You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan IV

(Hanifah C. Pundug)

I. Layunin
 Naiisa- isa ang mga programang pangkalusugan
APA4PAB- IIIf- 9- 6
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Programang Pangkalusugan
B. Kagamitan: Mga larawan, kartolina, papel, teacher’s guide
C. Sanggunian: Learner’s Material, Aralin 8, pp. 273- 278

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Panlinang na Gawain

1. Pagbati

“Magandang umaga mga bata!” “Magandang umaga Ginang Hanifah! Magandang


umaga mga kaklase! Ikinagagalak kong Makita
kayo ulit!”
2. Panalangin at drill

“Tinatawag ko si Laica para sa panalanging (ang mga bata ay nakayuko at tahimik na


pang kristiyano at si Aldrie naman sa pang nagdadasal)
islam”

“Bago kayo umopo sa inyong upuan, aawit


at sasayaw muna tayo

Dati ang gulay diko tinitikman Dati ang gulay diko tinitikman
Parati nalang iniiwasan Parati nalang iniiwasan
Pero ang gulay ay masarap pala Pero ang gulay ay masarap pala
Kapag sinabawan na siya Kapag sinabawan na siya

Makulay, makulay Makulay, makulay


Ang buhay, ang buhay Ang buhay, ang buhay
Makulay ang buhay sa sinabawang gulay Makulay ang buhay sa sinabawang gulay

Sinabawang gulay sarap talaga Sinabawang gulay sarap talaga


Ang bawat higop ay puno ng saya Ang bawat higop ay puno ng saya
Sinabawang gulay sarap namnamin Sinabawang gulay sarap namnamin
Lumalakas ako lahat ay kayang gawin Lumalakas ako lahat ay kayang gawin

Makulay, makulay Makulay, makulay


Ang buhay, ang buhay Ang buhay, ang buhay
Makulay ang buhay sa sinabawang gulay Makulay ang buhay sa sinabawang gulay

3. Pagtala sa Liban

“Alamin muna natin kung may lumiban bas


a klase. Tumayo ang mga lider ng bawat
grupo at banggitin ang mga ngalan na wala
sa klase ngayon”

“Pangkat 1? Pangkat 2? Pangkat 3? “Present po lahat ma’am”


Pangkat 4? Pangkat 5?
4. Pagwawasto ng Takdang Aralin

“Mga bata, ilabas ang takdang- aralin at


ating iwawasto.”

Ibigay ang kahulugan ng mga simbolo na


nakapaloob sa sagisag ng Pangulo ng
Pilipinas

Ano ang simbolo ng:


Araw Araw- sumisimbolo sa hangarin ng bansa na
Tatlong Bituin maging Malaya at may kasarinlan
Agila Tatlong Bituin- sumisimbolo sa tatlong bahagi ng
Leon bansa, ang Luzon, Visayas at Mindanao
Agila- sumisimbolo sa kasaysayan na an gating
bansa naimpluwensiyahan ng pananakop ng mga
Amerikano
Leon- sumisimbolo ng labis na pagkaranas n gating
bansa ng impluwensiya ng mga dayuhang Espanyol
na kung saan nagging bahagi rin sila ng bansang
pilipinas lalo na sa larangan ng pananampalataya.

Alamin muna natin kung sino ang (lahat pumasa ang mga bata)
nakapasa. Sino ang naka kuha ng 5? 4? 3?
2? 1?

Palakpakan muna natin ang lahat Pumalakpak ang mga bata

Ipasa ang mga papel sa harapan. (Ipinasa ng mga bata ang kanilang papel)

B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak

“Mga bata, may mga kabutihang ibinigay “meron po Ma’am”


ba ang pamahalaan sa mga mamamayan?”

“Anu- ano ang mga bagay na naibigay ng “Ma’am ang aming bahay po”
pamahalaan sa inyong pamilya?”

“Bakit ang inyong bahay?” “Pagkatapos po ng Bagyong Sendong binigyan


kami ng bahay

“Ano pa? sa inyo bilang mag- aaral? Renz? “Ang libreng pag- aaral po Ma’am”

“Tama, magaling!”

“Ano pa? Johaira?” “Ang 4p’s po Ma’am”

“Tama, magalilng!”

“Meron paba? Amera? “Ma’am, ang porga po”

“Tama, magaling!”

“Ano yong ibinibigay sa mga bata na “Libreng bakuna”


gamot sa paaralan?
“Tama, magaling! Bigyan natin ng 3 bagsak (Ginawa ng mga bata ang sinabi ng kanilang guro)
ang inyong mga kaklaseng sumagot”

“Ngagyon, may ipapakita akong mga “Opo Ma’am, naintindihan po namin.”


larawan at nais kong sabihin ninyo ang
bawat kalagayan kung malusog ba o hndi.
Naintindihan ba mga bata?”
(ipapakita ang mga larawan)

“Ano ang “Malusog po siya Ma’am”. Kumakain po siya ng


masasabi niyo sa tamang pagkain.
bata? bakit?”

“Ito class?” “Hindi po siya malusog at sakitin.”

“Tama! “Ma’am ang payat po at siguradong masakitin


Ito kaya?” dahil hindi po siya malusog.”

“Magaling “Ang bata po ay malinis at aktibo po dahil siya ay


mga bata! malusog”
Ito naman
kaya?

“Magaling mga bata!”

2. Paghahabi sa layunin ng aralin

“Ngayon, magkakaroon tayo ng


pangkatang Gawain.Bago magka roon ng
pangkatan, ano ang dapat tandaan kung
may gawaing pangkatan?

