You are on page 1of 36

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
ALAM MO BA?
Marami ang nag-aakalang mas
nagugustuhan ng mga batang mag-aaral
ang magbasa ng mga tekstong naratibo
tulad ng maiikling kwento, tula, pabula ,
alamat, at iba pa.
Sa pag-aaral ni Duke (2000), ang dahilan
kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa ng
tekstong impormatibo ang mga mag-aaral
ay dahil limitado ang ganitong uri ng mga
babasahin sa kanilang kapaligiran. Sa isang
pag-aaral na isinagawa sa 20 silid-aralan sa
unang baitang,
nakitang wala pang 10% ng mga aklat sa
mga aklatang pansilid-aralan ang nabibilang
sa tekstong impormatibo.Lumabas din sa
nasabing pag-aaral na wala pang 3% ng mga
bagay o kagamitang naka-displey sa paligid
ng mga silid-aralan ang mabibilang sa
tekstong impormatibo.
Sa isa pang pag-aaral, napatunayan ni
Mohr (2006), na kung mabibigyan ng
pagkakataong makapamili ng aklat ang
mga mag-aaral sa unang baitang, mas
pipiliin nila ang aklat na di piksyon
kaysa piksyon.
Sa pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa
unang baitang mula sa sampung paaralang
pinili nila ay dinala sa eksibit ng mga aklat.
Pinaikot sila sa mga naka-displey na aklat at
pinapili ng isang aklat na magiging kanila na.
Humigit kumulang 85% sa mga mag-aaral
ang pumili ng aklat na di-piksyon.
Nang isagawa ang kaparehong
pag-aaral sa mga mag-aaral sa
kinder ay mas pinili rin ng mga
bata ang mga aklat na may
impormatibong teksto kaysa
piksyon.
ELEMENTO NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
1.LAYUNIN NG MAY-AKDA
 Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang
kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang
mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto
ng maraming bagay ukol sa ating mundo;
masaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay
ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop at iba pang
nabubuhay at iba pa.
2. PANGUNAHING IDEYA
dito dagliang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi
3. ESTILO SA PAGSULAT,
KAGAMITAN/SANGGUNIANG MAGTATAMPOK
SA MGA BAGAY NA BINIBIGYANG-DIIN

*Paggamit ng mga nakalarawang


representasyon – makatutulong ang
paggamit ng mga larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan, timeline
atbp.
*Pagbibigay-diin Sa mahahalagang
salita sa teksto – nagagamit dito ang
estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis,nakasalungguhit, o nalagyan ng
panipi upang higit na madaling Makita
ang mga salitang binibigyang-diin sa
babasahin.
*Pagsulat ng mga Talasanggunian
- karaniwang inilalagay ng mga
manunulat ng tekstong impormatibo
ang mga aklat, kagamitan at iba pang
sangguniang ginamit upang maging
basehan sa mga impormasyon.
MGA URI NG
TEKSTONG
IMPORMATIBO
1.PAGLALAHAD NG TOTOONG
PANGYAYARI/KASAYSAYAN
Inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay
personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng
mga balitang isinusulat ng mga reporter ng
mga pahayagan
o maaari ding hindi direktang
nasaksihan ng manunulat kundi
mula sa katotohanang
nasaksihan at pinatunayan ng
iba tulad ng sulating
pangkasaysayan.
2. PAG-UULAT PANG-
IMPORMASYON
 Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop,
iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.Hal. paksang
kaugnay ng teknolohiya, global warming,
cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos,
impormasyong kaugnay ng mga halaman atbp.
3.PAGPAPALIWANAG
 nagbibigaypaliwanag kung paano o bakit naganap ang
isang bagay o pangyayari. Layunin nitong Makita ng
mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad
kung paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan ng mga
larawan, dayagram,o flowchart na may kasamang mga
paliwanag.
Uri ng tekstong
impormatibo batay sa
estruktura
1.Sanhi at bunga

Nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng
pangyayari at kung paanong ang
kinalabasan ay naging resulta ng
mga naunang pangyayari.
2.Paghahambing

kadalasang nagpapakita ng
pagkakaiba at pagkakatulad sa
pagitan ng anomang bagay,konsepto
o pangyayari.
3. Pagbibigay - depinisyon
 ipinaliliwanag ng ganitong uri
ang kahulugan ng isang salita,
termino o konsepto.
4.Paglilista ng klasipikasyon

Ito’ykadalasang naghahati-hati ng
isang malaking paksa sa iba’t ibang
kategorya upang magkaroon ng
Sistema sa pagtalakay.
Nagsisimula ang manunulat sa
pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos ay
bibigyang-depinisyon at halimbawa
ang iba’t ibang klasipikasyon o
grupo sa ilalim nito.
HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO

