You are on page 1of 17

ULAT-PAPEL SA FIL167

CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2022-2023

MGA PANGALAN Cloe Aldemita


Nathaniel Guianan
Vincent Carl Salazar
Farrel Flores
Nilda Nazareno
PAKSA Kaalamang Estruktural ng Wika
- Malaman ang ibat ibang estruktura sa pagtukoy o pagsuri ng
MGA LAYUNIN barayti at baryasyon ng wika.
- Mabigyan ng sapat na kaalaman sa kung paano maikukumpara
ang baryasyon ng wika.
Kasali; Lahat ng mga pangkat.
PANIMULANG Panuto: Magpapakita ang mga tagapagulat ng mga salitang may kulang
GAWAIN na mga letra, mag-uunahan ang mga kalahok na grupo sa pag puna sa
(Paganyak) mga kulang na letra at bibigyan nila ng pagpapakahulugan ang bawat
salita.

B***N**WA***M*
PAG***L**O** PA**W*K*
D*G**S**A
M**A
S**I* *HO*F

Sino si Dr. Nilo S. Ocampo

Kasalukuyang Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan


PAGLALAHAD ng Pilipinas si Dr. Nilo S. Ocampo. Nagtapos siya ng BA at MA
NG PAKSA Kasaysayan at Doktorado sa Filipino-Pagsasalin. Naging Tagapangulo
ng UP LIKAS noong 1973-1974 at naging Gurong Tagapayo kalaunan.
Itinalagang Pangulo ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, may Hilig at
Interes sa Kasaysayan ng Pilipinas, Inc. noong 2008-2010.

Tumanggap siya ng Ikatlong Gantimpala sa Carlos Palanca


Memorial Award for Essay in Filipino noong 1993. Hinirang sa kanyang
aklat na May Gawa na Kaming Natapos Dini: Si Rizal at Wikang
Tagalog ang Gawad Tsanselor sa Pinakamahusay na Nilathalang
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Pananaliksik noong 2002

Punto/Aksent o Diyalekto

Ang wika ay panlahat kung kaya't sinomang marunong magsalita ay


gumagamit nito. Isa ito sa mga mahalagang instrumento upang patuloy na
mamuhay at umunlad sa araw-araw. Sa paggamit ng wika ay mapapansin
ang aksent o punto ng isang tao. Ito ang nagiging pantukoy sa
pinagmulang lugar ng tagapagsalita. Ang pagkakaroon ng aksent ay
natural lamang sapagkat ito ang makasanayan ng tagspagsalita habang
ito ay lumalaki. Isang halimbawa nito ay ang isang Cebuano at Tagalog na
nagsabi ng “ang ganda ng lugar ninyo!” na katagang Filipino. Mapapansin
ang pagkakaiba ng kanilang pananalita sapagkat sap unto ng kanilang
pagsambit sa pangungusap.

Mga Diyalektong Rehiyunal

Ang Pilipinas ay archipelago. Binubuo ito ng napakaraming isla na


may sari-sariling wikang katutubong sinasalita. Dahil dito ay hindi
nakapagtataka ang bataytii ng mga wika sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ang diyalektong rehiyunal ay naglalarawan sa identipikasyon ng mga
consistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang
heyograpikal na lugar. Hindi gaanong ka interesado gayunman ang mga
sangkot sa seryosong pagsisiyasat ng mga diyalektong rehiyonal sa mga
gayong isteryotyp, at nag uukol ng masinsinang saliksik sa identipikasyon
ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang
heograpikong lugar kaysa iba pang mga bagay karaniwang mabusisi sa
detalye ang mga survey na ito sa mga diyalekto at tumatrabaho sa loob
ng napaka espisipikong pamantayan sa pagtukoy ng mga katanggap
tanggap ng mga informant E kasi nga importanting malaman kung taong
kinukunan mo ng pananalitang sa teyp rekording ay tunay na tipikal na
kinatawan ng diyalekto ng rehiyon mas madalas mangyari tuloy na ang
mga nakukuhang informant sa survey ng diyalekto ay karaniwang
nakahimpil, matatanda, rural at lalaki napili ang mga ganitong ispiker dahil
pinaniniwalaang mas kaunti ang mga impluwensya sa kanila na galling sa
labas isang di kanais nais ang resulta ng paggamit sa ganitong kraterya
ay ang pagkalarawan ng mga diyalekto na mas totoo sa isang panahong
bago pa ang imbestigasyon, dati pa at hindi ang pangkasalukuyang o sa
oras ng pagsisiyasat gayunman, sa mga ganitong paraan nakuha ang
detalyadong impormasyon na nabuo bilang linggwistikong atlas ng
bansa-bansa.

Isogles at Dayalektong Hanggan

Ito ay tumutukoy sa sa linyang kumakatawan sa pagitan ng mga lugar


tungkol sa partikular na linggwistikong aytem. Samantala, ang diyalektong
hangganan naman ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita ng iba’t ibang
lugar kung saan ang pagkakaiba- iba ang gamit ng mga salita.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Ang Katuluyang Kobtinuum na Pandayalekto

Isa pang pag iingat ang kailangan matulungin ang pagdodrowing ng


mga isogloss at diyalektong hanggahan sa pagtukoy ng malawakang
pananaw ng mga diyalektong rehiyonal, pero napagtakpan nito ang
katunayang naghahalo halo rin ang ibat-ibang varayti sa mga lugar
pandiyalekto habang naiisip ito, puwede mating tanawin ang Isang
rehiyonal na varyasyon na nakalugar sa Isang katuluyan o kontinuum, at
hindi iyong may kapansin-pansing patlang sa pagitan ng mga rehiyon
Isang napakarehong tipo ng kontinuum ang magaganap sa
magkakatabing wikang magkakaugnay sa mga hanggahang politikal sa
paglalakbay Mula sa Holland tungong Germany, Makakita ka muna ng
mga konsentrasyon ng mga ispiker ng dutch, pagkatapos ay mga lugar
kung saan naghahalo ang mga diyalekto ng dutch at German Hanggang
sa mapunta sa mga lugar na mas maraming ispiker ng German. Kung ang
isogloss ay malaking tulong sa pagtutukoy ng gamit ng wika sa
magkakatabing lugar, hindi pa rin kadalasang nagiging ispesifiko ang
resulta ng mga pag-aaral pangwika. Kung kaya, sa pamamagitan ng
continuum, makikita ang eksaktong katuluyan ng gamit ng wika sa
magkakatabing lipunan.

