You are on page 1of 16

Yunit 4.

Wikang Filipino sa Produksyon ng Kaalaman sa Ibat’ Ibang Larang

Kumpas ng Pag-aaral
....…..

Mga Layunin:
Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1.Makapagtatala ng ibat’ibang produksyon ng kaalaman sa iba’t ibang larang

2. Makabubuo ng simpleng flow chart na maglalarawan sa mga konseptong natutunan

3. Mailalarawan ng tama ang pagtuklas sa paglinang ng mga kaalaman batay sa iba’t ibang larang

Magsimula na tayo....…..

Gawain 1: WIKANG BINIGKAS! HULAAN MO ANG PALABAS!

Kilala tayong mga Pilipino bata man o matanda na mahilig sa panonood ng palabas sa
telebisyon tulad ng mga teleseryeng sinubaybayan, pelikula mula sa CD o mula sa internet
sapagkat nahahatak kaagad ang damdamin nito lalo na kung ang mga ginamit na wika na
binigkas ng tauhan ay maiuugnay niya sa kanyang sarili at tatamo sa isipan at damdamin ng
nakapanood.
Sa bahaging ito malalaman natin kung gaano ka kasugid at katalas ang iyong isipan sa
pagtangkilik sa mga palabas na iyong kinagigiliwan

Panuto: Basahin ang winika ng tauhan at tukuyin kung saang palabas ito natunghayan.
Piliin sa loob ng kahon ang pamagat ng palabas na pinagmulan. Ilagay ang iyong sagot sa
inilaang patlang na nakalagay sa tagiliran ng bilang.
Be Careful with My Heart On the Wings of Love Ekstra

How’s of Us Got to Believe Tonight with Boy Abunda

Unang Hirit: Iwas nCOV

_________________1. “Layuan mo na si Chichay!”, sabi ni papa Bear.


_________________2. “Will you marry me Maya? Maya?”, tanong ni Sir
Chief.
_________________3. “Doňa Beatrice !”, wika ng katulong.
“Ha..ha..Sorry..”, sabi ni Doňa Beatrice. “Cut.., anong nangyari?”, sigaw
ng direktor.
________________4. “May, welcome to the program, kumusta ka?
Ilang bansa na ang nadalaw mo?”, sabi ni Boy.

________________5. “Ang tamang paghuhugas ng kamay ay dapat


gamit ang running water kung walang gripo puwedeng gamitin ang
tabo. Basain ang kamay , kukuha ng sabon na enough para bumula,
sabunan ang ibabaw at ilalim ng kamay,ganoon din sa pagitan ng daliri ,
kuko at sa may pulso ng mga 20 segundo o pataas o dalawang beses na
pag-awit ng happy birthday. Sa paghuhugas ng kamay hindi puwedeng
magmadali at magbanlaw.” paliwanag ni Dr. Erich Tania Darillo ng
tinanong sa maagang programa.

1) Got to believe

2) Be careful with my heart

3) Ekstra

4) treeTonight with boy abunda

5) Unang Hirit: Iwas nCOV


Nasa byahe na tayo ....….

