You are on page 1of 8

Masusing Banghay-aralin sa Pagtuturo ng filipino sa Elementarya 1

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng Klase,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

● Nauuawaan ang kahulugan ng dalawang uri ng Morpema


● Natutukoy ang pagkakaiba ng malayang morpema at di-malayang morpema
● Nakabubuo ng mga salita at iba-ibang halimbawa ng malaya at di-malayang morpema sa isang
pangungusap

II. Paksa : Uri ng Morpolohiya

A. Sanggunian: (2017).Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino


http://floredelresus.blogspot.com/2017/08gamit-ng wika-sa-lipunan_11.html

B. Kagamitan: Visual aids, kahon, at speaker

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magandang Umaga mga Bata.Bago
natin simulan ang ating talakayan nais Magandang Umaga po Ma'am!
kung yumuko ang lahat at sabay-sabay
tayong mga alay ng panalangin .
(nag alay ng panalangin)
AMEN!
AMEN!
2. Pagbati

Magandang Umaga mga Bata!


"Magandang Umaga po Teacher!"

"Magandang Umaga mga kaklase "


kumusta ang araw ninyo?
Mabuti po,teacher.
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase

Bago tayo mag simula sa ating


talakayan ngayong araw ay,magtataya
muna ako kung sino ang wala ngayon sa
klase.
May lumiban ba ngayon sa klase?
Wala po!
Wala.Magaling at kompleto kayo
ngayon.

4. Balik-aral

Bago nating simulan ang ating


talakayan ngayon,atin munang balikan
ang paksang tinalakay noong nakaraan.
Sino ba dito ang nakaka-alala kung ano
ang paksang tinalakay noong nakaraan?

Honey! Ika'y nag taas ng iyong kamay.


Ang tinalakay po natin noong nakaraan ay
patungkol sa morpolohiya.
Tama! Magaling Honey.

Morpolohiya ang ating tinalakay noong


nakaraan at napag alaman natin na ang
morpolohiya ay isang bahagi ng
linggwistika na nag susuri sa
kahalagahan ng morpema ng isang wika
at ng pag sasama ng mga ito upang
makabuo ng salita.

B. Pagganyaak / Energizer

Ngayon naman mag kakaroon tayo ng


laro para mapukaw ang inyong mga natutulog na
isipan.Ang larong ito ay pinamagatang KUNIN AT
SAGUTAN MO AKO.

May kahon ako dito at may laman itong


mga salita at kailangan mo itong ibigay
ang kanyang kahulugan. At ipapasa ito
hanggang sa huminto ang musika at
kung sino man ang mahintoan nito ay
siya ang sasagot.Maliwanag mga bata ?
Opo.
(Umpisa)

Gilbert.Ikaw ang sasagot.Basahin ang


salitang iyong nabunot. Bahay.Ito ay tirahan ng isang pamilya at nag
sisilbing panangga sa mga kalamidad.
Magaling!

Sana ay nabuksan ang inyong mga


isipan sa ating ginawang laro.

C. Gawain / Activity

Ngayon naman ay mayroon akong


inihandang gawain na makatutulong upang
magkaroon kayo ng ideya kung ano ang ating
tatalakayin ngayon.

Ang gawaing ito ay tinatawag na


"jumbled letters" kung sino ang unang makabuo ng
mga salita ay siya ang tatanghaling panalo.

Maliwanag ba? Opo teacher!

Mga salitang dapat nilang mabuo:

● Malayang Morpema
● Di-malayang Morpema
(Unang Grupo ang nanalo)
"Magaling! bigyan natin sila ng magaling "Magaling,Magaling,Magaling!"
Clap."

D. pagsusuri / Analysis

Batay sa inyong ginawa kanina, Sino dito


ang may ideya na kung ano ang ating (nag taas ng kamay si Reyna)
magiging talakayan ngayong araw?

