You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Mindanao State University


Lungsod ng Marawi
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Sekondaryang Pagtuturo

Filipino 9

I. PAMANTAYAN
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang
A Pangnilalaman
ng Kanlurang Asya.

a) Natutukoy o nagagamit ang pang-abay at ang


mga uri nito.
B Pagganap b) Nakapagbibigay ng mga pangungusap gamit
ang tatlong uri ng pang-abay.
c) Nabibigyan ng kahalagahan ang pang-abay.

II. Paksang Aralin

 Paksa Gramatika at Retorika: Pang-abay

 Sanggunian MSU-ILS Modyul sa Filipino 9 (Ikatlong Markahan)

III. Kagamitan Mga kagamitang biswal aids

IV. Yugto ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A ALAMIN/TUKLASIN

a. Panalangin

 Magsitayo ang lahat para sa ating (Magsisitayo at magdadasal)


panalangin. Pamunuan mo ginoong Yusoph
Mamintal.

b. Pagbati at Pagtala ng liban

 Magandang umaga klas! Magandang umaga po ma'am.

 Bago kayo magsiupo, pakitingnan muna ang


ilalim ng inyong mga upuan kung may
basura, at kung mayroon man ay pakitapon
ito sa tamang lalagyan.
 Ayan maaari na kayo umupo.

 May lumiban ba sa klase natin ngayon?  Wala po ma’aam.

 Kumusta naman kayong lahat?


 Mabuti naman po ma’am.

 Alhamdulillah! Bago natin simulan ang


ating talakayan sa umagang ito, nais ko
muna ipaalala sa inyo ang aking mga
alituntunin sa loob ng klase. Una, huwag
makipag-usap sa katabi kung wala namang
sasabihing importante. Pangalawa, huwag
gumamit ng cellphone habang nagkaklase at
panghuli, makinig mabuti at magtanong sa
guro kung mayroon man hindi maintindihan
sa tinatalakay. Maliwanag ba?
 Opo ma’am.

c. Balik-aral

 Bago natin simulan ang ating talakayan


ngayong umaga, ano nga ulit yung tinalakay
natin kahapon?
Ma’am patungkol po sa alamat na Ang Banal na
Lasenggo.

 Tama! Kahapon ay tinalakay natin ang


alamat ng Ang banal na Lasenggo. Ito ay
alamat mula sa bansang Turkey.

 Ano ang aral na napulot o natutunan niyo sa


alamat na ating binasa kahapon? Huwag husgahan ang nakikita at huwag makinig sa
sabi-sabi ng iba. Alamin muna ang totoong nangyari.
 Tama! huwag natin basta husgahan ang
ating nakikita at huwag basta na lang
makinig sa naririnig o sa mga sinasabi ng
iba.

d. Pagganyak

 Ngayon naman klas, ay panibagong aralin


ang ating tatalakayin. Bago natin simulan
ang pagtalakay sa ating aralin sa araw na
ito, magkakaroon muna tayo ng isang
gawain. pamilyar naman kayo sa “Last Man
Standing” dba. Kapag ang huling nabanggit
ko ay first man to stand, ibigsabihin ang
sinumang maunang tumayo ang taya. At
kapag ang huling sinabi ko ay last man to
stand, ang huling makakatayo ang siyang
taya naman. Ang mga magiging taya ay
pipili sa mga larawan na nakadikit sa pesara
at pagkatapos ay bubuo siya ng
pangungusap gamit ang larawan na
kaniyang napili. Halimbawa; Idinadaraos
ang buwan ng wika tuwing Agosto.

 Naiintindihan ba ang gagawin?

 Ok! Simulan na natin.


Opo Ma’am.

------------Pagsasagawa sa gawain--------------

B. LINANGIN (TALAKAYAN)

 Batay sa naging aktibiti natin, ano sa tingin Ma’am, pang-uri po?


niyo ang tatalakayin natin ngayong umaga
klas? Sinong may ideya sa inyo?

 Pang-uri? Sino pa may ibang sagot?