Wikang Filipino sa Produksyon ng Kaalaman sa Ibat’ Ibang Larang

Bawat isa sa atin ay may sariling kakayahan sa paggamit ng wika na kailangan ng


pagsasanay at tamang paggabay upang tutugon sa bawat sitwasyon.
May mga tungkulin ayon sa tamang pagkakataon ang paggamit nito kaya nararapat
malaman kung kailan ang akmang paggamit ng wika sapagkat minsan may panahon na
kailangang gamitin ang higit pa sa isang wika sa isang sitwasyon.
Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, na binanggit sa pag-aaral ni Dayag,
nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga taong nasa isang
lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan na naaayon sa kanilang
pamumuhay, pakikisama at pakikipagtalastasan sa bawat isa. 1
Ang wika ay sumasalamin sa pagkakakilanlan ng tao na nag-uugnay rin sa kulturang
pinagmumulan. Ito ay nagiging daan sa pakikipagtalastasan, pagkakaunawaan at
pagkakasundo lalo na kung iisang wika ang kanilang ginagamit sa pakikipag-usap.
Sa pag-aaral ni Dayag , tinukoy ng lingguwistikang si W.P. Robinson ang mga
tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and Social Behavior (1972). Ito ay ang mga
sumusunod: (1) pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan,
at ugnayan; at (2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.2
Sa pag-aaral ni Jocson, tinalakay ni M.A.K Halliday (1973) sa kanyang Explorations in
the functions of Language, na ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay
kinategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin.3
Mabatid sa winiwika ng tao ang lipunan at kulturang kanyang pinagmulan sa
pamamagitan ng kanyang pagsasalita at pakikitungo sa kapwa bagaman puwede itong
maimpluwensiyahan sa pagkatuto ng ibang wika ngunit sa pakikipagtalastasan at pakikitungo
sa kapwa mababakas pa rin ang kanyang wika at kulturang pinagmumulan. Mahalaga ang
wika ng bawat indibidwal dahil ito ay kinakailangan sa pakikitungo ng lipunang ginagalawan
lalo na sa pakikipagkomunikasyon sa pasalita at pasulat na paraa
Humukay tayo ng malalim ….....

Ang wikang may produksyon ng ibang larangan ng akademiko at bokasyonal na


may ng pasalita man o pasulat ay may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga
ang nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon.
Tunghayan ang mga gamit ng wika sa lipunan sa pasalita at pasulat na
pakikipagkomunikasyon.

PANG-INSTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangngailangan.
Nagpapahayag ng pakiusap,pagtatanong, at pag-uutos

Pasalita - ginagamit sa Pasulat- ginagamit sa liham


pakikitungo, pangalakal, pag- pangalakal
uutos

PANREGULATORI
Katangian: Kumokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba.

Pasulat- ginagamit sa resipe,


Pasalita- ginagamit sa pagbibigay direksiyon sa isang lugar ,panuto
ng panuto/direksiyon,paalaala sa pagsusulit at paggawa ng isang
bagay,tuntunin sa batas na
ipinatutupad
PANG-INTERAKSIYONAL
Katangian: Nakapagpapanatili , nakapagtatatag ng relasyong sosyal

Pasalita- ginagamit sa Pasulat- ginagamit sa liham


Pormulasyong Panlipunan tulad pangkaibigan tulad ng
ng pangungumusta, pag- imbitasyon sa isang okasyon
anyayang kumain, pagpapatuloy (kaarawan, anibersaryo,
sa bahay, pagpapalitan ng biro, at programa sa paaralan)
marami pang iba

PAMPERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

Pasalita-– ginagamit sa pormal o Pasulat - ginagamit sa editoryal o


di-pormal na talakayan, debate, o pangulong tudling, liham sa
pagtatalo patnugot, pagsulat ng suring-basa ,
suring-pelikula o anumang dulang
pantanghalan

PANGHEURISTIKO
Katangian : Naghahanap ng mga impormasyon o datos

Pasulat– ginagamit sa sarbey,


Pasalita – ginagamit sa
pamanahong papel, tesis , at
pagtatanong, pananaliksik ,
disertasyon
pakikipanayam
PANREPRESENTATIBO
Katangian : Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng
mga simbolo o sagisag

Pasalita – pagpapahayag ng Pasulat – – ginagamit sa


hinuha o pahiwatig sa mga mga anunsiyo patalastas ,
simbolismo ng isang bagay o at paalala
paligid

PANG-IMAHINASYON
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling
nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang
maipahayag niya ang kaniyang damdamin.

Pasalita – ginagamit sa Pasulat-– ginagamit sa


pagbigkas ng tula , pagganap sa pagsulat ng akdang
teatro . pampanitikan
Hanggang saan tayo…….
..…....

Gawain 2 …. Gawain Mo…Subukin Mo….

Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa produksyon ng ibat-ibang larang sa lipunan
ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang kung Panrepresentatibo, Pampersonal,
Panregulatori, Pangheuristiko, Pang-imahinasyon, Pang-instrumental, at Pang-interaksiyonal
ang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.
__________1. Pag -imbita sa kaibigan nakumain sa labas.

