You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino III

I. Layunin:
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma.

II. Paksa: Salitang Magkatugma


A. Sanggunian: CG p. 60 (F3KP-IVd-h-9),
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 p.164
Patnubay ng Guro sa Filipino 1 p.38

B. Mga kagamitan: tsart ng tula na Ang Aming Mag-anak, tsart ng awit na Ako ay
may Lobo? , ng mga salitang magkatugma , Metacards,

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Balik-aral
Tutukuyin ang mga salitang magkatugma.

B. Paglinang sa Gawain

1. Tukoy-Alam
Tutukuyin ang mga larawan at pagsasamahin ang magkatugmang pangalan ng
larawan.

2. Paglalahad
Ipapabasa ang ang kahulugan ng magkatugma.

3. Paglinang ng Kasanayan
Pangakatang Gawain:
Magbibigay ng salitang katugma sa mga salitang nakasalungguhit sa tula.

4. Pagtatalakay
Babasahin ang tulang Ang aming Mag-anak.
Ano ang pamagat ng tula?
Ano ang nararamdaman ng mga bata sa tula?

Susuriin ang nakasalungguhit na mga salita.


Ano-ano ang mga salita ng nakasalungguhit sa unang at pangawalang taludtod?
Paano sila naging magkatugma?
Hihikayatin ang mag-aaral na pantigin ang mga salitang nakasalungguhit gamit
ang (palakpak, pagpapadyak, pag-indak at pagkembot).

Susuriin at iwawasto ang mga ginawa ng bawat pangkat.


5. Paglalahat
Paano mo malalaman ang salita ay magkatugma?

6. Paglalapat
Nawasak kong puso, buuhin niyo: Bubuuhin ang hugis puso at magbibigay ang
salitang katugma ng mga salitang nasa kabilang bahagi ng puso.

IV. Pagtataya
Pandalawahang Gawain: Pipili ng isang pangalan na bahagi ng katawan at magbigay ng
apat (4) na katugmang salita sa napiling pangalan.

V. Takdang Aralin
Basahin ang kantang Ako ay may Lobo at ibigay ang katugma ng salitang
nakasalungguhit.

Ako ay may Lobo

Ako ay may lobo


Lumilipad sa langit
di ko na makita
Pumutok na pala

Sayang ang pera ko


Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Inihanda ni:

MARISA P. PODADOR
Aplikante

You might also like