You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 7

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Makapagbigay halimbawa ng palaisipan;
b. Makalikha ng palaisipan; at
c. Piliin ang tamang palaisipan.

II. Paksang Aralin: Ponemang Suprasegmental


a. Paksa: Palaisipan
b. Sanggunian: Modyul sa Filipino 7, Kwarter 3, Linggo uno
c. Kagamitan: Biswal eyds, laptop, tv
d. Stratehiya: Tradisyonal
e. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga lumang panitikan.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral


A. Mga paunang gawain
1. Panalangin/Pagbati
Inaanyayahan ko ang lahat na
tumayo para sa panalangin. (panalangin)

Magandang umaga sa lahat. Magandang umaga po Ma’am Sharmaine.

Bago kayo umupo, mangyari’y


pulutin ang mga basura na
inyong makikita sa inyong tapat.

2. Pagtala ng Liban
Maari ko bang malaman kung
sino ang liban sa klase ngayon? Lahat po ay nandito maam.

Magaling! Nakakatuwa naman at


walang liban sa klase ngayon.

3. Pagtatakda ng mga
pamantayan
Habang nagkakaroon tayo ng
talakayan, ano ang gagawin ng
mga mabubuting mag aaral sa
klase? Maupo ng maayos. Makinig sa guro.
Sasagot kapag tinatanong. Makikilahok sa
talakayan.

Maaasahan ko ba lahat yan sa


inyo klas?
Opo, Ma’am.

4. Pagwawasto ng mga takdang


aralin.
May takdang aralin ba tayo klas?
Opo Ma’am.
Kung ganon ay atin itong iwasto.

B. Mga Gawaing Pampagkatuto


1. Balik Aral
Sino ang makakatulong sa atin
na maalala ang aral na ating
tinalakay noong nakaraang
tagpo? Sige Shiela.
Maam ang ating tinalakay noong
nakaraang tagpo ay tungkol sa Tulang
Magaling! Sino naman ang Panudyo, Tugmang de Gulong at Bugtong.
makakapag bigay ng kahulugan
ng Tulang Panudyo? Sige
Shaira. Ito’y isang uri ng tula na may layuning
umuyam o manudyo. Ang tulang panudyo
ay maaaring manukso, magbiro,
mambuska o mangharot Ma’am.
Tama!

Ano naman ang Tugmang de Ito po ay mga paalala na maaaring makita


gulong Recto? sa mga pampublikong sasakyan tulad ng
dyip, bus at traysikel.
Magaling!

Paano naman ang Bugtong? Ito po ay isang pangungusap o tanong na


may doble o nakatagong kahulugan na
nailulutas bilang isang palaisipan.
Mahusay Recto!

2. Pagsasanay
Sa oras na ito, tumayo ang lahat at
tayoy magkakaroon ng Zumba. (nagsasagawa ng Zumba)

Nag enjoy ba kayo klas? Opo Ma’am.

Mabuti. Magsi-upo na ang lahat.

3. Pagganyak
Ngayon, masdan niyo ang
larawan na aking ipapakita.
Ano ang napapansin ninyo sa unang
larawan?

Magaling! Ito ay parang may iniisip.


Nagiisip po.
Ano kaya ang kanyang iniisip?

Mahusay! Maaring siya ay nag iisip


sa mga sagot ng mga katanungan sa Mga sagot po sa mga katanungan.
kanya.

4.Presentasyon
a. Paglalahad ng mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
a. Makapagbigay halimbawa ng
palaisipan;
b. Makalikha ng palaisipan; at
c. Piliin ang tamang palaisipan.

b. Paghahawan ng Balakid
 Palaisipan- pahulaan

c. Paglalahad ng paksang aralin


Sa araw na ito, ang ating talakayan ay
patungkol sa Palaisipan.

Meron ba kayong ideya kung ano ang


Palisipan? Wala po Ma’am.

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng


bugtong (enigma) na sinusubok ang
katalinuhan ng lumulutas nito. Sa
karaniwang palaisipan, inaasahan na
lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga piraso sa isang
lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.

Halimbawa:
May tatlong pinto na kailangan mong
daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod
nito ay may mga panganib. Sa isang pinto,
may napakalaking apoy sa dadaanan
palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong
babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa
huli naman ay may isang leon na tatlong
taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?

Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng


tatlong taon ang leon, patay na ito.

Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat


na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa
ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na
ngayon?

Sagot: Ikatlo

May mga buwan na mayroong 31 araw


habang mayroon namang may 30 araw. Ilan
naman ang mayroong 28 araw?

Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw.


Ma’am ano ang makikita mo sa gitna ng
dagat? (titik G)
Magbigay ng halimbawa ng palaisipan klas.

Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na


Tama! Ito’y isang halimbawa ng palaisipan, gusali, saan ang bagsak mo? (sa ospital)
ano pa?

Mahusay! Naintindihan nyo talaga ang ating


talakayan.

C. Pagpapahalaga
Paano natin magagamit ang mga
palaisipang ito sa ating buhay at Mahalaga po ito sapagkat nakatutulong po
bakit ito mahalaga? ito sa atin na mag isip ng mapanuri.

Magaling!

Ito’y nakatutulong para maging


mapanuri tayo sa pag iisip at lutasin
ang mga matalinghagang
katanungan.

D. Paglalapat
Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa
Dalawa. Ang inyu lamang gagawin
ay gumawa ng isang palaisipan at
pagkatapos ay inyong ipapa sagot sa
kabilang pangkat. Meron lamang
kayong tatlong minuto para gawin
ito. At ang oras ay nagsisimula
ngayon.

Oras na para ipresenta ang inyong (pinipresenta ang kanilang gawa)


gawa.

IV. Pagtataya

Sa oras na ito, kumuha ng isang


ikaapat na papel at sagutin ang mga
tanong na palaisipan. Piliin lamang
tamang sagot. Mayroon lamang
kayong tatlong minuto para sagutan
ito.

Bukas pangako apoy

Titik O mali

1. Ano ang makikita mo ng isang beses


sa isang minuto, dalawa sa walong
siglo, pero hindi sa habambuhay?

2. Ano ang laging parating pero hindi


naman talaga dumarating?

3. Anong bagay ang nasisira na, hindi


pa man naisasakatuparan?

4. Anong salita sa diksiyonaryo ang


laging binabaybay nang mali?

5. Anong bagay ang kapag pinakain


mo ay tumitindi, kapag pinaiinom
naman ay namamatay?

Oras na para mag wasto, magpalitan ng


papel sa katabi. Limang kamay para
sumagot sa tanong 1-5. (nagtaasan ng mga kamay)

Ipasa sa harapan ang papel mula sa


nakakuha ng perpek na iskor pababa.
V. Kasunduan
Takdang aralin
Para sa inyong takdang aralin, mag aral sa
mga paksang ating tinalakay nuon mga
nakaraang araw.

Paalam na sa lahat. Paalam na po Ma’am Sharmaine.

Prepared by: Checked/Inspected:

SHARMAINE S. TAYAPAD VENUS N. ALLEN


Intern in Filipino Cooperating Teacher

You might also like