You are on page 1of 14

Masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Filipino
Ikatlong Baitang

Magalang na ipapasa kay:

Dr. Eden Astraquillo Bueno

Magalang na ipapasa nina:

Rocel Edrada
Kenneth Andrei Linggayo
Joana Faye Medrano
Francess Mae Rabanal
Masusing Banghay Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino
Ikatlong Baitang

I. Mga Layunin
a. Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma
b. Naipapakita ang respeto sa kapwa
c. Nakakasulat ng isang saknong ng tula

*Respeto*

II. Paksang Aralin


Paksa: Si Linong Pilipino
Sanggunian: Batang Pinoy Ako, pahina 109
Mga Kagamitan: Bulaklak, Manila Paper, Powerpoint Presentation, Strips, Roleta

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata


1. Panimula

Magandang araw mga bata!


Magandang araw po ma’am.
Kamusta naman ang aking mga anak?
Ayos lang po ma’am.
Mabuti naman kung ganun!

Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw mga


bata?
Ang ating napag-aralan noong nakaraang araw ay
tungkol sa tula ma’am.
Magaling! Ano ang pamagat ng tulang ito, Ana?
Ang pamagat ng tula ay Ang Pamayanan ay
Kayamanan ma’am
Magaling! Ano ang mensaheng pinapahiwatig ng
tulang ito, Daniel?
Ang mensahe ng tula ay dapat nating alagaan ang
ingatan ang ating pamayanan dahil kung ito ay ating
pababayaan ay tayo rin ang mahihirapan ma’am.

Magaling mga bata!


2. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin tayo muna


ay maglalaro. Mayroon akong hawak na isang
bulaklak, ngayon itong bulaklak ay ibibigay ko sa
pinakadulong studyante sa harapan, pagkatapos meron
akong ipapatugtog ng isang awitin, pagkapatugtug ko
sa awitin ipapasa niya ang bulaklak sa kanyang katabi.
Kung saan hihinto ang bulaklak pagkahinto sa musika,
siya ay tatayo at huhugutin ang numero uno sa petals
ng bulaklak, pagkatapos pumili ibigay ang isang letra
na sa tingin niya ay kukumpleto sa mga
nasalungguhitan sa harap. Nauunawaan ba mga bata?
Opo ma’am.

I po ma’am

N po ma’am

G po ma’am.

L po ma’am

P po ma’am

O po ma’am.

Magaling mga bata!

3. Pag alis ng sagabal


Ngayon mga bata, mayroon akong hinandang mga
pangungusap na kung saan ginamitan ng mga salitang
maaaring iba sa inyo ay hindi pamilyar rito. Handa na
ba kayong malaman kung ano ang mga ito mga bata?
Opo Ma'am!

Magaling! Maaari mo bang basahin ang unang


pangungusap, Marjorie?
Ang balat ng mga pilipino ay kayumanggi.

Ano ang salitang nasalungguhitan, Kyle?


Ang salitang nasalungguhitan ay kayumanggi po
ma'am

Mula sa pangungusap na naibigay, ano ang kahulugan


ng salitang kayumanggi, Carlo?
Ang salitang kayumanggi ay kilala bilang morena o
brown sa Ingles.

Magaling!

Pakibasa ang ikalawang pangungusap, Apple?


Si Elena ay itinatanggi na kulay kayumanggi ang
kanyang balat.

Ano ang salitang nasalungguhitan, Krizza?


Ang salitang nasalungguhitan ay itinatanggi ma’am.

Magaling! Ano ang ibig sabihin ng salitang


itinatanggi, Marie?
Ang ibig sabihin ng salitang itinatanggi ay ayaw,
pinagkakaila o kinakahiya ma’am.
Magaling!

Dumako naman tayo sa ikatlong pangungusap.


Pakibasa ang ikatlong pangungusap, Jossua?
Ang bilin sa akin ng aking kapatid ay magsaing bago
siya makauwi.
Ano ang salitang nasalungguhitan, Honey?
Ang salitang nasalungguhitan ay bilin ma’am.

Mula sa pangungusap na naibigay, ano ang ibig


sabihin ng salitang bilin, Monique?
Ang ibig sabihin ng salitang bilin ay ang mga bagay na
inuutos na naiwan upang gawin o sundin po ma’am.

Magaling!

Ano-ano ang mga salitang binigyang kahulugan ninyo


mga bata? Maaari niyo bang ibigay ang mga ito?

