You are on page 1of 35

1

Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7


Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa gitna ng
pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan. Sapat na ito upang
maipakita mo ang kabayanihan sa iyong kaparaanan.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Siguraduhin na walang gawain na hindi masasagutan para naman hindi ko na ito maibabalik
sa inyo para sagotan ulit.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Upang magabayan ka sa iyong gawain,narito ang buod ng mga Aralin sa loob ng


modyul na ito at sa ibaba naman ay isang listahan ng mga aktibidad na dapat mong gawin
sa loob ng modyul na ito.

2
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Kumusta? Binabati kita sa matagumpay mong paglalarawan ng mga likas na yaman ng Asya.
Ngayon ay mas mapaunlad mo pa ang iyong pag-unawa hinggil sa ugnayan ng tao sa kaniyang
kapaligiran sa pamamagitan ng paglinang nito tungo sa pagtugon sa kaniyang pangangailangan.

Sa panibagong kasanayang ito ay maaaring maitatanong mo kung ano ang mga implikasyon ng
mga yamang likas sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng agrikultura,
ekonomiya, pantahanan, at kultura? Paano ang interaksiyon ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa
pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutuhan sa
nakaraang aralin upang ganap na maunawaan ang paksang tatalakayin sa bagong araling ito.

Basahin mong mabuti at suriin ang mga implikasyon ng yamang likas at kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon. Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning
Competency para sa baitang 7 na:
✓ Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon (AP7HAS-Ie-1.6),
✓ Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng
rehiyo( AP7HAS-Ig-1.7)
✓ Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon(AP7HAS-Ii-1.9).

Saklaw ng Modyul

4 Implikasyon ng Likas na Paggawa ng Kasabihan Isang Linggo


Yaman sa Pamumuhay ng
mga Asyano

5 Kalagayang Ekolohikal ng Paghahanap ng Suliraning Isang Linggo


Asya Pangkapaligiran

6 Yamang Tao sa Asya Paggawa ng Photo Essay Isang Linggo

3
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Modyul 2 -Aralin 4
Implikasyon ng Likas na Yaman
sa pamumuhay ng mga Asyano

Sa araling ito inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Natatalakay ang implikasyon ng likas na yaman at kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon; at
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng yamang likas at kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
3. Nakapagbibigay ka ng halimbawa ng pagbabago sa pamumuhay ng mga
Asyano sa pamamagitan ng paglinang ng mga likas na yaman.

Kumusta ka na? Nawa ay nasiyahan ka sa iyong pagsagot sa nakaraang mga araling at


sanay nakatulong ito upang maging handing-handa ka sa pagsusuri mo sa araling: Ang
implikasyon ng Likas na Yaman sa papamuhay ng mga Asyano. Alam kung ang araling ito ay
kapana-panabik para sa iyo.
Ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan,
karagatan, mga ilog at lawa maging ang mga depositing mineral ay inilalarawan bilang likas na
yaman ng Asya. Nagkaroon ng iba’t ibang yamang likas ang bawat rehiyon ng Asya dahil sa
pagkakaiba nito sa uri ng klima, anyo ng mga lupain at kinaroonan nito sa mundo.

Gawain 1: Balik Aral sa Likas na Yaman


Panuto: Halika na at magbalik-aral sa iyong mga natutuhan tungkol sa pisikal na katangian
ng Asya sa pamamagitan na pagsagot sa sumusunod na katanungan.

_____________1. Ano ang pangunahing pananim ng bansang China?


_____________2. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Timog Asya?
_____________3. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang pangunahing tagapagluwas ng
langis sa buong mundo?

4
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
_____________4. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang nangunguna sa buong
mundo sa produksyon ng langis mula sa niyog?
_____________5. Anong rehiyon sa Asya ang may yamang pangisdaan na pinagkukunan
ng itlog ng Sturgeon na tinatawag na Caviar?

Ang mga wastong kasagutan sa isinasagawang pagbabalik-aral ay sapat na upang


magpatuloy ka sa susunod na bahagi ng pagtuklas na kung saan ay aalamin mo ang iyong
kakayahang suriin ang implikasyon ng mga yamang likas at kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon hanggang sa kasalukuyan.

BASAHIN NATIN

Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol sa kinaroroonan, lokasyon, at paghahating


pangrehiyon ng Asya na makapagbibigay sa iyo ng impormasyon na higit mong kakailanganin sa
pagtamo ng kaalaman, upang matutunan ang konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya.

Magaling! Binabati kita sa pagsagot sa paunang mga gawain na iyong nasagutan ng mabuti. Alam
ko naman na kaya mong masasagutan ito ng mabuti. Sa bahaging ito ng modyul ay tatalakayin ang mga
implikasyon ng mga likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano.

IMPLIKASYON NG MGA YAMANG LIKAS AT PISIKAL NA KAPALIGIRAN NG ASYA

Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang kapaligiran? Ang lahat ng nasa kapaligiran,
mga kabundukan, dagat, hayop, halaman, at mineral ay mga likas na yaman na siyang puhunang
nililinang ng tao upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Noon pa man at
magpahanggang ngayon, ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa kaniyang
kapaligiran.

Kadalasan ang hanap buhay ng isang tao ay naaangkop o naaayon sa kaniyang lugar na kinaroroonan,
halimbawa pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan, kung
sa baybaying dagat naman ay pangingisda. Tunay nga na ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang
natural na prosesong ipinagkaloob ng kalikasan upang ang lahat ay mabuhay. Paano ang patuloy na
paglinang at pakikibagay ng tao sa kapaligiran ay nagbunsod sa pag-unlad ng kabihasnan at kultura ng
isang lipunan tulad ng matatagpuan sa Asya?

Halika, simulan mo nang tuklasin ang kasagutan.

Ang Asya ay masagana sa iba’t ibang uri ng likas na yaman. Malaki ang implikasyon nito sa pamumuhay
ng mga Asyano. Ang likas na yaman ang nagdidikta kung ang lugar ay maaaring tirahan. Halimbawa na
5
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
lamang ng yamang lupa. Pagdating sa agrikultura hindi pahuhuli ang mga Asyano. Nakakagawa sila ng
mga produktong pagkain na maaari nilang pakinabangan sa murang halaga. Bukod pa roon, maaaring
mabilang sa eksportasyon ang kanilang pagkaing produkto. Ang problema nga lang hinaharap ng mga
Asyanong sagana sa likas na yaman ay ang paglobo ng populasyon. Sa kasamaang palad, dahil sa
paglobo ng bilang ng mga tao naabuso rin ang likas na yaman.

Batay sa larawan, ang bundok, kapatagan at lambak ay ginagawang bukirin at lupaing


agrikultural. Isa sa mga implikasyon ng yamang likas ay ginagawang sakahan upang matugunan ang
pang araw-araw na pangangalilangan ng isang tao.

Mailalarawan ang implikasyon ng yamang likas at kapaligirang pisikal sa mga sumusunod na


salik: Agrikultura, Ekonomiya, at Pananahanan.

Implikasyong Agrikultural
Sa pagsisimula ng kabihasnan, ang pangunahing pagkukunan ng pagkain ng mga tao ay
nagmumula sa agrikultura kaya hindi maikakaila na pagsasaka ang naging sandigan ng mga Asyano.
Ginagamit ng mga bansang Asyano ang mga produkto ng agrikultura upang makalikom ng pera at
mapataas ang pambansang kita sa pamamagitan ng pagluluwas nito sa ibang bansa.

Mapalad ang isang bansa kapag may malawak at matabang lupain dahil natutugunan nito ang
pangangailangan ng kanyang mamayan at maaaring maraming mailuluwas na mga produkto. Marami
din sa mga bansa ang nagnanais na mapabilis at mapalaki ang kanilang produksiyon kaya sinikap nilang
makagamit ng mga bagong mga makinarya. Ang ilang mamamayan na maliliit lamang ang lupain ay
sinikap na lamang paunlarin ang kanilang ani para sa pansariling ikabubuhay nila.

Ang larawang ito ay nagpapakita na ang hilaw na materyales mula sa yamang likas ay kinukuha
at ginagamit para sa industriya upang makagawa ng isang panibagong produkto mula sa sektor ng
agrikuktura. Ang sektor ng industriya ay may malaking naiambag upang mapaulad ang ekonomiya ng
isang bansa.
6
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Implikasyong Ekonomikal

Malaki ang naging papel ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa
sapagka’t dito makukuha ang lahat ng pangangailangan ng tao ma pa agrikultura man o mapaindustriya.
Ang mga bansang salat sa mga likas na yaman ay nagnanais na masakop o magkaroon ng kalakalan
sa mga bansang sagana nito upang umunlad ang ekonomiya.

