You are on page 1of 12

Filipino sa Piling Larang

(Academic)

Unang Markahan – Modyul 2:


Iba’t Ibang
Akademikong Sulatin
ALAMIN

IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa


b. Layunin
c. Katangian
d. Gamit
e. Anyo
CS_FA11/12PN-0a-C-90

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Alam kong nasiyahan ka sa naging


resulta ng iyong Unang Aralin.
Dahil masaya ka sa kinalabasan nito, maaari ka nang dumako sa
Ikalawang Aralin. Tiyak akong matutuwa ka at magugustuhan mo ito.
Halina’t alamin ang iba’t ibang akademikong sulatin sa larangang
kinabibilangan mo.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo po ay:

1. Nakatutukoy ang mga akademikong sulatin ayon sa layunin, katangian, gamit


at anyo nito.

2. Nasusuri ang mga halimbawang akademikong sulatin ayon sa layunin,


katangian, gamit at anyo nito.

3. Nakasusulat ng akademikong sulatin nang may pagtitiyaga at pagpapahalaga


sa kasanayan.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti kung ano ang tinutukoy ng mga pangungusap sa ibaba..
Piliin ang titik ng tamang sagot sa na matatagpuan sa loob ng kahon at isulat ito sa
iyong kuwaderno.

1. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong


manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
2. Tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad
sa isang pagpupulong.
3. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay
nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
4. Kakikitaan ito ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.
5. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
6. Ito ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng
buod, tulad ng maiklling.
7. Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad at mabigyan ng
resolba ang mga problema at suliranin ang layunin nito.

2
8. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na
magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong.
9. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,
papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o
mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
10. Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat.
11. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
12. Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat.
13. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
14. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na
pangyayari sa kwento.
15. Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng
nilalaman.

Pagpipilian:
A. Abstrak
B. Akademikong Pagsulat
C. Agenda
D. Bionote
E. Katitikan ng Pulong
F. Lakbay Sanaysay
G. Memorandum
H. Panukalang Proyekto
I. Posisyong Papel
J. Pictorial Essay
K. Reflektibong sanaysay
L. Sintesis
M. Talumpati

Magaling! Nasubukan mong gawin


ang panimulang pagtataya. Ngayon,
simulan mo ng pag-aralan ang layunin,
katangian, gamit at anyo akademikong
sulatin. Handa ka na ba?

3
TUKLASIN

GAWAIN 1

 Maglista ng mga Akademikong Sulatin na naisulat mo na.


1.
2.
3.
4.
5.

 Magtala ng mga katangiang taglay ng mga akademikong sulating iyong


inilista.
1.
2.
3.

SURIIN

PAGSUSURI

1. Alin sa mga inilista mong akademikong sulatin ang may magkakatulad na


katangian, anyo at nilalaman?

2. Paano kaya nakatutulong ang mga katangiang ito sa pagsulat mo ng


akademikong sulatin?

PAGYAMANIN

4
PAGLALAHAD

Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito


sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa
makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at
opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga
impormasyon at saloobin.

Ang akademikong sulatin ay maaaring, naglalahad, nagsasalaysay,


naglalarawan at nangangatuwiran. Ang mga sulatin ay maaaring magkaiba ayon sa
anyo, katangian at gamit nito.

Ang ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin na naglalahad ay;


1. Abstrak
2. Sinopsis
3. Buod
4. Bionote

Ang mga halimbawa naman ng akademikong sulatin na nangangatuwiran ay


ang mga sumusunod:
1. Panukalang proyekto
2. Posisyong papel
3. Talumpati
Ang mga sulating akademiko naman na naglalarawan ay;
1. Lakbay Sanaysay
2. Photo essay
3. Replektibong sanaysay

Nasa talahanayan sa ibaba ang iba’t ibang uri ng sulating akademiko


ayon sa layon, gamit at katangian nito.

AKADEMIKONG
SULATIN LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN

5
Ito ay karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng akademikong papel
para sa tesis,papel siyentipiko at Hindi gaanong mahaba,
teknikal, lektyur at report. organisado ayon sa
Layunin nitong mapaikli o pagkakasunod sunod
Abstrak mabigyan ng buod ang mga ng nilalaman.
akademikong papel.