Ma’am, pang-abay po?


 Tama! Ang tatalakayin natin ngayong
umaga ay patungkol sa pang-abay. Bago
natin simulan ang diskusyon, basahin muna
natin ang ating layunin sa paksang ating
tatalakayin ngayong umaga.

 Basahin ng sabay-sabay ang layunin. (babasahin ng sabay-sabay)

a) Natutukoy o nagagamit ang pang-abay at


ang mga uri nito.
b) Nakapagbibigay ng mga pangungusap gamit
ang tatlong uri ng pang-abay.
c) Nabibigyan ng kahalagahan ang pang-abay.

-----------Buong Pagpapaliwanag------------

 Ano nga yung pang-abay klas?


Ma’am, adverb?

 Tama! Ang pang-abay klas ay tinatawag sa


Ingles na adverb. Upang mas maintindihan
natin ang pang-abay, basahin natin ng (babasahin ng sabay-sabay ang depinisyon ng pang-
sabay-sabay ang depinisyon nito. abay)

 Ang pang-abay klas ay mga salitang


naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at
kapwa pang-abay.
 May tatlong uri ang pang-abay, ang pang-
abay na pamanahon, pang-abay na
panlunan, at pang-abay na pamaraan.

 Ms. Gutoc, pakibasa ang pang-abay na


pamanahon. (babasahin)

 Maraming Salamat! Ang pang-abay na


pamanahon klas ay nagsasaad kung kailan
naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos
na isinasaad ng pandiwa. Maaaring ito ay
gumagamit ng mga panandang gaya ng
nang, sa, noong, tuwing, at iba pa. Maaari
rin walang pananda tulad ng kahapon,
kanina, bukas, mamaya, at iba pa. sa
medaling salita klas, ito ay sumasagot sa
tanong na kailan. Naintindihan ba?

 Halimbawa; Darating na raw ang tatay ko


mula Saudi bukas. Saan ang pang-abay na
pamanahon sa halimbawa klas? Yung bukas po ma’am.

 Tama! Ang salitang bukas ang ginamit na


pang-abay na pamanahon.

 Isa pang halimbawa; ginagawa ko ang aking


takdang aralin tuwing madaling araw. Saan Tuwing madaling araw.
ang pang-abay na ginamit klas?

 Tama! Ginagawa raw niya ang kaniyang


takdang aralin tuwing medaling araw.
Naintindihan ba ang pang-abay na Opo ma’am.
pamanahon klas?

 Sege nga, kayo naman ang magbigay ng


halimbawa.
Bukas kami magkikita ng kaibigan ko.
 Mr. Gabriel?
 Tama! Kailan daw sila magkikita ng Bukas!
kaibigan niya?

 Tama! Bukas raw ay magkikita si Gabriel at


ang kaibigan niya.

 Dumako naman tayo sa pang-abay na


panlunan. Pakibasa ng sabay-sabay. (babasahin ng sabay-sabay)

 Ang pang-abay na panlunan klas ay


tumutukoy sa lugar na pinangyarihan,
pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos
ng pandiwa. Kung kanina, ang pang-abay na
pamanahon ay sumasagot sa tanong na
kailan, ang pang-abay na panlunan naman
ay sumasagot sa tanong kung saan.

 Halimbawa; mag-aaral siya sa Unibersidad


ng Pilipinas. Saan daw siya mag-aaral klas? Sa Unibersidad ng Pilipinas.

 Tama! Saan ang pang-abay na panlunan


Ang Unibersidad ng Pilipinas po.
diyan klas?

 Tama!

 Isa pang halimbawa; sa parke kami


nagkikita ng aking mga kaibigan. Saan daw Sa parke.
sila nagkikita ng mga kaibigan niya?

 Tama! Ang sa parke ay isang halimbawa ng


pang-abay na panlunan. Naiintindihan ba? Opo ma’am.

 Kayo naman ang magbigay ng halimbawa.

 Ms. Alaneez? Sa bahay namin kami nagtatambay ng aking mga


kaibigan.