Kayumanggi - Morena

Itinatanggi - Ikinakahiya

Bilin – Dapat sundin

Magaling!

4. Unang pagbasa ng guro

Tumahimik at pakinggan ninyong mabuti at aking


babasahin ang ating tatalakayin ngayon. Pero bago ang
lahat, may ideya na ba kayo mga bata kung ako ang
ating tatalakayin ngayon?
Opo ma’am.

Ano ang ating tatalakayin ngayon mga bata?


Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa tulang Si
Linong Pilipino po ma’am.

Magaling! Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa


tulang Si Linong Pilipino.
Si Linong Pilipino

Ako si Lino
Na isang Pilipino.
Pagiging kayumanggi,
Hindi ko itinatanggi.

Laging bilin
Ng akong magulang,
Lahat ay igalang.
Lahat at mahalin

Saan man mapunta,


Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

5. Pagtatalakay ng tula

a. Talakayang pangkaisipan

Ano ang pamagat ng tula Joshua?


Ang pamagat ng tula ay si Linong Pilipino ma’am.

Mahusay!

Ngayon ating talakayin ang bawat saknong sa tula at


ating tignan ang mga salitang magkakatugma.

Bago ang lahat ating munang bigyang kahulugan ang


salitang magkatugma.

Ano ang ibig sabihin ng salitang magkatugma?


Ang ibig sabihin ng salitang magkatugma ay ang mga
salitang nasa huling taludtod ng isang tula na pareho
ang tunog at dapat itu ay magkasunod. ma’am.
Tama! Ang ibig sabihin ng salitang magkatugma mga
bata ay ang salitang nasa hulihan ng isang tula na
pareho ang tunog at dapat magkaunod na taludtod

Nauunawaan na ba ang salitang magkatugma mga


bata?
Opo ma’am.
Pakiulit kung ano ang ibig sabihin ng salitang
magkatugma mga, Lowie?
Ang nais ipahiwatig na mensahe sa unang saknong ay
si Lino ay isang pilipino na may kayumanggi ang
balat. Gayunpaman hindi dapat ito itinatanggi o
kinakahiya.

Magaling! Ngayon handa na ba ang inyong mga tenga


upang makinig sa ating bagong tatalakayin mga bata?
Opo ma’am, handang handa na po!

Magaling! Babasahin kung muli ang tula, at sumunod


kayo sa aking binabasa gamit ang inyong mga mata.

Mula sa aking binasang tula, ano pinapahiwatig ng


unang saknong, Limuel?
Ang pagkakaintindi ko po sa ikalawang saknong ng
tula ay dapat na igalang at mahalin po natin ang ating
kapwa ma’am.

Hindi dapat kinakahiya ang ating balat dahil ito ang


dahilan kaya mas lalong nadedepina ang ating
kagandahan. Kaya mga bata, kahit ano pa man ang
kulay ng ating kutis, hindi dapat ito kinakahiya.
Maliwanag ba mga bata?

Opo ma’am.
Magaling!

Dumako na tayo sa ikalawang saknong.

Pakibasa ang ikalawang saknong, Rocel?


Laging bilin
Ng aking magulang,
Lahat ay igalang.
Lahat at mahalin

Mayroon akong hinandang isang roleta, pamilyar ba


kayo sa nakikita niyo mga bata?
Opo ma’am.

Mahusay! Ang nakikita niyo ngayon sa harapan ay


hindi isang ordinaryong roleta. Dahil ang roletang ito
ang magdedesisyon kung sino ang sasagot sa mga
katanungan ko. Kung mapapansin niyo may mga
nakadikit, sa mga nakadikit na ito, narito ang mga
pangalan ng bawat sa sa inyo! Handa na ba kayo mga
bata?
Magaling!

Ang natapat sa roleta ay si Joana.

Joana, ano ang pagkakaintindi mo sa ikalawang


saknong ng tula?

Mahalagang igalang at mahalin natin ang bawat isa


dahil nagpapakita ito ng kabutihan sa atin at kaylangan
natin igalang at mahalin ang bawat isa upang ang lahat
ng Pilipino ay magkaisa ma'am

Magaling!

Ginagalang niyo ba ang mga taong nakapalibot sa inyo


mga bata?

Opo ma’am.
Wow! Mahusay! Kahit ano at sino pa sila ay dapat
natin silang igalang at mahalin.