Bilinggwalismo

Sa maraming bansa hindi lang simpleng dalawang diyalekto ang


rehiyonal na varyasyon, subalit isang bagay ng dalalawang magkaiba at
magkalayong wika. Ang Canada, halimbawa, ay bansang opisyal na
bilingguwal, opisyal na wika kapwa ang French at inglish hindi nagkaroon
ng pagkilala sa istatus panlinggwistiko ng mga tagapagsalita ng French,
kalakhan sa Quebec. Nang walang malaking sigalot pampolitaka sa
kalakhan ng kasaysayan nito, sa esensya, nagsasalita sa English ang
Canada na mayroong maynoriting nagsasalita ng French sa gayong
sitwasyon, sa puntong indibidwal, mas nagiging katangian ng maynoriting
ang bilingguwalismo sa anyong ito ng bilingguwalismo, lumaki ang isang
miyembro ng maynoriti sa isang komunidad na linggwistiko, pangunahing
nagsasalita sa isang wika, tulad ng Gaelic (gaya sa kaso ng maraming
taon sa scottland) pero natututo ng isa pang wikang tulad ng English, para
makabahagi sa mas Malaki, mas dominanteng komunidad ng

linggwistiko.

Pagpaplanong Pangwika

Siguro, dahil karaniwang matatagpuan ang Bilingguwalismo sa Europe


at north Amerika sa mga pangkat ng maynorit, inaakala ang isang
bansang tulad ng United States of America na isang magkakaparehong
komunidad na pananalita kung saan nagsasalita ng Ingles ang lahat at
gamit ng lahat ng estasyon sa radyo at TV at pahayagan ang Standard
English Maling pananw ito. Hindi nito isinaalang-alang ag pagkakaroon ng
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

malaking komunidad na hindi Ingles ang pangunahing wika.

Halimbawa, ang majoriti sa populasyon sa San Antonio, Texas ay


mas makikinig sa Broadcast sa radyo sa Espanyol kaysa sa Ingles. Malaki
ang implikasyon ng katunayang ito sa punto ng organisasyon ng mga
kinatawang local sa pamahalaan at sa sistemang pang edukasyon. Dapat
ba sa espanyol o Ingles ang pagtuturo sa Elementarya? Ikonsider ang
kaparehong tanong sa Guatemal na, bukod swa spanish, mayroong 25 na
wikang Mayan ang sinasalitakung sa ganitong sitwasyon, pinili ang
espanyol bilang wika ng Edukasyon, hindi ba agrabyado sa panunahing
edukasyon sa lipunan ang mga ispiker ng Mayan? Kailangan sagutin ang
mga katanungang ganito batay sa ilang uri ng pagpaplanong pangwika.
Kailangan aktibo ang Opisyal.

Sa Israel, sa kabila ng katunayan hindi Hebrew ang ang pinaka gamit


ng wikasa populasyon, ito ang pinili bilang Opisyal na wikang
pampamahalaan . Sa India, Pinili ang Hindi, pero maraming relihiyong
hindi nagsasalita ng Hindi, may mga kaguluhan laban sa disisyonng iyon.
Mas malinaw na makikita ang proseso ng pagpaplanong pang wika kapag
yugto yugto itong napatupad sa lakad ng mga taon isang magandang
halimbawa ang dulot ng pagpili ng sawili bilang pambansang wika ng
Tanzania sa East Africa, Marami pang wikang tribo at nadoon pa ang
kolonyal na impluwensiya sa wikang Ingles, pero dahan-dahan nang
naipasok ang swalili bilang opesyal na wika sa larangan ng pang
edukasyon, legal at pamahalaan.

Ang proseso ng “pagpili”(pagtukoy sa opisyal na wika)ay sinundan ng


“kodipikasyon” kung saan ginagamitang batayang gramar, diksyunaryo at
mga modelong sulatin para itanghala ang varayting istandard. Sunod ang
proseso ng elaborasyon ang varayting istandard nililinang para gamitin sa
lahat ng aspekto ng buhay panlipunan. Kasama na sa pagpapalitaw ng
panlipunan, kasama na sa pagpapalitaw ng katipunan ng mga akdang
nakasulat sa pampanitikang nakasulat sa istandard. Ang proseso ng
implementasyon ay katungkulan dapat ng pamahalaan sa pagtutulak nito
sa paggamit ng istandard, at pagkatanggap ang huling yugto kung saan
ang malaking majority ng populasyon ay gumagamit na ng istandard at
iniisip ito bilang pambansang wika, gumaganap ng bahagi hindi lang sa
panlipunan, kundi sa pagkakilanlang pambansa.

Mga Pidgin at Creole

Ang Pidgin ay isang wika na walang katutubong ispiker, sa


madaling salita, ito ay isang uri ng bagong wikang napaunlad at ginagamit
upang maging paraan ng pakikipag komunika sa pagitan ng dalawang
grupo na hindi nagsasalita sa kaparehong wika. ng isang wikang na
paunlad na sa kadahilanang praktikal, tulad ng pangangalakal at negosyo.

