You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Pangasinan State University


Infanta Campus
Infanta, Pangasinan

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


ARALING ASYANO

Mayo 25, 2022

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang pakinabang ng mga likas na yaman sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mg Asyano;
2. Naipamamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pangangalaga sa
timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya; at
3. Naihahayag ang wastong pangangalagang gagawin sa mga suliraning
pangkapaligiran na kinahaharap ng Asya.

II. Nilalaman
A. Paksa: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng
Asya
B. Sanggunian: Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral) VII, pp. 7-10
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation, laptop, worksheets

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
Para simulan ang ating gawain ngayong
umaga, inaanyayahan ang lahat na tumayo
at tayo ay manalangin.

(Audio-visual Presentation)

2. Pagbati
Isang mapagpalang umaga sa ating lahat, Magandang umaga rin po, Binibining
Grade 7–Sampaguita. Flaviano.

3. Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo umupo, mangyaring pakiayos (Pupulutin ang mga kalat at iaayos ang mga
muna ang inyong mga upuan at pakipulot na upuan.)
rin ang mga kalat na nasa ilalim ng mga ito.

Maaari na kayong umupo. Maraming salamat po.

4. Pagtatala ng Liban sa Klase


Sino ang lumiban sa araw na ito? Wala po, Ma’am.

1
Mabuti naman kung ganun.

5. Pagpapaalala sa Tuntunin ng Klase


Ngayon naman, nais kong ipaalala sa inyo
ang ating tuntunin sa klase. Una, makilahok
sa ating talakayan. Pangalawa, tumahimik
habang ako’y nagtuturo. Pangatlo, makinig
nang mabuti sa ating pag-aaralan. Pang-
apat, kung gusto niyong sumagot, itaas
ninyo ang inyong kamay at tumayo. At
panglima, bawal magsalita nang sabay-
sabay.

6. Balik-Aral
Bago tayo tumungo sa ating panibagong Opo, Ma’am.
konsepto ng talakayan ngayong umaga ay
magbabalik-tanaw muna tayo sa ating
paksang tinalakay noong nakaraang araw.
Magkakaroon tayo ng ‘SULYAP SA
NAKARAAN’. Kayo rito ay bibigyan ng sapat
na panahon para unawain nang mabuti ang
mga katanungang ipapakita sa inyo.
Babanggitin ko muna ang tanong gayundin
ang mga pagpipilian. Sa hudyat ng linya,
maaari niyo nang itaas ang inyong mga
kamay. Kayo ay tatawagin at saka niyo lang
sasabihin ang sagot. Naunawaan ba ang
panuto, Sampaguita?

Okay. Magsimula na tayo.

Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa b. agrikultura


maging ang mga produktong panluwas nito
ay nagmula sa pagsasaka.

Ang mga likas na yaman ay pinagkukunan a. ekonomiya


ng mga materyales na panustos sa kanilang
mga pagawaan.

Kung malawak at mataba ang lupain, mas b. agrikultura


matutugunan nito ang mga
pangangailangan ng bansa at
makapagluluwas ng mas maraming
produkto.

Marami sa mga bansa sa Asya ay a. ekonomiya


papaunlad bunsod sa kasaganaan sa likas

2
na yaman.

Isinasagawa ang land conversion na c. panahanan


nagdudulot naman ng pagkasira ng tirahan
ng mga hayop.

Magaling! Batid kong naunawaan niyo nga


ang ating aralin noong isang araw tungkol
sa implikasyon ng agrikultura, ekonomiya, at
panahanan sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon. At dahil diyan, bigyan ninyo
ang inyong mga sarili ng isang ‘Ang Galing
Clap’

7. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin ngayong Opo
umaga ay magkakaroon muna tayo ng isang
maikling gawain. Tatawagin natin itong
‘MAKE A QUESTION’. Sa gawaing ito,
magpapakita ako sa inyo ng mga larawan.
Batay sa mga larawan, nais kong bumuo
kayo ng mga katanungang maiuugnay ninyo
sa mga ito. Maliwanag ba?

