You are on page 1of 3

A.

Sa paglalapat ng instrumental na tungkulin ng wika, magtala ng mga katangian na gusto at ayaw mo


sa isang lider. Matapos makompleto ang listahan, sumulat ng maikling talata na naglalahad ng mga
kasalukuyang kalagayan ng pamumuno sa bansa sa tulong ng nabuong listahan.

GUSTO SA LIDER:

May utak at puso

Alam ang batas

Malusog

May Diyos

Makabansa

Makakalikasan

Makatao

Matapang

Malinis ang hangarin

Patas

Hindi alipin ng salapi

Mapagpakumbaba

May prinsipyo

Nakikita ang Pilipinas na umuunlad

AYAW SA LIDER:

Gumagamit ng posisyon

Bastos
Alipin ng salapi

Walang pakealam sa bansa

Walang pakealam sa kultura at wika

Makasarili

Mayabang

Takot sa kamatayan

Walang utak at puso

Walang kakayahan

Puro salita

Mabisyo/adik

Nilalapastangan ang Diyos

Magkakaiba ng pananaw ang mga tao sa isang nanunungkulan bilang panuglo, maaari itong
mabago o maaaring hindi na. Hindi rin naman tayo maaaring magsisihan dahil mayroon tayong sariling
opinyon. Maski ako, bilang isang Pilipino at bilang isang botante ay mayroon din ako ayaw at gusto sa
kasalukuyang pangulo.
Rodrigo Duterte, ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Marami na syang nagawa sa loob ng
panahon ng kanyang panunungkulan. Ang gusto ko sa kanya ay ang kanyang pagiging matapang, hindi
sya natatakot sa kung gaano kataas ang posisyon o kayaman ang kanyang nakakabangga basta ito ay
tiwali ay hindi nya ito uurungan. Alam ang batas at ginagamit ito sa sa kanyang pamamaraan.
Gumagamit sya ng utak at ng puso para sa mamamayan. Makatao dahil patas sya sa lahat ng kanyang
ginagawa. Makakalikasan dahil maraming natural na yaman ng Pilipinas ang kanyang napaganda. Malinis
ang kanyang hangarin at hindi nanungkulan dahil lang sa wala kundi dahil mahal nya Pilipinas na
nagpapakita ng kanyang pagiging makabansa. Hindi pumapayag na maging alipin ng salapi. May
prinsipyo dahil lahat ng sinasabi nyang maganda para sa bansa ay pinipilit nyang tuparin sa abot ng
kanyang makakaya. Nagnanais ng pag-unlad ng ating bansa at hindi sa lahat. Ay mayroon syang Diyos na
gumagabay sa kanya at sa kanyang pagiging pangulo.

May mga bagay rin akong kinaaayawan sa kanya. Yun ay ang pagiging palamura, bilang isang
pangulo ay nararapat lamang na maging isang magandang ihemplo para sa mga Pilipino lalong-lalo na sa
mga kabataan. Padalos-dalos sa ibang bagay, nararapat lamang na kung ano ang iyong tinuran ay iyong
itong tutuparin dahil may mga nasabi syang hindi nya natupad. Hindi ko rin sya masisisi dahil mahirap
nga namang kalabanin ang droga. Pagkakaroon nya ng maraming asawa, bilang isang Kristiyano ay hindi
nyo ako masisisi kung mali para sa akin iyon dahil magkaiba ang aming kinalakhan at kultura. At higit sa
lahat ay ang pagputol nya ng koneksyon ng ating bansa sa bansang Amerika. Hindi ko iyon nagustuhan
dahil mas maraming naidudulot ang pakikipagkaibigan sa ibang bansa kesa sa awayin ito.

Marahil ay magkaiba tayo o magkatulad ng pinaniniwalaan. Pero hindi na iyon mahalaga, mas
maiging pagtuonan na lamang natin ng pansin kung papaano mapapaunlad ang ating bansa. Dahil hindi
lang naman sa pangulo nakasalalay ang kinabukasan ng Pilipinas, kundi nasa kamay ng mga Pilipino

You might also like