Kilala ang Asya, bilang Land of Extremes dahil sa may mga katangi-tanging mga likas na
matatagpuan dito. Ang mga mauunlad na bansa ay kumukuha ng mga hilaw na materyales dahil higit
na kinakailangan sa kanilang industriya, kaya marami sa mga mamamayan ang mismong naninirahan
sa isang bansang sagana sa likas na yaman subalit hindi nakikinabang nito ang mga mamayan. Isa sa
mga naging puhunan ng isang bansa upang mapataas ang kanilang pambansang kita ay sa
pamamagitan ng pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa.

Ipinapakita sa larawang ito ang tungkol sa pananahanan ng tao. Kumukuha ng mga produkto
mula sa yamang likas ang tao upang gamitin niya sa pagpapatayo ng bahay, gusali at iba pa. Nakikita
sa larawan na nagkakaroon ng land conversion at nasasakripisyo ang natural na tahanan ng mga hayop

Implikasyong Pananahanan

Maparelihiyon man o mapasiyentipiko hindi mapipigilang ang tao ay dumarami at kailangang


mabuhay. Sa pagdami ng populasyon, dumarami rin ang pangangailangan ng mga pagkain na kukunin
mula sa likas na yaman. Dagdag pa rito, kinakailangan ng mga tao ang tirahan upang siya ay maging
ligtas at komportable sa kaniyang buhay. Sa mga kadahilanang ito, kailangang isakripisyo ang mga likas
na yaman lalong-lalo ang tirahan ng mga hayop dahil isinasagawa ang land conversion upang pagtayuan
ng mga kabahayan. Gumagamit ang tao ng mga makabagong makinarya upang mapabilis ang
produksyon dahil sa pangangailangan ng dumaraming populasyon.
Ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano:
 Dahil mayaman ang Asya sa matabang lupain na angkop sa pagtatanim nagiging sapat ang mga
supply ng mga masusustansiyang pagkain sa buong tao sa Asya. Kung may nagugutom man hindi
naman ay iilan lamang iyon.
 Dahil mataba ang lupa nagtatanim ang mga Asyano ng mga halaman tulad ng barley, mais, palay,
trigo, oil seed, jute, kape, patatas, kamote, bulak, kasoy at iba pang sangkap na pampalasa tulad ng
sili, cinnamon, pepper at cloves.
 Walang nagugutom sapagkat halos lahat ay maaring magtanim.
 Hindi tulad ng ibang bansa sa Asya ay maaring mag backyard gardening ang mga Asyano at maari
silang makakain ng pagkain kahit hindi bumibili nito.
 Nagkaatulong din na magbigay ng hanap-buhay sa mga magsasaka
 Ang mga Asyano ay mahilig sa agrikultura dahil sa matabang yamang lupa. Ang mga naaani nilang
mga produkto ay inexport nila sa napakamurang halaga
 Dahil sa mga yamang mineral sa bansa ang Asya ang sumusuporta ng mga mineral sa ibang bansa
7
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
na nakakatulong upang mapalakas ang ekonomiya dahil sa mga pumapasok na salapi sa mga bansa
sa Asya.
 Mayaman din sa yamang tubig ang Asya kaya marami din sa mga Asyano ang mangingisda. Ang
Asya din ang nagsusuporta ng mga pagkaing dagat sa mga karatig na mga bansa.
 Dahil sa likas yaman, yamang lupa, yamang tubig at yamang mineral ng bansa ay nagiging maganda
ang ekonomiya ng Asya.

Matapos mong basahin at suriin ang naging implikayon ng yamang likas at kapaligirang pisikal
ay aktibo kang sagutan ang mga gawaing nakaatang sa iyo sa sumusunod.

Gawain 1: Piliin Mo
Panuto: Para mas lalo mong mapagyaman ang iyong kaalaman tungkol sa mga pagbabagong hatid ng
paglinang sa mga likas na yaman sa iyong kapaligiran, punan mo ang mga blangko sa bawat kolum.
Maaring ito ay pangyayari, produkto o kagamitan ng mga Asyano noon o ngayon. Gamitin mo ang mga
pahiwatig sa bawat numero.

Pahiwatig:
1. Kagamitan sa pagsasaing.
2. Ginagamit na sasakyan.
3. Paraan para makakita o para may mabigay na pagkain sa pamilya.
4. Paraan ng pagbayad sa pinamili.
5. Anyo ng bahay.
6. Paraan ng komunikasyon.
7. Makabagong paraan sa pagkalap ng impormasyon.
8. Paraan ng pagpreserba sa pagkain.
9. Lugar kung saan kalimitang naliligo.
Pinagkukunan ng tubig na maiinom

Noon Ngayon

Hal. Araro Rice Harvester

8
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Gawain 2: Alamin Ito!

Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan at sumulat ng tatlong bagay na maaring mapakinabangan
mula sa mga ito. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang na nasa ibaba ng bawat larawan.

Ilog Minahan
1. _______________________________ 1. _______________________________
2. _______________________________ 2. _______________________________
3. _______________________________ 3. _______________________________

9
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Gubat Bukirin
1. _______________________________ 1. _______________________________
2. _______________________________ 2. _______________________________
3. _______________________________ 3. _______________________________

Gawain 3: Suriin Ako


Panuto: Suriin mo ang dalawang larawan. Sagutin mo ang tanong na nasa ibaba ng bawat larawan.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang mabuting naidulot ng malawak at matabang lupain sa kultura ng isang bansa?

2. Ano ang epekto ng isang masaganang yamang likas ng isang bansa sa kalinangan?

10
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Ang dami mo nang natutuhan sa ating aralin. Binabati kita!
Sa bahaging ito, hinihikayat kita na sagutan ang mga gawain sa workbook (Aralin 4 -
Gawain 1: Pagtataya 4 at Gawain 2: Mini Task 4-Paggawa ng Kasabihan) upang
malaman natin ang mga kaalamang iyong natutuhan.
Madali lamang ito!

Nagmumula sa pagsasaka ang pagkain ng mga tao sa isang bansa kaya kung mataba at
malawak ang lupain ay mas matutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at mas
makakapagluwas ng mas maraming produkto. Para sa pagpapalaki ng produksyon ay ang ilan ay
gumagamit ng makabagong teknolohiya habang nagbubukid naman ang iba para sa
sarilingikabubuhay nila. Ang ekonomiya ang pinagkukunan ng mga materyales ang mga likas na
yaman sa isang bansa. Ang mga mauunlad na bansa ay sa likas na yaman din kumukuha ng hilaw
na materyales kaya nauubos na ang mga ito. Sa iba, sa likas na yaman din sila kumukuha ng gamit
kasabay ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang tumaas ang kanilang kita upang umunlad
ang pamumuhay nila panahanan- dahil sa lumalaking populasyon ay isinasagawa ng ilan ang 'land
conversion' na nagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop at gumagamit din ng
makabagong teknolohiya upang baguhin ang kanilang kapaligiran.

11
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Modyul 2 – Aralin 5
Kalagayang Ekolohikal ng
Asya
Sa araling ito inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang biodiversity, mga isyung pangkapaligiran at kahalagahan ng
timbang na kalagayang ekolohiko o ecological balance sa rehiyon ng Asya;
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng rehiyon at;
3. Nakapaglalahad ng mga solusyon o hakbang sa paglutas ng mga suliranin sa
kalagayang ekolohiko ng rehiyong Asya;

Kasabay nang pag-unlad ng mga bansa sa Asya ay ang patuloy na paglala ng mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap nito sa kasalukuyan. Isang hamon na dapat tugunan ng bawat Asyano
kung paano mapapanatili ang pagkakaroon ng balanseng kalagayang ekolohikal sa kabila nang pag-
unlad ng kabuhayan nito.
Sa araling ito, ilalahad ang mga suliraning pangkapaligiran at ang kalagayang ekolohikal ng Asya
sa kasalukuyan. Susuriin din ang mga dahilan at epekto ng suliraning pangkapaligiran, mga hakbangin
upang ito ay malutas at mapanatili ang balanseng kalagayang ekolohikal ng mga bansa sa Asya.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa kahalagahan ng pangangalaga sa timbang ng kalagayang
ekolohiko ng Asya.

