You are on page 1of 1

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo.

Gagamitin ito upang


makatulong sa pagtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa
tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang
pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV
seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat payabungin at


pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.

You might also like