__________2. Pagsusulat ng tula.

__________3. Pagtatanong sa kaibigan kung paano niya napanatili ang pagkuha ng

malaking marka.

__________ 4. Pangangampanya ng mga tao na tumatakbo sa panahon ng eleksiyon.

__________ 5. Pagtatalo sa pagbibigay o hindi ng prangkisa ng ABS-CBN.

__________ 6. Pagbibigay mo ng imbitasyon para sa iyong kaarawan.

__________ 7. Pagbibigay ng resume o biodata sa inaaplayan na kompanya.

__________ 8. Paggawa ng isang kakanin.

__________ 9. Pagbibigay ng panuto sa tamang paghuhugas ng kamay para


1) Pang – Interaksiyonal
maiwasan ang sakit.
2) Pang – Imahinasyon
__________ 10. Pagsulat ng awitin para sa minamahal 3) Pangheuristiko

4) Panrepresentatibo

5) Panrepresentatibo

6) Pang – Interaksiyonal

7) Pang – Instrumental

8) Pampersonal

9) Panregulatori

10) Pang – Imahinasyon


Gawain 3 .. Tunghayan Mo …Gawain Mo…

Maraming tao ang nawiwili sa panonood ng teleserye o palabas sa telebisyon at lalo na


sa pelikula mapadrama, aksiyon , komedya , kakila-kilabot na pelikula at iba pa. Dito maririnig
at makikita natin ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan na mas lalong naghahatid sa
tagapanood ng pag-unawa. Ang panonood ay nangangailangan ng karagdagang atensiyon
upang maintindihan at maunaawan ng lubos ang palabas.

Ang pelikula ay isang palabas na nagsasabuhay sa mga karanasan ng tao. Ito ay


nilikha sa pagkuha ng mga aktuwal na eksina gamit ang kamera at lalong pinapaganda ngayon
gamit ang mga visual effects. Ito ay karaniwang pinagbibidahan ng mga kilalang artista upang
lalong kikita ang pelikula at maraming mahatak na manonood. Ang tauhan ay gumagalaw sa
pamamagitan ng mga larawang ating mapapanood at mabisang ginamit ang mga wikang
maririnig natin sa lipunang gingalawan na mas lalong nagpapabuhay sa ganap na katauhan
sa papel na ginagampanan.

PANUTO: Ang mga sumusunod ay pahayag mula sa palabas sa telebisyon at pelikula.


Tukuyin ang gamit ng wika at patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagpapaliwanag.

1. “Maniwala po kayo sa akin sinusunod po ni Chichay ang utos ni Papa Bear na


hindi pa magboboyfriend.”
- Joaquin, Got to Believe

Ang gamit ng wika sa unang bilang ay PANG - INSTRUMENTAL , dahil ang linyang nasa
itaas ay pinababatid ni joaquin ng Got to believe na nagsasabi siya ng totoo na talagang
sinusunod ni chichay ang utos ng papa bear nito na hindi pa magboboyfriend.

2. “ I need your help. Alam niyo ba ang dapat kong gawin sa pamamanhikan? Alam
ko, hihingin ko ang kamay ni Lea sa harap ni Tatay Sol. Pero paano ko sasabihin?”
- Clark, On the Wings of Love
Ang gamit ng wika sa pangalawang bilang ay PANGHEURISTIKO, dahil ang
linyang nasa itaas ay si Clark ay humingi ng tulong kung paano mamanhikan at wala pa
siyang idea kung paano sasabihin kaya sa kanyang paghingi ng tulong ito ay nagsasaad
na si Clark ng On the wings of love ay naghahanap ng impormasyon kung papaano niya
haharapin at sasabihin kay mang sol na ama ni lea.
3. Pinang: “ Aling Edith!”
Aling Edith: “Ay…..”
Pinang: “Sorry po kung nagulat ko kayo”
Aling Ebing:” Uho…uho…uho…”
Pinang: “Aling Edith, maglaga po kayo ng lagundi mabisa po yon sa ubo.”
Aling Ebing: “ Napakabait at maalalahanin ng bata na ito. Sige mamaya
magpapakuha ako.”
Pinang: “ Huwag niyo pong kalimutan ang lagundi ha.”

