You are on page 1of 14

,

JR
A
G
A U

IKF . C A
S

WO
G I

ANN T O
N

A
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito nang
mahigit pitong libong pulo na nabibilang sa tatlong
malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: ang Luzon,
ang Visayas at ang Mindanao. Dahil sa nasabing
kalagayang heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon
tayo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong may
kanya-kanyang wika at diyalekto. Ito ang nagbigay-daan
sa napakaraming wika at diyalektong ginagamit sa iba’t
ibang bahagi ng bansa.
Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating
bansa ay hango sa Census of population and housing (CPH) na
isinasagawa tuwing isang dekada ng National Statistics Office (NSO).
Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may higit-kumulang 150 wika at
diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng
5.4 milyong sambahayan; pangalawa ang
Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano sa 3.6 milyong sambahayan;
pangatlo ang Ilocano sa 1.4 milyong sambahayan; pang-apat ang
Hiligaynon/Ilonggo sa 1.1 milyong sambahayan. Maliban sa mga
nabanggit, ang iba pang wika at diyalektong bumubuo sa sampung
pinakamagiting na wika sa bansa ay ang sumusunod: Bikol, Waray,
Kapampangan, Pangasinense o Panggalatok, Maguindanaon at Tausug.
ANG WIKA
• Isang napakahalagang instrumento ng
komunikasyon ang wika.
• Pinagsama-samang makabuluhang tunog,
simbolo at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.
• Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang
“dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan
ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding
dila at wika. Kalaunan ito’y naging language na siya na
ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa
wikang Ingles.
Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003:1),
ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit. Ginagamit
ng tao ang kanyang pag-iisip sa kanyang pakikipag-
ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at magin sa
pakikipag-usap sa sarili.
Ayon kay Henry Allan Gleason Jr., isang
lingguwista at propesor emeritus sa University of
Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga
tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Binigyang pagpapakahulugan ng Cambrigde
Dictionary ang wika sa ganitong paraan: ito ay isang
sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog,
salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan
ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang
uri ng gawain.
Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay
naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng
serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw
ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan
munang pag-aralan bago matutuhan. Gayunpama’y naiiba ito sa
mga pangkaraniwang sining dahil ang tao’y may likas na
kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa paggakgak ng
mga bata; wala kasing batang may likas nakakayahang gumawa
ng serbesa, mag-bake o sumulat. Higit sa lahat, walang
philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang
inimbento; sa halip, ito ay marahan at hindi sinasadyang
nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.
Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi
gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba
likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa
ating pagpapahayag mula sa pagkabata hanggang sa
kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto na ang wika
ay hindi lang basta tunog na nililikha ng tao, bagkus ito’y isang
napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa pamamagitan ng
wika kaya’t nararapat lang na pagyamanin at gamitin nang
naayon sa angkop na layunin.
PAG-USAPAN NATIN...
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano kaya ang


mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng
mga tao sa isang pamayanan o kultura?
2. Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na
pinupuntahan natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika?
3. Bakit kaya sa maraming bansa sa mundo ay magkapareho o
magkasingkahulugan ang mga salitang lengguwahe o wika at dila? Bakit
laging naiuugnay ang dila sa wika?
4. Ano-ano ang pagkakapare-pareho sa mga pagpapakahulugang binasa at
ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa sa wika? Sa paanong paraan naman
sila nagkakaiba-iba ng pananaw?
5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi
niyang, “hindi tuunay na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong
pag-aralan bago matutuhan”? Ipaliwanag ang iyong pananaw.
6. Kung ikaw ang tatanungin, anong pagpapakahulugan ang ibibigay mo
sa salitang “wika”.

- Surpalaran -

You might also like