak na nagsisilbing mga tanikala upang hindi niya maranasan ang isang buhay na matiwasay at pinagpala. Sa kasalukuyan,
maraming kabataan ang mistulang natataniklaan ng bisyo at maling paguugali bungaa na rin ng kanilang pagsuway sa payu ng
kanilang mga magulang at pagakahumaling sa masasamang gawain.

3
Bilang pagpapahalaga ay isa-isahin ang mga tanikala sa buhay ni Leona lalo na noong siya ay nasa panahon ng kanyang kabataan.

Isulat ang mga ito sa kahon at pagkatapos ay magtala ka ng pananaw o saloobing may kinalaman sa mga tiyak na kilos na iyong
gagawin upang makaiwas ka o hindi ka matulad sa kanyang naging kapalaran. Itala ang iyong sagot sa graphic organizer na makikita
sa ibaba. Ginawa na ang unang kahon para sa iyo.

Mga naging
Tanikala
Sa Buhay
ni Leona

Paglalayas
at pagrerebelde
Sa magulang

Ang aking mga Gawain Upang Makaiwas sa mga Tanikalang naranasan ni Leona

ALAMIN NATIN
Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting. Ito ay nakatitik na bersiyon ng mga salitang
dapat bigkasin o sabihin. Ginagamit sa produksyon ng programa. Ito ay naglalaman ng mensahe ng programang dapat ipabatid sa
mga nakikinig. Napakahalga nito sapagkat ito ay ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, direktor, tagaayos ng musika (musical
scorer), editor at mga technician.

Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad ng radyo at ilalagay muna sa iskrip.Bilang iskrip,
gagamit muna ng print medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang
iskrip au isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radio. Maririnig lamang ng mga tagapakinig sa
pamamagitan ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip.

Ang iskrip panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama, halimbawa, dapat palaging ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa
pamamagitan ng kanilang pangalan o katawagan. Ito ay upang bigyang-kabatiran ang mga nakikinig kung sino ang tauhang

4
nagsasalita. Sa programang panradyo, kailangan sabihin ng mga tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil hindi naman ito
nakikita ng nakikinig.

PORMAT NG ISKRIP
May sinusunod na pormat anf iskrip na panradyo. Narito ang mga tuntuning dapat ninyong sundin kapag kayo ay susulat ng iskrip na
panradyo.

1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.

2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan.

3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).

4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin
ang mga ito. Halimbawa: Kailangan bang naka-FADE UNDER ang musika habang nagsasalita ang tauhan?

5. Kailangan may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag minakinilya o kinimpyuter.

6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang unang salita upang maging madali ang
pagwawasto kapag nagrerekording.

7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malaking titik. Gamitin lamang ang mga ito upang
ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa loob ng parentesis o
panaklong at isulat sa malaking titik.

8. Gumamit ng mge terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng
tinig ang maririnig. Halimbawa: 1, 2; lalaki, Babae 1, 2; Talent 1, 2 Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong
gagamit ng iskrip kung isusulat ang pangalan ng taong magsasalita. Halimbawa: Leona, Zosimo. Maging tiyak ang pangalan
o katawagang gagamitin tulad ng Announcer.

9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parentesis.

10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.

11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang.

Narito ang halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga nabanggit na tuntunin.

10 MSCB : THEME INTRO UP & OUT… BIZ…BIRDS…

11 DIONISIO : Leona anak, pumunta ka ng Agusan del Sur.

12 LEONA : Pupunta po ako nga Agusan? Bakit may problema

13 po ba Papang?

14 ang Rubber production natin doon?

________ _________________ _ _______ ________________________ _____________

29 DIONISIO : (FADE IN) Ano ka ba naman, Jovencia, tigilan

30 : mo ang anak mo. Huwag mon ang sermunan.

31 JOVENCIA : (FADE IN) O, ayan ka na naman! Magsama nga

32 : talaga kayong mag-ama, parehong matigas ang

5
33 : ulo!

________ _________________ _ _______ ________________________ _____________

11 LEONA : (GULAT) Ano?! Bakit ibininta ni Mamang?

12 : E motor ko iyon! Si papang di ba inawat si

13 : Mamang?

14 AVELINO : (LAUGHS) kalian ba umubra si Papang kay

15 : Mamang? Kailan mo bang nakitang nasunod

16 : sa bahay si Papang? Di ba palaging si

17 : Mamang ang nasusunod. Kaya sori ka na lang,

18 : Inday Leona!

