You are on page 1of 2

FOUNDATION FOR DEVELOPMENT THROUGH EDUCATION INC.

3/4 Moneygate Building


Ponciano Street Davao City

Katitikan ng unang pangkalahatang pagpupulong ng mga iskolar ng Foundation


for Development Through Education Inc. sa Training Room ng Marco Polo Davao City
noong Ika-10 ng Setyembre, 2017.

I. Simula

Nagsimula ang miting sa ganap na ika-10:00 n.u. Isang maikling


panalangin ang inusal sa pangunguna ni Aljamer T. Buayan.

II. Attendans

Halos 99 bahagdan (%) ng mga iskolar ay dumalo sa nasabing


pagpupulong maliban kay Shaira Erica Barol na nagpadala ng sulat na may
malaking kadahilanan sa di pagdalo. May paghahanda siyang ginawa para sa
nalalapit nilang eksaminasyon.

III. Talakayan

Ipinaalala ng pangulo na ang layunin ng miting ay para sa pagtatalaga ng


mga bagong hanay ng opisyal, pag-usapan ang mga proyekto ng bawat grupo
pati na rin ang susuotin sa Thanksgiving party na gaganapin sa Disyembre.

1. Pagtala ng mga bagong opisyal


2. Buwanang proyekto
3. Kasuotan sa Thanksgiving

Unang ginanap ang panunumpa ng mga bagong opisyal para sa kanilang


tungkulin na pimunuan ni Jocelyn Lorenzo FDTEI Coordinator. Sumunod ay ang
pagtalakay sa buwanang proyekto ng bawat grupo, grupo ng Gensan Base at Davao
Base. Bawat buwan ay salitan ng pagsasagawa ng aktibidad, sa buwan ng Setyembre
ay bawat grupo ay magsasagawa ng aktibidad dahil ito ay araw ng iskolar dahil
kaarawan ng may-ari ng foundation, para sa Oktubre, Enero, Marso, Mayo ang
magsasagawa ng aktibidad ay Gensan Base at Nobyembre, Pebrero, Abril, Hunyo para
FOUNDATION FOR DEVELOPMENT THROUGH EDUCATION INC.
3/4 Moneygate Building
Ponciano Street Davao City

sa Davao Base at ang Disyembre ay Thanksgiving party na dadaluhan ng dalawang


grupo. Sumunod na tinalakay ay ang kasuotan para sa Thanksgivig party nagkaroon ng
botohan at sa huli ay napagkasunduan ng lahat ay casual attire ang susuotin.
Humantong sa isang napakamatagumpay na pagtatapos ang pagpupulong.

IV. Pagtatapos
Nagtapos ang pulong sa ganap na ika-3:00 ng hapon.

Inihanda ni

Sahara A. Duyang

You might also like