Ang Creole ay isang wika na dumaan sa isang proseso ng


pagpapasimple ng isang wika, hanggang sa ito ay haluan ng dalawa o
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

higit pang mga wika, napalawak ang gamit hanggang sa ito ay naging
isang wikang sinasalita ng isang lipunan.

Wika, Lipunan at Kultura

Ang mga na unang mga paksa ay isang patunay na isinaalang


alang ang puntong rehiyunal o diyalekto. Maaaring mayroong iba pang
mga katangian ang anyong pananalita na hindi kaugnay sa baryasyong
rehiyunal, ang dalawang taong lumaki sa parehong lugar at panahon ay
pwedeng magkaiba ang sinasalita bunga ng ilang mga panlipunang salik.

Mga Panlipunang Diyalekto

Sa pag-aaral ng mga baryasyon ng wika, ibinubusisi ng husto ang


mga pag dokumento karaniwan sa pamamagitan ng palatanungan o
questionnaires upang makuha ang ilan sa mga pangunahing katangian ng
mga tagapagsalita.

Edukasyon, Okupasyon at Uring Panlipunan

Sa pagtuklas ng baryasyon at barayti ng wika, mahalagang


malaman at mabusisi ang kasanayang edukasyonal ng isang pangkat ng
mga ispiker. Sa ilang survey ng diyalekto, natuklasan na doon sa mga
umaalis sa sistemang eduksayonal sa murang edad ay mas may pagkiling
ang mga ito na gumagamit ng mga anyong hindi gaanong ginagamit sa
pananalita ng mga tumutukoy sa kolehiyo. Mas karaniwang halimbawa
ang pananalitang ‘them boys throed somethin’ sa unang pangkat kaysa sa
doon sa huli. ang taong mas matagal na nag-aaral papuntang kolehiyo o
unibersidad ay mukhang may bigkas na pananalitang mas nakuha sa
matagal na pakikipag -ugnayan sa wikang nakasulat. Makikita ang
malalang anyo ng ganitong impluwensya sa angal na “parang librong
magsalita (talks like a book)” ang ilang propesor.

Kaugnay sa edukasyon ang mga pagkakaiba sa okupasyon at


panlipunang uri na may ilang epekto sa pananalita ng mga indibidwal.
Bawat okupasyon ay may sangkap na jargon na hindi basta maintindihan
ng mga hindi ganoon ang okupasyon. Isang halimbawa ng pananalitang
naitakda ng okupasyon ang tawag ng weyter na “Bucket of mud, draw
one, hold the cow” sa isang karinderya isang varyasyon ng order ng
customer na “ a chocolate ice cream and coffee without cream”

Isang tanyag na pag-aaral ang nag-uugnay ng mga elemento ng


mga lugar ng okupasyon at istatus ng sosyo-ekonomiya sa pagtingin sa
mga pagkakaiba ng bigkas ng mga salespeople sa tatlong department
store sa New York City, Saks(mataas na istatus), Macy’s (panggitna) at
Klein (mababa) talagang may nakikitang pagkakaibang masusukat sa
British English, kung saan mas litaw ang pagkakaibang panlipunang uri ng
mga pananalita kaysa United States ang gamit ng (n) taliwas sa (K) para
sa tunog ng -ing sa hulihan ng mga salitang tulad ng walking at going ay
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

nakitang mas komon sa mga ispiker na manggagawa, sa iba’t ibang


barayting rehiyunal, kaysa mga ispiker ng panggitnang uri.

Edad at Kasarian

Kahit sa loob ng mga pangkat ng parehong lipunan, mayroong


pagkakaibang matatagpuan na kaugnay sa mga salik tulad ng edad o
kasarian ng isang ispiker. Maraming mas batang ispiker ang naninirahan
sa isang partikular na relihiyon ang madalas tumitingin sa mga resulta ng
isang survey ng diyalekto ng kanilang lugar (sa mga mas matandang
informant karamihan) at nagsasabing ginagamit ng kanilang lolo at lola
ang mga salitang iyon, pero sila hindi pinakapapansin-pansin ang
varyasyon ayon sa edad sa pagitan ng mga lolo/lola.

Maraming saliksik ang paksain ang ganitong pagkakaiba ayon sa


mga tagapagsalita. Isang pangkalahatang konklusyon mula sa mga
survey ng diyalekto na mas gumagamit ang mga babaeng tagapagsalita
ng mga prestihiyoso sa anyo kaysa sa mga lalaking tagapagsalita na
pareho ang katayuang panlipunan. Ibig sabihin mas matatagpuan ang
mga anyong tulad ng I done it at he ain’t sa mga pananalita ng mga lalaki,
I did it at he isn’t naman para sa mga babae. Iba’t ibang bigkas ng ilang
mga salita ng mga lalaki at babae ang naidokumento sa ilang wika ng
mga katutubong amerikano tulad ng Gros Ventre at kolasali. Noong unang
engkwentro ng mga Europeo ang iba’t ibang bokabularyo ng pananalita
ng lalaki at babae sa Carib,nag ulat sila na iba ang pananalita ng lalaki sa
babae. Sa katunayan, ang natuklasan nila ay isang malalang versiyon ng
varyasyon ayon sa kasarian ng ispiker.

Idyolek

Kahit na mayroong itinatakdang pamantayan ang pagbigkas ng mga


salita, nagkakaroon pa rin ng iba’t ibang paraan ang mga indibidwal sa
pagsasalita. Dito pumapasok ang barayiting idyolek. Nagkakaiba-iba sa
pagdiin sa mga salita, sa punto, at maging sa paraan ng paggamit ng tono
o ritmo sa pagbibigkas ng mga salita.