 Makilahok sa pangkatang Gawain


 Magbahagi ng kaalaman
 Iwasan ang ingay sa paggawa ng
aktibiti
 Talakayin ang Gawain sa harapan ng
klase.

Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat,


may ipapakita akong jumble letters.

HAELHTHPLI PHILHEALTH
MENTPARTDE FO HTLAEH DOH
HTLAEH TERCEN HEALTH CENTER
TODS DOTS
Pamantayan
Kawastuhan-10
pagtutulungan ng magkakasama- 10
paghahatid sa iuulat- 10
total- 30 points

3. Pag- uugnay

“Mga bata, alam niyo ba kung anong (Isa-isang nagtaas ng kamay ang mga bata upang
ahensiya ang tumutulong sa pangangalaga sumagot)
ng ating kalusugan?”

“Paano naisasakatuparan ng ahensiya ang


pangangalaga sa ating kalusugan?”

4. Pagtatalakay

“Ngayon ay tatalakayin natin ang mga


programang pangkalusugan.

Ano ang salitang kalusugan?”

Magaling!

Ang kalusugan ay tumutukoy sa maayos na


pangangatawan ng isang tao.

(Tatawag ng isang mag-aaral upang


basahin ang pahina 273-274 at
ipapaliwanang ito sa kanila)

Ang ahensiya ng Philhealth ay itinatag


upang magkaroon ng ng seguro ang lahat
ng mamamayan at mapagkalooban ng may
kalidad na mga pasilidad at serbisyong
pangkalusugan, at pagkakamit ng
pangkalahatang kalusugan. Tumutulong
ang ahensiyang ito upang makapagbigay
ng serbisyong pangkalusugan, pag-iwas
man ito sa sakit o paggamot ng sakit.
Nagbibigay din ito ng libreng
pagpapagamot gaya ng sakit na dengue,
asthma, katarata at kanser.

Ang DOH Complete Treatment Pack ay


naglalayong marating ang pinakamahirap
na mamamayan at mabigyan ng
kumpletong gamut lalo na sa mga
pangunahing sakit sa bansa.

Ang pagbabakuna naman ay isinasagawa


sa mga health center upang labanan ang
mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas at
trangkaso. Nagbabahagi din sila mga
bitamina gaya ng Vitamin A, iron at iodine
laban sa sakit sa dugo at mata.
Nakakatulong ang serbisyong ito upang
mabawasan ang malubhang pagkakasakit
ng mga bata.

Kasama na rin ang pangangalaga sa


kalusugan ng mga ina sa programang
pangkalusugan ng pamahalaan. May
libreng bitamina para kanila, libreng
bakuna laban sa sakit na neo tetanus, at
libreng gamut para sa kanilang mga sakit.

Kasama sa serbisyong ibinibigay ng health


center ang libreng pagpapagamot ng may
mga sakit na tubderculosis.

Programa din ng pamahalaan ang


pagpapalaganap ng impormasyon para sa
pag-iwas, tamang pagsugpo, at paggamot
sa immunodeficiency virus infection at
acquired immune deficiency syndrome
(AIDS).

“Naintindihan ba ninyo angating tinalakay “Opo ma’am.”


na aralin?”

“Magaling!”

“Sinu-sino nga ulit ang kadalasang Ang mga ahensiyang pangkalusugan ng


nagsasagawa ng mga programang pamahalaan.
pangkalusugan?”

“Tama. Magaling mga bata!”

5. Pagpapahalaga

“Mga bata, pinapahalagahan niyo ba ang “Opo ma’am.”


inyong mga kalusugan?”

“Sa anung paraan? Paano niyo ito “Ma’am kumain ng masusustansyang pagkain”
pinapahalagahan?

“Tama, ano pa?” “Ma’am magpa kunsulta sa dokto”

“Tama, ano pa?” “Makilahok sa mga programa ng pamahalaan tulad


ng; magpa purga, magpa bakuna, pag may libreng
tuli at iba pa”

“Magaling! Bigyan natin ng barangay clap “Ginawa ng mga bata ang siniabi ng kanilang guro)
ang bawat isa”

6. Paglalahat

Ano ang pangunahing ahensiya ng Ang Kagawaran ng Kalusugan.


pamahalaan na namamahala sa mga
serbisyong pangkalusugan para sa
mamamayan?

Anu-ano ang serbisyong pangkalusugan ng Pagbabakuna, pagbibigay ng libreng gamut, libreng


pamahalaan? pagpapaospital, at benepisyo ng Philhealth
Saan maaaring pumunta para sa Sentrong Pangkalusugan (health center)
pangangailangang medical?

7. Pagtataya

Isulat ang tamang sagot sa kwaderno.

1. Anong serbisiyo ang ibinigay ng Pagbabakuna


programang pangkalusugan para sa
mga kabataan o mga bata?
2. Saan maaaring pumunta upang Sa Department of Health
makinabang sa mga serbisiyong
pangkalusugan?
3. Anong ahensiya ng pamahalaan ang PhilHealth
namamhala para sa dekalidad na
pasilidad at serbisiyong pangkalusugan
4. Bakit mahalaga ang mga paglilingkod Dahil ito ay libre at upang mabawasan ang mga
ng pangkalusugan? gastosin kung magkakaroon ng karamdaman.

8. Takdang Aralin

Isulat sa sagutang papel.

Buuin ang graphic organizer. Itala sa loob


ng kahon ang mga serbisyong
pangkalusugan na tungkuling ipagkaloob
ng pamahalaan sa mga mamamayan at
mga epekto sa mamamayan ng mga
serbisyong ito.

Serbisyong Mga Epekto


Pangkalusugan
_____________
_____________ _____________
_____________ _____________
_____________ _____________
_____________

You might also like