Bakit mahalagang igalang at mahalin natin ang bawat


isa,Jenny?

Mahalagang igalang po natin ang bawat isa dahil kung


paano po natin tratuhin ang isang tao ay ganon din po
ang matatanggap natin.
Tama, magaling Jenny!

Kaya lagi nating tandaan na dapat igalang at mahalin


natin ang bawat isa upang maramdaman natin ito sa
kanila.

Dumako na tayo sa ikatlong saknong Pakibasa,


Monique? Saan man mapunta,
Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

Ang mensahe po ng pangatlong saknong po ay


Ano sa tingin mo ang mensahe nito Grenda?
nagsasabi na kahit sino ang nakasalamuha mo o saan
ka man naroroon itatak palagi sa isip at isapuso parin
ang pagiging Pilipino Ma'am
Magaling Grenda!

Kailangan nating isapuso at ipakita sa lahat ang ating


pagkapilipino. Ipakita na tayo ay may magandang
kalooban at ating ipagmalaki ang ating pagiging
Pilipino.

Ano ang diwa ng tula Hannah? Ang diwa ng tulang ating binasa ay ang pagmamahal
at paggalang sa kapwa ma’am.

Mahusay!

Bigyan natin ang inyong mga sarili ng Frog clap!

(Ginawa ang frog clap)

Ngayon ay atin namang tignan ang mga


magkakatugma sa tula nating tinalakay

Handa na ba kayo mga bata?


Opo ma’am

Ano ang magkakatugma sa unang saknong?


Ang salitang magkatugma ay Lino at Pilipino ma'am.

Magaling ano pa,Rocel?


Ang ikalawang salitang magkatugma sa unang
saknong ay kayumanggi at itinatanggi ma’am.

Mahusay!

Maaari mo bang ibigay ang mga salitang magkatugma


sa ikalawang saknong, Kara?
Ang ikalawang salitang magkatugma sa ikalawang
saknong ay magulang at igalang po ma’am.

Magaling!

Ibigay ang magkatugma sa ikatlong saknong, Danyca? Ang salitang magkatugma sa ikatlong saknong po
ma’am ay ang mapunta at makasama ma’am.

Mahusay! Ano pa, Kc?


Pilipino at isasapuso Ma'am

Magaling!
Nauunawaan na ba ang tulang ating tinatalakay mga
bata? Kung oo ipadyak ang mga paa kung hindi itaas
lang ang mga kamay.
(pumadyak)

Mahusay mga bata! Bigyan ninyo ang inyong mga


sarili ng limang palakpak.

(pumalakpak)
Wow! Napakagaling ninyo mga bata!

b. Talakayang Pangmagandahan

Mayroon akong hinandang mga strips na kung saan


may mga nakalagay na tanong. Handa na ba kayo mga
bata?

Opo Ma'am
Pakibasa nga ang unang tanong at sagutin, Mary?

Ilang saknong ang tula?


Ilang saknong ang tulang ating binasa ,Mary?

Mayroong tatlong saknong ang tulang ating binasa at


tinalakay ma’am.

Magaling, Mary.

Dumako na tayo sa ikalawang tanong, pakibasa at


sagutin Feliza?
Tignan ang bawat taludtod ng tula, ano ang napapansin
mo rito?

Ano ang napapansin mo sa bawat taludtod ng tula,


Feliza?
Ang tula ay may tugma sa hulihan ng taludtod ma’am.

Magaling Feliza!

Ngayon, Maari ba kayong magbigay ng salitang may


tugma, Lawrence?
Ang halimbawa po ng salitang maytugma ay ang awit
at damit po ma’am.
Magaling, ano pa, Judy Ann?
Ang halimbawa po ng salitang maytugma ay ang
bayong at payong po ma’am.

Magaling mga bata!

Ano ang aral na mapupulot sa tulang ating binasa,


Janine?

Ang aral na mapupulot sa tulang ating binasa ay


huwag nating ikahiya ang ating pagkapilipino at
kailangan nating itong ipagmalaki.

Mahusay! Ano pa Catherine?


Ang aral na mapupulot sat ula ay dapat nating isapuso
ang ating pagiging Pilipino, Huwag natin kalimutan
kung saan tayo ng galing bagkus ating itong
ipagmalaki.
Magagaling mga bata, napakahusay!