Tumatatak ang kakaibang paraan ng pagsasalita, higit kung mga sikat


na personalidad ang nagbibigkas ng mga ito. Kahit hindi nila orihinal na
likha ang mga salita, parirala, pangungusap, o mga kasabihan, basta’t
nabanggit nila ito sa isang kakaibang paraan ay tiyak na tatatak ito.

Nagmula ang salitang idyolek sa mga salitang Greek na ‘idio’ na ang


ibig sabihin ay “pansarili o kakaiba,” at ‘lect’ ang ibig sabihin ay
“pagkakaiba ng wika.” Ayon sa mga linggiwistiko, wala raw kasing
dalawang tao ang may eksaktong paraan ng pananalita, maging sa mga
pangkat ng salitang ginagamit nito.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Mga Halimbawa

Sa larangan ng entertainment sa Pilipinas ay maraming mga kakikitaan


ng konsepto ng idyolek. Sila ang nagpapatunay na sa pamamagitan ng
kakaibang pagbanggit sa mga salita ay magkakaroon ito ng tatak sa mga
manonood.

Ang buhay ay weather-weather lang,” – Kuya Kim Atienza

“Excuse me po!” – Mike Enriquez

“Mayroon akong kuwento, pakinggan ninyo.” – Mark Logan

“Hello, Philippines! Hello, world!” – Toni Gonzaga

“Magandang Gabi Bayan!” – Noli de Castro

“Get get aww!” –Sexbomb Girls

“Susunod!!!” – Boy Abunda

“Ako na lang, ako na lang uli!!!” –Bea Alonzo as Basha sa One More
Chance

“Dear Charrrroooo…” – Charo Santos sa Maalala Mo Kaya

“Ngayon, bukas, at magpakailanman,” – Mel Tiangco sa Magpakailanman

Register

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga


salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na
maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang
iarangang pinaggamitan nito. ito ang bnatawag na register ng wika.

Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register.

•isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan,


pagpapakasal, kamatayan

•isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)

•pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)

•pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)

•pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan


(sikolohiya)

Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi
magkamali sa pagtukoy ng kahulugan ng salita at maging madali ang
pag-unawa rito. May mga akronim tayo tulad ng CA na ang kahulugan sa
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

medisina ay cancer, calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa


Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong Aeronautics, Chartered
Accountant, Chief Accountant sa Accounting, Chronological Age, Coast
Artillery, at Consular Agent.

Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o


pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking),
pagpapalabas ng semilya upang hindi makapasok sa kaangkinan ng
babae (science), pagtigil o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin
(komunikasyon).

Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan? Narito ang ilang
halimbawa:

Salita Larangan Kahulugan

Komposisyon Musika Piyesa o awit

Lengguwahe Sulatin

Agham Pinagsama-samang
elemento

Isyu Politika Usaping


pampolitika/panlipunan

Pamamahayag Bilang ng labas ng


pahayagan

General Military Mataas na ranggo

Lengguwahe Pangkalahatan

Tenor

Tumutukoy naman ito sa pormalidad at kaimpormalan sa gamit ng


salita. Halimbawa,iba ang paraan ng pagtawag ng isang ina sa kanyang
anak sa tuwing may iuutos ang ina.Samantala, sa kaparehong sitwasyon,
iba ang tenor o paraan ng pagtawag ng isang titser sakanyang estudyante
na kapwa nag-uutos din.

Larangan

Tinatalakay rito ang mga espesyalisadong mga salita na nagagamit


sa iba't ibang larangan. Bukod sa varayti, maaari rin na maging dukal ito
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

ng inaasam na intelektwalisasyon ng isang wika.

• WIKANG FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN (Batas at Politika)

• WIKANG FILIPINO SA HUMANIDADES

• WIKANG FILIPINO SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA

• WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA

Paraan o moda

Paraan kung paano ginamit ang wika sa pasalita at pasulat na paraan.

Halimbawa:

Mas katanggap-tanggap pa rin bilang pormal na pagdodokumento ay


ang pasulat na paraan kaysa pasalita. Nangangahulugan lamang na ang
modang pasulat ay may mas mataas na pagtingin.

KATANGIAN NG MGA PANANALITANG ESPONTANYO

Bihira tayong maging malay sa kung paano tayo magsalita kaya


interesting sa busisiin ang isang halimbawa Ng espontanyo na usapan
sapagkat sa ganitong paraan, lumilitaw nang husto at napapatingkad
ang mga katangian. Sa wikang ingles muna ang acting halimbawa (
tingnan din natin sa ating kultura pagkatapos bilang gawain sa klase ):

A: what about em Stephen do yours

B: he comes to Aikido with me now (A: oh yeah) I try to re


encourage him to do it(.) I’ve tried the painting a bit on ‘em all (A; yea)
painting I’ve tried you know (A: yeah) tried to find if there’s anything
there you know anything that’s been passed on(.) Sally’s quite good (.)
for her age like you know (A:mm)(.) em she seems to be able to put
things in the right place (.) Which is something (.) Which is the main
thing really. Er (.) I try and get them to do the things you know but (.)
you know they sort of go their own way (.) you know

Makikita natin ang mga katangian Ng tuloy-tuloy, di-pinag-isipang


pananalita sa 1) mga patlang at/o pampunong bigkas na nailalagay dito
sa mga panandang tulad ng (.) o ers/em, yea, mm sa pagitan ng mga
pangungusap o sa loob mismo, 2) mga marker ng pagkaunawaan o
simpatya sa nag-uusap tulad ng you know, sort of, 3) mga pag-uulit
tulad ng I’ve tried, painting, anything; at 4) mga pagtatangka sa
pagbabago ng pangungusap mukhang lumalabas na pabara-bara ang
parang pananalita, subalit Hindi tamang konklusyon ito sapagkat
sinusuri dito ang isinulat na pananalita na lumabas na parang walang
kaayusan. Sa katunayan, hindi napapansin ng mga kalahok ang mga
patlang at pag-aalinlangang ito at nakikitang lohikal na
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

