You are on page 1of 39

UGNAYAN NG

WIKA SA KULTURA
AT LIPUNAN
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

WIKA
Ayon kay Archibal Hill ang Wika ay pangunahin at
pinaka-elaborate na anyo ng simbolikong pantao.
• Ayon naman kay Webster ang Wika ay sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng tao.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
Katangian ng Wika
1. Masistemang Balangkas
Ponema- pinakamakahulugang tunog ng isang wika.
Ponolohiya- pag aaral ng ponema
Morpema- makabuluhang salita o pinakamaliit na yunit.
Morpolohiya- pag aaral ng makabuluhang tunog.
Sintaksis- ang pag aaral ng pangungusap.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

2. Ang Wika ay sinasalitang tunog


kaya nakakapagsalita ang isang tao dahil sa
enerhiya o hangin mula sa baga na dumadaan sa
pumapalag na bagay o artikulador patungong
palatunugan o resonador.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

3.Pinipili at Isinasaayos
para hindi makapanakit ng damdamin ng tao
4. Ang Wika ay Arbitraryo
ang essensya ng wika ay panlipunan o
pinagkasunduan ng lipunan.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
5. Ang Wika ay Ginagamit
para hindi mamatay kailangang gamitin.
6. Ang Wika ay Dinamiko
ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago
7. Ang Wika ay nakabatay sa Kultura
may mga wika na walang katumbas sa ibang wika.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

KULTURA
Ayon kay Anderson at Taylor (2007) isang
komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay
kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
• Ayon kay Mooney (2011) tumutukoy sa kahulugan at paraan
ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
• Ayon kay Mooney (2011) tumutukoy sa kahulugan at paraan
ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
• Ayon kay Panopio (2007) ito ay kabooang konseptong
sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at
gawi, at ang kabuohang gawain ng tao.
Mga Elemento ng Kultura
1. Paniniwala o Beliefs
Kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na
totoo.
2. Pagpapahalaga o Values
ito ay batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.
3. Norms
Mga asal,kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
Mga Elemento ng Kultura
4. Folkways
Pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang
lipunan sa kabuuan.
5. Mores
Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan.
6. Simbolo
Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagsmit nito.
ANG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

• kung susumahin malaki ang ugnayan ng wika at kultura


sapagkat hindi mabubuhay ang wika kung walang
kultura. Gayundin sa kultural na aspeto hindi
maibabahagi ang kultura, tradisyon ng iba’t ibang
kultura ng bawat bansa kung wala ang presensya ng
wika.
LIPUNAN

• Ayon kay Charles Cooley ang lipunan ay binubuo ng


tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang
sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan.
KULTURA NG WIKA

(NOON AT NGAYON)
PANAHON BAGO ANG KASARINLAN

Panahon ng mga sinaunang Pilipino


Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas
tulad ng mgaKastila, ang mga katutubong Pilipino ay
may sarili ng alpabeto at sistema ngpagbabaybay na mas
kilala sa tawag na
“alibata” o alif-ba-ta sa Arabo.
• Binura ngmga Espanyol ang mga paganong pag-uugali
ng mga katutubo, kabilang naang pag-iiba sa sistema
ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga
ito.Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling
bersyon ng alibata, ABECEDARIO o ang alpabetong
Espanyol.
• Maraming nasulat ng panitkan sa wikaing Tagalog
tula, sanaysay, kwento, atbp mga akdanghitik sa
damdaming makabayan. Napatatag ang Katipunan at
naisulat ang Kartilya ng Katipunan sa Tagalog .
PANAHON NG MALASARILING
PAMAHALAAN
Nang manungkulan sI Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonweltat si
Sergio Osmeña bilang pangalawang Pangulo, binig-yan pansin angisyung
“nasyonalismo.” Naniniwala ang mga liderato ng bansa noon na
dapatmagkaroon ng isang pangkalahatang pambansang wika na siyang
mahalagasa pagtataguyod ng pangkabuuang unawaan at pagkikintal ng
pambansangpagmamalaki ng sambayanan.
• Pebrero 8, 1935-Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935 ang
magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukyang katutubong
wikangmeron sa ating bansa.
BARIRALA

