You are on page 1of 5

PANGNGALAN

- Ngalan at pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, bagay, hayop, pook, katangian o
pangyayari atbp.

KAYARIAN NG PANGNGALAN
- Tumutukoy sa kung paano nabuo ang salita

1. Payak – mga salitang-ugat – halimbawa: buhay, araw

2. Inuulit (ganap o di-ganap) – halimbawa: buhay-buhay, araw-araw

3. Maylapi/ Nilalapian – halimbawa: kabuhayan, kaarawan

4. Tambalan/ Pinagtambal (ganap o di-ganap) – halimbawa: hanapbuhay, punong-kahoy,


anak-araw

URI NG PANGNGALAN AYON SA KATANGIAN

a. PAMBALANA – panlahat na pangalan o katawagan (halimbawa: sabon)

b. PANTANGI – tiyak o tanging ngalan (halimbawa: tide )

URI NG PANGNGALAN AYON SA KONSEPTO

a. TAHAS
- tumutukoy ito sa mga materyal na bagay, nakikita, nadadama, nalalasahan, naamoy,
naririnig.
- halimbawa: damit, kasangkapan, tao

b. BASAL
- tumutukoy ito sa mga hindi materyal, sa diwa o kaisipan
- halimbawa: kaligayahan, kagandahan\

KAILANAN NG PANGNGALAN

a. ISAHAN
- pinangungunahan ng pantukoy na ang o si o kaya ay bilang ‘isa’
b. DALAWAHAN
- pinangungunahan ng pantukoy na ‘ang mga’ o sina - pinangungunahan ng panlaping
mag- ang salitang-ugat o ng bilang ‘dalawa’

c. MARAMIHAN
- pinangungunahan ng pantukoy na ‘ang mga’ o sina - pinangungunahan ng panlaping
mag- ang salitang-ugat na may di-ganap na pag-uulit

ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN

ang kapatid Magkapatid Magkakapatid

ang lalaki dalawang lalaki mga lalaki

si Ben sina Ben at Karl sina Ben

ina mag-ina mag-iina

KASARIAN NG PANGNGALAN

a. PAMBABAE : ina

b. PANLALAKI : ama

c. DI-TIYAK/PAMBALANA : magulang

d. WALANG KASARIAN : pamilya

PANGNGALANG KABUUAN O MASS NOUN

- Tumutukoy ang pangalang ito sa mga bagay na hindi nabibilang.

Halimbawa:
1. buhok
2. likido: tubig, Coke, alcohol, toyo
3. butil : bigas, monggo
4. metal: bakal, tingga
5. elemento : gewgaw, buhangin
6. elementong pangkalikasan: buhawi, bagyo
- Kailangang lagyan ng pamparami o yunit ang mga pangngalang kabuuan upang
mailarawan ang bilang o dami nito

PANGNGALANG PALANSAK AT DI-PALANSAK (COLLECTIVE NOUN)

1. PALANSAK
- Tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao, bagay o hayop
Halimbawa: buwig/bulig hukbo lahi REBELDE

2. DI-PALANSAK
- Tumutukoy lamang ito sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.
Halimbawa: saging sundalo Filipino

PANGHALIP
- Panghalili o pamalit sa pangngalan.

URI NG PANGHALIP
1. Panghalip na Panao – mga panghalili sa tiyak na ngalan ng tao halimbawa:

a. Si Prop. Anna Cruz ay magaling na guro.


b. Siya ay magaling na guro.

a. Naglalaro sina tatay at kuya ng basketbol.


b. Naglalaro sila ng basketbol.

a. Naligo ako, si Eve, at si Bea sa ilog.


b. Naligo kami sa ilog.
Nag-iiba ng anyo ang isang panghalip ayon sa kaukulan ng pangngalang pinalitan. Narito ang
paliwanag:

Panghalip sa anyong ANG (madalas ang pangngalan na papalitan ng panghalip ay ang


simuno o paksa ng pangungusap na gumaganap ng kilos.)
A. Ang Hari ng Espanya ay bumisita sa Pilipinas.
B. Siya ay bumisita sa Pilipinas.

Panghalip sa anyong NG (madalas ang pangngalan na papalitan ng panghalip ay ang


gumaganap ng kilos o dahilan ng pagganap ng kilos at HINDI simuno o paksa ng pangungusap)
A. Ipinagluto ni Aling Marta ng lugaw ang mga bisita.
B. Ipinagluto niya ng lugaw ang mga bisita.

Panghalip sa anyong SA (madalas ang pangngalan na papalitan ng panghalip ay ang


pinag-uukulan o tagatanggap ng kilos o nagmamay-ari.
a. Ipinakain ni Bert ang mga dalang prutas sa amin.
b. Sa kanya binigay ni lola ang natirang pera.

2. Panghalip ng Pananong – salitang ipinampalit sa mga pangngalan na giagamit sa


pagtatanong.

ISAHAN MARAMIHAN

Sino Sino-sino
Alin Alin- alin
Ano Anu- ano
Kanino Kani- kanino
Ilan Ilan-ilan o iilan
Saan Saan- saan
Paano Paa- paano

3. Panghalip ng Panaklaw- Sumasakop/sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng


pangngalan.

- isa - Ilan
- lahat - Balana
- Alin man - Iba ang gusto niya.
- madla - Kanino man ito, walang dapat
- iba kumuha.
- Sino man
- Gaano man
4. Panghalip na Pamatlig – nagpapahayag ng agwat, layo o distansiya ng mga tao o bagay na
nagsasalita o kinakausap.

Pamatlig sa ANG Pamatlig sa NG Pamatlig sa SA

ito – malapit sa nagsasalita nito – malapit sa nagsasalita dito – malapit sa nagsasalita


iyan
Iyon

You might also like