19 MSC : BRIDGE…SFX…PIER HARBOR IN MANILA…

GAWIN NATIN
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Bakit mahalagang maging maayos ang pagkakasulat ng iskrip ng mga dulang panradyo?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga alintutuning dapat sundin sa pagsusulat ng iskrip na panradyo?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nasusunod ba ng programang panradyong Tanikalang Lagot ang mga alituntunin sa pagsusulat
ng iskrip ng akdang tinalakay? Patunayan ang iyong sagot?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, madali ba ang sumulat ng iskrip na panradyo? Bakit?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

6
5. Ano ang paksa ng dulang panradyong inyong tinalakay? Akma ba itong isadula sa programang Tanikalang Lagot?
Bakit?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

6. Kung ikaw ay mabigyang pagkakataong sumulat ng iskrip na panradyo, anong paksa ang iyong bibigyang-pansin?
Bakit?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

7. Naniniwala ka bang malakas ang impluwesya ng media, partikular na ang radio sa buhay ng kabataan? Bakit?

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

ISULAT NATIN
Sa graphic organizer sa ibaba ay matutunghayan ang ilang mga salita ginagamit sa radio broadcasting. Bigyang-kahulogan
ang mga ito batay sa pagkakagamit ng mga ito sa Alamin Natin. Isulat ang iyong mga sagot sa kahon.

Broadcasting
media
Mga salitang
Ginagamit Audio-visual
Sa Radio materia
Broadcasting
dSFX

Ngayong naunawaan at napakinggan na ninyo ang akda ay dumako naman tayo sa pagtuklas kung ano nga ba ang Mga Ekspresyon
sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw. Maaari rin itong mabasa sa inyong aklat “Pinagyamang Pluma 8” sa pahina 382.

ISAISIP NATIN
Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw

Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan,
o karanasan maging ng ibang tao. Ang ganitong pahayg ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. Ilan sa
mga ekspresyong ginagamit sa pagpaphayag ng pananaw ay ang:

7
 Alinsunod sa…naniniwala ako na…
 Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay…
 Ayon sa…
 Batay sa…
 Kung ako ang tatanungin, nakikita kong…
 Lubos ang aking paniniwala sa…
 Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong…
 Para sa akin…
 Sa bagay na iyan masasabi kong…
 Sa ganang akin…
 Sang-ayon sa…

Gawain 3: Madali Lang ‘Yan

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na nagsasaad ng konsepto o pananaw at ng ekis (X) ang hindi.

1. Pag-isipang mabuti ang mga bagay bagay bago ito isagawa upang maiwasan ang pagkakamali.

2. Sino ang dapat sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng isang tao?

3. Sa aking pananaw, ang buhay ay nakabatay sa mga bagay na iyong pinipili o pinaniniwalaan.

4. Sa ganang akin, ang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng Panginoon.

5. Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong ang magandang buhay ay hindi lamang nakasentro sa ating sarili
kundi sa ating kapwa at Panginoon.

Gawain 4: Subukin Pa Natin!

Panuto: Gamit ang mga ekspresyong nasa ibaba ipahayag ang iyong konsepto at pananaw tungkol sa mga paksang
nakatala sa bawat bilang.
1. Gamit ang ekspresyong alinsunod sa…ay ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa turo ng iyong magulang.

2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong tularan gamit ang ekspresyong
ayon kay/sa…

3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa…ay ipahayag ang pananaw ng paborito mong awtor tungkol sa isang aklat na
kanyang ginawa.

4. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong Lubos ang aking paniniwala sa…upang masabi ang pilosopiya o gabay
sa buhay na iyong isinasabuhay…

8
5. Sabihin ang iyong pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong nalampasan gamit ang ekspresyong Palibhasa’y
naranasan ko kaya masasabi kong…

Puna
(Guro ang magbibigay ng puna)
___________________________________________________________________________________________________________

Maga Sagot
Gawain 1: Payabungin natin
1. d
2. d
3. c
4. b
5. b

Gawain 2: Sagutin natin

1. Positibong pahayag
2. Positibong pahayag
3. Negatibong pahayag
4. Positibong pahayag
5. Negatibong pahayag
6. Positibong pahayag

Gawain 3: Madali lang ‘yan

1. /
2. X
3. /
4. /
5. /

Resources:
Ikalawang Edisyon- Pinagyamang PLUMA 8 (K to 12)
Karapatang-ari 2017 ng Phoenix Publishing House, Inc. at nina Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G. del
Rosario, at Alma M. Day

You might also like