You are on page 1of 7

BANGHAY SA ARALING PANLIPUNAN 2

I.Layunin
Sa araling ito,Ang mag-aaral ay inaasahang;

1.Matutukoy at makilala Ang mga taong nagbibigay paglilingkod sa komunidad.


2.Mailarawan ang mga katangian at nagawa ng mga nagbibigay paglilingkod sa komunidad;at
3.Makikilala Ang mga mahahalagang tao/pamilyang nakaimpluwensya sa iba't ibang larangan
sa buhay-komunidad

II.Paksang Aralin

Paksa: Paglilingkod sa komunidad


Sanggunian:Araling Panlipunan 2,pahina 187-195
Kagamitan: Iba't ibang larawan ng mga naglilingkod sa komunidad,visual aids,pop-up book

III.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A.Panimulang Gawain

•Pagdarasal Ang mga mag-aaral ay magsisipagtayo at


manalangin)
Bago tayo magsimula ng ating aralin ngayong
Araw Tayong lahat ay magsipag tayo para sa
ating panalangin.

•Pagbati

Magandang araw mga Bata! Magandang araw din po

•Pampasiglang awit

Bago kayo magsi-upo tayo muna ay kakanta (Ang mga mag-aaral ay sasabay sumayaw at
at sasayaw ng (Ako,Ikaw,Tayo Isang kumanta)
komunidad).

Bago kayo magsi-upo, ayusin ang inyong (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
mga upuan at pulutin ang mga kalat sa ilalim mga upuan at pupulutin ang mga kalat.
ng inyong mesa.
•Pagtala ng Liban

May lumiban ba sa araw na ito? Wala Po!

Bigyan niyo ang iyong sarili ng limang (bibigyan ng palakpak ang sarili)
palakpak.

•Pamantayan ng klase

Ngayon,bago tayo magpatuloy sa ating


klase,atin munang alalahanin ang mga dapat
natin tandaan kapag tayo ay may aralin dito
sa ating silid aralan.

Una,makinig sa guro,pangalawa,maging
respeto sa guro at kaklase pangatlo,magtaas
ng kamay kung may katanungan o nais
sumagot at pang-apat panatilihing maayos
Ang silid aralan.

Naintindihan ba? Opo!

•Pagbabalik tanaw/aral

Bago tayo dumako at ating panibagong paksa Ang ating aralin kahapon ay tungkol sa
ano nga ba Ang ating aralin kahapon? pamumuno sa komunidad!

Magaling!

•Pagganyak

Hulaan mo,kung sino Ako!(Guessing game)


Mekaniks: Magpapakita nang mga larawan
at hulaan ng mga mag-aaral ang mga ito.

Ano ang makikita niyo sa larawan?

Guro po ma'am!
Pulis po ma'am!

Nars po ma'am!

Magsasaka po ma'am!
Karpintero po ma'am!

Doktor po ma'am!

Bumbero Po ma'am!
Kolektor ng basura po ma'am!

B.Paglalahad
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay iba-iba)
Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa mga
taong naglilingkod sa ating komunidad.

C Pagtatalakay

May mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa


ating komunidad na nakatugon sa
pangunahing pangangailangan ng mga
naninirahan dito.Kilalanin natin sila:

1.Magsasaka-nagtatanim Ng mga halaman


upang may pagkunan ng pagkain.

2.Karpintero-gumagawa at nagkukumpuni
ng mga bahay,gusali at iba pang tirahan ng
mga tao
3.Guro-nagtuturo sa mga mag-aaral upang
matuto sa iba't ibang asignatura at
kagandahang asal.

4.Tubero-nag-aayos at nagkukumpuni ng
linya ng tubo tungo sa iba't iba pang gusali.

5.Doktor-nagbibigay serbisyo ng
panggagamot sa mga taong may sakit.

6.Nars-tumutulong sa mga doktor sa


pangangalaga ng may sakit.

7.Pulis-nagpapanatili Ng kaayusan at
kapayapaan sa komunidad.Sila din ang
humuhuli sa mga nagkakasala sa batas.

8.Bumbero-tumutulong sa pagsugpo ng apoy


sa mga nasussunog na mga
kabahayan,gusali at iba pa .

9.Kolektor ng Basura -namamahala sa


pagkuha at pagtatapon ng mga basura.

Naintindihan ba ang lahat?

D.Paglalahat

Kung talagang may naintindihan kayo


ngayong araw sa ating aralin;

Tungkol saan nga ba ang ating aralin?

Tama!

Magbigay ng mga taong naglilingkod sa ating


komunidad.
E.Paglalapat

Panuto:Sagutin ang mga sumusunod.

1.Sino-sino ang nagbibigay ng paglilingkod


na tugon sa:

•kalinisan ng komunidad?
•kaligtasan Ng komunidad?
•kaalaman?

IV.Pagtataya

A.Tukuyin kung sinong tao ang naglilingkod sa komunidad ang sinasabi sa pangungusap.
Pilitin ang sagot sa loob ng kahon.

Magsasaka Pulis

Guro Bumbero

Karpintero Nars

1. Siya ang humuhuli sa mga taong nakakagawa ng masama.


2. Isa ito sa mga katulong ng doktor sa paggamot ng mga pasyente.
3. Ito ay nangangasiwa sa masagana at magandang pananim.
4. Nagtuturo at nagbibigay gabay at aral sa kanyang mag-aaral.
5. Tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa nasussunog na kabahayan,gusali at iba pa.

V.Takdang Aralin

Gumuhit o gumupit ng mga larawan ng taong naglilingkod sa inyong lugar,pagkatapos


ipaliwanag kung Anong trabaho ang kanilang ginagampanan.Ito ay ilalagay sa long bond paper.

You might also like