• Nang kinilala ang Philippine language based-Tagalog,


isinulat ni Lope K.Santos ang Balarila ng Wikang
Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may 20
letra, na kung saan ang letrang “a” lamang
angidinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog
nito.
FILIPINO AT
MODERNISASYON O
GLOBALISASYON
FILIPINO AT MODERNISASYON O
GLOBALISASYON
• Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na
mas mapaglagom pa lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang
nagbigay daan sa global na komunikasyon. Kahit na malayo
ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang
pakikipagtalastasan.
• Dulot ng interaksyon na ito sa modernong kaparaanan, ay
maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago.
FILIPINO AT MODERNISASYON O
GLOBALISASYON
• Marami ring salita ang umuso at nakakuha pansin sa mga tao.
Ang henerasyon ngayon ang may malaking ginagampanan sa
pagyaman at pagbabagong ito ng wika.
• Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at
nakaimbento ng mga ito. At sa pamamagitan ng biyayang ito ng
globalisasyon, pinanatili nitong buhay ang kaluluwa ng ating
Wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa.
FILIPINO AT MODERNISASYON O
GLOBALISASYON
• Ayon sa 2001 Rebisyong ng Wikang Filipino at Patnubay sa
Ispeling, dala ng mga bagong dagdag na titik/letra C, F, J, Ñ, Q,
V, X, Z. Ang mga ito ay nakatulong nang malaki sa pagsasalin
upang magkaroon ng sariling berso ang ating wika.
• Higit na mas napadali ang paggamit ng wika sa pagbibigay
interpretasyon ng iba’t ibang salita mula sa banyaga. Halos
lahat ng wika sa mga karatig bansa ay may katumbas na ring
berso sa Filipino.
FILIPINO AT MODERNISASYON O
GLOBALISASYON
• Ang ating ekonomiya sa usaping komersyal at
industriya ay higit na napaunlad rin dulot ng wika.
Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang mga tao dala ng
komunikasyon gamit ang lingua franca na siyang
nagbigay daan sa pagkakaisa. Mas naihatid nang
madali at maayos ang mensahe na may kinalaman sa
transaksyon kahit nasa magkaibang lugar.
KULTURA AT
LIPUNAN
KULTURA AT LIPUNAN

• Ang wika ang sinasabing ugat ng


pagkakaunawaan at komunikasyon ng mga
tao sa lipunan. At sa isang lipunan, mayroon
namang nabubuong mga kultura at
pagpapahalaga sa pamamagitan ng wika.
KULTURA

• Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang


bansa, bayan, pook o pamayanan ay may
sarilingkultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay
ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang
pangkatng mga taong nananahanan sa isang
pamayanan. (Santiago, 1979) Ang kultura ay ang
pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mun”o at sa kanilangkapaligiran.
Ayon kina Andersen at Taylor (2007)

• Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng


ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang
lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang
katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa
mali at ang mabuti sa masama.
Ayon naman kay Panopio (2007) “ito ang
kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang
kabuuang gawain ng tao”.
• At ayon kay Mooney (2011), ang kultura ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
LIPUNAN
• Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na
binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga
huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na
binabahagi ang naiibang kultura at/o mga
pamahalaan. Ang Lipunan din ay isang pangkat
ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa.
Lipunan ayon kay Karl Marx

- kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan.


- nabubuo dahil sa pag-aagawa ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan ang
pangangailangan.
- hindi pantay ang antas ng tao.
Lipunan ayon kay Charles Cooley

binubuo ng tao na may makakawing na ugnayan at


tungkulin
- higit na nakikilala ng tao ang sarili sa
pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba.
Lipunan ayon kay Emile Durkheim

- ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan


nagaganap ang panyayari at gawain
- patuloy na kumikilos at nagbabago ang lipunan
- binubuo ng magakakiba ngunit magkakaugnay na
institusyon
KAALAMANG
BAYAN
KAALAMANG BAYAN
• Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang
tula sa kulturang Pilipino. Batay sa kasaysayan , ang
mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang
magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng
mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan.
Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay
kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino
• Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa
ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla,
“bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin
at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing
dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang
patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de-
gulong, bugtong, at palaisipan, at iba pang
kaalamang bayan”.
KAALAMANG BAYAN
• 1.Tulang/ AwitingPanudyo
Ito ay isanguring akdangpatulanakadalasananglayuninay
manlibak, manukoomang-uyam. Tinatawag din na
PagbibirongPatula.
HALIMBAWA:
Ako ay isang lalaking matapang Huning tuko ay
kinatatakutan.
KAALAMANG BAYAN

2. Tugmangde

• Gulong, Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang


makikita sa mga pampublikong sasakyan.
• HALIMBAWA:
Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di
makabababa sa paroroonan.
KAALAMANG BAYAN

• Bugtong
Ito ay isang pa hulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at
kalimitang maiksi lamang.

You might also like