You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin

sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4

Ipinasa ni: Bb. Blundell Gayle P. Bautista


BEED 2-1

Ipinasa kay: Gng. Lilia Manangan


Guro

Araw ng pagpasa: Nobyembre 26, 2020


Araw ng pagpapakitang turo: ________
Masusing Banghay Aralin

sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naisasagawa ang tungkulin sa sarili.
B. Naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili upang maging maayos

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Tungkulin sa Sarili
B. Sanggunian: K-12 EPP4HE0a-1, Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa
sarili (slideshare.net) ni ARNEL C. BAUTISTA DEPED. LUMBO E/S VALENCIA
CITY, BUKIDNON
C. Kagamitan: Kagamitang Biswal at Teknolohiyang Kagamitan
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang halaga ang pagsasagawa at pagsasaugali ng tungkulin
sa sarili

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawaing
1. Panalangin
Keith, pangunahan mo ang
ating panalangin sa araw na Opo Ma’am (Sa ngalan ng Ama, ng
ito. Anak, at ng Espirito Santo, Amen…)

2. Pagbati
Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga rin po Binibining
Bautista!

Kamusta naman kayo sa


umagang ito, klas? Mabuti naman po!

Masaya akong marinig iyon


klas.

Ngayon, handa na ba kayong


making para sa araw na ito? Opo!

Kung ganoon. Ayusin ninyo


ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa (Gagawin ng mga mag-aaral ang sinabi
sahig. ng guro)

Bago ang lahat klas ay nais


kong ipakilala ang aking mga
alituntunin.
1. Makinig ng mabuti
2. Iwasan ang makipagdaldalan
sa katabi
3. Marunong rumespeto

Maliwanag ba klas? Opo!

3. Pagtitiyak sa mga dumalo


May lumiban ba sa ating klase
ngayong araw na ito?

Mabuti kung ganoon Wala po Ma’am!

4. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating
panibagong paksa. Nais ko
kayong subukin.

Natatandaan niyo pa baa ng


ating napag-aralan noong
nakaraan?
Opo Ma’am!
Ano ulit iyon?
Pag-aalaga ng hayop po Ma’am!
Sino sa inyo ang makatutukoy
ng mga hayop na maaaring
alagaan sa tahanan?
(Magtatawag ang guro ng
isang mag-aaral) Ang mga hayop na maaaring alagaan
sa tahanan ay kalapati, isda, manok
Tama! Magbigay pa ng baboy at iba pa.
inyong mga natutunan sa
talakayan natin noong
nakaraan.
(Magtatawag ang guro ng
isang mag-aaral)
Natalakay po ang kabutihang dulot ng
pag-aalaga ng hayop sa tahanan.
Tama! Ano ang kabutihang
dulot ng pag-aalaga ng hayop?
(Magtatawag ang guro ng
isang mag-aaral)
Ang mga hayop ay kasama sa mga
nabubuhay na bagay dito sa mundo.
malaki ang naiaambag nila sa
pagbalansa ng buhay o ng oksiheno sa
mundo. Nakakakuha din tayo ng iba't
ibang suplay sa kanila tulad ng
pagkain, gamit sa paggawa ng damit, at
nakakatulong sila sa paghahanapbuhay
at pagtatrabaho tulad ng pagsasaka at
iba pa.
Tama! Sino ang
makapagbibigay ng wastong
pamamaraan sa pag - aalaga
ng hayop?
(Magtatawag ang giro ng
isang mag-aaral)
Pagpapakain sa mga alagang hayop
araw-araw, pagbibigay ng wastong
lugar o tirahan sa mga ito at
pagsasagawa ng maayos na pag-aalaga
sa mga ito.
Magaling!

Batid kong naunawaan niyo


ang pinag-aralan natin noong
nakaraan kung kaya ay
dadako na tayo sa ating
panibagong aralin. Ngunit
bago iyon ay may ipapagawa
muna akong aktibidad sa inyo.