Kumusta mag-aaral! Handa ka na ba para sa bagong aralin na ating tatalakayin? Kung


gayon ay simulan natin ang araw ng isang awitin. Mahilig ka bang kumanta? Pamilyar ka ba
sa kantang Masdan Mo Ang Kapaligiran ng bandang Asin? Kung hindi ay ating pakinggan ang
mensahe ng nasabing awitin para sa lahat.

Paalala: Maaari kang makinig sa Youtube o mag download ng kantang ito mula sa internet.
Pwede ring magpatulong sa iyong magulang o kapatid na nakakaalam ng kantang ito.

12
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Masdan Mo ang Kapaligiran
By: Asin

Intro Refrain 3
Wala ka bang napapansin Bakit 'di natin pag-isipan
Sa iyong mga kapaligiran? Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin Hindi na masama ang pag-unlad
Pati na ang mga ilog natin Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Refrain 1 Darating ang panahon


Hindi na masama ang pag-unlad Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
At malayo-layo na rin ang ating narating Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Refrain 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Sa langit, huwag na nating paabutin Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Upang kung tayo'y pumanaw man 'Pagka't 'pag Kan'yang binawi, tayo'y mawawala na
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling
Refrain 2 Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Mayro'n lang akong hinihiling Gitara ko ay aking dadalhin
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe na nais ipahiwatig ng awitin? (5 puntos)

2. Bilang isang mag-aaral o miyembro ng lipunang iyong ginagalawan sa paanong paraan ka makakatulong sa
pagpapanatili ng kalinisan sa kabila ng ating kaunlaran? (5 Puntos)

13
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag kang mag-alala dahil ang lahat ng
mga katanungan na ito ay iyong masasagot kapag natapos mo ang modyul para sa unang markahan.
Halika na at simulan mo na ang iyong paglalakbay!

Ngayon ay ating tuklasin ang tungkol sa biodiversity at ang mga suliraning pangkapaligiran na
kinakaharap ng mga Asyano.

Ang Biodiversity ng Asya


Ang Asya, bilang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig ang siyang itinuturing na
pinagmumulan ng global biodiversity. Ang biodiversity ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba at katangi-
tanging anyo ng lahat ng buhay na siyang bumubuo sa natural na kalikasan. Ang habitat naman ang
nagsisilbing tirahan ng mga hayop at iba pang mga nilalang sa daigdig. Dahil na rin sa mga pag-unlad
ng ekonomiya na nagaganap sa bawat bansa sa Asya ay kaakibat din nito ang pagsulpot ng iba’t ibang
suliraning ekolohikal at pangkapaligiran. Nagsilbi itong isang malaking hamon para sa mga Asyano kung
papaano makapagpapatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.

Suliraning Pangkapaligiran
Ang larawan na nasa ibaba ay nagpapakita ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na
kinakaharap ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ang mga ito ay nagdudulot ng iba’t ibang klase ng
polusyon na nakakasira sa kalusugan ng mga tao maging sa mga hayop.

Malimit nating napakinggan sa radyo, napapanood sa telebisyon o nababasa sa pahayagan


o social media ang mga balitang may kinalaman sa nangyayari sa ating kapaligiran tulad na lamang
ng forest fire, matinding pagbaha at landslide na dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo. Ipinapakita
sa talahanayan 1 ang mga isyung pangkapaligiran na ating kadalasang kinahaharap ng Asya bawat
taon.
Sa ating talakayan sa mga suliranin sa isyung pangkapaligiran, makatutulong sa iyo ang
mga sumusunod.
14
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
1. Desertification- Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang
tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o
productivity nito tulad ng nararanasan sa ilang bahagi ng China, Jordan, Iraq, Lebanon, Syria,
Yemen, India at Pakistan.
2. Salinization- Sa prosesong ito lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod
ng tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang isinisagawang proseso ng irigasyon,
sa paligid ng mga estuary at gayundin sa lugar na mababa ang balon ng tubig o water table.
Unti-unting nanunuot ang tubig-alat o salt-water kapag bumababa ang water level gaya ng
nararanasan ng bansang Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga
ilog.
3. Habitat- Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land
conversion o ang paghahawan ng kagubatan, pagpapatag ng mga mabundok o maburol na
lugar upang magbigay-daan sa mga proyektong pangkabahayan.
4. Hinterlands – Malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit apektado ng mga
pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod ay nangangailangan ng pagkain,
panggatong at troso para sa konstruksiyon na itinustos ng hinterlands na humahantong sa
pagkasaid ng likas na yaman nito.
5. Ecological Balance- Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang
kapaligiran.
6. Deforestation- Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat. Isa ito sa mga
problemang nararanasan ng Asya sa kasalukuyan. Ayon sa Asian Development Bank (ADB)
nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may
pinakamabilis na antas o rate ng deforestation.
7. Siltation – Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang
lugar. Ito ay isa rin sa mga problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya na dulot o bunsod
ng pagkasira ng kagubatan at erosyon ng lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa
Cambodia.
8. Red Tide- Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat .
9. Global Climate Change – Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaring dulot ng
likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito sa
kasalukuyan ay ang pagtaas ng katamtamang temperature o global warming.
10. Ozone Layer- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng
ozone. Mahalagang pangalagaan ang ozone layer sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao,
halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet rays.

Ngayon alam mo na ang mga mahahalagang terminong kaakibat ng mga suliraning kapaligiran.
Maaring naitanong mo sa iyong sarili kung anu-ano ang dahilan ng mga suliraning ito? Bakit kaya ito
nangyayari? Ang sumusunod na teksto ay makatutulong sa iyo para magkaroon ng kasagutan ang
iyong mga katanungan.
Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
→ Pagkasira ng Lupa
Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampan ng lupa upang patuloy na mabuhay
ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity nito nakaasa ang mga produktong agricultural na
tumutustos sa kabuhayan ng mamamayan. Gayunman, ang pag-abuso sa lupa ay nagbubunsod ng
malalang mga suliranin gaya ng salinization at alkalinization na nagaganap kapag mali ang
isinasagawang proseso ng irigasyon. Malubhang problema ang salinization sa Bangladesh sapagkat
nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog na dumadaloy sa 38% ng bansa. Nasa 33% ng
mamamayan nito ang nakikinabang sa ilog na ito. Samantala, isa ring malubhang problema sa lupa ay
ang desertification gaya ng nararanasan sa ilang bahagi ng China na nakapapagtala na nang halos
15
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
358,800 km2 na desertified na lupain. Maging sa ilang bahagi ng Asya tulad ng Timog- Kanlurang Asya
ay nakararanas din ng tuyong lupain gaya ng Jordan, Iraq, Lebanon, Syria at Yemen, at ang India at
Pakistan sa Timog Asya. Ang pagkasira ay maaring magdulot ng matinding suliranin gaya ng kakulangan
sa pagkain at panganib sa kalusugan.
Isa pang pinagmulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang kapasidad ng
damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay nakasisira sa halaman o vegetation ng isang
lugar. Ang hilagang Iraq, Saudi Arabia at Oman ay ilang lamang sa mga bansang nakararanas ng
ganitong sitwasyon.
→ Urbanisasyon
Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay
nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mahihirap na lugar o depressed areas at
may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at ibang panganib sa kalusugan.
Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may ganitong sitwasyon. Ang kalusugan ng
mamamayan sa mga lungsod ay direktang naapektuhan ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga
industriya ng kanilang wastewater sa tubig o sa lupa. Ang mga kalapit–bayan ng lungsod ay
naaapektuhan din ng urbanisasyon sapagkat dito kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng lungsod
na nagiging sanhi ng pagkasaid ng likas na yaman nito. Kaugnay na problema rin ng urbanisasyon ay
ang noise pollution mula sa sasakyan, gayundin ang mga ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay.
Ayon sa mga eksperto, may epekto sa kalusugan ang labis na ingay sapagkat nagdudulot ito ng stress
at nakadaragdag ng pagod. Sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi ng pagkabingi.
→ Pagkawala ng Biodiversity
Ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa mga pinakamayamang biodiversity sa buong
mundo. Ang China, India, Thailand, Indonesia at Malaysia ay katatagpuan ng pinakamaraming species
ng mga isda, amphibian, reptile, ibon, at mammal. Ngunit sa kabila nito, ang Asya rin mismo ang
nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng biodiversity bunsod ng: (1.) patuloy na pagtaas ng
populasyon, (2.) walang-habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman, (3.) pag-aabuso sa
lupa (4.) pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan (deforestation) , (5.) polusyon sa kapaligiran , at (6)
ang introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon.
→ Pagkasira ng Kagubatan
Ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal na problemang
pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng
kagubatan ay nababawasan. Pinipili na putulin ang mga punong may ilang libong taon nang nabubuhay
sa kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim. Sa
pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng halaman at hayop ang nanganganib dahil
nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagbibigay-
daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosion ng lupa, pagguho ng lupa,
siltasyon, at sedimentation.
Kahalagahan ng Ecological Balance
Ang ecological balance ay tumutukoy sa pagkakaroon ng balanseng kalagayan ng pamayanan
sa mga species na umaaayon sa isa’t isa. Kabilang sa ecological balance ang natural na interaksyon at
pakikisalamuha ng mga species sa bawat isa at maging sa kanilang kapaligiran upang mapanatili ang
kanilang dami ng lahi.
Sa kasalukuyan, ang usapin tungkol sa ecological balance ay isa ng pandaigdigan na usapin na
naglalayon na mapanatili ang kagandahan ng ating kapaligiran sa kabila ng kaunlaran na ating
tinatamasa.
Ilan sa mga sanhi ng pagkasira ng ecological balance sa ating daigdig ay ang mga sumusunod:
→ Ang mabilis na paglaki ng ating populasyon sa buong daigdig
→ Kalabisan sa paggamit ng mga likas na yaman; at

