You are on page 1of 9

Joylyn B.

Asis BSED-IV

Baghay-Aralin sa Filipino 8

I. Layunin
Nagagamit ang kahusayan sa gramatika sa pagsulat ng sagot (F8WG-IIIg-h-33)

II. Paksang Aralin

1. Paksa: Bantas
2. Sangunia: Pinagyamang Pluma 8 by Alien Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Mary
Grace G. Del Rsoario
3. Kagamitan: Laptop, T.V.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa


panalangin “Sa Ngalan ng Ama…”

2. Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw po Gng.


Joylyn
3. Pagtse-tsek ng liban at hindi liban

Mayroon bang lumiban sa klase


ngayong araw? Wala po Gng. Joylyn

Kamusta kayong lahat? Sa awa po ng Dios ay mabuti


po kami.
Maigi kung ganun. Masaya ako na
malaman na kayong lahat ay nasa
mabuti.

4. Pagbabalik-Aral

Ano ulit ang ating tinalakay


kahapon? Tungkol po sa Ekspresyong
Hudyat sa Kaugnayang
Lohikal particular ang dahilan-
bunga, paraan resulta at iba pa.

Tama. Bakit mahalagang


matutunan ang mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayng lohikal? Mahalagang matutunan natin
ang mga ekspresyong hudyat
ng kaugnayang lohikal upang
madali nating makuha o
maunawaan ang mensaheng
nais iparating ng nagsasallita o
nagpapahayag.
Mahusay! Upang mas lalo tayong
magkaunawaan at
magkaintindihan kung ano ang
pinag uusapan.

B. Panlinang na Gawain

1. Lunsarang/Pagganyak

Bago tayo magtungo sa bago


nating aralin ay basahin muna
ninyo ang bahagi ng iskrip na
hango sa dokumentaryong
pelikulang Manoro (The
Teacher) ni Brillante Mendoza
na pinarangalan ng
CinemaAwenir Award noong
2006 sa Torinto International
Film Festival at itinanghal na
Best Picture at Best Director
ng Cinemalaya sa kaparehong
taon.
Ano- ano ang mga bantas na
ginamit sa iskrip? Ang mga bantas na ginagamit
sa iskrip ay tuldok, pananong,
padamdam at kuwit.
Tama. Ang mga bantas ay
ginagamit sa hulihan ng
pangungusap.

2. Paglalahad

Sa araw na ito ay ating tatalakayin


ang mga “Mga Bantas” at kung
paano ito gamitin. Sa katapusan ng
araling ito kayo ay inaasahang
magagamit ang kahusayan sa
gramatika sa pagsulat ng sagot.

Handa naba kayo? Opo Gng. Joylyn

3. Pagtatalakay

Iba’t-ibang uri ng bantas at kung


paano ito gamitin.

1. Gitling- ay ginagamit sa inuulit


na salita, isang pantig na tunog,sa
bagong tambalan, sa pagsulat ng
oras, sa apelyido at pagsaklaw ng
panahon at iba pa.

Sino sa inyo ang makapagbigay Sa inuulit na salita iba-iba,


ng halimbawa gamit ang bantas ilan-ilan, ano-ano
na gitling?
Sa pantig na tunog tik-tak,
ding-dong
Sa bagong tambalan lipat-
bahay, bigyang-buhay

Pagsulat ng oras ika-21 ng


hapon

Magaling! Maraming paraan ang


paggamit bantas na gitling.

2. Kuwit (,)- Ginagamit ang kuwit


sa pagsulat ng kompletong adres
—upang paghiwa-hiwalayin ang
pangalan ng gusali (kung
mayroon), kalye, bayan, lungsod,
lalawigan, bansa.
Tam-is, Maasin City, Southern
Magbigay ng halimbawa gamit Leyte
ang bantas na ito?

Tama. Punta naman tayo sa


pangatlong bantas.

3. Tuldok-kuwit o semicolon (;)-


Ginagamit ang tuldok-kuwit o
semicolon sa pagitan ng
malalayang sugnay ng
mahahabang tambalang
pangungusap na walang
pangatnig nag ginagamit.
Sa pag-upo ng katungkulan ng
Magbigay ng halimbawa? bagong pangulo, unang
inaasam ng karaniwang
mamayan ang pag-angat ng
kabuhayan ng bansa; ito’y
ayon sa pangakong binitawan
niya noong panahon ng
pangangampanya: trabaho para
sa masa at kontra pagtaas ng
presyo; tiyak na hihintayin at
aasahan ng publiko ang
pangakong ito.
Magaling.

