You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin

a. Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinghagang salita mula sa akdang narinig.


b. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa bahagi ng akdang napanuod.
c. Nailalarawan ang mga tagpo batay sa akda sa pamamagitan ng pagtatanghal.

II. Paksang Aralin

Paksa: Florante at Laura: Si Aladin, Ang Tagapagligtas (saknong 143- 215)


Sanggunian: Gabay ng guro at curriculum guide
Kagamitan: larawan, powerpoint presentation, cartolina at bidyu

III. Proseso ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng mag- aaral

A.Panimulang Gawain

1. Panalangin

Maari bang magsitayo ang lahat para sa


isang panalangin
(ang lahat ay tumayo)
2. Pagbati

Magandang umaga klas!


Magandang umaga din po.
Maari ng magsi-upo ang lahat.

3. Pagtala ng liban

Maari ko bang malaman kung sino


ang liban sa araw na ito?
Floramil maari mo bang sabihin sakin?

Wala po ma'am. Lahat po


po ay naririto
Mainam, ako’y lubos na nagagalak dahil
lahat ay naririto.

4. Pagwawasto ng takdang aralin

Kahapon ay may ibinigay akong takdang aralin


sa inyo. Ginawa ba ninyo klas?
Opo ma’am
Kunggayon, kunin ninyo ito at
ipasa sa unahan.

5. Pagbabalik- aral

Bago tayo dumako sa ating bagong


talakayan balikan muna natin ang tinalakay
kahapon. Natatandaan niyo ba ang tinalakay
natin kahapon?
Opo ma’am
Kung natatandan nyo talaga ang ating aralin
kahapon mayroon ako ditong inihandang
mga larawan, ang bawat larawan ay inyong
tutukuyin, naunawan ba ninyo klas?
Opo ma'am

(sasagot ang mga mag-aaral)

Siyang tama! Siya ay kilala o tanyag sa pangalang


Francisco Balagtas o Francisco Baltazar.
Siya rin ang may akda ng Florante at Laura.

(sasagot ang mga mag-aara)


(sasagot ang mga mag-aaral)

(sasagot ang mga mag-aaral)

Siyang tama,siya ay si Laura.

Ako ay nagagalak at may naimbak


kayong kaalaman sa tinalakay natin kahapon.

B. Pagganyak
Handa na ba ang lahat para sa panibagong
talakayan?
Opo ma’am

Pero bago iyon, meron ako ditong inihandang mga


larawan na tiyak akong pamilyar kayo sa mga ito.
Paunahan sa pagsagot.
Ngayon ay magsimula na tayo
Kilala nyo ba kung sino ang mga ito?

Opo ma’am.

Kunggayon ,anu ano ang kanilang ginagampanan?

Sila po ay tagapaggamot
ng maysakit.
Tama!

Eh, ito kilala nyo ba kung sino sila?


Ano rin ang kanilang tungkulin?
Sila po ang tagapag- apula ng apoy.
Tama!

(sasagot ang mga mag-aaral)

(sasagot ang mga mag-aaral)


C. Presentasyon

Mayroon na ba kayong ideya o ano sa tingin


niyo ang ating tatalakayin ngayon umaga?
Ma’am sa tingin ko po ay tungkol
sa mga superhero at tungkulin.
Mahusay, mayroon kang ideya.
Sino pa ang makapagbibigay ng ibang sagot?
(Tumaas ng kamay ang mag aaral)
Sa tingin ko po ito ay tungkol sa taga-
pagligtas.
Mahusay! Bigyan ng limang bagsak.
Ang mga mag-aaral ay pumalakpak
D. Pagtalakay

Ngayon, tayo na’t magtungo sa ating bagong


talakayan pero bago iyon ay maghahawan muna
tayo ng sagabal.
Ang inyong gagawin ay huhulaan ang katumbas
na salita sa quecard pero bago iyon kayo ay aking
ipapangkat sa dalawang grupo. Ang unang hanay
ng upuan ay pangkat isa at ikalawang hanay naman
ay ikalawang pangkat. Ang inyong gagawin ay
magpipila sa magkabilang gilid ng silid-aralan kung
sino ang unang makaraming hula ng sagot siya ang panalo.
Naiintindiahan ba ninyo ang ating alintuntunin?
Opo ma’am
Mga posibleng laman ng quecard:
1.himutok
2. humilig
3. giliw
4. sisilain
5.kutya
6. lumbay
7. buntong- hininga
8. payapa
9.bantog
10.yapos
Mga sagot
1. reklamo/daing
2. sumandal
3. Minamahal
4. dagitin
5. Panglalait
6. Malungkot
7. Paghihinagpis
8. Tahimik
9. Tanyag
10. Yakap

Kahanga hanga ang inyong mga sagot.


Ok, klas ang mga salitang inyong hinulaan ay
inyong masusumpungan sa panunuod ng bidyu.
Handa na ba kayo sa panunuod?
Opo ma’am
Kunggayaon, kayo ay makinig ng mabuti sapagkat
pagkatapos niyong panuorin meron ako ditong
inihandang mga katananungan na inyong sasagutan.
Naunawaan nyo ba klas?

Opo ma’am
(ang mga bata ay manunuod)
Ngayon naman ay titingnan natin kung may
naunawaan ba kayo sa inyong napanuod.

Ano ang pamagat ng inyong pinanuod?