16
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
→ Mga gawain na may kinalaman sa pangkaunlaran ng tao kabilang dito ang sektor ng
agrikultural, at industriyal.

Papaano natin malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran? Naglunsad ang mga bansa na
may ugnayang pandaigidg ng iba’t ibang uri ng kampanya para matugunan ang mga lumalalang
suliraning pangkapaligiran.
Isa sa mga kampanya para matuguan ang suliraning pangkalikasan ay ang Kyoto Protocol na
naglalayon na ipatigil ang paggamit ng mga kemikal na maaaring nakakasira sa ozone layer, ang Earth
Summit na napagkasunduan noong 1992 naglalayong mapangalagaan ang lahat ng mga kagubatan,
yamang lupa, yamang tubig at ang kalusugan ng mga mamamayan; at ang panghuli ay ang Earth
Summit on Climate Change 2005 na ginanap sa Copenhagen, Denmark para talakayin ang mga
importanteng bagay na may kinalaman sa global warming na siyang nagdudulot ng climate change.
Maliban sa mga nabanggit na programa mula sa iba’t ibang panig ng mundo na naglalayong
malutas ang mga suliraning pangkapaligiran, dito sa Pilipinas ang Republic Act 9003 o Ecological Solid
Waste Management Act of 2000 ito ay nagsasaad ng mga patakaran at alituntunin tungkol sa tama at
wastong pamamahala ng ating mga basura. Ito ay naglalayon na magkaroon ng responsibilidad ang
bawat ahensya ng pamahalaan maging ang mga nasa komunidad sa tamang pagtatapon ng mga
basura.
Layunin din nasabing batas na maipaliwanag ang benepisyo at kahalagahan sa pagkakaroon ng
pasilidad sa bawat lugar na siyang mamamahala at magsisilbing imbakan ng balik-materyales na kung
saan ito ipo-proseso. Sa pamamagitan ng nasabing batas mababawasan nito ang dami ng mga basura
na basta na lamang itinatapon kahit saan na magdudulot ng polusyon sa ating kapaligiran.

Gawain 1: Piliin Mo!


Panuto: Bago natin simulan ang ating talakayan, sagutan mo muna ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad sa pahayag at Mali naman kung hindi.

________1. Ang Asya ang itinuturing na pinakamalawak na biodiversity sa buong mundo.


________2. Ang mataas na bilang ng populasyon ay nangangahulugan ng mataas na bahagdan ng
paggamit ng likas na yaman.
________3. Ang kalusugan ng mga mamamayan ay hindi apektado ng urbanisasyon.
________4. Matindi ang idinudulot na presyur sa ecosystem dahil nasasaid ang likas na yaman nito sa
pagdami ng tao.
________5. Kapag hindi mapananatili ang ecological balance, masisira ang kalikasan.
________6. Naiiba ang karanasan ng Asya sa pagharap ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
________7. Apektado ng land conversion ang mga tirahan ng hayop.
________8. Mahalagang pangalagaan ang ozone layer dahil pinoprotektahan tayo nito mula sa
masamang epekto ng ultraviolet rays.
________9. Nagiging mataas ang pangangailangan para sa kalikasan kung marami ang tao sa mundo.
________10. Ang red tide ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
________11. Ang overgrazing ay hindi nakasisira sa vegetation ng isang lugar.
________12. Masama ang dulot ng deforestation sa natural ecosystem dahil ang likas na yaman ng
kagubatan ay nababawasan.
________13. Mayroong responsibilidad ang tao na pangalagaan ang kanyang kapaligiran.
17
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
________14. Magkaugnay ang tao sa kanyang likas na yaman.
________15. Ang pagkasira sa kalikasan ay hindi nagdudulot ng suliranin sa tao.

Gawain 2: Alamin Ito!

Panuto: Batay sa paksang natutuhan ay ibigay ang mga hinihinging detalye mula sa Graphic
Organizer. Isulat sa ibaba ang mga hinihinging suliraning pangkapaligiran at mga pwede mong
maimungkahi na solusyon.

Suliraning Pangkapaligiran Mga Mungkahing Solusyon

18
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Gawain 3:Suriin ako
Panuto: Punan ang mga kahon ng “Maaaring Pinagmulan at Sanhi” na nasa ibaba. Maaring
magsaliksik sa internet o kaya mag-interbyu sa magulang o kaibigan.

Uri ng Polusyon Maaaring Pinagmulan/Sanhi

Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang sanhi ng iba’t-ibang polusyon?

19
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
2.Paano ito nakaapekto sa pamumuhay, kultura at panahanan ng iba’t ibang bansa?

Ang dami mo nang natutuhan sa ating aralin. Binabati kita!


Sa bahaging ito, hinihikayat kita na sagutan ang mga gawain sa workbook (Aralin 5 -
Gawain 1: Pagtataya 5 at Gawain 2: Mini Task 5-Noon at Ngayon) upang malaman natin
ang mga kaalamang iyong natutuhan.
Madali lamang ito!

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural


na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa
buong mundo. Itinuturing din ito pangunahing pinagmulan ng global biodiversity. Ang tao
ay biniyayaan sa Maykapal ng likas na yaman. Tungkulin natin na pangalagaan ang mga
ito. Madalas nating nakikita sa internet o telebisyon o di kaya ay naririnig sa radyo ang
mga matinding pagbaha sa iba’t ibang panig sa mundo kaakibat ang landslide dulot ng
malakas na pag-ulan at bagyo. Tumitindi na rin ang init ng mundo o global warming.

20
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Modyul 2 – Aralin 6
Yamang Tao sa Asya

Sa araling ito inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Natutukoy ang kahalagahan ng yamang tao;
2. Nailalahad ang komposisyon ng populasyon at yamang tao; at
3. Naipapaliwanag ang ugnayan ng komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng
yamang tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyan panahon.

Kumusta ang iyong naging karanasan sa pagsagot sa nakaraang Aralin?


Mataas bang marka ang iyong nakuha? Binabati kita sa iyong natapos na gawain.
Sa nakaraang aralin natalakay ang tungkol sa biodiversity, suliraning
pangkapaligiran at kalagayang ekolohikal ng Asya kung saan nasusuri ang
kahalagahan nito sa pang-araw-araw na sitwasyon para sa mga Asyano.
Kaya naman para sa bagong aralin na iyong pag-aaralan ay matutunghayan
mo kung gaano kahalaga para sa mga tao ang kalikasan dahil dito nakasalalay ang
mga pinagkukunang yaman ng mga tao na ginagamit para mabuhay at sa kung
anong paraan ito gagamitin para mapakinabangan ang mga ito.
Sa pagpapaunlad ng ekonomiya at kabuhayan ng bansa, tao ang mahalagang
salik para maisakatuparan ang mga ito. Ang yamang tao ang siyang lumilinang sa
likas na yaman na taglay ng kalikasan na mayroon sa isang lugar o bansa. Ang tao
rin ang nagpapasiya kung sa anong paraan gagagamitin ang mga likas na yaman na
kanyang makukuha upang maging higit na kapakipakinabang ang mga ito para sa
kanila at sa bansa bilang kabuuan. Kaya, mag-aaral handa ka na ba? Subukin nating
sagutin ang mga sumusunod na pasulit.

