You are on page 1of 18

Batayang Kaalaman sa Wika

Kahulugan ng wika

Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng wika. Ito ang
naging daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kani-kanilang mga ninanais at niloloob.
Ayon kina Espina at Borja (1999:1), ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang
maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Ang kakayahan sa paggamit
ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang
dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan—kabiguan, tagumpay,
pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob, anong uri
kaya ng lipunan mayroon tayo? Walang makabuluhang gawaing pantao ang maaaring
maganap kung hindi niya maipababatid ang kanyang iniisip gayon din kung hindi niya
mauunawaan ang nais ipahayag ng iba.

Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may
kapangyarihan? Ilan lang ito sa mga katanungan na hindi karaniwang pinag-iisipan o
ipinaliliwanag dahil seguro sa pagiging natural lang sa tao ang pagkatuto, pagkakaroon
at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito ay kung wala siyang
naging kapansanan para hindi matuto ng wika o kaya’y para matigil ang kanyang
paggamit ng wikang kinagisnan.

Ang mga dalubhasa ay may iba’t ibang pakahulugan sa wika.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag


na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob
ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng
kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas
na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho
bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika
raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita
at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at
kontrolado ng lipunan.

Marami pang mga kahulugan ang mailalahad ng mga dalubhasa tungkol sa


wika. At ang mga kahulugang ito ay maiisa batay sa kahulugang ibinigay ni Gleason
tungkol sa wika. Ayon sa kanya, ang wika raw ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong kabilang sa isang kultura.

Katangian ng wika

Batay sa mga kahulugan ng wika na inilahad ng mga dalubhasa, matutukoy ang


mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika na tatalakayin sa mga sumusunod
na talata:

1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos
sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika
ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika samantalang
ponolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito. Kapag ang ponemang ito
ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang
morpemang mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad
ng ponemang /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae.
Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag
ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap.
Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon
ng ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon
na ng tinatawag na diskurso.

2. Ang wika ay binubuo ng mga sagisag o simbolo. Kapag nagsasalita tayo, ang bawat salitang
binibigkas natin ay isang serye ng mga tunog na kumakatawan sa isang bagay (lapis, bag, papel),
ideya (pag-aaral, katotohanan), damdamin (pag-ibig, kaligayahan) o isang fangsyon (si, nang, ni).

3. Ang wika ay mga sagisag na binibigkas. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng
tunog ay may kahulugan. Sa mga tao, ang makahulugang tunog na nalilikha natin at kung
gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay
ang tunog na sinasalita. Samakatwid, ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita
ay nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya,
nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at minomodipika sa
resonador. Upang magiging makabuluhan ang nabuong tunog, kailangan itong mabigkas nang
mabuti upang makilala ng tagapakinig ang pagkakaiba ng mga tunog. Ang paraang pasulat ay
representasyon lamang ng mga tunog na sinasalita.

4. Ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog. Ang salitang arbitraryo ay nangangahulugang


walang tiyak na batayan. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbulo at tunog na kumakatawan sa
kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak na batayan o tuntuning sinusunod. Ito’y
pinagkakasunduan ng mga tao sa tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika. Kaya
magkakaiba ng mga salitang ginagamit ang iba’t ibang pook tulad ng salitang rice sa Ingles,
arroz sa Kastila, bugas sa Cebuano, bigas sa Tagalog, at abyas sa Kapampangan. Kung gayon,
ang mga taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matutong magsasalita kung
paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng
wika ay panlipunan.

5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang tuluy-tuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na
ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon din ang wika. Kapag ang wika ay hindi na
ginagamit, unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.

6. Wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba ang wika sa daigdig dahil na rin sa pagkakaiba ng
kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang naging paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa
isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang
kaisipang iyon ng isang wika. Katulad ng sa Ingles at Filipino. Sa Ingles ay may iba’t ibang
formation ng ice na maaaring tumbasan sa Filipino ng nyebe at yelo. Ngunit may maging
panumbas pa ba sa glacier, icebergs, frozt, hailstorm at iba pa? Wala, sapagkat hindi naman
bahagi ng ating kultura ang mga formations na ito. Samantala, ano naman ang katumbas sa
Ingles ang ating palay, bigas at kanin? Rice lamang dahil hindi ito bahagi ng kanilang kultura.
Ano naman kaya ang panumbas ng mga salitang karomata at nigo sa ibang kultura?