 Tama! Sa bahay daw nila sila nagtatambay


ng kaniyang mga kaibigan. Ang pang-abay Sa bahay nila.
na panlunan na ginamit ay?

 Tama!

 Dumako naman tayo sa pang-abay na


pamaraan. Pakibasa ginoong Hussein. (babasahin)

 Maraming salamat! Ang pang-abay na


pamaraan klas ay tumutukoy sa paraan kung
paano nangyari, nangyayari, o mangyayari
ang kilos ng pandiwa. Kung kanina ang
pamanahon ay sumasagot sa tanong na
kailan at ang panlunan ay sumasagot sa
tanong na saan, ang pang-abay na pamaraan
namn ay sumasagot sa tanong na paano.
Kung paano nangyari ang isang kilos.

 Halimbawa; Mabilis magpatakbo ang


drayber ng jeep na nasakyan ko. Paano daw
magpatakbo ang drayber?
Mabilis.
 Tama! Ang salitang mabilis ay halimbawa
ng pang-abay na pamaraan.

 Isa pang halimbawa; Masipag na nag-aaral


ang mga mag-aaral. Saan ang pang-abay na
pamaraan diyan?

 Tama! Masipag. Naiintindihan ba ang pang- Masipag.


abay na pamaraan?
Opo ma’am.
 Magaling! magbigay ng halimbawa ng
pang-abay na pamaraan Ms. Muhajira.
Mahigpit na niyakap niya ang kaniyang nanay.
 Magaling!

 Naiintindihan ba ang pang-abay klas?


Opo ma’am.
 Ano nga ulit ang tatlong uri ng pang-abay?
Pang-abay na pamanahon, pang-abay na panlunan, at
 Mahusay at naintindihan niyo. pang-abay na pamaraan.

C. PAGNILAYAN / UNAWAIN

 Upang makita at malaman ko na


talagang naintindihan niyo ang ating (pipili ng kapareha at magsisikuha ng papel at
tinalakay, pumili ng kapareha at kumuha magsasagot)
ng isang buong papel at sagutan ang
gawain 1 at gawain 2. Bibigyan ko kayo
ng labing limang minuto upang sagutan
ang mga gawain. naiintindihan ba?
Opo ma’am.

Gawain 1: “Kayo Naman”


Panuto: Salungguhitan ang mga pang-abay na
matatagpuan sa bawat pangungusap. Pagkatapos,
isulat sa patlang kung ito ba ay pamanahon,
panlunan, o pamaraan.
_____1. Masipag na nagwawalis sa bakuran si ana.
_____2.Tahimik na kumakain si aziz.
_____3. Magtatrabaho na ako sa susunod na linggo.
_____4. Nagtungo sa bukid si Bryan para bigyan
ng miryenda ang kaniyang tatay.
_____5. Idinaraos tuwing Agosto ang Buwan ng
Wika at Kultura.

Gawain 2: “Larawan ko’y usapan niyo”


Panuto: Bumuo ng usapan na ginagamitan ng
pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan
batay sa larawan sa ibaba. Hindi hihigit sa Lima at
bababa sa tatlong dayalogo. Naintindihan ba?

Opo ma'am.

---------Iba pang Pagpapaliwanag---------

B. ILIPAT

 Narito ang inyong takdang aralin o gagawin


sa bahay.

Panuto: Bumuo ng isang sitwasyon na kinapa-


palooban ng pang-abay na pamanahon, panlu-
nan,saatbukid
pamaraan gamit ang mga salita o pari-
sa tindahan
rala sa kahon.
nang mahigpit nang patihaya

sa susunod na buwan tuwing umaga.


Opo ma’am.
 Naiintindihan niyo ba klas ang inyong
gagawin sa takdang aralin niyo?

 Mabuti naman. Huwag niyong kakalimutan


itong gawin. Ipapasa niyo ito sa susunod na Opo ma’am.
pagkikita natin. Maliwanag ba?

 Paalam klas! Paalam po ma’am Fahm.

You might also like