5. Pagganyak
Nais ko kayong pangkatin sa
apat na grupo. Ang bawat
grupo ay bibigyan ko ng
envelope na naglalaman ng
litrato at jumbled letters. Ang
kailangan niyo lang gawin ay
buuin ang salita na may
kinalaman sa litrato kasama
nito. Malinaw ba klas?

Pumunta sa harapan ang


inyong napiling lider ng grupo Opo!
upang kuhanin ang inyong
envelope.

Ngayon, maaari na kayong


mag-umpisa.

(Gagawin ang pinapagawa ng guro)


Magaling!
Tapos na po!
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga letrang binuo ninyo
ay may kinalaman sa ating
tatalakayin para sa araw na
ito. Ang ating aralin sa araw
na ito ay tungkol sa
“Tungkilin sa Sarili”. Bago
tayo tuluyang dumako sa ating
talakayan. Nais kong maging
masaya ang ating magiging
talakayan sa araw na ito.
Narito ang fish bowl na
naglalaman ng papel kung
saan nakasulat ang inyong
mga pangalan at bubunutin
mula rito ang sasagot sa mga
nakahandang tanong.

Maliwanag ba klas?

2. Pagtalakay
Ating basahin ang isang Opo Ma’am!
tanong sa pisara.

1. Ano ang dapat mong gawin


paggising sa umaga?
a. Buksan agad ang T. V. at manood ng
paborito mong palabas.
b. Kunin iyong mga laruan.
c. Maligo, magsipilyo ng ngipin, at
magbihis ng malinis na damit.
d.Umupo sa isang tabi at panoorin si
nanay habang gumagawa.
Mula sa inyong nabasa, sino
ang makatutukoy kung ano
ang dapat gawin pagkagising
sa umaga?
(Bubunot ang guro ng papel
sa fish bowl)
Letrang C po Ma’am!
Maaari mo ng sagutin ang
tanong, Joshua.

Tama! Ang dapat nating


gawin pagkagising sa umaga
ay ang maligo, magsipilyo ng
ngipin at magbihis ng malinis
na damit.

Ngayon ay basahin naman


natin ang pangalawang 2. Alin sa sumusunod ang hindi mo
katanungan. dapat gamitin?
a. sariling tuwalya
b. shampoo
c. damit ng kapatid mo
d. sepilyo ng nanay mo

(Bubunot ang guro ng papel


sa fish bowl)

Maaari mo ng sagutin ang Letrang D po, Ma’am!


tanong, Julie.

Tama! Bakit hindi mo


maaaring gamitin ang sepilyo
ng nanay mo?

(Bubunot ang guro ng papel


sa fish bowl)

Maaari mo ng sagutin ang Dahil ito po ay sariling kagamitan na


tanong, Maricar. hindi pwedeng hiramin ng sino man.

Tumpak! Ano-ano ang dapat


nating gawin upang
mapanatiling maayos at
malinis ang ating sarili?

(Bubunot ang guro ng papel


sa fish bowl)

Louie. Magbigay ka ng
halimbawa ng mga dapat Paliligo po araw-araw at pagpapalit ng
gawin upang mapanatiling malinis na damit at damit panloob
maayos at malinis ang iyong araw-araw.
sarili?
Tama! Magbigay pa ng ilang
halimbawa.
(Bubunot ang guro ng papel
sa fish bowl)

Pagkain po ng balanced diet. Pagkain


Jileah. din po ng mga berdeng dahon na mga
gulay at sariwang prutas.

Tama! Mahalaga ang pagkain


ng balanced diet dahil
tumutulong ito upang
mapalakas natin ang
resistensiya ng ating katawan
at upang makatulong na
maiwasan ang pagkakasakit.

(Bubunot ang guro ng papel


sa fish bowl)
Reymark, magbigay pa ng
halimbawa ng mga dapat
gawin upang mapanatiling Pag-iwas po sa pagkain ng junkfoods at
maayos at malinis ang iyong pag-inom ng softdrinks at iba pang
sarili. pagkain may maraming sangkap na
kemikal.