7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging hindi magbabago.
Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Ayon kina
Paz (2003:6) lahat ng bagay ay nagbabago at sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya at
madaling paglalakbay ng mga tao, masasabing lumiliit na ang mundo. Ang bunga ng pagliit na
ito ng mundo na dala na rin ng midya ay ang dumadaling ugnayan ng mga tao na maaaring
nagdadala ng pagbabago sa kanya, sa kanyang kultura at sa kanyang wika. Ang pinakamadaling
maapektuhan ng pagbabago sa wika ay ang bokabularyo nito. Sa kaso ng Pilipinas, ang matagal
na ding impluwensya ng ibang bansa ay nagdagdag sa bokabularyo ng ating mga wika ng mga
salitang hiram na galing sa Instik, Arabik, Kastila, Ingles at Hapon, halimbawa: pansit, lomi,
syopaw, swerte, sibuyas, mansanitas, magkodakan, kompyuter, siroks, sushi, tempura, Japayuki,
atbp. Sa mga nadagdag na salita, may mga nahinto ang gamit, at may mga napalitan o
nadagdagan ang kahulugan. Halimbawa, kerida na galing sa Kastila querida ‘minamahal’ na ang
kahulugan ngayon sa Filipino ay ‘kinakasama ng lalake na hindi niya asawa’, bawnderi ng taksi
o ng jip na galing sa Ingles boundary ‘hangganan’ na ang nadagdag na kahulugan ay ‘perang
ibinayad ng drayber sa may-ari sa pagpasada ng kanyang taksi o jip. Ano kaya ang naging
kahulugan sa Filipino sa mga salitang Ingles na wheels, cats, dogs, Indian? Ang mga ito ay mga
patunay na ang wika ay nagbabago.

8. Ang wika ay pantao. Ang wika ay para sa, ukol sa, at gamit lamang ng tao. Iba ang wika sa
ungol o huni ng hayop. Ang aso ay tumatahol, ang pusa ay ngumingiyaw, ang leon ay
umaatungal, ang sisiw ay sumisiyap, ngunit ang mga ito ay hindi wika. Napag-aralan ng isang
tao na salitain ang isang wika, ang wika ng ibang pangkat etniko. Hindi mapag-aaralan ng isang
aso ang atungal ng leon o tilaok ng isang manok, ang pagtahol ng aso. Ang wika ay pantao.
Hindi magagamit ng mga hayop ang kani-kanilang sariling paraan ng pag-ungol na gaya ng
paggamit ng tao sa wika. Nagagamit ang wika sa pag-uusap tungkol sa kanyang opinyon. At
dahil sa ang wika ay may sistema, maaaring matutuhan ng isang tao ang ibang wika o ang wika
ng ibang pangkat etniko o pangkat kultural ng ibang lahi at lipi.

Kahalagahan ng Wika
May malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawat tao at maging sa
lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa,
napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan ng iba. Dahil sa wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng
bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan. Ang realisasyon ng kanyang mga
pangarap bilang tao at ang pagtupad ng kanyang tungkulin bilang makabuluhang
kasapi ng lipunan ay nakasalalay sa kanyang kakayahan sa paggamit ng wika.
Samakatwid, ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika na ipinakikita sa kanyang
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay maituturing na isang
mahalagang katuparan at instrumento sa pansariling pag-unlad.

Narito ang ang iba’t ibang kahalagahan ng wika.

1. Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika pasalita man o pasulat, ay pangunahing


kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa micro level, ang dalawang
tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. Ang magkasintahan,
halimbawa, ay nakapagpapanatili ng relasyon dahil may wikang nagiging instrumento nila ng
komunikasyon. Samantala, may mga nagkakagalit o nag-aaway bunga ng miskomunikasyon o
di-epektibong paggamit ng wika. Samakatwid, ang mabisang paggamit ng wika ay mahalaga sa
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa dahil tayong mga tao ay mga nilikhang
panlipunan. Kung gayon, ang wika ang pangunahin nating kasangkapan upang tayo’y
makaganap sa ating mga tugkuling panlipunan. Ayon din sa macro-level, ang mga bansa ay
nakakapag-ugnayan dahil sa wika. Iba-iba man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa rin sila
ng komong wikang kanilang kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan.