- Pinang at Aling Edith, Be My Lady


Ang gamit ng wika sa pangatlong bilang ay PANREGULATORI dahil ang linyang nasa itaas
ay si Pinang ay may pagmamalasakit kay aling Edith ng Be my Lady , kaya binigyan ni Pinang
ng panuto si Aling edith na maglaga ng lagundi at nagbigay din siya ng paalala na huwag
kalilimutan ang lagundi.

4. “You don’t have to. Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako
dahil mahal mo ako, because that is what I deserve.”

- Mia, Barcelona
Ang gamit ng wika sa pang-apat na bilang ay PAMPERSONAL, dahil ang mga sinabi
ni Mia ng Barcelona ay nagpapahayag siya ng sarili nyang damdamin kung saan nais niya
lamang na mahalin siya dahil mahal siya at hindi yung mamahalin siya dahil minahal niya.

Gawain 4. Gawain Mo…Pagyamanin Mo

Interaktibong Gawain sa Panonood


Panuto: Pumili ng isang naibigang palabas na pelikulang Pilipino na maaring napanood na o
gusto mong bagong pelikulang papanoorin. Ibigay ang maiksing buod ng pelikula. Suriin ang
ang iilang sitwasyon na iuugnay sa gamit ng wika sa lipunan. Tukuyin ang gamit ng mga salita
sa dayalogo ng mga tauhan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

PangalanCHESKAH SINANGOTE Pangkat:2nd YEAR BSED - FILIPINO

Pamagat ng pelikula: THE HOW’S OF US


Mga tauhan at papel na ginagampanan:

Si George ay ginampanan ni KATHRYN BERNARDO


Si Primo ay ginampanan ni DANIEL.PADILLA
Si Yohan ay ginampanan ni DARREN ESPANTO
Si Baby Silva ay ginampanan ni JEAN GARCIA
Si Tita lola ay ginampanan ni SUSAN AFRICA
Si Awee ay ginampanan ni RIA ATAYDE
Si Darwin ay ginampanan ni Thompson
Si Bowie ay ginampanan ni ALWYN UYTINGCO
Si Mikko ay ginampanan ni JUAN MIGUEL SEVERO

Buod ng pelikula:

Sa balangkas ng istorya, sina George (Kathryn Bernardo) at Primo (Daniel Padilla) ay


magkamag-aral na nagkaibigan. Si George ay isang estudyante ng medisina habang si Primo
ay isang musikero na nangangarap na sumikat ang kanyang bandang tumutugtog ng OPM
lamang. Masaya silang nanirahan sa bahay na ipinamana sa kanila ng lola ni George (Susan
Africa), kung saan sabay silang nangarap ng maginhawang buhay at nangako na
susuportahan at mamahalin nila ang isa’t-isa kahit ano man ang mangyari. Ngunit,
kabaligtaran ang nangyari. Ang banda ni Primo ay hindi nagtagumpay, na siyang nagdulot sa
kanyang mawalan ng pag-asa. Siya ay naging arogante at mahirap pakisamahan, sa puntong
pati mga kaibigan at kabanda niya ay naitulak niya palayo. Nag-iba man si Primo, si George
ay patuloy parin siyang minahal at sinuportahan kahit na nahihirapan na rin siya. Gayunpaman,
umabot rin siya sa puntong punong-puno na siya dahil sa pagod at paghihirap na itayo ang
kanyang sarili kasama ang kanyang kasintahan kaya’t pinaalis niya si Primo sa bahay na iyon.
Agaran niyang pinagsisihan iyon ngunit mas mabilis ang walang pagdadalawang-isip na pag-
alis ni Primo. Dalawang taon ang nagdaan, habang unti-unting nakakayanan ni George na
tumayo mag-isa pagkatapos ng pagdadalamhati ng kanyang nasaktang puso, bumalik ang
nagbagong si Primo sa Pilipinas upang kuhanin ulit ang loob ni George, ngunit nahirapan siya
dahil malaki ang galit ni George sa kanyang pag-alis.Umiikot ang kwento sa kung tatanggapin
pa ba ni George si Primo pagkalipas ng mga taong iyon.