NeGOsyo : Mga dapat isalang-alang sa pagtatayo ng negosyo


Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pag-iisip at
pagsasagawa ng mga dapat gawin, simulan at pagbutihin ang
kakayanan na kumita sa hinaharap. Ayon sa mga
istatistika, tanging 8 out of 100 mga tao at bumuo ng
kanilang mga kasanayan sa pagnenegosyo.
Bago mo simulan ang negosyo na
gustuhin itayo kailangan munang
magplano. Tandaan ang
mahusay na pagpaplano ay
makakatulong sa tagumpay
ng isang negosyo
Ang pagpaplano ng isang negosyo ay
ang pag-iisip at pagsasagawa ng mga
dapat gawin at simulan. Kasama rin sa
pagpaplano sa pagtayo ng negosyo ay
ang pag forecast ng mga gastusin, mga
kakailanganin, mga produkto, benta, kita
at pagdaloy ng pera o cash flows.
 Maraming tao ang naghahangad na kumita ng
malaki sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Sa
pagtatayo nito maraming mga bagay ang dapat
isaalang-alang upang masiguro ang paglago nito.o.
Ang pinakaunang hakbang sa pagnenegosyo ay
ang pagbibigay sa sarili ng matibay na pundasyon
sa pananalapi.Ayon sa libro ni Shaw at Kay na
How to Start Your Own Business, ang pagtatayo ng
sariling
negosyo ay maganda lalo na kung mayroong sapat na
pera para dito. Makabibili ang negosyante ng sariling
lugar para sa negosyo. Kadalasan naman sa mga
nagbabalak magtayo ng negosyo, mas pinipiling
magprangkisa dahil sa kasiguraduhan na mayroon
nang tiyak na tumatangkilik dito kumpara sa
pagtatayo ng negosyo na kung saan ito ay hindi
pa kilala.Ayon kay Scarborough at T. Zimmerer, sa loob
ng limang taon ng
pamamalakad ay 85% ng mga prangkisang
negosyo ang nagtatagal sa industriya kumpara sa
50% ng mga “independent” o sariling negosyo.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na kapag mas
piniling magprangkisa, ang negosyante ay
magiging maunlad at matagumpay. Ang maayos na
takbo ng isang negosyo ay nakasalalay pa rin sa
magandang pamamahala ng nagmamay-ari nito.
 Ang susunod naman ay kailangan sa pagpili ng
itatayo mo na negosyo ang dapat na tayuin na
negosyo ay nasa personalidad ng isang tao o kaya
naman ay alam mong mag-eenjoy ka dito. At laging
tatandaan para magtagumpay ka sa negosyo
kailangan napag-aralan at napaghandaan mo ito ng
mabuti. Sa pagtayo ng negosyo kailangan ring
malaman ang tungkol sa mga kakumpitensya sa
negosyo, alamin din kung ano ang
 dapat na strategy na gagawin upang mas
umangat. Kailangan ring ianalyze kung magiging
patok ba ang negosyo na itatayo mo. Sa
pagsulat ng busines plan nakapaloob dito mula
sa produkto o serbisyo na ibebenta
.Kinakailangan din marunong na maghandle ng
tao at may sapat na management skills upang
maimanage ng
 maayos ang negosyong itatayo at human skills
sa paghahandle ng tao o mga taong
magtatrabaho o magiging empleyado sa
gagawin na negosyo. Sa pagtatayo mo ng
negosyo kailangan ding isaalang-alang ang
lokasyon ng pagtatayuan nito. Ang magandang
lokasyon sa pagnenegosyo ay kung saan madali
at malapit lang itong mapuntahan ng mga
customer.
 Palagingtatandaan na hindi lamang tungkol sa
tagumpay at kumita ng pera ang hatid ng
pagnenegosyo, kundi pati na rin sa kung anong
mga aral sa buhay ang ituturo nito na dapat
nating matutunan. Laging tatandaan na
pagkatapos lahat ng hirap at tiyaga sa pagtatayo
mo ng negosyo sa huli ay makakamit mo din
ang kaginhawahan sa buhay
 buhay lalo na kung naging matagumpay ang
naitayong egosyo. Habang patuloy na
nagtatrabaho upang makapagtatag ng isang
matagumpay na negosyo, huwag kalimutan ang
Panginoon na nagbibigay sa ng talino, lakas at
puso upang magtagumpay.Magpasalamat sa
Panginoon dahil hindi ka pinabayaan kasama
narin ang negosyong naitayo.
 https://baluyutellafilbas.wordpress.com/2016/01/30
/negosyo-mga-dapat-isalang-alang-sa-pagtatayo-ng-
negosyo/

You might also like