Nakikita kong naunawaan niyo na ang tula, kaya kayo


ay papangkatin ko sa dalawang grupo para sa isang
gawain. Kayo ay sumulat ng isang saknong ng tula
mula sa inyong napulot na aral sa tulang ating
tinalakay.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto upang


gawin ito. Ang unang hanay ay ang unang grupo ang
pangalawang hanay ay ang pangalawang grupo.

Maari niyo nang simulan.

Basahin at ibahagi ang tulang inyong nagawa sa klase.

Mahusay mga bata! Bigyan nating ng limang bagsak


ang inyong mga sarili.

6. Ikalawang Pagbasa

Si Linong Pilipino

Ako si Lino
Na isang Pilipino.
Pagiging kayumanggi,
Hindi ko itinatanggi.
Laging bilin
Ng akong magulang,
Lahat ay igalang.
Lahat ay mahalin

Saan man mapunta,


Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

7. Ikatlong Pagbasa (mga bata)

Si Linong Pilipino

Ako si Lino
Na isang Pilipino.
Pagiging kayumanggi,
Hindi ko itinatanggi.

Laging bilin
Ng akong magulang,
Lahat ay igalang.
Lahat ay mahalin

Saan man mapunta,


Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isapuso.

8. Pagbibigay ng Liksyon na napulot sa Tula

Ang mga mabuting aral na mapupulot sa tula ay dapat


huwag nating ikahiya na tayo ay Pilipino, kailangan
natin itong ipagmalaki kahit saan tayo magpunta dapat
nating isapuso ang pagiging Pilipino, huwag nating
kalimutan saan tayo nanggaling bagkus atin itong
ipagmalaki.

Naiintindihan mga bata?

Opo ma’am

Shane, sa iyong palagay ang mga bilin ba ng mga


magulang ay mahalagang sundin?
Opo ma’am, Mahalaga ang pagsunod sa mga bilin ng
mga ating magulang dahil lahat ng mga tinuturo nila
ay nakakabuti sa atin.Sobrang mahalaga ito dahil kung
wala silang gabay ang magiging kahihinatnat nito ay
mapapasama ang bata.
Mahusay mga bata!

Ano naman ang aral na napulot mo sa tulang ating


tinalakay, Jen?
Ang napulot ko na aral sa tula ay atuto ako na kahit
saan tayo mapunta dapat nating isapuso ang pagiging
Pilipino, huwag nating kalimutan saan tayo nanggaling
bagkus atin itong ipagmalaki.
Magaling!

9. Pagsasaulo ng Tula

Maaari bang tumayo ang lahat, at ating bigkasing muli


ang tula pero sa pagkakataong ito, ang ibang salita sa
tula ay napalitan ng patlang. Sa bawat patlang ay
sasabihin natin kung ano tamang salita o sagot dito.
Nauunawaan ba mga bata?

Opo ma’am.

Magaling! sabay-sabay nating basahin ang tula mga


bata!

Si Linong Pilipino
Si Linong Pilipino
Ako si ______
Na isang Pilipino. Ako si ______
Pagiging kayumanggi, Na isang Pilipino.
Hindi ko ___________. Pagiging kayumanggi,
Hindi ko ___________.

Laging bilin
Ng aking __________, Laging bilin
Lahat ay igalang. Ng aking __________,
Lahat ay _________ Lahat ay igalang.
Lahat ay _________
Saan man ___________,
Sino man ang makasama, Saan man ___________,
Pagiging Pilipino, Sino man ang makasama,
Laging __________. Pagiging Pilipino,
Laging __________.
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilogan ang titik ng tamang sagot

1. Ano ang pamagat ng tula?


a. Ang aking kaibigan
b. Si Linong Pilipino
c. Si Robert at ang kanyang alagang aso
d. Ang pamayanan at kayamanan

2. Ano ang madalas na kulay ng balat ng Pilipino?


a. Mestiza
b. Itim
c. Kayumanggi
d. Itinatanggi

3. Sino ang tauhan sa tulang binasa?


a. Si Lino
b. Si Robert
c. Si Sino
d. Si Ana

4. Si Lino ay isang _________?


a. Amerikano
b. Koryano
c. Australyano
d. Pilipino

5. Ano ang laging bilin ng magulang ni Lino?


a. Mahalin at itinatanggi
b. Itinatanggi at kayumanggi
c. Mahalin at igalang
d. Kayumanggi at mahalin

v. Takdang Aralin
Sumulat ng mga sampung halimbawa ng mga salitang magkakatugma.

You might also like