2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang salin-


lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay
naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napakikinabangan sa ating
panahon dahil may wikang nagkakanlong dito at nag-iingat hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
mahahalagang imbensyong kanluran ay napakikinabangan din sa ating bansa dahil may wikang
nagkakanlong sa mga iyon at naging sanhi upang iyon ay mapalaganap sa iba’t ibang sulok ng
daigdig. Dahil may wika, hindi kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa
pagyao ng lumikha o tumuklas ng mga iyon. Paano na lang kaya kung hindi man lang naisulat o
naipagsabi ni Benjamin Franklin ang pagakatuklas niya sa kuryente bago siya namatay? Marahil
ay baka wala pa rin tayong kuryente hanggang sa ngayon.

3. Nagbubuklod ng Bansa. Sa panahon ng mga katipunero, wikang Tagalog ang naging daan
upang mapag-isa ang kanilang mga hinaing. Tagalog ang kanilang wikang opisyal, sa kanilang
pakikipaglaban sa mga Kastila, samantalang ang mga Propagandista naman ay ng wikang
Kastila, na naging wika nila sa pagpapahayag ng mga makabayang diwa sa la Solidaridad. Ano
mang wika, kung gayon, ay maaaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong
gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya. Tulad na lamang ng sa
Edsa I at II, wika ang daan upang magtipon ang mga Pilipino sa monumento ng EDSA upang
isigaw ang nag-iisang mithiin ang pagtuldok sa pamahalaang diktadorya at mandarambong.

4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o


di kaya’y kapag tayo’y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga
tagpo niyon. Maaaring tayo’y napahalakhak o napapangiti, natatakot o kinikilabutan, nagagalit o
naiinis, naaawa o naninibugho. Ito ang nagpapagaan ng ating imahinasyon. Sa ating isipan,
nalilikha natin ang bawat larawan ng mga tagpo sa kwento o nobelang ating binabasa o
pelikulang ating pinapanood. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng
mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at
lumikha ng imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip.

Tungkulin ng Wika

Napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng wika. Napakahalagang


katangian ng tao ay ang pagkakaroon ng wika at ang kakayahang gumamit ng wika.
Isipin natin. Ano kaya ang magiging buhay ng tao at ng santinakpan kung nagkataong
walang wika ang tao at hindi angkin ng tao ang kakayahang gumamit ng wika? Paano
ang pakikipagtalastasan? Paano maipapahayag ang mga kaisipan at mga damdamin?
Paano maitatala ang mga naganap na pangyayari na tatawaging kasaysayan? Kung
walang wika, lahat ng tungkuling binanggit ay hindi maisasagawa.

Ang wika na ugat ng pakikipagtasalastasan o komunikasyon ay may


mahahalaga at iba’t ibang tungkulin gaya ng sumusunod:

1. Pang-interaksyunal. May gamit interaksyunal ang wika kung ginagamit ito sa pagpapanatili ng
mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso, pagbibiro, pang-
iimbita, pasasalamat at paggamit ng mga salitang pang-teen-ager, liham-pangkaibigan,
lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon, palitang ritwalistik, at dayalektong rehiyunal.

2. Pang-intrumental. May gamit na intrumental ang wika na tumutulong sa tao para maisagawa
ang mga gusto niyang gawin. Maisasagawa niya ang anuman at mahihingi ang iba’t ibang bagay
sa tulong ng wika. Samakatwid, magagamit ang wika sa pagpapangaral, verbal na
pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap at liham pangngalakal.

3. Panregulatori. May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa
pagkontrol sa mga sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o
palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot
at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang-ayon, pagbibigay
ng direksyon, paalala, babala at pagbibigay panuto.

4. Pampersonal. Personal naman ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at


damdamin ng isang indibidwal. Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam,
pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling damdamin (tuwa,
galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.

5. Pang-imahinasyon. Ito ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa paglikha at/o pagpapahayag ng
malikhain, estetiko o artistikong kaisipan. Kasama rito ang verbal o kaya’y pasulat na pag-awit,
pagtula, pagkukwento, deklamasyon, akdang pampanitikan at iba pang gawaing ginagamit “ang
wika para sa wika.”