Isang anyo diglossia Ang umiral sa karamihan sa mga bansang


nagsasalita ng arbik kung saan may mataas, o kiasikal varayting gamit
sa mga lecture, talumpating relihiyoso at pormal na talumpating
politikal, samantatang ang mababang varayti ay ang lokal na diyalekto
na kolokyal na arabik. Sa Griyego, mayroon ding varayting mataas at
mababa (o demotik). Sa ilang sitwasyon, tila hiwalay na wika na ang
mataas na varayti. Sa mahabang panahon ng kasaysayan ng
kanlurang Europa, isang sitwasyon diglossic ang umiral June saan latin
ang mataas na varayti samantalang mabababa ang mga lokal na wika
tulad ng french at Ingles. Sa Paraguay, Espanyol ang mataas
samantalang Guarani (isang wika ng katutubo) ang mababa

MAGKAHALONG PARAAN

Sa mga dahilang ito natutukoy magkaibang-magkaiba ang


dalawang paraan kung malapit itong pinaghahambing. Magiging mali,
gayunman, kung pagpipilitang may absolutong pagkakahati sa lahat na
nakasulat sa unang banda at sa lahat ng pananalita sa kabila.
Mayroong namang kasong nasa gitna o pagitan tulad ng inihandang
lektyur o madramang dayalog, naisulat na pero babasahin ng malakas;
o sa kabila naman na panayam o talakayang inerekord na
itratranskrayb para ilimbag. Sa katunayan, uniti-unti nang pinalalabo ng
elektronik midya ang kaibahan sa pagitan ng dalawa.

Inilulugar ng mga Telephone-answering machine, halimbawa, ang


ispiker sa kakatwang na posisyon na bumubuo ng produktong bigkas
para sa ipinagpalibang kontak sa isang makikinig na wala pa, kung
kaya ipagsaalang-alang ang mga kahingian ng paraang karaniwang
naeengkuwentro doon sa isa pa.

Bilang suma, nagkakaroon ng pagkakaiba ng gamit ng wika


dipende sa sitwasyon kung saan may kaakibat na tenor, larangan at
paraan. Lahat ng ito ay bumubuo sa nosyon ng register.

DIGLOSSIA

Sa sosyolingwistiks, diglossia ay isang sitwasyon kung saan


dalawang natatanging uri ng isang wika ang sinasalita sa loob ng
parehong komunidad ng pagsasalita. Bilingual diglossia ay isang uri ng
diglossia kung saan ang isang iba’t ibang wika ay ginagamit para sa
pagsulat at isa pa para sa pagsasalita. Kapag ang mga tao ay
bidialectal, maaari silang gumamit ng dalawang dialekto ng parehong
wika, batay sa kanilang kapaligiran o iba’t ibang mga konteksto kung
saan ginagamit nila ang isa o iba pang iba’t ibang wika.

Halimbawa, ang mga bata ay natututo sa mababang uri bilang


katutubong wika, sa mga kultura ng diglossic, ang wika ng tahanan,
pamilya, kalye at pamilihan, pagkakaibigan, at pagkakaisa. Sa
kabaligtaran, ang mataas na pagkakaiba-iba ay sinasalita ng kaunti o
wala bilang una Dapat itong ituro sa paaralan. Ang mataas na uri ay
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

ginagamit para sa pampublikong pagsasalita, mga pormal na lektyur at


mas mataas na edukasyon, mga pagsasahimpapawid sa telebisyon,
mga sermon, liturhiya, at pagsulat

ANG HYPOTHESIS NI SAPIR-WHORF

I. Introduksyon

Ang Hypotesis ni Sapir-Whorf ay isang teorya sa linguistikang


nagpapakita kung paano nakakaapekto ang wika sa kaisipan at sa
kultura ng isang tao. Ang teoryang ito ay nagpapahiwatig na ang wika
ang nagbibigay ng anyo at kahulugan sa mga kaisipan ng tao. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagbabago at pag-unlad ang
kaisipan ng tao.

II. Ang Teorya ni Sapir-Whorf

A. Kasaysayan at Pinagmulan ng Teorya Ang Hypotesis ni Sapir-Worf


ay nagmula sa mga ideya ni Edward Sapir at Benjamin Whorf,
dalawang Amerikanong linggwista, noong mga 1920s at 1930s. Si
Sapir ang unang nagpakita ng konsepto ng relativity sa wika, na
nagpapakita na ang mga salita at kahulugan ay hindi lamang
nakabatay sa katotohanan ng mundo, kundi sa kultura ng tao.

B. Konsepto ng Relatibismo sa Wika Ang konsepto ng relativity sa wika


ay tumutukoy sa kung paano nakakaapekto ang wika sa kaisipan ng
tao. Ayon sa Sapir at Whorf, ang wika ay naglalaman ng mga
kognitibong anyo na nagpapakita ng kung paano tinitingnan ng tao ang
mundo. Ang relativity sa wika ay nagpapahiwatig na hindi lamang ang
kultura ng tao ang nakakaapekto sa kanyang wika, kundi pati na rin ang
kanyang wika ang nakakaapekto sa kanyang kultura.