Magandang araw, mag-aaral. Bago mo simulan ang pag-aaral sa aralin subukan


mo munang sagutan ang gawaing ito upang malaman mo kung gaano kalawak ang
iyong kalaaman tungkol sa paksa na ating tatalakayin sa susunod na pahina. Basahing
mabuti ang panuto bago sagutan ito.

21
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita na may kontribusyon ka sa


pagsulong at pag-unlad ng lipunan na iyong kinabibilangan sa kasalukuyang
panahon?
a. Pagliban sa klase c. Pag-uwi tuwing uwian
b. Pag-aaral ng mabuti d. Pagtulog sa silid aralan
2. Bakit mahalaga na matukoy ng ating pamahalaan ang antas ng paglaki ng
populasyon?
a. Para maisali sila sa census.
b. Para malaman kung ilan ang babae at lalaki.
c. Para malaman natin kung gaano na tayo karami
d. Para sa pagpaplano ng mga pambansang proyekto at programang
kinakailangan ng mga tao.
3. Ano ang kahalagahn ng yamang tao bilang tagapagtaguyod ng kaunlaran ng
isang bansa?
a. Ang tao ang siyang nagbebenta ng mga ipinagbabawal
b. Ang tao ang siyang nagiging dahilan ng bawat pagpatay.
c. Ang tao ang siyang nagsisikap para makahanap ng magandang trabaho
d. Ang tao ang siyang nagbabayad ng buwis ngunit kulang.
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapahiwatig ng pagpapahalaga
sa yamang-tao?
a. Ang tao ang gumagambala sa kalikasan.
b. Ang tao ang gumagawa para sa ikauunlad ng bansa.
c. Ang tao ang lumilinang sa mga likas na yaman ng bansa.
d. Ang tao ang siyang dahilan kung bakit ang bawat isa ay kailangang
magsumikap para mabuhay
5. Mayroong magkaibang bahagdan ang paglaki ng populasyon ng bawat bansa
na dapat mabatid ng pamahalaan. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang
dahilan ng pagbatid nito?
a. Para magamit sa pagbuo ng pamilya
b. Para malaman kung bata at matanda ang populasyon
c. Para maunawaan kung papaano bibigyan ng solusyon ang masamang
epekto ng mabilis na pagtaas ng populasyon.
d. Para maging batayan sa pagtatakda ng angkop na mga patakaran/programa
ng pamahalaan ukol sa mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
6. Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na, “may malaking
bahaging ginagampanan ang yamang-tao sa pag-unlad?”
a. Marami ang maglilinang sa mga yamang-likas
b. Dahil uunlad ang yamang-likas marami ang makikinabang
c. Kasabay ng pagdami ng populasyon, dadami rin ang likas yaman
d. Maaaring maubos o kulangin ang mga yamang-likas sapagkat ang mga ito ay
may hangganan.
7. Sa kabuuan, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming bata na
populasyon?
a. Marami ang uubos sa likas na yaman
b. Marami ang aasa sa tulong ng pamahalaan
c. Marami ang makapagbibigay ng lakas paggawa
d. Marami ang dapat bigyang pansin ang kalusugan.

Suriin ang graph na nasa itaas at sagutan ang sumusunog na katanungan


22
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
sa bilang 8 hangang 10
Mga Rehiyon sa Asya
2,500,000,000
1,940,369,612
2,000,000,000 1,678,089,619
1,500,000,000

668,619,840
500,000,000 279,636,754
0 74,338,950
Southern Asia Eastern Asia South-Eastern Western Asia Central Asia

Asia
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa graph?
a. Ang Timog Asya ang may pinakamataas na populasyon sa Asya, at ang Hilagang
Asya ang may pinakamababang populasyon.
b. Ang Kanlurang Asya ang may pinakamababan populasyon samantalang ang
Silangang Asya ay pinakamataas pupolasyon.
c. Mas mataas ang populasyon ng Timog-Silangang Asya kumpara sa Silangang
Asya.
d. Mas mababa ang populasyon ng Timog Asya kung ihahambing Silangang Asya.
9. Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa populasyon ng Silangang Asya?
a. Ito ay mas mababa kaysa sa Timog Asya.
b. Ito ay mas mataas kaysa sa Timog Asya.
c. Ang populasyon dito ay kaparehas ng Timog Asya.
d. Ang populasyon dito ay kasingdami ng Timog-Silangang Asya.
10.Bakit malaki ang Timog Asya ang mayroong pinakamalaking populasyon?
a. Dahil dito napapabilang ang India na ikalawa sa may pinakamaraming
populasyon sa buong mundo.
b. Sapagkat malapit ito sa China na may pinakamaramaing populasyon sa
buong mundo.
c. Dahil ang mga bansa rito ay walang ginagawang pagpaplano ng pamilya.
d. Dahil nakabatay sa kakulangan ng kaalaman.

Magandang araw sa iyo mag-aaral, kumusta ang iyong karanasan sa naunang gawain? Sana ay
nasiyahan ka sa awiting iyon. Ngayon ay ihanda ang iyong sarili sa pagtuklas tungkol sa populasyon ng
Asya at ang mga indikasyon sa pag-unlad na may kauganayan sa yamang tao.

ANG YAMANG TAO NG ASYA


Sa pag-unlad ng isang bansa ay malaki ang bahaging ginagampanan ng yamang tao. Tumutukoy
ito sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang maghanapbuhay upang mapaunlad ang sarili at ang
bansa sa kabuuan. Kabilang din sa yamang tao ang populasyong hindi pa naghahanapbuhay ngunit
may kakayahan ng makapaghanapbuhay sa hinaharap.
23
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Ang yaman ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa mga likas na yaman, kundi pati na rin
ang mga tao na siyang lumilinang sa mga likas na yaman mayroon sa isang bansa. Malaki ang posibilidad
na umunlad ang isang bansa kung magiging wasto ang paglinang sa mga likas na yaman nito. Kasali na
rin sa pag-unlad ang mga taong naghahanpbuhay para umunlad ang bansa at magkaroon siya ng
magandang kinabukasan.
Ang mga naninirahan sa Asya ay kilala bilang mga Asyano, ngunit ang mga taong ito ay
nagkakaiba sa larangan ng kabuhayan. Mahalaga ang tao bilang isang salik sa pag-unlad ng kaniyang
kabuhayan at maging ang kanyang bansa na kinabibilangan dahil ito ang lumilinang sa mga likas na
yaman. Ang tao rin ang nagpapasiya o nagdedesisyon kung papaano gagamitin ang mga likas na yaman
upang mas higit na maging kapakipakinabang ang mga ito sa kanilang bansa.

