You are on page 1of 3

FILDIS NOTES 2

Mga Katangian ng Wika


1. Ang wika ay masistemang balangkas
Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa
sistematikong paraan para makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng
salita, parirala, pangungusap at panayam.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog
Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis
sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na
mga bahagi ng pagsasalita o speech organs
3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog
Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo.
Napapaloob sa katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at
isang kahulugan
4. Ang wika ay komunikasyon
Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-
uusap na mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga
damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin,
at pangangailangan ng tao.
5. Ang wika ay pantao
Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong
lumikha at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang
kasangkapan ng pakikipagtalastasan
6. Ang wika ay kaugnay ng kultura
Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining,
panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawain at paniniwala ng
mamamayan ang bumubuo ng kultura.
7. Ang wika ay ginagamit
Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting
mawawala ito kapag hindi ginagamit.
8. Ang wika ay natatangi
May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na
magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan,
palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi.
9. Ang wika ay dinamiko
Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na
nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na
tkbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
10. Ang wika ay malikhain
Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang
dami ng pangungusap.

Morpolohiya – pag-aaral ng ,orpema


Berbal na mga simbolo

Dalaga at maganda
Pangngalan- dalaga
Panag-uri – maganda

*Sa wikang ingles lagging nauuna ang panaguri


Hal. Beautiful lady

Sangkap na Pananalita
- Labi
- Dila
- Ngipin
- Lalamunan
- Ilong
Kulog- hindi wika
Wika- aspeto ng ating kultura
Idolohiya- pananaw. paniniwala

You might also like