C. Dalawang Uri ng Relatibismo sa Wika May dalawang uri ng


relatibismo sa wika na inilalarawan ng Sapir at Whorf: ang
determinismo sa wika at ang relativity sa wika. Ang determinismo sa
wika ay nagpapahiwatig na ang wika ay nagtatakda ng mga kaisipan ng
tao, at walang ibang paraan upang malutas ang mga ito. Sa kabilang
dako, ang relativity sa wika ay nagpapahiwatig na ang wika ay
nagbibigay ng iba't ibang paraan ng pagtingin sa mundo, ngunit hindi
ito nangangahulugan na hindi na magbabago ang mga kaisipan ng tao.

III. Pag-aaral sa Wika at Kaisipan

A. Kakayahan ng Wika na Makapagpabago sa Kaisipan Ayon sa


Hypotesis ni Sapir-Worf, ang wika ay nakakapagpabago sa kaisipan ng
tao. Sa pamamagitan ng paggamit ng wika, nakakalikha ang tao ng
mga kognitibong anyo at mga kaisipang mayroon siya tungkol sa
mundo. Halimbawa, kung mayroong dalawang wika na ginagamit ng
isang tao, magkakaroon siya ng mas malawak na perspektiba sa
pagtingin sa mundo dahil sa pagkakaroon niya ng dalawang paraan ng
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

pag-iisip.

B. Pagtutol sa Sapir-Worf Hypothesis Mayroong mga kritisismo sa


Hypotesis ni Sapir-Worf na nagpapahiwatig na hindi ganap na
nakakaapekto ang wika sa kaisipan ng tao. Mayroong mga
nag-aakalang na mas malaki pa rin ang papel ng karanasan ng tao sa
pagkakabuo ng kanyang kaisipan at hindi lamang nakabatay sa
kanyang wika.

C. Suporta sa Sapir-Worf Hypothesis Sa kabila ng mga kritisismo sa


Hypotesis ni Sapir-Worf, mayroon ding mga pagaaral at ebidensya na
nagpapakita na may katotohanan ito. Halimbawa, mayroong mga
kultura na mayroong mga salita at konseptong hindi matatagpuan sa
ibang mga wika, na nagpapahiwatig na iba-iba ang paraan ng pag-iisip
sa mga kultura na ito.

IV. Mga Halimbawa ng Sapir-Whorf Hypothesis

A. Pagkakaiba ng Kulturang Hapones at Amerikano sa Konsepto ng


Oras Mayroong pagkakaiba sa konsepto ng oras sa mga kulturang
Hapones at Amerikano. Sa Hapon, hindi gaanong mahalaga ang
pagtukoy sa eksaktong oras ng isang pangyayari dahil mas mahalaga
ang konteksto at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Sa Amerika
naman, ang oras ay nagbibigay ng kahulugan at mahalagang maayos
itong sinusunod upang maging produktibo sa trabaho.

B. Pagkakaiba ng Pananaw sa Paggamit ng Kulay sa Wika ng mga


Taga-Ifugao Sa wika ng mga Taga-Ifugao, mayroong pagkakaiba sa
pananaw sa paggamit ng kulay kumpara sa ibang mga wika. Sa mga
Taga-Ifugao, ang kulay ay nakabatay sa konsepto ng likas na katangian
ng mga bagay. Sa ibang wika, tulad ng Ingles, ang kulay ay nakabatay
sa mga termino at kategorya.

C. Pagkakaiba sa Konsepto ng Espasyo sa Wika ng mga


Taga-Pangasinan at ng mga Amerikano Mayroong pagkakaiba sa
konsepto ng espasyo sa wika ng mga Taga-Pangasinan at ng mga
Amerikano. Sa wika ng mga Taga-Pangasinan, hindi gaanong
mahalaga ang pagtukoy sa distansya at posisyon ng mga bagay dahil
sa konteksto ng pangungusap. Sa Amerika naman, mahalaga ang
eksaktong posisyon at distansya ng mga bagay.

V. Implikasyon ng Sapir-Whorf Hypothesis

A. Pag-unlad ng Bilingguwalismo at Multilingguwalismo Ang Hypotesis


ni Sapir-Worf ay mayroong malawak na implikasyon sa lipunan at sa
pag-unlad ng bilingguwalismo at multilingguwalismo. Dahil sa teoryang
ito, naiintindihan ng mga linggwista at mga tagapagtugon sa edukasyon
ang kahalagahan ng pagtuturo ng iba't ibang wika at kultura. Ito ay
dahil sa pag-aaral ng iba't ibang wika ay nagiging malinaw ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kultura at nagbibigay ito ng mas
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

malawak na pagkakataon sa mga indibidwal upang makipag-ugnayan


at magbigay ng kontribusyon sa global na komunidad.

B. Pag-unlad ng Multikulturalismo Sa pamamagitan ng pag-unawa sa


kahalagahan ng wika sa pagbuo ng kultura at mga kaisipan,
naitataguyod din ng Sapir-Worf Hypothesis ang konsepto ng
multikulturalismo. Ang multikulturalismo ay ang pagtanggap at
pagpapahalaga sa iba't ibang kultura at wika sa isang lipunan. Sa
kasalukuyan, ito ay isang napakahalagang konsepto dahil sa mga
patuloy na pagbabago at pag-unlad ng pandaigdigang komunikasyon.

C. Pagtitiyak ng Epektibong Komunikasyon Sa kabilang dako, ang


pag-unawa sa Sapir-Worf Hypothesis ay nagbibigay ng malaking tulong
upang masiguro ang epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga
taong nagsasalita ng iba't ibang wika at kultura. Sa pamamagitan ng
pag-unawa sa mga kahulugan at konsepto ng iba't ibang wika,
maaaring maiwasan ang mga pagkakamali sa komunikasyon at
maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan na maaring magdulot ng
mga conflict sa lipunan.