KAHALAGAHAN NG YAMANG TAO


Ang sumusunod kahalagahan ng yamang-tao sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga Asyano
ay may mahalagang papel na ginagamapanan sa paghubog ng kanilang mga bansang kinabibilangan
at likas na yamang kanilang ginagamit. Basahing mabuti ang kahalagan ng yamang-tao sa bawat sektor:
A. Agrikultura
Malaking bahagdan ng populasyon sa Asya ang magsasaka. Sila ay nagtatanim at nangangalaga
sa produksiyon ng mga pagkain tulad ng bigas, gulay, prutas at root crops. Ang mga malalawak na
lupaing taniman sa Asya ay makikita sa rehiyon ng Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.
B. Pagmimina
Dahil sa napakayaman ng Asya sa mga yamang mineral tulad ng ginto, pilak, at langis maraming
mga Asyano ang nagtatrabaho sa sektor ng pagmimina. Ang langis ay ang pinakamahalagang mineral
sa Asya dahil ito ang siyang nagpapatakbo sa lahat ng uri ng industriya at mga makinarya para sa
paggawa. Matatagpuan ang karamihan sa mga manggagawa para sa langis sa rehiyon ng Kanluran at
Gitnang Asya samantalang ang ibang manggagawa naman para sa ibang mineral ay nasa Silangang
Asya.
C. Industriya o Pagmamanupaktura
Kilala ang Asya sa produksiyon ng mga yaring produkto tulad ng mga elektroniks, mga makinarya,
at iba pang mga kagamitang industriyal. Sa mga bansa tulad ng Tsina, Hapon, Timog Korea, Taiwan,
Singapore, at India makikita ang mga malalaking negosyo sa paggawa. Dito nagsipuntahan ang mga
dayuhang negosyante para sa paggawa ng kanilang mga produkto dahil sa naging mura ang paggawa
sa Asya. Nabibilang ang Tsina at Hapon sa pinakamaunlad na bansa sa daigidig dahil sa kanilang mga
iniluluwas na mga produktong yari ng mga manggagawa. May mga pagmamanupaktura at mga
produkto rin na yari sa ibang bansa sa Asya tulad ng mga damit, pagkain, alahas, at iba pa.
D. Pinansya at Pagbabangko
Ang sektor ng pinansiya ang isa sa mga malalaking pinagkukunan ng kita at kabuhayan; kabilang
na rito ang mga bangko, stock exchange, at ang mga kompanya ng seguro o insurance. Sa mga lungsod
tulad ng Shanghai at Hongkong, sa Tsina, Singapore, Tokyo sa Hapon, Dubai sa United Arab Emirates,
at Mumbai sa India matatagpuan ang mga naglalakihang negosyong pampinansiya.
Dahil na rin sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya sa mga nasabing lugar, dito nagsipuntahan ang
mga mangagawa at mamumuhunan upang makapagtrabaho at mamili ng mga magagandang produkto.
Sa mga lugar na ito rin matatagpuan ang mga malalaking opisina ng mga negosyo at bangko.
E. Serbisyo
Ang sektor ng serbisyo ang isa sa malaking sektor ng yamang tao sa Asya, dahil sila ay
nagtatrabaho para sa pagsisilbi sa kapwa at hindi para sa paggawa. Kabilang dito sektor na ito ang mga
tsuper, kasambahay, nars, karpintero, welder, at iba pa. maliban dito may isa pang uri ng serbisyo na
lubhang napakahalaga sa isang bansa at ito ay ang serbisyo publiko.
Karaniwang ang pamahalaan at mga kawani nito ang namamahala para sa serbisyong ito na nasa uri ng
pagbubuwis, paggawa ng impraktraktura, pagbibigay ng magandang serbisyo medikal, at iba pa. Hindi
katulad ng ibang sektor, ito’y makikita sa lahat ng rehiyon sa Asya dahil sa malaki ang pangangailangan
para sa ganitong uri ng yamang tao.
F. Impormal na Sektor
24
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Bagama’t halos lahat ng tao sa Asya ay nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor, may mga tao pa
ring nananatiling walang trabaho o nasa mga mababang uri ng trabaho tulad ng pagtitinda at
pamamalimos. Ang sanhi sa pagkakaroon ng mga tao sa impormal na sektor ay ang kahirapan at
kakulangan sa edukasyon. Matatagpuan ang pinakamaraming bilang ng mga tao na nasa impormal na
sektor sa mga rehiyon ng Timog at Timg-Silangang Asya. Kaya naman isang malaking hamon ang
suliraning kinakaharap ngayon ng mga pamahalaan sa mga bansang ito ay kung paano sila bibigyan ng
magandang trabaho.

KOMPOSISYON NG POPULASYON NG ASYA


Isa sa mahalagang elemento at salik sa pag-unlad ng bansa ang populasyon. Ito ay tumutukoy sa
kabuuang dami o bilang ng tao na naninirahan sa isang partikular na bansa, rehiyon, o lugar. Ngunit sa
kabilang banda, maaari din itong pagmulan ng iba’t-ibang suliranin o problema na magiging balakid sa
kaunlaran.
Ang Asya ang itinuturing na pinakamalawak na kontinente sa buong mundo. Tinatayang halos 30%
ng lupain ay sakop ng Asya, at ayon sa datos ng United Nations Economic and Social Commission for
Asia and the Pacific (ESCAP). Sa taong 2020, ang kabuuang populasyon ng Asya ay halos 4.6 na bilyon
na kumakatawan sa 60% ng populasyon sa buong mundo. Tunghayan ang Graph 1 na nasa ibaba
makikita ninyo ang bilang ng populasyon sa bawat rehiyon.

Mga Rehiyon sa Asya


2,500,000,000
1,940,369,612
2,000,000,000
1,678,089,619

1,500,000,000

668,619,840
500,000,000 279,636,754

74,338,950
0
Southern Asia Eastern Asia South-Eastern Western Asia Central Asia

Asia

Graph 1: Populasyon ng Asya Ayon sa Rehiyon 2020 (Source: Worldometers, 2020)


Mapapansin mula sa Graph 1, na ang Southern Asia o Timog Asya ang may pinakamalaking
populasyon sa kontinente. Kabilang sa rehiyong ito ang India na pangalawa sa pinakamaraming
populasyon sa buong daigdig na umabot sa 1.38 bilyong katao sa taong 2019. Bukod sa India, ang
Pakistan mayroong 221 milyong katao na ikalimang pinakamaraming populasyon sa mundo at
Bangladesh sa pang- walo na mayroong 165 milyong populasyon. Pangalawa naman ay ang Silangan
Asya na kung saan nabibilang ang China na nangunguna sa listahan ng pinakamaraming populasyon sa
mundo na umabot ng 144 bilyong populasyon.
Antas ng Paglaki ng Populasyon
Ang antas ng paglaki ng populasyon o population growth rate ay tumutukoy sa tinatayang pagtaas
ng populasyon sa bawat taon. May mga bansang mabagal ang pagdami ng bilang ng tao at may mga
bansa ding mabilis tumaas ang populasyon. Tunghayan ang Graph 2, kung pagmamasdan bumaba ang
population growth rate sa Asya mula taong 2015 na may (1.04%) hanggang 2020 (0.92%). Dalawang
pangunahing dahilan kung bakit bumaba ito ay dahil sa: una, edukasyon o kaalaman ng mga Asyano
tungkol sa family planning; at ikalawa, polisiya o batas na ipinasa ng pamahalaan tulad ng Republic
Health Law sa Pilipinas.

25
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Population Growth Rate
2020 0.92%

2019 0.89%

2018 0.92%

2017 0.95%

2016 0.97%

2015 1.04%

0.80% 0.85% 0.90% 0.95% 1.00% 1.05% 1.10%


Yearly % Change

Mahalagang matukoy ang population growth rate upang magamit ng pamahalaan ang mga
datos sa pagpaplano ng mga pambansang proyekto na siyang makakatulong sa pagpapaunlad ng
bansa. Maliban dito mas mapagpaplanuhan ng mabuti ang mga kakailanganing pagbabago para
maitaguyod ang inaaasahang pagdami ng mga mamamayan sa isang takdang panahon.

Ang Distribusyon ng Tao


Ang distribusyon ng tao o population density ay tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan
sa bawat kilometro kuwadrado ng isang lugar o bansa. Mayroong mga bansa na matao kaysa sa
ibang bahagi nito at mayroon namang hindi gaanong matao. Mayroon ding hindi pantay na
distribusyon ng tao sa iba’t ibang lugar sa isang bansa. Nasa Graph 2 ang mga tala ng distribusyon
sa bawat rehiyon.

Figure 3: Densidad ng Populasyon sa Asya 2020 (Source: Worldometers, 2020)

Kung iyong pag-aaralan ang datos sa itaas hindi pantay ang dami ng tao sa bawat rehiyon, mas
marami ang mga tao na nasa rehiyon ng southern asia (timog Asya) na may 303 P/Km² kumpara sa
central asia (gitna/hilagang Asya) na may 19 P/Km². Isa sa mga salik sa pagkakaroon ng hindi pantay
na ditribusyon ng tao sa isang bansa ay ang kalagayang heograpikal. May mga lugar sa isang bansa
ang maaaring tirahan ng mga tao dahil dito matatagpuan ang kanilang pangangailangan tulad ng
lupaing pansakahan, pagkakaroon ng malinis na tubig, at iba pang mga mapapakinabangan mula sa
kalikasan. Ang pagkakaroon ng mainam na klima, at magandang topograpiya ay nagiging salik din
ng tao sa pagpili ng kaniyang paninirahan.
Sa kasalukuyan malaki ang epekto nito sa mga bansa kung saan mas marami ang dami ng
tao dahil maaari itong pagmulan ng mga kakulangan sa pagkain o likas na yaman, ngunit sa kabilang
26
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
banda kung ang mga taong ito ay nagtatrabaho malaki ang kanilang maitutulong upang mapaunlad
at mapalago ang mga industriya at uri ng hanapbuhay mayroon sila.

