You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 30-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga salitang magkatugma;
b. napipili ang mga salitang magkatugma; at
c. naibibigay ang kahalagahan ng isang pagiging Pilipino.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagtukoy ng mga Salitang Magkatugma
Kagamitan: Manila Paper, kartolina, tarpapel, sagutang papel
Sanggunian: FILIPINO Quarter 4 DLL, K-12 Curriculum Guide

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. BAGO BUMASA
1. PAGGANYAK
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po naman!
Awitin natin ang awit na “Ako ay (Sasabayan ng mga mag-aaral ang pag-
Pilipino”. awit ng guro)
Tungkol po sa pagiging isang Pilipino!
Tungkol saan ang ating inawit?

2. PAGHAHAWAN NG BALAKID
May babasahin tayong tula ngunit
alamin muna natin kung ano ang mga
nasa letrato na aking ipapakita at
magbigay ng salitang kapareho ng tunog
sa hulihan ng mga sumusunod: (Isa-isang sasagot ang mga mag-aaral na
tinawag ng guro)
- Aso  Baso
- Butas  Gatas
- Kahon  Dahon
- Aklat  Balat
- Pilipino  Pipino

Mahusay!

3. PAGTAKDA NG PAMANTAYAN SA
PAGBASA Basahin ang tula ng may wastong bigkas
Ano ang inyong gagawin kung tayo ay at sabay-sabay. May katamtamang lakas
sabayang magbabasa ng tula? ng boses.
4. MOTIBONG TANONG
Pagkatapos natin magbasa alamin natin
kung sino si Lino.

B. HABANG BUMABASA
Si Linong Pilipino

Ako si Lino (Mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti)


Na isang Pilipino
Pagiging Kayumanggi,
Hindi ko itinatanggi.

Laging bilin
Ng aking magulang,
Lahat ay igalang,
Lahat ay mahalin.

Saan man makapunta,


Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

C. PAGKATAPOS BUMASA
1. Sino ang inilalarawan sa tula? - Si Lino po Ma’am.
2. Paano siya inilalarawan? - Pagiging isang Pilipino po ma’am.
3. Ano-ano ang bilin ng kaniyang mga - Lahat ay igalang,
magulang? Lahat ay mahalin.
Saan man makapunta,
Sino man ang makasama,
Pagiging Pilipino,
Laging isasapuso.

D. PAGTATALAKAY SA ARALIN
Muling balikan ang tulang binasa
kanina.
1. Sa unang linya, ano ang napansin na - Lino
may salungguhit?
2. Sa ikalawa? Ikatlo? - Pilipino, kayumanggi at
itinatanggi
3. Ano ang napansin ninyo sa mga
salita? Pare-pareho ba sila ng tunog o - Magkakapareho ng tunog guro.
magkakatugma ba sila?

Tama. Ang tawag sa magkaparehong


tunog sa hulihan ay salitang magkatugma. (Mga mag-aaral ay nakikinig ng mabuti)
Halimbawa:
1. Mama – kama
2. Papa – kapa
3. Lola – bola
4. Kuya – saya
5. Bahay - tulay

4. LAHUKANG GAWAIN
Ngayon ay magkakaroon tayo ng
pangkatang Gawain. Bawat grupo ay
bibigyan ko ng tarpapel at dito nakalagay
ang inyong mga gagawin.

Unang Pangkat – Pagtambalin ang mga


salita na magkatugma. (Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
pangkatang gawain.)

Ikalawang Pangkat – Lagyan ng tsek (⁄)


ang patlang kung ang ibinigay na pares
ng salita o larawan ay magkatugma at (X)
kung hindi.

Ikatlong Pangkat – Piliin ang salita na


kasintunog ng larawan sa kaliwa.
E. PAGLALAPAT
A. Sabihin kung ano ang nasa larawan?

Mga Larawan:
- kamay
- bahay - kamay
- hari - bahay
- pari - hari
- laso - pari
- paso - laso
- paso

Ito ay?
- Salitang magkatugma po ma’am.
B. Magbigay ng isang pangungusap
tungkol sa bawat larawan na magkatugma - May kamay sa bintana ng bahay.
ang tunog. - Magkasama ang hari at pari.
- May laso sa paso.

F. PAGLALAGOM
A. Ano ang tawag sa dalawang salita na
magkatulad o magkapareho ang tunog sa - Salitang magkatugma po.
hulihan?

Ano ang inyong natutunan ngayong


araw? - Pagbuo ng mga salitang
magkatugma at ang kahulugan
nito.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Bilogan ang salitang katugma ng salitang nasa kahon sa kaliwa.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang magkatugma sa kantang “Bahay Kubo”

Bahay Kubo
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At tsaka mayro’n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ay puno ng linga

Prepared by:
DONNA MAE P. SUPLAGIO
Pre-Service Teacher

Checked by:
MRS. MARYKANE M. TOROBA
Cooperating Teacher

You might also like