Paano na ang mga hayop na nakatira riyan?


Bakit kailangang gawin ng mga tao ang
ganyang gawain?

Nakahihinga pa kaya ang mga taong


nakatira malapit diyan?
Ano-ano kaya ang epekto ng usok na ‘yan
sa kalusugan ng tao?

Hindi ba alam ng mga tao na magtapon ng


basura sa tamang lalagyan?
Saan galing ang mga basurang ‘yan?

Dahil nakabuo kayo ng mga katanungan


mula sa mga larawang aking ipinakita sa
inyo, palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili.

B. Takdang Gawain
1. Pagpapakilala ng Paksa
Batay sa mga binuo niyong mga katanungan Ang mga ito po ay tumutukoy sa mga isyung
mula sa mga larawan, ano ang inyong pangkapaligiran.
mahihinuha rito?

3
Mahusay! Hindi na lingid sa ating kaalaman
ang ganitong usapin. Kaya nga naman,
ngayong umaga ay ating tatalakayin ang
pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng Asya.

2. Paglalahad/Pagtatalakay sa Paksa
Mula sa inyong pagkakaupo, nais kong Ang Asya po ang pinakamalaking kontinente
alalahanin niyo ang tungkol sa Asya. Ano ba sa mundo.
ang nalalaman ninyo tungkol sa Asya?

Magaling! Ang Asya ang pinakamalaking Ang biodiversity po ay ang pagkakaiba-iba


kontinente sa mundo. Sinasaklaw nito ang ng mga nabubuhay na organismo.
humigit-kumulang 30 porsiyento ng
kalupaan ng daigdig. Itinuturing ang Asya na
pangunahing pinagmumulan ng lahat ng
may buhay o ang global biodiversity. Sa
inyong sariling mga salita, ano ba ang ibig
sabihin ng biodiversity?

Mahusay! Ang biodiversity ay ang Mga hayop po at halaman ang aming


pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng nakikita sa paligid.
lahat ng buhay na bumubuo sa natural na
kalikasan. Ano-ano ba ang nakikita niyong
may buhay sa inyong paligid?

Tama. Ito ay ang mga hayop at halaman. Opo, Ma’am.


Ang China, India, Thailand, Indonesia at
Malaysia ay katatagpuan ng
pinakamaraming species ng mga isda,
amphibian, reptile, ibon at mammal. Ngunit
sa kabila nito, ang Asya rin mismo ang
nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala
ng biodiversity. May magagawa ba tayo sa
suliraning ito?

Tama. Ang mga solusyon na magagawa Kasi po Ma’am anuman ang maging
natin ay may bahaging ginagampanan sa katayuan at kalagayang ekolohiko ng
pagpapanatili ng ecological balance o ang rehiyon, tiyak na makaaapekto ito nang
timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya. lubos sa pangkalahatang kalidad ng
Bakit kaya kailangan nating mapanatili ang kapaligirang pandaigdig.
ecological balance?

Magaling! Dapat nating isipin na bunga ng


kalakihang sakop na teritoryo ng kontinente
ng Asya, ang mga problemang ekolohikal na
nararanasan ng mga Asyano sa isang
rehiyon ay posible ring maging suliranin ng
mga tao sa karatig-rehiyon o maging ng

4
mga mamamayan ng buong daigdig.

Sa puntong ito, ating talakayin ang mga


yamang likas gayundin sa kung papaano
natin mapangangalagaan ang mga ito sa
mga suliraning kanilang natatamasa dahil
nga nabatid natin na ang mga bansang
Asyano ngayon ay humaharap sa
masalimuot na interaksyon ng mga isyung
pangkapaligiran.