Inaasahang Haba ng Buhay


Ang inaasahang haba ng buhay o life expectancy ang karaniwang bilang ng taon na
itinatagal ng buhay ng mga mamamayan sa isang bansa. Ang mga datos nito ay nagsisilbing
indikasyon ng kaunlaran sapagkat naipapakita dito ang kakayahan ng isang bansa na
masuportahan ang mga pangangailangan ng kanyang mga mamamayan. Kung pagmamasdan ang
talahanayan 5 na nasa ibaba, mas mataas ang life expectancy ng kababaihan na aabot hanggang
76.4 years old kumpara sa kalalakihan na 72.1 years old sa Asya.
Talahanayan 1: Inaasahang Haba ng Buhay ng Lalaki at Babae sa Asya mula 1950-2020
(Source: Worldometers, 2020)
Kasarian Taong Gulang
Babae 76.4
Lalaki 72.1
Babae at Lalaki 74.2

Samantalang kung pagbabasehan ang datos batay sa bansa, ang bansang Japan ang
nangunguna sa may pinakamataas na life expectancy na umaabot hanggang 84 taong gulang ito
ay nangangahulugan na kayang ipagkaloob ng pamahalaan ang wastong nutrisyon, sanitasyon at
pangangailangang medikal na nararapat para sa mga matatanda. Ngunit ang mga
pangangailangang ito ay maaaring maging hamon sa kasalukuyan para sa pamahalaan upang
masustentuhan ang kanilang pangangailangan lalong lalo na sa aspetong medikal.
Talahanayan 2: Life Expectancy ng Ilang Bansa sa Asya (Source: Worldlifeexpectancy,
2018)
Life Expectancy ng Lalaki at Babae

Region Rank Life World Region Rank Life World


Expectancy Rank Expectancy Rank
1.Japan 84.17 1 18.Kyrgyztan 71.40 110

2.Singapore 82.95 4 19.Kazakhstan 71.15 111

3.South Korea 82.66 9 20.Tajikistan 70.76 113

4.Maldives 78.42 35 21.Bhutan 70.57 114

5. Brunei 76.43 50 22.Nepal 70.21 117

6.China 76.39 51 23.Mongolia 69.80 120

7.Vietnam 76.34 55 24.Cambodia 69.37 122

8.Thailand 75.47 69 25.Philippines 69.32 123

9.Sri Lanka 75.34 70 26.Indonesia 69.31 124

10.Malaysia 75.28 71 27.India 68.83 125

11.Armenia 74.84 81 28.Timor Leste 68.55 127

12.Azerbaijan 73.08 96 29.Turkmenistan 68.16 128

13.Bangladesh 72.66 97 30.Myanmar 66.80 130

14.Georgia 72.58 98 31.Pakistan 66.53 133

27
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
15.Uzbekistan 72.33 100 32.Laos 65.79 140

16.North Korea 71.94 103 33.Afghanistan 62.69 157

17.Bahagi ng 71.87 105


Russia

Pansinin ang talahanayan, mapapansin mon gang Japan ay mayroong 84.17 taong gulang
na pinakamataas na haba ng buhay sa Asya at nangunguna rin sa buong mundo. Samantalang,
ang Afghanistan ang may pinakamababang haba ng buhay na 62.69 taong gulang. Kalimitang
umiiiksi ang haba ng buhay ng isang tao kapag may mga pambansang suliranin katulad ng
paglaganap ng karamdaman, digmaan, taggutom, at malnutrisyon. kabilang banda mahaba ang
inaasahang haba ng buhay ng tao kapag maaayos ang kalusugan at natitiyak nito ang kaligtasang
pangkapaligiran.

Ang Fertility Rate ng Asya


Ang fertility rate ay batayan ng population growth rate. Tinutukoy rito ang dami ng sanggol
na isinisilang ng babae sa bawat isang libong isinisilang. Kung pagbabasehan ang talahanayan 2
naipapakita nito ang limang (5) bansa na may pinakamataas at talahanayan 3 naman ang
pinakamababa na fertility rate sa buong Asya.
Talahanayan 3: Mga bansa na may Mataas na Fertility Rate sa Asya (Source: CIA World
Factbook, 2019)
Fertlity Rate sa Asya
Bansa Total Fertility Rate (children Year
born/woman)
Afghanistan 5 2018
East Timor 5 2018
Iraq 4 2018
Yemen 3 2018
Jordan 3 2018

Talahanayan 4: Mga Bansa na may Mababang Fertility Rate sa Asya (Source: CIA World
Factbook, 2019)
Fertlity Rate sa Asya
Bansa Total Fertility Rate (children Year
born/woman)
South Korea 1 2018
Hongkong 1 2018
Taiwan 1 2018
Macau 1 2018
Singapore 1 2018

Para sa mga bansa na may pinakamababang fertility rate katulad ng Singapore, Macau,
Taiwan, Hongkong at South Korea hinihikayat ang mga kababaihan na mag-anak pa dahil
makakatulong ito para sa pagpapalakas ng lakas paggawa sa hinaharap na siya namang
magdadala sa bansa tungo sa kaunlaran.

Migrasyon
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pandarayuhan o paglipat ng isang indibidwal mula
sa isang lugar patungo sa ibang lugar maging ito man ay pansamantala o permanente. Dahil sa patuloy
28
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
na pandarayuhan ng mga tao sa ibang lugar isa ito sa mga nakikitang dahilan kung bakit tumataas ang
populasyon sa isang lugar. Ang migrasyon ay bunga lamang ng hindi pantay na distribusyon ng
kakayahan at kaunlaran ng pamumuhay ng tao.
Ayon sa datos ng Asian Development Bank 2019 ang Asya ang may pinakamalaking migrasyon
na umabot ng 87 milyon. Sa katunayan, ang China ay nagtala ng 5.2 milyong katao migrante at ang
Bangladesh ay umabot din sa 3.7 milyong tao na nandarayuhan sa daigdig.
Sa kasalukuyan kilala sa Asya ang ganitong penomeno dahil sa pagnanasa ng mga tao na
makahanap ng magandang trabaho, edukasyon, at oportunidad sa buhay na maaaring makapagpabago
sa kanilang antas ng pamumuhay. Maaari ding nais umiwas ng mga taong nandarayuhan sa sigalot o
digmaan na nagaganap o kanilang nararanasan sa lugar na kanilang pinanggalingan.
Hanapbuhay at Migrasyon
Migrasyon o pandarayuhan- ay ang paglipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar patungo
sa ibang lalawigan, lungsod, o ibang bansa
Dalawang uri ng pandarayuhan:
→ Pandarayuhang panloob- paglipat ng tao mula sa lalawigan o rural patungo sa lungsod o
urban
→ Pandarayuhang panlabas- paglipat ng tao mula sa kanyang bansa patungo sa ibang bansa.
Kalimitang dahilan nito ay pagtatrabaho.
Suliranin sa pandarayuhan:
✓ lumalaki ang bilang ng tao sa lungsod o urban
✓ kakulangan sa pabahay
✓ pagkasira sa kapaligiran
✓ kasalatan sa serbisyong panlipunan

Komposisyon ng Populasyon ayon sa Edad


Ang populasyon ng mga bansa sa Asya ay binubuo ng mga bata at matatandang mamamayan.
Itinuturing na may batang populasyon ang bansa kung ito ay binubuo ng 0-14 na taong gulang ang
malaking bahagdan ng kanilang populasyon. Samantalang maituturing naman na may matandang
populasyon kung ang malaking bahagdan ng populasyon nito ay may edad 60 pataas.
Sa Asya, ang Japan ay may mataas na matandang populasyon na umabot ng 28 porsyento ng
kanilang populasyon. Samantalang, ang pinakamababa naman ay ang United Arab Emirate ay mayroon
lamang 1.2% ng 65 pataas na populasyon. 42.5% naman ng populasyon ng Armenia ay mga batang
populasyon o nabibilang sa 0-14 taong gulang.
Ang pagkakaroon ng bata at matandang populasyon ay mayroong mabuti at hindi mabuting dulot
sa isang bansa. Ang pagkakaroon ng batang populasyon ay nakabubuti sapagkat marami sa mga tao
ang makapagbibigay ng lakas-paggawa sa mga darating na panahon. Isang malaking hamon ito para
sa pamahalaan na tugunan ang pangangailangan tulad ng pagkain, paglilingkod at pangkalusugan ng
mga bata hangga’t wala pa itong kakayahan na makapagtrabaho. Habang, kung ang bansa naman ay
halos matatanda ang populasyon isang malaking hamon ito para sa bansa dahil kaakibat nito ang
pagtaas ng gastusin sa pangangailangang medikal at mga benepisyong dapat ipagkaloob sa kanila.

