Professional Documents
Culture Documents
Kabatiran
sa Wika
Submitted to :
Professor: Cresencia Santiano
Submitted by :
Ma. Elaine P. Trinidad
(BEED)
Mga Nilalaman
Barayti ng Wika
Samantala, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga salita
at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang
tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.”
ANO ITO?
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, ito ang nakasaad sa Artikulo XIV,
Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon. Nangangahulugan lamang na ito ay ginagamit at
dapat gamitin sa politika, edukasyon, lipunan, at kultura. Nakasaad rin sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335, ayon sa KWF— sa paniniwala na ang malaganap na
paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at
korespondensya sa mga tanggapan ng pamahalaan ay magbubunga ng higit na
pagkaunawa at pagpapahalaga ng mga mamamayan sa mga programa, proyekto,
at gawain sa buong bansa. Ito'y magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at
kapayapaan para sa pambansang kaunlaran. Kaya ang wikang Filipino ay wikang
opisyal ng bansang Filipinas at mas higit itong nauunawaan ng mga Filipino sa mga
opisyal na transaksyon at komunikasyon.
Wikang Pambansa
Opisyal na Wika
Pagpili
Mga pariralang ginamit sa pagtukoy sa Wikang Pambansa bago ito tinawag na Filipino
Batas Komonwelt blg. 570 Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na
wika simula Hulyo 4, 1946 Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) “ Hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”
Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang
buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika
Bago pa man dumating ang mga mananakop na kastila ay may sarili nang sistema
ng pamumu-hay, kultura panitikan at wika ang mga katutubo sa ating bansa. Ang
matibay na patotoo nito ay ang ating lumang paraan ng pagsulat ang alibata o
baybayin.
Sistema ng Pagsulat
Sa taong 1940 isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa at binuo ang
Abakadang Tagalog.
Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng Dalawampung letra:
Lima ang Patinig : A, E, I, O, U
Labinlima ang Katinig : B , K, D , G , H , L , M , N , NG , P , R , S , T , W , Y
Sa taong ito, muling nireporma ang Alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa
Ortograpiyang Filipino.
Sino-sino ang nagreporma?
Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap ito sa iba't ibang kapulungan at kongresong
pangwika gaya ng :
Pebrero 26, 1987
Taunang kumbensiyon ng LEDCO na binubuo ng pambansang samahang pangwika.
Taunang kumprehensiya ng PASATAF
Abril 6, 198
Mayo 18, 1987
Taunang kumbensiyon ng PSLF.
Agosto 19, 1987
Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, 2001, inilunsad ang "2001 Revisyong
ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino" noong Agosto 17,2001
2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino
Ito ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga pilipino sa
kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang estandardisadong
mga grapema (pasulat ng mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas
ng mga simbolong ito.