Sa pagbalik ni Primo nagpasya si George na ibinta na ang bahay ng tita lola nila para
matustosan ang pangangailnagn ng kapatid na si yohan sa pagpapagamot niya sa mata.
Maraming mga eksena ang naganap gaya nalang ng pagkakasundo nila na hatiin ang espasyo
ng bahay, nandoon na rin sa patuloy na pagsuyo ni Primo kay george at tumutol si primo na
ibenta ang bahay ngunit nang malaman niya ang kalagayan ni yohan pumayag ito ng walang
pag alin-langan para lang magamot ito. Nang mabinta na ang bahay nilinisan nila ito at bininta
rin ang mga gamit nila may nakita si george na sulat dalwang taon ang nakakalipas na bigay
sa kanya ni Primo noong kaarawan niya. Nang binasa niya iyon napa iyak siya at napahagulhol
at ng lumapit si Primo sa kaniya agad niya itong niyakap at hinalikan sa kadahilanang hindi
nya agad nabasa ang sulat na iyon dahil tinapon niya yon. Gayunpaman sa huli mas dumaig
at pinili pa rin nila ang pagmamahal isa't-isa kaysa sa kanilang masilamuot na nakaraan.

Sitwasyon :

1. PANG - IMAHINASYON

George : hmm alam ko na... ito, ito na yon , AYANNN


Primo : Perfect. pupunoin natin ang bahay na ito. Maglalagay ako dito ng mesa at TV, relax
ka lang nood ka nag 65 inches na TV .
George : Pag may pera na tayo.
Primo : Surround sound.
George : Amsterdam.
Sprawling, endless tulips. (habang ginagalaw ang kaniyang kamay na tila ba ay
nagpepresenta sa kagandahan ng amsterdam)

2. PAMPERSONAL
Primo : Ano bang nangyayari sa mga musikero ngayon!
George : kailangan namin ng ahinte baka gusto mong mag sideline?
Primo : Mamamatay nalang ako kaysa gagawin ko ang hindi ko gusto!
George : Lintik na passion na yan! Hindi tayo mapapakain ng passion na yan!.
Primo : PAGOD KA NA?
George : Oo, Pagod na pagod na ko!

3. PANG-INSTRUMENTAL

Mikko : Hayaan mo na siya! Iwan mo na yan, Ano hindi ka na makakapag-med school?


George : Ito na sandali, ito na (sabay iyak) at (sinukahan pa ito ni primo)
Mikko : Utang na loob naman, George! Huwag mong itapon ang future mo para sa gagong
'yan. Force once unahin mo naman ang sarili mo!
4. PANGHEURISTIKO

George : Naghiwalay tayo pero nakasama mo 'yung pamilya mo. Tapos naalagaan mo pa
'yung papa mo.

Primo : George, I may not have founda reason to stay But I have found a reason to comeback.

Gawain 5. Gawin Mo… Damhin Mo…

PANUTO: Balikan mo ang pinanood na pelikula at suriin muli ang nilalaman, gamit ng
ng mga salita sa diyalogo ng mga tauhan. Sagutin ang mga sumusunod tanong
nang maayos.
A. Aling bahagi ng mga winika ng tauhan ang hindi mo malilimutan? Bakit ?
Magbigay ng lima o higit pang sagot.

