You are on page 1of 6

Larawang -Sanaysay

Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang


inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga
pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Ito ay gaya
rin ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay.
Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o kapsyon. Malaki ang naitutulong ng larawang may
teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa mga ideya/ kaisipang ipinakikita ng
larawan. Ang pagtataglay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti
sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang
gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang
larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.
 ➢Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa
mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang
makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang
mga katitikang isusulat dito.
 ➢May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-
sanaysay.
 ➢Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain..
 ➢Hindi limitado ang paksa.
 ➢Maaaring serye ng imahen.
 ➢Maaring patungkol sa isang tao o mga kakaibang pangyayari.
 ➢Naiiba dahil larawan ang gamit sa pagsasalaysay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Larawang-Sanaysay


 1.Maghanap ng isang paksa ayon sa iyong interes.
 2.Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang Larawang-Sanaysay.
 3.Hanapin ang “tunay na kwento”. Matapos ang pananaliksik, maaari mong
matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin ang iyong kwento. Ang pangunahing
dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at
natatanging kwento.
 4.Ang kwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
Pinakamahusay na paraan ito upang ikonekta ang iyong larawang-sanaysay sa madla at
ang damdamin nakapaloob sa kwento .
 5.Pagpasyahan ang mga kukuning larawan. Magsimula sa paglikha ng isang listahan
ng mga kuha para sa kwento. Ang bawat “shot” ay tulad ng isang pangungusap sa
isang kwento sa isang talata. Maaari kang magsimula sa 10 “shots” . Sa bawat shot ay
dapat bigyang-diin. Ang iba’t ibang mga konsepto o emosyon na maaaring pinagtagpi -
tagpi kasama ng iba pang mga larawan.

Halimbawa ng Larawang-Sanaysay: Tunghayan ,Basahin at Unawain ang halimbawa


“ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS) SA LOOB
AT LABAS NG BGPOP”
ni:Trisha Capulong

Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian


Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang
haharapin bilang isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.
Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the Centuries,
nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas,
pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang
nagbigay ng pagsubok sa kanila.

Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa, nagkakaroon ng magandang pagsasama ang


bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pinanggalingan, ugali,
pananaw, at talento.
Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga
kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week na
pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng
tagisan ng mga natatagong talento.

Nag-imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi ng


kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.
Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din sila
kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan, at
magpakumbaba. Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang
Intramurals na pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino
na ilabas ang kanilang angking galing sa larangan ng pampalakasan.

Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa


kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga
humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing
malayo man sa pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya
upang bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso
para sa iba.

You might also like