6. Pangheuristiko. May gamit heuristik ang wika kung ginagamit ito ng tao upang matuto at
magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal na
sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang dito ang pagtatanong,
pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
7. Pang-impormativ. Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight
tungkol sa mundo. Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos. Tulad ng
pag-uulat, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at pamanahunang papel.

Antas ng Wika

Nagkakaroon ng antas ng wika ang isa pang mahalagang katangian nito. Tulad
ng tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung
tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
kabilang.

Nahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Bawat


kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika.

1. Pormal. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mnga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
b. Pampanitikan. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay,
talinghaga at masining.

PAMBANSA PAMPANITIKAN
Ina Ilaw ng tahanan

Baliw Nasisiraan ng bait

Magnanakaw Malikot ang kamay

2. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang mga ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito
ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin
ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.

PAMBANSA LALAWIGANIN
Upo Tabayag

Kalamansi kalamunding

Talukbong pandong
Aba nga naman ala eh naman

Gabi gabi-i

Bote boti

b. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at


pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na
ito.

PAMBANSA KOLOKYAL
Saan naroon Sanaron

nasaan nasan

naroon naron

kani-kaniya kanya-kanya

aywan ewan

tayo na tana

tala na tana

c. Balbal. Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong
una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag-aralan dahil masagwa raw
pakinggan. Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, sa
gayon, para nga namang code, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-uusapan.
Pabagu-bago ang mga salitang balbal. Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay
hindi tumatagal, agad nawawala. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang
kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga
bakla ay swardspeak.

PAMBANSA KOLOKYAL
Matanda Gurang

Kapatid Utol

Inom Toma/tagay

Security guard Sikyo

Original Orig
Amerikana Kana

Bata Atab

Pulis Lispu

Kotse Tsikot

Mama Ermat

Papa Erpat

Hiya Dyahi

Sigarilyo Yosi

Asawa Waswas

Nobya Chuvachuchu

Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Malinaw na ipinahahayag sa Banal na Kasulatan ng mga Kristiyano na ang wika


ay kaloob ng Diyos. Sa mga relihiyoso, walang duda ito. Napakarami at
napakasalimuot nga naman ng mga wika at halos kung hindi man perpekto ang
pagkakaayos ng mga wika sa daigdig. Walang makagagawa nito kung hindi ang
Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay kung paanong mula sa iisang wika,
ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng iba’t ibang wika. Naaalala mo pa ba ang
kwento kay Babel at sa kanyang tore (Gen. 11:1-9)?

Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar ay nagsimulang


mag-usisa kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika. Dahil dito, lumitaw ang
mga sumusunod na teorya ukol sa pinagmulan ng wika:

1. Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang
sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito
ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya sa mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.
Ngunit, para sa iba, kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa
gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
2. Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay
napapa-Ouch! Ano’ng naibulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

3. Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng mga nagmumungkahi ng teoryang ito na ang tao ay


natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y
nakalilikha din ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang
nalilikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likha sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga
ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat
ng mga ritwal na iyon, ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal
na ito na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

5. Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita. Tinawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam
ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng
dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

6. Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng
tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Alin sa mga teoryang binanggit sa itaas ang masasabing totoo? Kaya nga
tinatawag na teorya dahil ito ay nagmumula sa mga haka-haka ng mga teorista at
mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na
hahantong lamang sa walang-hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling
kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o di
kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa
pinagmulan ng wika.

http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng
6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang
pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang
siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula
sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa
Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon
ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang
mayroon.

Mga nilalaman
 [itago] 

 1 Mga anyo ng wika


 2 Mga antas
 3 Mga Kagamitan
o 3.1 Kategorya ng paggamit ng wika
 3.1.1 Pormal
 3.1.2 Impormal o di-pormal
o 3.2 Tingnan din
o 3.3 Mga sanggunian

Mga anyo ng wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga
sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng
musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga
ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding
dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula
sa Ingles]) ang wika.[1]

Mga antas[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

 Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-


araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
 Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
 Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
 Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
 Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa
kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay
maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
 Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga Kagamitan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ito ang pitong kagamitan ng wika:


 Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
 Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap
kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng
bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
 Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang
pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring
kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong
nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang
bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa
pinagmumulang wika.

Kategorya ng paggamit ng wika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di-pormal.