D. Pagpapalawig ng Pananaw sa Mundo Dahil sa Sapir-Worf


Hypothesis, nagiging mas malawak at mas bukas ang pananaw ng
mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa pag-aaral ng iba't ibang wika at
kultura, nagiging mas malawak ang kaalaman ng mga indibidwal
tungkol sa mga pang-araw-araw na karanasan at kaisipan ng mga tao
sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa
mga tao na magkaroon ng mas malawak na perspektibo sa mga
usaping panlipunan, pang-ekonomiya, at pang-pulitika sa iba't ibang
bansa.

VI. Kritisismo sa Sapir-Whorf Hypothesis

A. Mga Kritisismo sa Teorya Sa kabila ng mga suporta at halimbawa,


may mga kritisismo rin sa Sapir-Worf Hypothesis. Ang isa sa mga
kritisismo ay ang kakulangan ng sapat na ebidensiya upang patunayan
ang teorya. Hindi rin lahat ng mga wika ay nagpapakita ng ganitong
relasyon sa kaisipan. May mga kritiko rin na nagsasabi na hindi lamang
ang wika ang nagpapabago sa kaisipan ng tao, bagkus may iba pang
mga kadahilanan tulad ng karanasan at kultura.

Ang Hypotesis ni Sapir-Worf ay walang ganap na kasagutan sa mga


usaping pangwika at kaisipan. Maraming mga kritisismo ang nakatuon
sa teorya, tulad ng pagiging labis na deterministik at pagiging ekslusibo
sa kapangyarihan ng wika sa pagpapabago ng kaisipan. Ang ibang
mga kritisismo ay tumutukoy sa mga pagkakamali sa pananaliksik o
pagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga salita o kaisipan.

B. Mga Pagbabago at Pagpapaunlad ng Teorya Ngunit kahit na may


mga kritisismo, hindi ito nangangahulugan na hindi mahalaga ang
kontribusyon ng Sapir-Worf Hypothesis sa pag-aaral ng wika at
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

kaisipan. Sa halip, nagdulot ito ng mga pagbabago at pagpapaunlad sa


teorya, kabilang na ang mga pagpapalawak sa kahulugan ng mga
konseptong naitala sa hypothesis at paglalagom ng mga konklusyon
mula sa mga pananaliksik.

VII. Kasalukuyang Pag-aaral sa Sapir-Whorf Hypothesis

A. Kasalukuyang Pagpapaunlad at Pag-aaral sa Teorya Sa


kasalukuyang panahon, ang Sapir-Worf Hypothesis ay patuloy na
pinagaaralan at pinag-uusapan ng mga lingguwista at mga propesyonal
sa iba't ibang larangan ng pananaliksik. May mga pagpapaunlad at
pag-aaral pa rin sa teorya, kasama na ang pagpapalawak sa kahulugan
ng mga konseptong naitala sa hypothesis at paglalagom ng mga
konklusyon mula sa mga pananaliksik.

B. Kasalukuyang Pagpapatunay o Pagtanggi sa Teorya Sa kabilang


banda, may mga pagtanggi rin sa teorya, na kinikwestyon ang
kahalagahan at bisa nito sa mga pananaliksik at sa kasalukuyang
lipunan. Sa kabuuan, ang Sapir-Worf Hypothesis ay patuloy na
nagpapakita ng malaking epekto sa pag-aaral ng wika at kaisipan at sa
mga implikasyon nito sa pang-araw-araw na buhay.

WIKA AT KULTURA

Introduksiyon Ang wika at kultura ay dalawang mahahalagang aspeto


ng buhay ng bawat Pilipino. Ang wika ay isang kasangkapan na
ginagamit natin upang magkaroon ng komunikasyon at
pagkakaunawaan sa ating kapwa, samantalang ang kultura ay ang
kabuuan ng mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng isang lipunan.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang kahalagahan ng wika at kultura
sa ating buhay bilang mga Pilipino. Kahalagahan ng Wika Ang wika ay
isang mahalagang aspeto ng ating buhay. Ayon kay Dr. Jose Rizal,
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa
hayop at malansang isda." Ibig sabihin nito, mahalaga na maintindihan
at mahalin natin ang ating sariling wika dahil ito ang naguugnay sa atin
bilang isang bansa at nagbibigay ng ating sariling pagkakakilanlan.
Ayon kay Dr. Lydia Yu-Jose, ang paggamit ng sariling wika ay
nagbibigay ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga kultura at
paniniwala ng isang lipunan. Ang wika ay nagbibigay ng kahulugan sa
ating mga salita at kaisipan, at dahil dito, malaki ang naitutulong nito
upang maiparating natin ng maayos ang ating mga mensahe.
Kahalagahan ng Kultura Ang kultura naman ay nagpapakita ng ating
mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian bilang mga Pilipino. Ayon kay
Dr. Zeus Salazar, ang kultura ay nagbibigay ng kahulugan sa ating mga
gawi at pamamaraan ng pamumuhay, at ito rin ang nagpapakita ng
ating mga kakayahan bilang isang lipunan. Bukod dito, ang kultura ay
nagbibigay rin ng pagkakakilanlan sa isang bansa. Sa isang pag-aaral
ni Dr. Felipe Jocano, ang kultura ay nagbibigay ng kahulugan sa ating
mga saloobin at pag-uugali bilang mga Pilipino. Ito rin ang nagpapakita
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

ng ating pagiging malikhain at maparaan sa pamamagitan ng ating mga


sining at literatura. Sa kabuuan, mahalagang maintindihan at
pahalagahan natin ang wika at kultura bilang mga Pilipino. Ito ang
nagbibigay sa atin ng ating sariling pagkakakilanlan at nagpapakita ng
ating kakayahan bilang isang lipunan. Sa mga susunod na henerasyon,
mahalaga na ituloy natin ang pagpapahalaga sa ating wika at kultura
upang mapanatili ang ating kahalagahan bilang mga Pilipino.

