You are on page 1of 6

Petsa: June o6, 2022

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2


QUARTER 4 – WEEK 1-2

I. Layunin
● Natutukoy ang mga taong naglilingkod sa komunidad at ang kanilang
kahalagahan; AP2PKK-IVa-2
● Napapahalagahan ang mga serbisyong naibibigay ng mga naglilingkod sa
komunidad.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Natutukoy ang mga taong naglilingkod sa komunidad at ang kanilang


kahalagahan
B. Sangguninan: MELCs pahina 29, SLMs Q4 Araling Panlipunan Module 1 at 2
C. Mga Kagamitan: Modyul sa Araling Panlipunan 2, Powerpoint presentation,
Lyric video mula sa youtube
D. Integrasyon: Music, ESP at ICT
E. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang mga serbisyong naibibigay ng mga
naglilingkod sa komunidad

III. Gawaing Pampagkatuto:


A. Panimulang Gawain

1. Balik Aral (Bulaklak ng Komunidad)


Panuto: Isulat sa loob ng bawat talukap ng bulaklak kung sinu-sino ang mga
taong nagbibigay serbisyo sa ating komunidad.

Mga
Taong
nagbibiga
y serbisyo
sa

2. Pagganyak (Tayo Na’t Kumanta!)


Ipakita sa klase ang lyric video mula youtube na may pamagat na
“Kaibigang Manggagawa” ni: Teacher Cleo& Kids

Pagkatapos ng video,
itanong ang mga
sumusunod:
1. Ano ang pamagat ng
kanta?
2. Sinu-sino ang mga
kaibigang
manggagawang
3. Mga Pamantayan sa Paggawa
Mga dapat tandan bago magsimula ang aralin:
1. Ihanda ang Module at lapis.
2. Makinig nang mabuti sa leksyon.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang inihandang video sa klase.

May mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa ating komunidad na


nakatutugon sa pangunahing pangangailangan sa mga taong naninirahan dito.

2. Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat ay may iba-
Ibang gawain. Mayroon lamang silang limang minuto para tapusin ang kanilang gawin.

Mga pamantayan sa gawaing panggrupo:


A. Gumawa ng tahimik
B. Gumawa ng may kooperasyon
C. Pakinggan ang ideya ng bawat grupo

PUNTOS BATAYAN
Nagpakita ng pagkasabik at pakikipagtulungan sa gawain
5
ang lahat ng miyembro
Nagpakita ng pagkasabik at pakikipagtulungan ang
4
karamihan sa miyembro
3 Nakipagtulungan ang iilang miyembro sa gawain

Unang Pangkat – SULAT LIHAM


Panuto: Ngayong nakilala at natukoy niyo na ang mga taong naglilingkod sa
komunidad at ang kanilang kahalagahan, gumawa ng isang liham
pasasalamat, pagkilala, o pagpupugay sa mga tagapaglingkod ng
inyong komunidad.

Ikalawang Pangkat- HANAP SALITA


Panuto: Hanapin sa ibaba ang anim (6) na nagbibigay ng paglilingkod sa ating
komunidad.

Ikatlong Pangkat- MAGING MAKATA


Panuto: Sa pamamagitan ng isang tula, magbigay ng 5 tao na naglilingkod sa
komunidad at ang kahalagahang ibinibigay nila.

3. Pagsusuri (Tanong ko, Sagutin mo)


1. Nasiyahan ba kayo sa inyong ginawang gawain?
2. Sa tingin niyo, bakit ninyo napagtagumpayan ang inyong gawain?
3. Paano natin mapapahalagahan ang naglilingkod sa ating komunidad?

4. Paglalahat (Tayo’y Mag-ugnayan)


Panuto: Pag-ugnayin ang tagapaglingkod at ang serbisyong ibinibigay nila sa
komunidad.

HANAY A HANAY B

Karpintero Nagtatanim ng halaman upang


pagkunan ng pagkain.
Nars
Umiikot sa komunidad upang ipaalam
ang mga impormasyong
pangkalusugan.

Punong
Barangay
Gumagawa at nagkukumpuni ng
mga bahay, gusali at iba pang
tirahan ng mga tao.
Barangay
Health Worker

Tumutulong sa doktor sa
pangangalaga ng may sakit.
Magsasaka

Namumuno sa kapakanan, kaayusan,


kaunlaran at kapayapaan ng
nasasakupang komunidad.

5. Paglalapat (Sino Ako?)


Panuto: Tukuyin ang mga taong naglilingkod sa komunidad at ang kani-kanilang
Kahalagahan. Ipapakita ng guro ang mga larawan.

MGA SAGOT

GURO – Nagtuturo sa mga mag-aaral upang PULIS – Nagpapanatili ng kaayusan at


matuto sa iba’t ibang asignatura at kapayapaan ng komunidad. Sila rin ang
kagandahang asal. humuhuli sa mga nagkakasala sa batas.

BUMBERO – Tumutulong sa pagsugpo ng


DOKTOR – Nagbibigay ng serbisyo ng
apoy sa mga nasusunog na bahayan, gusali
panggagamot sa mga taong may sakit.
at iba pa.

KAMINERO – Naglilinis ng kalsada at daan


upang mapanatili ang kalinisan ng
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman
kung hindi wasto.

_________1. Ang Punong Barangay ay ang namumuno sa kaayusan, kapakanan,


kapayapaan, at kaunlaran ng kinabibilangang komunidad.

_________2. Mabilis ang tuberos a pagsugpo ng apoy sa nasusunog na gusali.

_________3. Tumutulong ang komadrona sa isang ina upang iluwal ang kanyang
sanggol.

_________4. Sinisiguro ng bumbero ang kalinisan ng kapaligiran ng komunidad.

_________5. Hinuhuli ng karpintero ang mga lumalabag sa batas.

V. Takdang Aralin
Panuto: Ngayong nakilala at natukoy niyo na ang mga taong naglilingkod sa ating
komunidad at ang kanilang kahalagahan, gumawa ng isang kard ng
pasasalamat para sa kanila. Maaring magpatulong sa mga magulang o
nakatatanda.

Prepared by:

ANGEL T. BORRES
Teacher 1
Checked by:

MARIBEL R. ESPAÑOLA
Master Teacher 1

You might also like