Pormal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito
sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:

1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o


pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
2. Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan,
karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Impormal o di-pormal[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-
araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri
nito:

1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o


lalawigan lamang.
2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga
salitang nabuklat sa lansangan.
3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng
isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Halimbawa:

 mayroon=meron
 ayaw ko= ayoko
 nasaan=nasa'n
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika

Kahulugan at Katangian ng Wika

Posted by Bokals on Monday, August 30, 2010

Labels: Wika

Kahulugan ng Wika

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng
tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang
kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay


biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at
nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa
pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay
ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at
Galileo Zafra)

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo


2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang
    nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang
    makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

     a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa


         makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
         fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
         ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

     b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


         pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
         uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

               Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


               Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
               Fonema = a
                               *tauhan, maglaba, doktora

     c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga


         pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
         posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

               Hal. Mataas ang puno.


                      Ang puno ay mataas.
                      The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

     d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;


         ang  mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
         pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

               Hal. Inakyat niya ang puno.


                      Umakyat siya sa puno.

               Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa
               pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
               ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto
               ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na
               [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
               dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang
maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang
ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng
mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung
sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at
matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa
naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika.

     Halimbawa:
     Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
     Wikang Filipino – Opo, po
     Wikang Subanon – gmangga (mangga)
     Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
     Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
     Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

     Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
     ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
     lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
     mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
     magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
     isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
     Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
     na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
     pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago
ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

     Halimbawa: BOMBA


                       Kahulugan:
                       a. Pampasabog
                       b. Igipan ng tubig mula sa lupa
                       c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
                       d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
                       e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika
kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya
bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang
[jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi
maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang
humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang
patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng
kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin
matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang
komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi,


hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi
nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na
“bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

http://teksbok.blogspot.com/2010/08/kahulugan-at-katangian-ng-wika.html

IDYOLEK
pansariling wika

DAYALEK
wikang ginagamit sa partikular na lugar

SOSYOLEK
nakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa
lipunang kanyang ginagalawan — mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang
pinag-aralan; ang kasarian

ETNOLEK
nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo

EKOLEK
kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay

http://tagaloglang.com/mga-uri-ng-barayti-ng-wika/

MGA URI NG BARAYTI NG WIKA

IDYOLEK-pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik.

DAYALEK-nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.

SOSYOLEK-pansamantalang barayti.

ETNOLEK-nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo.

EKOLEK-kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay.

PIDGIN-wikang walang pormal na estruktura.

CREOLE-nadedebelop ang pormal na estruktura.

REJISTER-wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn. 

http://biyahenginangbayan.blogspot.com/2012/03/mga-uri-ng-barayti-ng-wika.html

MGA ANTAS NG WIKA


1.Ang BALBAL o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na
grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
2.Ang LALAWIGANIN ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang
mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. Isang matibay na
indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at
hindi rin naman Tagalog.
sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang konfaynd lamang sa probinsya o rehiyong
pinanggalingan nito. may mga salitang hindi maituturing na standard sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng
pinag gagamitan nito
3.Sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang wikang PAMBANSA bilang pangatlo, kaakibat ng balbal
(una), lalawiganin (pangalawa), at ng pampanitikan (pang-apat).
Ang kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas ay lubhang makulay at kontrobersyal. Gayumpaman, sa
likod ng mayamang kasaysayan at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa saligang batas, naitala ang Wikang
Pambansa bilang Filipino.

Ang Filipino ay hango sa humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayumpaman, ang Tagalog ang siyang
sinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa panahon ng mga pagtatakda ng wikang pambansa ay ang siyang
napili at ang pinakamabilis namaintindihan ng halos buong Pilipinas.

4.Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang PAMPANITIKAN. Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y
ginagamit ang mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng
tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan
ay ang "Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at
maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o
kathang isip. Ito ay kadalasang nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa
pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan.

5.
Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang- araw - araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagama’t may anyong repinado at malinis ayon
sa kung sino ang nagsasabi .

Halimbawa ng Kolokyal na Salita


1. Mayroon - meron 2. Dalawa - dalwa 3. Diyan - dyan 4. Kwarta-pera 5. Na saan - nasan 6. Paano - pano 7.
Saakin-sakin
8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun 10.Puwede-pede 11.Kamusta-musta 12.At saka - tsaka 13.Kuwarto- kwarto
14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron.

https://www.facebook.com/Filipino8Assigngment/posts/684823658203660

You might also like