You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
Municipality of General Mariano Alvarez

Paaralan San Gabriel II Elementary School Baitang Ikalawang Baitang


Guro Camille Cecilia B. Ramos Paksa ESP
Petsa Nobyembre 27, 2019 Markahan Ikatlong Markahan

I.Layunin
A.Pamantayang Nilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamalasakit sa kapaligiran.

B.Pamantayang Pagganap
Naisasabuhay ang pagsunod sa iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa pamayanan at bansa.

C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakagagamit nang masinop ng anumang bagay tulad ng tubig, pagkain, enerhiya, at iba pa.
LC Code: EsP2PPP-IIId-e-10
Nakapaglalahad ng kahalagahan ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
Naisasagawa ang mga kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran.

II.Nilalaman
Aralin 5: “Basura Mo, Itapon Nang Wasto!”

III.Kagamitang Panturo
Sanggunian :
Mga pahina sa gabay sa pagtuturo – pahina 187-194
Iba pang kagamitan sa pagtuturo – larawan, telebisyon, video presentation, visual aids, activity cards
Integrasyon :
Araling Panlipunan – Tungkulin Ko sa Aking Komunidad
Filipino – Pagbasa ng tula
Estratehiya sa Pagtuturo:
Talakayan, Pangkatang Gawain, Indibidwal na Gawain

IV.Pamamaraan
a. Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin
*Paglalahad ng kahulugan ng mga babalang pantrapiko na ipapakita ng guro.

b. Tukoy Alam
Magbigay ng mga halimbawa ng gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran.

c. Paghahabi sa layunin ng aralin.


Hatiin ang klase sa tatlong pangkat, at ipagawa ang mga gawain sa bawat Activity Card.
Pangkat #1 – Pagbuo ng puzzle
 Buuin ang puzzle at ipaliwanag ang larawang mabubuo.
Pangkat #2 – Dula-dulaan
 Ipakita ang tamang pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng isang dula-dulaan.
Pangkat #3 – Pagtatala
 Magtala ng lima o higit pang kagamitan na maaari pang gamiting muli o irecycle.

d. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Pagbasa ng tula.
“BASURA ANG DAHILAN”
Ni I. M. Gonzales

Paligid ay kanais-nais
Kapag ito ay malinis
Kaya kumuha a ng walis
Upang baura ay maalis.

Tahanan at paaralan
Pati na rin sa lansangan
Hindi dapat na kalatan
Ito ay ating tahanan.

Mga kanal ay ingatan


Upang hindi mabarahan
Baradong kanal ang dahilan
Mga baha sa ating bayan.

Lagi sanang maalala


Saan man tayo magpunta
Sa pagtatapon ng basura
Kailangan ang disiplina.

e.Pagtalakay ng bagong konsepto #1


Mula sa binasang tula. Sagutin ang mga katanungan .
Anong uri ng kapaligiran ang kanais-nais?
Paano mapananatili ang kalinisan nito?
Ano ang dahilan ng mga suliranin sa kalinisan ng ating kapaligiran?
Ano ang ginagawa mo sa inyong mga basura sa tahanan at sa paaralan?
Makatutulong ba ito sa kalinisan at kaayusan ng iyong pamayanan?

f. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Itaas ang masayang mukha kung ang sasabihin ng guro ay nakatutulong sa ating kapaligiran
at malungkot na mukha kung hindi.
1. Pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal.
2. Pagre-recycle ng mga bagay.
3. Pagbabawas ng paggamit ng mga plastic.
4. Paglilinis sa paligid ng tahanan.
5. Pagpupulot ng kalat sa paaralan.

g. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay.


Sandaling ipikit ang iyong mga mata. Alalahanin mo ang mga bagay na nagawa mo na at
magagawa pa bilang pagmamalasakit sa kapaligiran. Ibahagi ang sagot sa klase.

V. Paglalahat
Tungkol saan ang ating tinalakay ngayon?
Anu-ano ang mga paraan para maipakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran?
Sa palagay mo, mahalaga ba na pag-aralan ang mga paraan ng pagpapanatili ng kaayusan sa
ating kapaligiran? Bakit?

VI. Pagtataya
Panuto : Isulat ang TAMA kung wastong gawin ang sinasabi sa pangungusap at MALI kung hindi.
_____1. Dapat itapon ang basura sa tamang lagayan.
_____2. Pabayaang mabulok ang basura kung hindi ito makokolekta ng trak.
_____3. Dapat sunugin ang mga plastik na basura.
_____4. Ilagay muna sa bulsa ang maliliit na basura at itapon pag-uwi ng bahay.
_____5. Gamiting muli ang mga gamit na puwede pa.

VII.Karagdagang gawain para sa takdan- aralin


Sa kwaderno, gumuhit ng larawan ng batang nagmamalasakit sa paligid sa pamamagitan ng tamang
pagtatapon ng basura
.
VIII. REMARKS

V. REFLECTION
A..No. of learners who earned 80% in the evaluation ___ of Learners who earned 80% above
B.No. of learners ___ of Learners who require additional activities for
who require additional activities for remediation who remediation
scored below 80%
C. Did the remedial lessons work? ___Yes ___No
No. of learners who have caught up with
the lesson ____ of Learners who caught up the lesson
D. No. of learners who continue to require remediation ___ of Learners who continue to require remediation
E. Which of my teaching strategies worked well? Why Stratehiyang dapat gamitin:
did these work? __Koaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Fishbone Planner
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Event Map
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__I –Search
__Discussion
F. What difficulties did I encounter which my principal Mga Suliraning aking naranasan:
or supervisor can help me solve? __Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
__Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga bata
__Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa
pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong
teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
G. What innovation or localized materials did I __Pagpapanuod ng video presentation
use/discover which I wish to share with other teachers? __Paggamit ng Big Book
__Community Language Learning
__Ang “Suggestopedia”
__ Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material

Prepared by:
CAMILLE CECILIA B. RAMOS
Teacher 1
Checked by:

ROSELINA D. SUMAYLO
Master Teacher 1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
Municipality of General Mariano Alvarez

DLP
Sa
E.S.P
Inihanda ni
Camille Cecilia B. Ramos
Guro I

You might also like