Tunay ngang malaki ang bahaging Dahil tinitirikan po ito ng mga kabahayan.
ginagampanan ng lupa upang patuloy na
mabuhay ang tao. Sa kapakinabangan nito
nakaasa ang mga produktong agrikultural na
tumutustos sa kabuhayan ng mga
mamamayan. Ang Asya ang rehiyon sa
daigdig na mayroong pinakamalaking
suliranin sa lupang maaaring bungkalin. Sa
paglaki ng populasyon, lalong lumiliit ang
lupang maaaring taniman. Bakit kaya?

Mahusay! Malaki ang kaugnayan ng paglaki


ng populasyon sa pagkasira ng lupain sa
Asya.

Sumunod na suliranin sa yamang lupa ay Ang desertification po ay pagkasira ng lupa.


ang urbanisasyon. Dahil sa urbanisasyon,
dumarami ang mahihirap na lugar o
depressed areas at mga pamayanan na
may mataas na insidente ng pagkakasakit at
iba pang panganib sa kalusugan. Ang
bansang India ay may ganitong sitwasyon.
Nawawala rin ang sustansya at
kapakinabangan ng lupa sa patuloy na
pagpapatayo ng gusaling komersyal. Bukod
sa urbanisasyon, ilan din sa mga suliraning
kinakaharap ng ating yamang lupa ay ang
desertification at salinization. Ano nga ba
ang ibig sabihin ng desertification?

Tama. Ang desertification ay tumutukoy sa Magkakaroon po ng kakulangan sa pagkain


pagkasira ng lupain sa mga rehiyong at magiging panganib ito sa kalusugan.
bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag
lumaon ay hahantong sa permanenteng
pagkawala ng kapakinabangan nito. Ganito
ang nararanasan ng ilang bahagi ng China,
gayundin ng Jordan, Iraq, Lebanon, India, at
iba pa. Ano kaya ang epekto ng
desertification o yung pagkasira ng lupain?

5
Mahusay!

At, ang panghuling suliranin ay ang Ang salinization ay proseso ng paglitaw ng


salinization. Pakibasa. asin sa ibabaw ng lupa o ‘di kaya naman ay
inaanod ng tubig papunta sa lupa.

Ito ay nagaganap kapag mali ang irigasyon, Una, gumamit ng natural fertilizer. Ikalawa,
sa paligid ng mga estuary at gayundin sa magpreserba ng mga lupain.
lugar na mababa ang balon ng tubig o water
table. Unti-unting nanunuot ang tubig-alat o
salt-water kapag bumababa ang water level
gaya ng nararanasan ng bansang
Bangladesh sapagkat nanunuot na ang
tubig-alat sa kanilang mga ilog. Sa mga
suliraning aking nabanggit, paano kaya natin
matutugunan ang mga ito? Narito ang ilan
sa mga paraan upang mapangalagaan ang
ating yamang lupa. Pakibasa.

Okay. Una, gumamit ng natural na fertilizer.


Ito ay upang hindi mawala ang nutrients ng
lupa. Ikalawa, magpreserba ng mga lupain.
Ito naman ay upang hindi gawing
pangkomersyal ang mga lupain.

Ngayon, dumako na tayo sa ating yamang Ito po yung pag-iiba ng kulay ng tubig.
tubig. Ang ating yamang tubig ay higit na
malawak kaysa sa ating yamang lupa. Kaya
napakalaki rin ng kapakinabangan nito lalo
na sa mga taong nakatira malapit sa mga
katubigan tulad ng dagat at ilog. Ngunit, may
suliranin din itong kinakaharap tulad ng red
tide. Ano ba itong red tide na ito?

Okay. Nagkakaroon ng red tide dahil sa mga Ito ay dahil po sa pagtatapon ng basura sa
dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng ilog.
dagat. Nakararanas din ang Asya ng
kakulangan sa tubig. Mula 1950, tumaas
nang tatlong ulit ang konsumo sa tubig ng
Asya. Bukod sa kakulangan sa tubig, isa
pang suliranin sa rehiyon ang polusyon sa
tubig. Bakit kaya nagkakaroon ng polusyon
sa tubig?