Tama! Dahil ang mga


pagkaing ito ay makakasama
sa ating kalusugan o sa ating
mga sarili. Kaya dapat
limitahan o kung maaari ay
iwasan ang pagkain ng mga
ganitong uri ng pagkain.
Narito pa ang ilan sa mga
dapat nating gawin upang
mapanatiling maayos at
malinis ang ating sarili.

Basahin ang mga sumusunod.  Pagsesepilyo ng ngipin


pagkatapos kumain.
 Pagtulog ng walo hanggang
sampung oras sa loob ng isang
araw.
 Paglalaan ng sapat na oras sa
paglalaro o pag-eehersisyo.

Ang inyong mga binasa ay


mahalaga sapagkat sa
pamamagitan nito ay
maaalagaan natin ang ating
mga sarili.

Tandaan natin na may mga


bagay at kagamitan na dapat
tayo lang ang gumagamit
tulad ng personal na
kagamitan. Dapat ikaw
lamang ang gumagamit ng
iyong sepilyo, bimpo, suklay,
at mga panloob na damit.

3. Paglalapat
Sa puntong ito, batid kong
naunawaan niyo na ang ating
tinalakay. Ngayon ay
magkakaroon kayo ng gawain.

Ilabas ninyo ang inyong mga


papel at lapis. Makinig kayo
at aking babasahin ang
panuto. Lagyan ang patlang
ng masayang larawan ng
mukha kung tama at
malungkot na larawan kung
mali ang sumusunod na
pangungusap.
_____1. Nawawala ang
sipilyo mo, nakita mo ang
sipilyo ng nakababata mong
kapatid kaya, ito muna ang
ginamit mo.
_____2. Maganda ang palabas
sa television. May pasok ka pa
kinabukasan kaya sinabi mo
na lang sa tiyahin mo na
kuwentu - han ka na lang
tungkol sa pala - bas dahil
matutulog ka nang maaga para
hindi ka mapuyat.
____ 3. Kinakain ni Momay
ang mga gulay at prutas na
nakahanda sa hapag kainan.
____ 4. Naliligo si Angelo
araw-araw bago pumasok sa
paaralan. (Ang mga mag-aaral ay may kanya-
____ 5. Nauuhaw ka habang kanyang sagot.)
naglalakad. Nakita mo sa
tindahan na may malamig na
softdrinks pero ang binili mo Mahalaga ito upang maisagawa at
ay isang bote ng mineral maisaugali natin ang ating mga
water. tungkulin para sa ating sarili.
(Inaasahang sagot)

4. Pagpapahalaga Opo, Binibining. Bautista


Bakit natin kailangang pag-
aralan ang tungkulin natin sa Wala po Bnb. Bautista.
sarili?

Mapangangalagaan ang ating sarili sa


Naintindihan niyo ba ang pamamagitan ng paliligo araw-araw,
aralin natin sa araw na ito? pagpapalit ng malinis na damit at damit
panloob, pagkain ng balanced diet,
pagkain ng mga berdeng dahon na mga
gulay at sariwang prutas, pag-iwas sa
Wala ba kayong mga tanong? pagkain ng junk foods at pag-inom ng
softdrinks at iba pang pagkaing may
5. Paglalahat maraming sangkap na kemikal,
Ano-ano uli ang mga dapat pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos
gawin upang mapanatiling kumain, pagtulog ng walo hanggang
maayos at malinis ang iyong sampung oras sa loob ng isang araw at
sarili? paglalaan ng sapat na oras sa paglalaro
o pageehersisyo.
Dapat ikaw lamang ang gumagamit ng
iyong sepilyo, bimpo, suklay, at mga
panloob na damit po Ma’am.

Ano-ano naman ang mga


bagay at kagamitan na dapat
tayo lang ang gumagamit
tulad ng personal na
kagamitan.

IV. Takdang Aralin


Magsaliksik sa internet ng iba
pang paraan ng pag-aalaga sa
sarili.
Gumawa ng poster tungkol sa
wastong pag-aalaga sa sarili.

You might also like