(sasagot ang mga mag-aaral)


Tama!Sino-sino naman ang mga tauhang
binanggit sa kwentong inyong napanuod?
Si Aladin po at Florante
Mahusay! Bakit kaya naghihimutok ng labis
si Aladin sa kanyang ama?
(iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Magaling, kung kayo si Aladin gagawin niyo rin ba


ang kanyang ginawa?
(iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Bakit kaya naghinagpis ng todo si Florante


sa kanyang sinisinta?
(iba’t iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Mahusay ako’y nagaggalak bigyan


ng palakpak ang bawat isa.
(Ang mga mag- aaral ay pumalakpak )
E. Paglalapat
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng gawain.
Papangkatin ko kayo sa tatlong grupo.
Ang bawat pangkat ay pipili ng lider upang
pumunta sa harapan para sa bunutan ng paksang
ibabahagi sa klase.
Pero bago iyon narito muna ang mga pamantayan

Mga pamantayan Nakalaang puntos


1. Masining 20

2. Hikayat sa madla 20

3. Tamang bigkas ng mga salita 30


4. Malinaw na naipahayag ang
damdamin at mensahe 30

Kabuuan:100%

Naunawaan ba klas ang alituntunin?

Opo ma’am

Pumunta na rito ang lider ng bawat pangkat.


(bubunot ang mga lider ng
papel na may kaakibat na gawain)

Ano ang napili ng bawat pangkat?

Unang pangkat
“Pagbabalita”
Gumawa ng pagbabalita ukol sa
pangyayaring naganap sa
akdang Florante at Laura
(si Aladin, Ang Tagapagligtas)

Ikalawang pangkat
“Paggawa ng tula”

Gumawa ng sariling tula batay sa


paksang “Ang Tagapagligtas”
Ikatlong pangkat
“Pagsasadula”
Gumawa ng isang senaryo na pangyayaring
naganap sa akdang inyong napanuod.

Naunawaan ba klas ang gagawin?

Opo Ma’am

Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto


para sa gawaing ito.

Handa na ba klas?

Opo Ma’am

Maaari na kayong magsimula.

(Gagawa ang mga mag-aaral)

Tapos na ba klas?

Opo Ma’am

Maghanda para sa inyong presentasyon

(Naghanda ang mga


mag-aaral sa presentasyon)

Napakahusay ninyo klas sa larangan


ng sining at pag-arte. Pinatunayan din ninyo
na kayo ay may kahusayan na sa pagsulat
at pagbigkas. Ako ay inyong pinahanga kaya
naman bigyan natin ang bawat pangkat
ng “Aling Donisia klap”

May mga tanong pa ba kayo?

Wala na po
G.Paglalahat

Klas, ilarawan ang pakikipaglaban ni Aladin.

Nilabanan ni Aladin ang dalawang leon


ng walang takot, ginamit niya ang kanyang
napakatalas na sandata upang ito’y
matalo at mamatay.
Pagkatapos na mapatay ni Aladin
ang dalawang leon ano ang kanyang
ginawa kay Florante?

Pagkatapos na mapatay ni Aladin ang


dalawang leon dali-dali niyang kinalagan
si Florante at inakay ito.

Tama, Kung kayo si Aladin gagawin nyo rin ba ang


kanyang ginawang pagtulong kay Florante kahit
na magkaaway ang kanilang bayan at
magkaiba sila ng relihiyon. Bakit?

Opo, hindi rin po ako magdadalawang


isip na tulungan ang aking kapwa
kapag ito ay napapahamak o humingi ng tulong

Magaling! Naunawaan ba klas ang ating


paksang tinalakay?

Opo Ma’am

May mga tanong ba kayo tungkol sa paksa?


Mga hindi naunawaan o malabo sa inyong
pang-unawa?

Wala na po.

Kung gayon, bago natin lisanin ang ating aralin


ngayong araw ay magkakaroon muna tayo ng
isang pagsusulit.
H. Pagtataya
Okay, magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit.
Mayroon ako ritong mga katanungan.
Kumuha ng isang kapat na papel.

Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa bawat bilang piliin ang wastong sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Siya ay isang gererong nagligtas sa buhay ni Florante sa dalawang leon.


a. Adolfo
b. Menandro
c. Aladin
d. Alejandro

2. Sa paghahanap ni Aladin sa isang tinig at boses ginamit niya ang


kanyang___________ para putulin ang mga nakaharang sa kanyang dadaanang
gubat?

a. Sibat
b. Tali
c. Sandata
d. Palakol

3. Sinong binata ang sisilain ng dalawang leon sa gitna ng kagubatan?


a. Miramolin
b. Aladin
c. Laura
d. Florante

4. Siya ang kasintahan ni Aladin.


a. Flerida
b. Laura
c. Floresca
d. Eva
5. Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida.
a. Menandro
b. Sultan Ali- Adab
c. Heneral Meramolin
d. Albanya
Mga sagot
1. C
2. C
3. D
4. A
5. B

Sino ang nakakuha ng limang puntos?

(itataas ng gma mag-aaral ang


kanilang mga kamay)

Kasiya-siyang bunga klas, ito ay dahil


nakinig kayo ng mabuti sa ating talakayan
kaya kayo ay nakakuha ng mataas na puntos.

Bigyan ng limang bagsak ang inyong mga sarili.

I. Takdang Aralin

Ngayon klas, bago natin lisanin ang klaseng


ito maaari bang kunin ang inyong kwaderno
at kopyahin ang inyong karagdagang
gawain para bukas

Pumili ng isang panyayari ukol sa napanuod mong


kwento na Florante at Laura (Si Aladin, Ang Tagapagligtas)
at iguhit ang napili mong pangyayari

You might also like