Mahusay! Paano naman kaya natin Una, magtapon tayo ng basura sa tamang
matutugunan ang mga suliraning ito? lalagyan. Pangalawa, gumamit ng naaayon
Pakibasa. na paraan sa pangingisda. Ikatlo, gumamit
ng mga nireresiklong gamit.

6
Magaling!

Mahalaga rin ang ating mga yamang gubat. Troso, tirahan ng mga hayop, pagkain, at
Anong mga nakukuha natin sa ating sariwang hangin ang makukuha po natin sa
kagubatan? kagubatan.

Ngunit, hindi pa rin natin maiiwasan ang Ito po ay pagpuputol ng mga puno.
mga suliranin sa ating kagubatan. Ilan
lamang sa mga suliranin ay ang
deforestation. Isa ito sa problemang
nararanasan ng Asya sa kasalukuyan. Ayon
sa Asian Development Bank, nangunguna
ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan, at
Pilipinas sa mga bansang may
pinakamabilis na antas o rate ng
deforestation. Kapag naririnig niyo ang
salitang deforestation, anong unang
pumapasok sa isipan ninyo?

Tama. Ang deforestation ay ang tahasang Magkakaroon po ng pagbaha at pagguho ng


pagkaubos ng mga katutubong puno sa lupa.
isang kagubatan. Kapag naubos ang mga Mauubos din po ang habitat o tirahan ng
puno sa kagubatan, ano kayang mga hayop.
mangyayari?

Tama. Ang mga nilalang na gaya ng mga Magtanim ng puno. Sundin ang isinasaad ng
hayop at halaman ay sadyang batas tungkol sa tamang paggamit ng
napakahalaga dahil sa tulong medikal at yamang gubat.
agrikultural na maaaring ibigay ng mga ito
subalit ang mga nilalang na ito ay
nanganganib dahil sa pagkasira ng kanilang
mga tahanan. Kaya tunay ngang masama
ang dulot nito sa natural ecosystem. Ilan sa
mga dahilan ng deforestation ay ang
pagkuha ng troso para maibenta sa ating
merkado. Ngunit, kung sa positibong aspeto
naman, ginagamit ang mga ito upang
maging pataba sa mga pananim. Ano
naman kaya ang magagawa natin upang
matugunan ang mga suliraning ito?
Pakibasa.

Una, magtanim ng puno at siguraduhing


matanda na ang puno na pinutol at palitan
ito. Pangalawa, sundin ang isinasaad ng
batas tungkol sa tamang paggamit ng
yamang gubat. Lahat ng bagay ay mahalaga
kaya bigyang respeto ang lahat ng may
buhay.

7
Dumako naman tayo sa yamang mineral. Ginto po.
Ang yamang mineral ay isang uri ng yamang Tanso po.
natural kung saan hindi ito napapalitan. Isa Pilak po.
itong yaman na makukuha sa pamamagitan Diyamante po.
ng paghuhukay o pagmimina. Grade 7,
anong mga yamang mineral ang alam
ninyo?

Ngunit, nagkakaroon ng pagkapinsala sa Ito po ay polusyon sa hangin.


yamang mineral dahil sa maling
pamamaraan ng pagmimina. At dahil sa
pagmimina, nagkakaroon din ng problema
sa ating kapaligiran. Ano kaya ito?

Mahusay! Kaya nga naman ang mga


siyudad sa Asya ay kabilang sa
pinakamarurumi sa buong daigdig. Sa 15 na
lungsod na pinakamalala ang polusyon sa
hangin, 12 dito ay mula sa Asya. Paano
naman kaya natin ito matutugunan? Sundin
lamang natin ang alituntunin ng pamahalaan
tungkol sa pagmimina.

Ayan, magaling! Natukoy na natin ang


suliraning kinahaharap ng ating likas na
yaman at kung paano mapangangalagaan
ang mga ito.

A. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang pangunahing pinagmumulan ng Asya po ang pangunahing pinagmumulan
lahat ng may buhay o ang global ng biodiversity.
biodiversity?

