You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Sorsogon
District of Irosin
TINAMPO ELEMENTARY SCHOOL
Irosin

Banghay Aralin sa Filipino 1


Grade 1-B

I. Layunin:

Pagkatapos ng 30 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang mga salitang magkatugma

b. napipili ang mga salitang magkatugma

c. naibibigay ang kahalagahan ng isang pagiging Pilipino

II. Paksang Aralin:

Pagtukoy ng mga Salitang Magkatugma

Pagpapahalaga: PagkaPilipino

Sanggunian: Patnubay ng guro pahina

Kagamitan: Manila paper, aklat, kartolina

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. BAGO BUMASA

1. PAGGANYAK

Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga po naman!

Awitin natin ang awit na “Ako ay Pilipino”. (Sasabayan ng mga mag-aaral ang pag-awit
ng guro)

Tungkol po sa pagiging isang Pilipino!


Tungkol saan ang ating inawit?

2. PAGHAHAWAN NG BALAKID

May babasahin tayong tula ngunit alamin


muna natin kung ano ang mga nasa letrato
na aking ipapakita at magbigay ng salitang
kapareho ng tunog sa hulihan ng mga
sumusunod:

- Aso (Isa-isang sasagot ang mga mag-aaral na


- Butas tinawag ng guro)

- Kahon

- Aklat

- Pilipino

Mahusay!

3. PAGTAKDA NG PAMANTAYAN SA
PAGBASA
Basahin ang tula ng may wastong bigkas at
Ano ang inyong gagawin kung tayo ay sabay-sabay. May katamtamang lakas ng
sabayang magbabasa ng tula? boses.

4. MOTIBONG TANONG

Pagkatapos natin magbasa alamin natin


kung sino si Lino.

B. HABANG BUMABASA

Si Linong Pilipino

Ako si Lino

Na isang Pilipino

Pagiging Kayumanggi,

Hindi ko itinatanggi.

Laging bilin

Ng aking magulang,

Lahat ay igalang,

Lahat ay mahalin.

Saan man makapunta,

Sino man ang makasama,

Pagiging Pilipino,

Laging isasapuso.

C. PAGKATAPOS BUMASA
1. Sino ang inilalarawan sa tula? - Si Lino po Ma’am.

2. Paano siya inilalarawan? - Pagiging isang Pilipino po ma’am.

3. Ano-ano ang bilin ng kaniyang mga - Lahat ay igalang,


magulang?
Lahat ay mahalin.

Saan man makapunta,

Sino man ang makasama,

Pagiging Pilipino,

Laging isasapuso.

Integrasyon:

1. Kung kayo ang tatanungin, susundin ba


ninyo ang lahat ng bilin ng magulang,
nakatatanda at guro?

2. Bakit mahalaga ang sumunod sa mga bilin


ng mga nakatatanda?

3. Masasabi ba ninyo na ang pagsunod sa


mga bilin ng mga nakatatanda ay tanda rin
ng paggalang natin sa kanila?

4. Paano mo maipagmamalaki na ikaw ay


isang Pilipino?

4. LAHUKANG GAWAIN

Unang Pangkat - Kahunan ang dalwang


salita na magkatugma sa bawat grupo ng
mga salita.

Ikalawang Pangkat - Pagtapat-tapatin ang


mga salitang magkakatugma.

Ikatlong Pangkat - Hanapin ang isang


katugma ng bawat bilang sa loob ng kahon. (Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng
pangkatang gawain.)

D. PAGTATALAKAY SA ARALIN

Muling balikan ang tulang binasa kanina.

1. Sa unang linya, ano ang napansin na may


salungguhit?

2. Sa ikalawa? Ikatlo?

3. Ano ang napansin ninyo sa mga salita?


Pare-pareho ba sila ng tunog o
magkakatugma ba sila?

E. PAGLALAPAT
A. Sabihin kung ano ang nasa larawan?

- kamay

- bahay

B. Magbigay ng isang pangungusap tungkol - hari


sa bawat larawan na magkatugma ang
- pari
tunog.
- laso

- paso

- kamay

- bahay
F. PAGLALAGOM
- hari
A. Ano ang tawag sa dalawang salita na
magkatulad o magkapareho ang tunog sa - pari
hulihan?
- laso

- paso
Ano ang inyong natutunan ngayong araw?

- Salitang magkatugma po ma’am.

- Pagtukoy sa mga salitang magkatugma po


ma’am.

IV. EBALWASYON O PAGTATAYA

Basahing mabuti ang mga pangungusap. Magbigay ng salitang katugma sa may salungguhit
sa bawat bilang. Hanapin ang katugmang salita sa kahon.

Umaraw umiikot maaasahan laso hinangaan


1. Ang aking kaibigan ay laging .

2. Umulan man at , saya ko ay lahing nag-uumapaw .

3. Nang ikaw ay aking mabungaran, ganda mo ay aking .

4. Ang ganda ng halaman sa puting paso na may nakataling


pulang .

5. Kailanman ako’y di lilimot , pagkat mundo ko ay saiyo .

V. TAKDANG ARALIN

Sumulat ng limang pares ng magkatugmang salita.

Mean - 4

PL - 80%

Ipinasa ni:

Ipinasa kay:

Maria Kim F. Aviles

BEED IV Ms. Melanie L. Fuller

Teacher II

You might also like