Ang niwika ng mga tauhan na hindi ko makakalimutan ay:


" I need you to fight for us because I'm so tired fighting alone " - George
"Kapag dumating ka na sa punto na walang wala ka na, ang meron ka na lang ay memories. Na
hindi mawawala. Na hindi mabubura.. And that is priceless" - Primo

" Bakit kapag ginamit ang puso nagiging tanga pero kapag ginamit naman yung utak di nagiging
masaya" - George
" You don't win a war by fighting each other, you win a war by fighting together" - The house of
us... Jo
" You just have to ride untill the sun rises again because it always does " – Primo

Ang mga katangang naitala ko sa itaas ay mga katangang hindi ko malilimutan na niwika
ng mga tauhan sa The how's of us dahil para sa akin ang bawat linya na kanilang binigbigkas ay
tumatagos sa akin at alam ko rin na hindi lang ako nag iisa maging sa ibang tao. Isa rin sa mga
dahilan ko kung bakit hindi ko iyan makalimutan dahil ito ay nagpapabatid sa akin at

nakapagpatanto na dapat ay hindi lang isa ang lumalaban kapag nasa isang relasyon kailangan
na dalawa kayo na labanan ang lahat ng problema at huwag basta-basta sumuko sa taong
minamahal sapagkat kapag ito ay nawala sa atin ang mga nakaraan ay magiging alaala na lamang.
Sa mga linyang iyan para akong tinuruan na maging malakas sa bawat hamon ng aking buhay at
nagbibigay din ito sa akin nag leksyon kung paano maging matyaga sa taong minamahal at
pagbibigay halaga sa ating sarili.

B. Itala ang mga bahagi ng pelikula na nangyari sa iyong buhay o sa ibang tao?

Ang nangyari sa buhay ko at sa ibang tao na bahagi ng pelikula ay siguro yon


yung pagmamahal sa isang tao na para bang nagpapakamartyr at
nagpapakatanga na tila ba'y wala nang itinira sa sarili, na umaasa balang araw
ay bumalik ito, bumalik ang dating minahal dati.

Nangyayari rin sa atin na nakaranas tayo ng pagsuko sa kadahilanan na


tayo ay pagod na sa lahat-lahat at nailabas din natin ang ating nais na
pakawalan hinggil sa nararamdamang pait ng ating damdamin
minsan ay nakasasabi tayo na ikakasama rin ng ating kausap dala ng
ating emosyon.

C. Anong aral ang nakuha mo sa pinanood na pelikula? Paano mo bibigyan ng


pagpapahalaga ang pelikulang tree?

Ang aral na nakuha ko sa pelikulang aking pinanood na pinamagatang 'THE HOW'S OF


US' ay kapag pumasok ka sa isang relasyon nararapat lang na huwag ibigay ang lahat
dapat ay magtira tayo sa ating sarili at sympre kailangan din sa pag-ibig na hindi tayo basta
basta sumusuko sa ating minamahal dapat may tyaga tayo kung baga ay 'patience' sa
Ingles. Sa isang relasyon hindi natin maitatangi na pag tayo ay nagmamahal kakambal na
natin ang masaktan at dapat handa tayo sa kahahantungan ng pag-iibigan pero kahit ganon
paman matuto rin tayong magpatawad dahil ika nga nila ang dyos nga ay
nakakapagpatawad tayo pa kaya na tao lang?. Sa pelikula rin ay nandoon ang
pagmamahal sa pamilya na gagawin ang lahat-lahat at nagbibigay din ng leksyon ang
pelikulang aking napanood sa mga magkasintahan na dapatbay sabay nilang labanan ang
mga problema nila at huwag pabayaan ang isa't-isa.
Mabibigyan ko ng pagpapahalaga ang pelikulang aking napapanood kung ang aking
natutuhan ay hindi ko kakalimutan, laging isa-isip ang mga iyon at gagamitin ko iyon sa
akinh sarili sa pamamagitan dyan ay mapapahalagahan ko ang pelikula.
Maglakad ng dagdag milya …....

Gawain 6. Natutunan Mo….Gawin Mo…


Panuto : Bumuo ng simpleng flow chart na maglalarawan sa mga konseptong natutunan sa
Wikang Filipino sa Produksyon ng Kaalaman sa Ibat’ Ibang Larang
CONGRATULATIONS: Nagawa mo ng Mahusay ang mga Gawain!!!

You might also like