Sige,Reyna tumayo ka at ilahad mo ang Ma'am, batay po sa aming ginawang laro kanina ay
iyong sagot sa klase. masasabi kong ang ating talakayan ay patungkol sa
mga uri ng morpema.
Tama!magaling.Ang ating bagong talakayan
ngayon ay patungkol sa Uri ng morpema.

E.Pag hahalaw / Abstraction

Ang ating talakayan ngayong umaga ay


tungkol sa uri ng Morpema.
Ano muna ang Morpema?
Ang kahulugan ng morpema ay ito ang
pinakamaliit na yunit na bahagi ng
isang salita.Ang ibig sabihin ng yunit ay
hindi na maaari pang mahati nang hindi
masisira ang kahulugan nito.Ang
morpema ay maaring isang
salitang-ugat o panlapi.
Ang Morpema ay may dalawang uri Ito
ay ang malayang morpema( free
morpheme) at ang Di-malayang
morpema ( Bound morpheme).Simulan
natin sa pag bibigay ng kanilang
kahulugan.
Ang Malayang Morpema ito ay ang mga
salitang may sariling kahulugan na hindi
na maaaring hatiin.Itinuturing din itong
salitang ugat.
Ang uring ito morpema ay binubuo ng
pangalan,pang-uri,pandiwa o panghalip
at ang pang-abay kasama ang
pangatnig na may sariling diwa at
katuturing ipinahahayag.
halimbawa:
talino,sipag,linis,linaw,dilim,dasal
bahay,at iba pa
Ngayon naman dumako naman tayo sa
di-malayang morpema.Ang di-malayang
morpema ay tumutukoy sa mga panlapi
na ikinakabit sa salita at upang
magkaroon ito ng
kahulugan.Kinakailangan itong ilapi sa
ibang morpema upang maging malinaw
at tiyak ang kahulugan.
halimbawa: Unlaping "ma
-,mag,-hulaping -um, at -un at in-
ma+galing= magaling
ma+ganda= maganda
Naintindihan mga bata? Opo!
Tingnan natin kung naintindihan.

Ano nga ulit ang malayang morpema?


Sige,Elma.
ang malayang morpema po teacher ito ay may
sariling kahulugan na at hindi na pwedeng hatiin
Tama, magaling Elma,nakikinig ka nga pa.
talaga sa klase.

F.Paglalapat/Application

Ngayon naman mga bata mag kakaroon


tayo ng laro.Para makita ko kung
nakinig ba talaga kayo sa ating
talakayan ngayon.Mayroon akong
kahon dito at ang gagawin niyo lang ay
bubunot kayo ng isang papel sa loob ng
kahon at tutukuyin niyo lang kung
anong uri ng morpema ito at mag bigay
ng halimbawa at gamitin ito sa
pangungusap.Maliwanag ba? Opo teacher!
basahin mo kenneth ang katanungan. (kenneth)

linis.Ang salitang ito ay malayang morpema.


nabighani si Elma sa bahay nina mia dahil sa linis
nito.
Mahusay kenneth!
Sige, Grace basahin mo ang iyong
salitang nabunot. (Grace)

masipag.Ang salitang ito ay isang uri ng


di-malayang morpema.Masipag mag-aral si katty
Magaling! talaga ngang naintindihan kaya matataas ang kanyang marka.
ninyo ang ating tinalakay ngayong araw.
Bigyan natin ng masigabong palakpakan
ang ating mga sarili. (nag palakpakan)

IV.Pagtataya

Ngayon, magkakaroon tayo ng


isang maikling pagtataya.Basahin
nga ng sabay-sabay ang panuto.
Panuto: Kumuha ng 1/2 na papel at
sagutan ang mga sumusunod na (Kumuha ng 1/2 na papel at sagutan ang mga
katanungan: sumusunod na katanungan)
1. Ano ang dalawang uri ng
morpema?
2. Ano ang pinagkaiba ng malaya
at di-malayang morpema?
3. Magbigay ng isang halimbawa
ng malaya at di malayang
morpema at gamitin ito sa
isang pangungusap.
V.Takdang Aralin

Pag-aralan ang mga Morpemang


Derivational at infleksyunal.

You might also like