You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 30-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga salitang magkatugma;
b. napipili ang mga salitang magkatugma; at
c. naibibigay ang kahalagahan ng isang pagiging Pilipino.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagtukoy ng mga Salitang Magkatugma
Kagamitan: Manila Paper, kartolina
Sanggunian: FILIPINO Quarter 4 DLL, K-12 Curriculum Guide

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. BAGO BUMASA
1. PAGGANYAK
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po naman!
Awitin natin ang awit na “Ako ay (Sasabayan ng mga mag-aaral ang pag-
Pilipino”. awit ng guro)
Tungkol po sa pagiging isang Pilipino!
Tungkol saan ang ating inawit?

2. PAGHAHAWAN NG BALAKID
May babasahin tayong tula ngunit
alamin muna natin kung ano ang mga
nasa letrato na aking ipapakita at
magbigay ng salitang kapareho ng tunog
sa hulihan ng mga sumusunod: (Isa-isang sasagot ang mga mag-aaral na
tinawag ng guro)
- Aso  Baso
- Butas  Gatas
- Kahon  Dahon
- Aklat  Balat
- Pilipino  Pipino

Mahusay!

3. PAGTAKDA NG PAMANTAYAN SA
PAGBASA Basahin ang tula ng may wastong bigkas
Ano ang inyong gagawin kung tayo ay at sabay-sabay. May katamtamang lakas
sabayang magbabasa ng tula? ng boses.
4. MOTIBONG TANONG
Pagkatapos natin magbasa alamin natin
kung sino si Lino.

B. HABANG BUMABASA
Si Linong Pilipino

Ako si Lino (Mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti)


Na isang Pilipino
Pagiging Kayumanggi,
Hindi ko itinatanggi.

Laging bilin
Ng aking magulang,
Lahat ay igalang,
Lahat ay mahalin.

Saan man makapunta,


Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

C. PAGKATAPOS BUMASA
1. Sino ang inilalarawan sa tula? - Si Lino po Ma’am.
2. Paano siya inilalarawan? - Pagiging isang Pilipino po ma’am.
3. Ano-ano ang bilin ng kaniyang mga - Lahat ay igalang,
magulang? Lahat ay mahalin.
Saan man makapunta,
Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

D. PAGTATALAKAY SA ARALIN
Muling balikan ang tulang binasa
kanina.
1. Sa unang linya, ano ang napansin na - Lino
may salungguhit?
2. Sa ikalawa? Ikatlo? - Pilipino, kayumanggi at
itinatanggi
3. Ano ang napansin ninyo sa mga
salita? Pare-pareho ba sila ng tunog o - Magkakapareho ng tunog guro.
magkakatugma ba sila?

Tama. Ang tawag sa magkaparehong


(Mga mag-aaral ay nakikinig ng mabuti)
tunog sa hulihan ay salitang magkatugma.
Halimbawa:
1. Mama – kama
2. Papa – kapa
3. Lola – bola
4. Kuya – saya
5. Bahay - tulay

4. LAHUKANG GAWAIN (Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng


Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.)
pangkatang Gawain.

Unang Pangkat - Kahunan ang dalawang


salita na magkatugma sa bawat grupo ng
mga salita.
1. Sapa – mapa, bulak – plato
2. Baso – laso, kambing – sakay
3. Ahas – sampo, gulay – buhay

Ikalawang Pangkat - Pagtapat-tapatin ang


mga salitang magkakatugma.
Kolum A Kolum B
Ulam Payo
Bukas Bataw
Layo Patani
Sitaw Kulam
Mani Patas

Ikatlong Pangkat – Punan ang


nawawalang salita upang maging isang
salitang magkatugma.
1. Bantay - ______
2. Sayo - ______
3. ______ - balakid

E. PAGLALAPAT
A. Sabihin kung ano ang nasa larawan?
Mga Larawan:
- kamay
- kamay - bahay
- bahay - hari
- hari - pari
- pari - laso
- laso - paso
- paso

- Salitang magkatugma po ma’am.


Ito ay? - May kamay sa bintana ng bahay.
B. Magbigay ng isang pangungusap - Magkasama ang hari at pari.
tungkol sa bawat larawan na magkatugma - May laso sa paso.
ang tunog.

F. PAGLALAGOM - Salitang magkatugma po.


A. Ano ang tawag sa dalawang salita na
magkatulad o magkapareho ang tunog sa
hulihan?
- Pagbuo ng mga salitang
Ano ang inyong natutunan ngayong magkatugma at ang kahulugan
araw? nito.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Magbigay ng salitang katugma
sa may salungguhit sa bawat bilang. Hanapin ang katugmang salita sa kahon.

Umaraw umiikot maaasahan


laso hinangaan

1. Ang aking kaibigan ay laging __________.


2. Umulan man at ________, saya ko ay lahing nag-uumapaw.
3. Nang ikaw ay aking mabungaran, ganda mo ay aking __________.
4. Ang ganda ng halaman sa puting paso na may nakataling pulang __________.
5. Kailanman ako’y di lilimot, pagkat mundo ko ay saiyo __________.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng limang pares ng magkatugmang salita.

Prepared by:
DONNA MAE P. SUPLAGIO
Pre-Service Teacher

Checked by:
MRS. MARYKANE M. TOROBA
Cooperating Teacher

You might also like