You are on page 1of 4

INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022
Pangalan:Nathaniel A. Guianan Petsa: 5/26/22
Modyul:5

Panuto 1: Talakayin ang tatlong kategorya ng gamit ng internet ayon kay December at magbigay ng mga
halimbawa nito lalo na sa panahon ng pandemya . (5 puntos bawat aytem)

A. Komunikasyon

Sa pag-usbong ng internet ay napadali ang pakikipag komunika ng mga tao mula sa mga
malalayong lugar, bago pa man dumating ang pandemya ay kilala na ang mga pilipino bilang isa sa mga
pinakamaraming users ng mga messaging apps tulad ng Messenger. Sa pamamagitan ng mga apps na ito
ay napapadai ang pakikipag komunika sa mga nasa malalayong lugar sa pamamagitan ng pag chat, pag
video call, pag send ng mga larawan at bidyo. Ngayon sa panahon ng pandemya na kung saan halos lahat
ay takot o di naman kaya ay hindi maaaring maka labas sa kani kanilang mga bahay dahil sa covid-19,
naging malaki ang tulong ng mga social media at chatting apps at sites upang sila ay manatiling
konektado sa kanilang mga mahal sa buhay at maiiwasan ang matinding pagkabagot at depression dahil
wala silang makausap.

B. Interaksyon

Isa rin sa mga magandang dulot ng internet sa panahon ng pandemya ang kakayahan nito na
magkaroon ng interaksyon ang mga users sa iba't ibang panig ng mundo. Isa sa mga interaksyon na
ginaganap dito ay sa pamamagitan ng pag react sa mga post ng mga tao sa mga social media dahil
binabahagi ng mga users ang kani kanilang reaction sa mga pinopost na mga larawan. Video o mga
komento sa social media. Isa pang uri ng interaksyon na naganap dito ay sa pamamagitan ng pag usbong
ng mga online games na kung saan nagkakaroon ng interaction sa pamamagitan ng mga players online
kahit kilala mo pa o hindi, nagkakaroon ng interaksyon sa pagsabay ng paglalaro upang makamit ang
tagumpay sa bawat laro. Ang pagkakaroon ng kakayahang maka pag-interact ay isa sa mga nag bigay ng
kakayahan na labanan ang pagkabagot at makasama o makakilala ng mga bagong kaibigan kahit sa
panahon ng pandemya.

C. Impormasyon

Isa sa mga gamit ng internet ay ang pagiging available ng mga impormasyon, mapa libro man,
balita, mga blogs at marami pang ibang uri ng mga impormasyon. Ginawa nito na mas maging Sa
panahon ng pandemya naging paraan ang internet upang maipakalat ang mga balita at impormasyon
INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

tungkol sa covid-19 at kung paano maiiwasan ito. Bukod sa mga magandang benepisyo nito, isang
negatibong resulta nito ang madaling pagkalat ng mga fake news na nagbibigay ng takot o pagiging
misinformed ng mga tao sa internet.

Panuto 2: Mangalap ng mga website/social media site na kung saan kakikitaan ng iba't ibang uri ng
Wikang Filipino sa Internet. I-screenshot ang pahina at talakayin kung anong uri ng Filipino ang
matatagpuan sa internet batay sa mga sumusunod:

1. Ang wikang Filipino sa mga website.

- Wikang filipino ang ginagamit ng


website ng abs-cbn upang maghatid ng mga
balita, dahil ang mga target audience nito ay
mga filipino. Bagamat ingles ang
lenggwaheng ginagamit sa pagsulat ng mga
artikulo, wikang filipino naman ang
kanilang gamit sa pag pepresenta ng mga
balita sa kanilang mga video at headlines
upang mas madaling mapansin ng mga
manonood. Sa website na ito hindi makikita
ang mga tipikal na porma ng eFil o mga
salitang dinaglat, hinahalo at iba pang
porma ng netlinggo, sa kadahilanang ang mga bagay na kanilang pinopost sa kanilang website ay
balita at magiging isang source ng mga tao tungkol sa mga kasalukuyang nangyayari sa paligid
kung kaya pormal ang porma ng kanilang pagsulat.

2. Ang wikang Filipino sa mga online magazine.

- Ginamit naman ng Philippine Rice


Research Institute sa kanilang PhilRice
magasin ang wikang filipino dahil ang
magasin na ito ay nagtataglay ng mga
impormasyon na makakatulong sa ating
mga magsasaka upang mapalakas ang
kanilang pagtatanim. Wikang filipino ang
ginamit upang madali itong ma intindihan
at maunawaan ng mga magsasaka at iba
pang mga mambabasa. Ang uri ng Filipino
na ginamit ng Philippine Rice Research
Institute sa kanilang PhilRice magasin ay
INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

hindi nagtataglay ng mga tipikal na katangian ng eFil na pagdadaglat, pag iisa ng dalawang salita,
paggamit ng tambilang atbp. Ito ay sa kadahilanang kinunan ito ng mahahalagang impormasyon
ng mga mambabasa.

3. Ang wikang Filipino sa mga online advertisement.

- Mula sa isang online


advertisement ng nescafe ginamit
nila ang wikang filipino sa paaran
ng pagkanta. Ginagamit sa
advertisement ang wikang filipino
upang maabot ang kanilang mga
target na mamimili, at iyon ay ang
mga working class. Dahil sa
paggamit ng wika na ito ay
naipapahayag nila na sila ay
mayroong produkto na
makakatulong sa mga
nagtatrabaho na manatiling gising
at makapag trabaho ng maayos.

4. Ang Filipino sa blog

- Ang personal blog na ito


ay isang facebook page na
tinatawag na Filipino BlogSpot.
Ang mga blog na naka post dito ay
tungkol sa wikang filipino at iba’t
ibang porma nito, kung kayat
pormal ang paraan ng pagpopost
ng mga content ang nagpapatakbo
sa page na ito. Walang nakikita na
pagdadaglat, paggamit ng
parehong tunog at iba pang
netlingo dahil ito ay isang uri ng
educational na pinag babasehan ng
mga mambabasa.
INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

5. Ang Filipino sa porum.

- Ang ginagamit na
filipino sa forum na ito ay
isang halimbawa ng
pisikal na katangian ng
eFil dahil sa tono nito na
parang nakikipag usap sa
mga mambabasa ng harap
harapan. Pinapakita ng
forum na ito na
ibinabahagi ng admin ng
forum na naglalahad ng
mga maaaring gawin ng
mga miyembro sa forum
na ito. Bukod sa
katangiang pisikal na makikita sa forum na ito. Makikita rin na mayroong mga salita na
gumagamit ng pagdadaglat tulad nalang ng salitang GC o Group Chat at paggamit ng mga
salitang ingles at paglalaro ng mga salita na kung saan nagmumukhang natural na pakikipag usap
ang nangyayari sa pagitan ng nagpopost at mambabasa sa isang forum.

6. Ang Filipino sa chat.

- Makikita sa chat na ito na gumagamit ng isang halimbawa ng


eFil o netlinggo na kung saan ang mga reply ng tagatanggap ay
nagpapakita ng pagdadaglat tulad ng SML o Share Mo Lang at
paggamit ng katunog na letra tulad ng Enebe o Ano Ba. makikita sa
paraan ng kanilang pagchachat na sila ay tila nag uusap ng harapan.

You might also like