DETERMINISONG LINGGUWISTIKO

Ang determinisong lingguwistiko ay isang teorya sa lingguwistika


na nagsasaad na ang wika ang nagtatakda sa kaisipan at pag-uugali
ng tao. Sa teoryang ito, ang mga salita at kaisipan na ipinapahayag ng
isang indibidwal ay nakabatay sa kanilang wika at sa paraan ng
pagkakabuo ng mga salitang ito.

Ang Konsepto ng Determinisong Lingguwistiko Ayon sa


determinisong lingguwistiko, ang wika ay hindi lamang ginagamit upang
magpahayag ng mga kaisipan at mensahe, kundi nagpapakapekto rin
ito sa paraan ng pag-iisip ng isang tao. Ibig sabihin, ang wika ay
nagtatakda ng mga kaisipan at konsepto na maaaring maunawaan at
maipahayag ng isang tao. Sa pananaw ng mga adherents ng
determinisong lingguwistiko, ang wika ay hindi lamang sumusunod sa
paraan ng pag-iisip ng tao kundi may kaakibat na impluwensiya sa
paraan ng pagiisip ng tao. Sa ganitong paraan, ang wika ay hindi
lamang isang kasangkapan ng komunikasyon kundi isa rin itong
instrumento ng pagpapahayag ng mga kaisipan, pagpapakalat ng mga
ideya at konsepto, at pagpapakilala ng kulturang kinabibilangan.

Kahalagahan ng Determinisong Lingguwistiko Ang determinisong


lingguwistiko ay mahalagang konsepto sa larangan ng lingguwistika
dahil ito ang nagpapakita ng malaking papel ng wika sa pagbuo ng
kaisipan at pag-uugali ng tao. Sa pamamagitan ng teoryang ito,
naiintindihan ng mga lingguwista kung paano nakaaapekto ang wika sa
pananaw at pag-unawa ng tao sa mundo.

Halimbawa ng Determinisong Lingguwistiko Isang halimbawa ng


determinisong lingguwistiko ay ang pagkakaiba ng konsepto ng kulay
sa wika ng Tagalog at ng Wikang Ingles. Sa wikang Tagalog, may
magkaibang salita para sa mga kulay na pula at dilaw. Sa kabilang
banda, sa wikang Ingles, mayroong isang salita lamang para sa mga
kulay na red at yellow. Sa ganitong paraan, nakikita na ang wika ay
nakatutulong sa pagbuo ng konsepto at pag-unawa ng mga kulay.

Ang Implikasyon ng Determinisong Lingguwistiko Sa ilalim ng


teorya ng determinisong lingguwistiko, maaaring magpakita ng iba't
ibang implikasyon sa ating buhay. Sa kabilang banda, ang mga ito ay
maaring magdulot ng mga positibong epekto sa pagkakaroon ng mas
malawak na kaalaman sa iba't ibang kultura, tradisyon, at pananaw ng
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

mga tao. Sa pananaw ng determinisong lingguwistiko, ang wika ay


hindi lamang isa sa mga kasangkapan sa pakikipagtalastasan kundi
may malaking papel din ito sa paghubog ng mga ideya at kaisipan ng
isang indibidwal at ng lipunan sa kabuuan. Kaya't mahalaga na
maisama natin sa pag-aaral at pagpapahalaga sa wika ang pag-unawa
sa kanyang mga kahalagahan at implikasyon.

Panuto: Magbigay ng sampung (10) mga salitang iba ang paraan


PANGKATANG ng paggamit o kahulugan sa pagitan ng dalawang diyalekto.
GAWAIN
Halimbawa: Karon: Bisaya- Ngayon
Hiligaynon- Mamaya

Panuto 1: IDENTIPIKASYON
PAGTATAYA 1. Ito ang naging pantukoy sa pinagmulang lugar ng tagapagsalita.
(Pagsusulit) 2. Ito ang pagiging bihasa sa dalawang wika.
3. Ito ay isang wika na walang katutubong ispiker. Nabuo ito sa
kadahilanang praktikal tulad ng pangangalakal at negosyo.
4. Isang wikang dumaan sa proseso ng pagpapasimple ng isang
wika, ito ay haluan ng dalawa o higit pang wika.
5. Nagkakaiba ang diin sa mga salita, sa punto at maging sa
paraan ng paggamit nt tono o ritmo sa pagbigkas ng salita.
6. Mga salitang may pagkakaiba ng kahulugan depende sa mga
gumagamit nito.
7. Tumutukoy ito sa pormalidad at kaimpormahan sa gamit ng
salita.
8. Tinatalakay rito ang mga espesyalisadong mga salita na
ginagamit sa iba't ibang larangan.
9. Paraan kung paano ginagamit ang wika sa pagsasalita o
pagsulat.
10. Isang sitwasyon kung saan dalawang natatanging uri ng isang
wika ang sinasalita sa loon nh parehong komunidad ng
pagsasalita

Panuto 2: Magbigay ng limang(5) halimbawa ng mga salitang may


register sa dalawang magkaibang propesyon o grupo ng tao. (3
puntos bawat halimbawa)
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BAYASYON NG WIKA

TALASAGUTAN PANUTO 1:
1. Punto/Aksent
2. Bilinggwalismo
3. Pidgin
4. Creole
5. Idyolek
6. Register
7. Tenor
8. Larangan
9. Paraan/Moda
10. Diglossia

You might also like