29
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Gawain 1: Piliin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan, pagkatapos ay subukan mong sagutan. Bilogan ang
titik ng tamang sagot.
1. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkatmaraming mamamayan
ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at
bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa
ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
a. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
b. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
c. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
d. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
2. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit
na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing
pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang iyong gagawin upang higit
na mapakinabangan anglikas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
a. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sapangangailangan ng tao.
b. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapinng Pamahalaan.
c. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higitna pakinabangan ng
mamamayan.
d. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit namapagyaman.
3. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating
pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo
mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
a. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahingpangangailangan ng tao.
b. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ngkakulangan sa
produksiyon.
c. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upangmapaunlad ang
Agrikultura.
d. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.
4. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa
pamumuhay ng mga mamamayan. Sa iyong palagay, alin ang pinakaepektibong pagtugon ng
tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig?
a. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ngmatinding usok.
b. Pakikilahoksa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalangkalagayang
ekolohikal.
c. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulotng mga usok ng
sasakyan.
d. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumangsuliraning
pangkapaligiran.
5. Kamakailan lamang ay ipinasara ni Pangulong Duterte ang Boracay upang muling maibalik ang
ganda at linis nito, gayundin ang pagpapalinis sa mga ilog sa Kamaynilaan tulad ng Manila Bay,
Ilog Pasig at marami pang iba. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang naging hakbang na ito ng
Pangulo ng Pilipinas?
a. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagmamalasakit ng Pangulosa pangangalaga

30
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
ng kalikasan.
b. Ito ay nagpapakita ng katapangan ng Pangulo na maisakatuparan angkanyang mga
plano sa pagpapanumbalik ng ganda ng Pilipinas.
c. Ito ay mahalaga sapagkat muling mapapanumbalik ang kalinisan at kagandahan ng mga
anyong tubig natin na nakatutulong sa pagpapababa turismo ng bansa.
d. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng timbang
na ekolohikal ng bansang Pilipinas.
6. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano
naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
a. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan angmga pangunahing
pangangailangan.
b. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sapansariling pag-
unlad.
c. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabanganng lubos.
d. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at
mapaunlad ang pamumuhay.
7. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita
na ikaw ay yaman ng bansa?
a. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibongmamamayan.
b. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
c. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
d. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansarilingkapakanan.
8. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapa-unlad ng isang bansa at maituturing na kayamanan.
Sa iyong palagay, bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?
a. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunitinaabuso naman kalaunan.
b. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sarilinginteres at kasiyahan.
c. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ngiba ngunit walang sapat na
kaalaman upang tugunan ito.
d. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman parasa kapakinabangan ng lahat.
9. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa Daigdig. Alin sa
sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?
a. India b. Indonesia c. China d. Pakistan
10. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng
ibayong problema sa bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa
ating bansa?
a. Mas dadami ang manggagawang Pilipino.
b. Mas lalala ang kahirapan at neagtibong epekto sa kalikasan.
c. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao.
d. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho.
11. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng karunungan sa
pagbasa at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan?
a. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
b. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mgakabataang hindi
nakapag-aral.
c. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sakanilang pag-aaral.
d. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mgabatang walang
kakayahang makapag-aral.
12. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang poupulasyon, ano
ang nakikita nating implikasyon sa usaping pang- ekonomiya ng isang bansa?
a. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
b. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,
c. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal.
31
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
d. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
13. Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas.
Ano sa palagay ninyo ang kahihinantnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang
ganitong sitwasyon?
a. Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ngbansa.
b. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dshil sspangingibang bansa ng mga
OFW.
c. Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang
yaman ng pangangailangan ng tao.
d. Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirapang tao.
14. Isa sa mga nararanasang matinding suliranin ng daigdig natin sa kasalukuyan ay ang suliranin
sa basura na siya ring problemang pinapasan ng ating paaralan. Sa iyong palagay, sa mga
naging pagtugon ng paaralan, alin ang epektibo upang mabawasan ang mga basura?
a. Pagkakaroon ng oplan linis sa loob ng Paaralan.
b. Mahigpit na pagpapatupad ng zero plastic policy.
c. Pagsasagawa ng recycling sa mga basura.
d. Pagkakaroon ng mga Materials Recovery Facility (MRF).
15. Ang Indonesia ay isang bansa na nagsisikap na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon
sa kanilang programang Quality Family 2015 subalit maraming naging balakid upang
maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin sa sumusunod ang mga naging balakid sa
pagpapatupad ng kanilang programa?
I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura.
II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan.
III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa.
IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa.
a. I, II, III c. I, II, IV
b. II, III, IV d. I, III, I.

Gawain 2: Alamin Ito!

Panuto: Suriin ang sumusunod na graph at talahanayan tungkol sa komposisyon ng populasyon sa


Asya. Sagutin ang sumusunod na katanungan sa ibaba.
Talahanayan 1: Inaasahang Haba ng Buhay ng Lalaki at Babae sa Asya mula 1950-2020
(Source: Worldometers, 2020)

Kasarian Taong Gulang


Babae 76.4
Lalaki 72.1
Babae at Lalaki 74.2
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa talahanayan 1, ilarawan ang Haba ng Buhay sa Asya.

32
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
2. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mataas ang Life Expectancy ng Asya?

Gawain 3:Suriin ako


Panuto: Manaliksik ng datos hinggil sa hinihingi sa talahanayan (2018). Isulat sa bawat kolum kung
ano ang kanyang hinihingi.

Bansa Kabisera / Kapital Populasyon

North Korea

Taiwan

Singapore

Malaysia

Bangladesh

Bhutan

Russia

Kyrgyzstan

United Arab
Emirates

Qatar

33
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
Ang dami mo nang natutuhan sa ating aralin. Binabati kita!
Sa bahaging ito, hinihikayat kita na sagutan ang mga gawain sa workbook (Aralin 6-
Gawain 1: Pagtataya 6 at Gawain 2: Big Task-Photo Essay) upang malaman natin ang
mga kaalamang iyong natutuhan.
Madali lamang ito!

Ang Asya ay isa sa pinakamalaking kontinente at katangi-tangi ang kultura sa buong daigdig.
Ang mga tao rin sa Asya ang may pinakamalawak na karanasan sa pakikibagay saan man
mapadpad sa buong mundo. Ang populasyon sa Asya ay hindi pantay ang pagkabahagi nito sa
bawat bansa. Kung kaya’t may mahalagang papel ang pandarayuhan at kabuhayan ng mga
Asyano sa pagdami ng populasyon sa Asya.

34
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7
1. Palay 1. Stove/steel/Rice Cooker 1. Tama 11. Mali
2. Pagsasaka 2. Kalesa 2. Tama 12. Tama
3. Saudi Arabia 3. Paghahanapbuhay 3. Mali 13. Tama
4. Pilipinas 4. Barter/Gintong Barya 4. Tama 14. Tama
5. Hilagang Asya 5. Bahay na Bato 5. Tama 15. Mali
6. Telegrama 6. Mali
7. Pahayagan/Internet 7. Tama
8. Pag-iimbak 8. Tama
9. Palikuran/Banyo 9. Tama
10. Bukal 10. Tama

1. B 1. A 11. B
2. D 2. A 12. B
3. C 3. A 13. C
4. A 4. B 14. B
5. D 5. D 15. D
6. A 6. D
7. C 7. A
8. A 8. D
9. A 9. C
10. A 10. B

35
Q1-M2-ARALIN 4-6: ARALING PANLIPUNAN 7

You might also like