You are on page 1of 2

Mecca Ylla R.

Tion FIL 114-A

BSED II – Filipino 03--2020

Ginoong Benhu Paye

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

Ang lahat ng tao ay nagkakaugnay sa anumang bagay, mapasalita man o sa

gawa. Tao ay nagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa,

pakikihalubilo kaninuman upang maipakita na tayo ay nagkakaisa magkaiba man ang

angkan na pinanggalinagan.

Sa araling ito, ay tiyak na akoy naguguluhan sa simula pala sapagkat hindi ko

pa lubusan nauunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wika, kultura at lipinan. Sa

pamamagitan ng pag-uulat na isinasagawa sa klase bawat pagkikita ay nabuksan ang

aking kaalamn tungkol sa ugnayan ng mga tatlong salik na ito. Upang tayo ay

magkaisa, kinakailangn natin ng may sapat na kaalaman at pagtanggap sa pagkakaiba

ng taong ating nakakasalamuha. Ang PIlipinas ay binubuo ng 7,107 isla sa buong

kapuluan na may iba’t-ibang wika at paninimula. Napagtanto ko rin sa araling ito na sa

pamamagitan ng Wikang Filipino na ating wikang pambansa ay ang lahat ng kapuluan

ay nagkakaugnay.

Ang ugnayan ng wika sa kultura ay napakahalaga sa kadahilanang hindi

magkakaroon ng saysay ang pagyabong at pagpapamana ng kultura kapag sa isang

salita ay hindi tayo nagkakaintindihan. Sa pamamagitan ng Lipunan, tayo ay may iba’t-

ibang pananaw tungkol sa kultura. Bawat lipunan ay binubuo ng mamayanan na kung


saan ay nakakabuo ito ng kanya kanyang wika na sila lang rin ang nagkakaintindihan.

Ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa kultura at lipunan ay naging isang pagsubok upang

mahalin at tangkilikin natin ang sariling atin. Sa pamamagitan ng Lipunan ay napamana

at napayabong natin ang ating kultura na hanggang ngayon ay ating nailpamamalas

dahil nadin sa pagkakaroon ng isang wikang tayo lamang ang nakakaalam.

Sa mundong ating ginagalawan, may mag bagay bagay na hindi talaga natin

maiiwasan kagaya na lamang ng paggamit ng mga dayuhang wika tulad ng Ingles na

kung saan ating namana sa panahon ng kolonisasyon ng Amerikano sa ating bansa.

Paggamit narin at paggaya ng mag dayuhang kanta at sayaw na kung saan nagsimula

ito sa paghanga. Sa pamamagitan nito ay unti unti na tayong lumalayo sa mga bagay

na ating kinagagawian dahil narin sa pagtanggap at paggamit ng mga bagay na hindi

naman atin.

Tayo ay nagkakaugnay saan man kapuluan tayo nagmula sa kadahilanang tayo

ay mag iisang lipi at diwa, ang payabungin at pagyamanin ang paggamamit ng ating

wika saan man tayo dalhin ng panahon, saang sulok ng mundo tayo ay naguugnay

dahil tayo ay Pilipino at tayo ay may iisaghing Wika, ang Wikang Filipino. Huwag na

huwag kalimutan na tayo ay mga Pilipino at nasa satig kamay ang kinabukasan ng ating

Wika, Kultura at Lipunan.

You might also like