4. Tutuldok o kolon (:)- Ginagamit


ang tultuldok sa hulihan ang
bating pambungad ng pormal na
liham, at pagsulat ng oras.
Mahal na punong barangay:
Magbigay ng halimbawa? Mahal naming Guro:

Tama. Ano naman sa pagsulat ng Ika-6:30 n.g


oras?

Mahusay!

5. Gatlang (-) – Gingamit ang


gatlang upang ipakita ang sakop
na bilang, petsa, oras.

Magbigay ng halimbawa gamit 1991-1998 Oktubre 5-9


ang gatlang na bantas?

Magaling. Punta naman tayo sa


panghuling bantas at ang gamit
nito.

6. Panipi (“ “)- Ginagamit ang


panipi upang kulungin nag
tuwirang sinasabi ng nagsasalita.

Sino sa inyo ang makabigay ng “Hindi kinukupkop ang


halimbawa? criminal, pinarusahan,” sabi ng
Pangulo.

Wala na po Gng. Joylyn


Magaling. May mga tanong paba
kayo?

4. Pagsusuri sa mga talakayan

Base sa leksyon natin, ano-ano Gitling ma’am, may iba’t ibang


ang iba’t-ibang uri ng bantas? paraan po ginagamit ang
gitling. Una, sa inuulit na
salita, halimbawa: ano-ano,
ilan-ilan at iba-iba, sa pagsulat
ng oras, at iba pa.

Tama. ang gitling ay may ibat-


ibang paraan sa paggamit,
ginagamit din ito sa pagsulat
ng apelyido at iba pa.

Kuwit itoy ginagamit


Ano pa ang ibang uri ng bantas pagakatapos ng bating
na ating ginagamit? pangwakas ng liham.

Halimbawa:

a. Ang iyong kaibigan,


b. Lubos na gumagalang,

Tuldok kuwit o semikolon,


Magaling! Ano pa? Kumain ka ng maraming
prutas; ito’y makabubuti sa
katawan.

Opo maam.
Tama. mayroon pa bang uri ng
bantas?
Tutuldok o kolon
Ano po yun? Halimbawa: Juan 36:1

Gatlang, halimbawa nito ay


1996-2020
Panipi, halimbawa ang binasa
niyang aklat ay hinggil sa
bagong “Computer
Programming”.

Napakahusay! Magaling.

5. Paglalahat

Mahalaga bang matutunan natin Para sa akin po, mahalagang


ang iba’t ibang uri ng bantas? matutunan natin ang ibat-ibang
bantas upang mas lubos nating
maintindihan ang mga pahayag
o pangungusap na ating
binabasa, sa pamamgitan ng
bantas ay napapalinaw ang
mga nais ipahayag sa
pangungusap at talata.

Tama. Mahalaga talaga nating


matutunan ang mga bantas sa
pagsulat at panaliksik upang
walang malito at hindi magkamali.

C. Pangwakas na Gawain

Isulat sa linya kung tama o mali


ang pagkakagamit ng mga bantas
sa bawat bilang.

______1. Mahal kong Josie-


(bating panimula ng liham)

______2. Ailine Baisa- Julian (ang


pangalan ng nanay)

______3. Ika-27ng Mayo, 1973


(petsa ng kaarawan)

______4. Mateo 25;21 (Bersikolo


ng Bibliya)

______5. isda, karne, manok, at


gulay

IV. Pagtataya
Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang. Isaalang-alang ang tamang bantas,
baybay, at pagkakaugnay ng mga pangungusap sa iyong isusulat na sagot.

1. Isulat kung kailan at anong oras ka ipinanganak.

2. Bumuo ng pangungusap hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. (kung kailan


nagsisimula at nagtatapos ang pagdiriwang na ito ng mga Pilipino).

3. Sumipi ng isang pahayag mula sa kilalang personalidad o hinahangaang taong magagamit


mong gabay sa iyong buhay.

V. Takdang-Aralin

Basahin ang ating susunod na aralin, Aralin 5 “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” sa
pahina 438-457.

You might also like