Ano ang mga yamang likas? At, ano-ano Sa yamang lupa, desertification, salinization,
ang mga suliraning kinahaharap ng mga ito? urbanisasyon, at pagtaas ng populasyon
ang mga suliraning nabanggit.
Sa yamang tubig, kabilang sa mga suliranin
dito ay pagtatapon ng basura sa ilog,
kakulangan sa tubig, at red tide.
Deforestation ang suliraning natatamasa ng
yamang gubat.
Pagmimina ang isa sa suliranin sa yamang
mineral.

2. Paglalapat
Ngayon naman, magkakaroon tayo ng Opo
pangkatang gawain na tatawagin nating
‘LINANGIN MO!’. Ito ay gagawin ninyo sa
pamamagitan ng spinning wheel. Sa hudyat

8
ng bawat grupo, aking ititigil ang pag-spin sa
wheel at kung saan ito tumapat ay yun ang
sasagutan ng grupo. Nakapaloob sa wheel
ang iba’t ibang set ng gawain. Bawat set ng
gawain ay may lamang talahanayan o mga
sasagutan. Pupunan lamang ng bawat
grupo ang talahanayan ng angkop na salita
batay sa hinihingi nito. Maliwanag ba,
Grade7?

Kung naintindihan na, magsimula na tayo.

Set A
Sanhi at Bunga
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop
na salita.

Set B
Lugar Ko, Pangangalagaan Ko
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop
na gawain sa pangangalaga ng iyong
kapaligiran.

Set C
Suliranin, Lutasin
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na
pahayag na may kinalaman sa
pangangalaga sa kapaligiran, timbang na
kalagayang ekolohiko at pagpapahalaga sa
kalikasan. Ipahayag ang mga mungkahing
solusyon na hinahangad.

9
Set D 1. Ang Asya ay ang kontinente na may
Q and A Portion pinakamalaking populasyon sa buong
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mundo. Mahigit apat na bilyong tao ang
mga tanong. Mamili ng isa at sagutan ito nakatira rito. Dahil sa dami ng tao sa Asya,
nang hindi bababa sa tatlong pangungusap. marami rin ang mga pabrika kung saan
1. Ano ang pangunahing dahilan ng pumapasok ang mga tao para magtrabaho.
suliraning pangkapaligiran sa Asya? Kailangan din ng malaking supply ng
enerhiya ng mga bansa sa Asya kaya
naman nakadepende pa rin ang karamihan
sa mga bansa rito sa coal. Ang suliraning
pangkapaligiran sa Asya ay hindi malulutas
kung hindi liliit ang populasyon nito.
2. Kabilang sa mga suliraning
pangkapaligiran ng Asya ay ang
deforestation o walang humpay na
pamumutol ng kahoy. Ilan din sa mga
problema ay ang iresponsableng pagtatapon
2. Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng basura, pagsira sa tirahan ng mga
ng Asya? hayop, pagkakaingin o pagsunog sa gubat
at pagdami ng sasakyan. Matindi rin ngayon
ang paglobo ng populasyon at ang
pagsusunog ng plastik sa rehiyon.
3. Dahil sa pamumutol ng puno, mayroong
mga pagkakataon na nagkakaroon ng
insidente ng erosyon. Nagkakaroon din ng
polusyon bunga ng tahasang pagtatapon ng
mga basura sa hindi tamang lagayan.
3. Ano ang mga pangunahing problemang Nanganganib ding maubos ang mga hayop
kinakaharap sanhi ng mga suliraning dahil sa pagkasira ng kanilang tirahan.
pangkapaligiran?

Set E 1. Itapon sa tamang lagayan ang mga


Reaksyon Mo, Sabihin Mo basura. Magtanim ng mga puno. Iwasan ang
Panuto: Mamili ng isang tanong at sagutan paggamit ng plastik. Iwasan ang paggamit
ito nang hindi bababa sa tatlong ng mga produktong may Cfc. Paghiwalayin
pangungusap. ang nabubulok sa ‘di nabubulok na mga
1. Sa papaanong paraan maiiwasan ang basura.
mga problemang kinakaharap na may 2. Upang mapahalagahan at mapanatili ang
kinalaman sa suliraning pangkapaligiran? ecological balance, ang aking gagawin ay
magbibigay ako ng impormasyon sa mga
tao gamit ang social media upang mas
lumalim pa ang kaalaman nila tungkol sa
2. Ano-anong gawain ang iyong isasagawa paksang ito. Kapag mas naintindihan na ng
upang mapahalagahan at mapanatili ang karamihan ang ecological balance, sila na
balanseng ekolohikal? mismo ang magkukusa na gumawa ng
paraan upang ito ay maprotektahan. Mas

10
maganda ito sapagkat dadami ang mga
magmamalasakit sa ekolohiya.
3. Ang epekto nito ay mawawalan tayo ng
makakain. Wala na tayong masisilungan.
Mawawalan tayo ng kagandahan ng likas na
yaman.

3. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang


disiplina sa pang-aabuso sa kalikasan, ano
ang magiging epekto nito sa pamumuhay ng
mga tao?

Set F
Mabuti at ‘Di Mabuti
Panuto: Suriin at tukuyin ang sumusunod na
impormasyon tungkol sa suliraning
pangkapaligiran. Ilagay ang sumusunod na
simbolo kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng mabuti at ‘di mabuti sa 1.
likas na yaman.
2.
3.
4.
_____1. Tahasang pagkawasak ng
kagubatan 5.
_____2. Patuloy na pagtaas ng populasyon
_____3. Pangangalaga sa likas na yaman
_____4. Pagpapanatili ng kalinisan sa
paligid
_____5. Walang habas na pagkuha at Pangalagaan ang Kalikasan
paggamit ng mga likas na yaman Para sa Kinabukasan ng Kabataan.

Set G Nasa Kalikasan,


Islogan! Ang ating Kaligtasan.
Panuto: Gumawa ng isang islogan na may
kinalaman sa pagpapahalaga sa likas na Kalikasan, ating alagaan,
yaman. Nang buhay nati'y sagana sa yaman.

Hal. Likas na yaman pahalagahan dahil ito Kalikasan, ating Tahanan,


ay ating kailangan. Dapat na Ingatan.

Sobrang mahalaga na pangalagaan ang


mga likas na yaman sapagkat nag-iisa
lamang ito at wala nang kapalit kung lubos
na mapabayaan.
3. Pagpapayaman sa Aralin
Bilang isang kabataan, gaano kahalaga

11
sa’yo ang pangangalaga sa mga likas na
yaman?

IV. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.
a. Desertification c. Habitat
b. Ecology d. Ozone Layer
2. Ito ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo na pinagmulan din ng
pangunahing global diversity.
a. Asya c. North America
b. Africa d. South America
3. Ano ang tawag sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o
lubhang tuyo?
a. Deforestation c. Salinization
b. Siltation d. Desertification
4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit mabilis ang pagkawala ng
biodiversity sa Asya maliban sa isa.
a. Pag-aabuso sa lupa c. Pagkasira ng kagubatan
b. Paggamit ng eco-bags d. Pagtaas ng populasyon
5. Bakit dapat pahalagahan ang mga likas na yaman ng Asya?
a. Magkaugnay ang tao sa kanyang likas na yaman.
b. Hindi mabubuhay ang tao kung walang likas na yaman.
c. Dahil dito kinukuha ng mga Asyano ang kanilang ikinabubuhay.
d. Lahat ng nabanggit.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Sa isang short bond paper, gumawa ng isang poster tungkol sa kung
papaano maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinahaharap ng Asya sa
kasalukuyan.

Batayang Panukat sa Paggawa ng Poster


Kaugnayan sa Paksa 30%
Pagkamalikhain 30%
Pagkaorihinal 30%
Pagkalahatang Anyo 10%
Kabuoan 100%

Inihanda ni:

MA.JUDEA M. FLAVIANO
Gurong Nagsasanay

12

You might also like