Kinapapalooban ng
Ang kalimitang ginagamit sa overview ng akda.
mga tekstong naratibo para Organisado ayon sa
mabigyan ng buod, tulad ng sunod sunod na
Sintesis maiklling kwento. pangyayari sa kwento.

Ginagamit para sa personal


profile ng isang tao, tulad ng
kanyang academic career at iba May makatotohanang
pang impormasyon ukol sa paglalahad sa isang
Bionote kanya. tao.

Maipabatid ang mga


impormasyon ukol sa
gaganaping pagpupulong o
pagtitipon. Nakapaloob dito ang Organisado at malinaw
oras, petsa at lugar ng para maunawaan ng
Memorandum gaganaping pagpupulong. mabuti.

Layunin nitong ipakita o ipabatid


ang paksang tatalakayin sa
pagpupulong na magaganap
para sa kaayusan ng at Pormal at organisado
organsadong pagpupulong. para sa kaayusan ng
Agenda daloy ng pagpupulong..

Pormal, nakabatay sa
uri ng mga tagapakinig
Makapaglatag ng proposal sa
Panukalang at may malinaw ang
proyektong nais ipatupad.
Proyekto ayos ng ideya..
Naglalayong mabigyan ng

6
resolba ang mga prolema at
suliranin.

Ito ay isang sulating


nagpapaliwanag ng isang
paksang naglalayong Pormal, nakabatay sa
manghikayat, tumugod, uri ng mga tagapakinig
mangatwiran at magbigay ng at may malinaw ang
Talumpati kabatiran o kaalaman. ayos ng ideya.

Ito ay dapat na
organisado ayon sa
Ito ay ang tala o rekord o pagkakasunud-sunod
pagdodokumento ng mga ng mga puntong napag-
Katitikan ng mahahalagang puntong usapan at
Pulong nailahad sa isang pagpupulong. makatotohanan.

Ito ay nararapat na
Ito ay naglalayong maipaglaban maging pormal at
kung ano ang alam mong tama. organisado ang
Ito ay nagtatakwil ng kamalian pagkakasunod-sunod
Posisyong Papel na hindi tanggap ng karamihan. ng ideya.

Ito ay uri ng sanaysay kung


saan nagbabalik-tanaw ang
manunulat at nagrereplek. Isang replektib na
Nangangailangan ito ng karanasang personal sa
Replektibong reksyon at opinyon ng buhay o sa mga binasa
Sanaysay manunulat. at napanood.

Organisado at may
makabuluhang
Kakikitaan ng mas maraming pagpapahayag sa litrato
larawan o litrato kaysa sa mga na may 3-5 na
Pictorial Essay salita. pangungusap.

7
Ito ay isang uri ng sanaysay na
makapagbabalik-tanaw sa
Lakbay paglalakbay na ginawa ng Mas madami ang teksto
Sanaysay manunulat. kaysa sa mga larawan.

Mga Gawain

1. Basahin ang mga halimbawang akademikong sulatin.


2. Suriin ito ayon sa layunin, katangian at gamit nito.

Si Maria Jessica Aspiras Soho, o mas kilala sa tawag na Jessica Soho ay


ipinganak noong 27 Marso 1964, isang batikang mamahayag at personalidad
mula sa La Union. Natanggap ni Soho ang Ka Doroy Valencia, isa rin si Soho sa
mga 100 Filipino Women Of Distinction na pinili noong Centennial na pagdiriwang
ng Pilipinas.
Ang kanyang kwento ukol sa isang hostage crisis sa Lambak ng Cagayan
ang nagpanalo sa kanya ng karangalang Coverage of a Breaking Story sa New
Your Film Festival.
Ang kanyang mga dokumentaryang Kidneys for Sale at Kamao ang nagbigay-
daan upang makuha niya ang karangalang maging unang Pilipinong
tagapagbalita, at ang estasyon niyang GMA Network ang unang lokal na
kompanyang nakapagkamit ng tanyag na George Foster Peabody Award noong
1999.

3. Punan ang talahanayan sa ibaba.


ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN

8
(hango mula sa:)
TALUMPATI NG KAGALANG-GALANG BENIGNO S. AQUINO III
PANGULO NG PILIPINAS SA PAGDIRIWANG NG IKA-150
ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI JOSE RIZAL
[Inihayag sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo 2011]

Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang


prediksyon sa kaniyang kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng
mag-asawang Mercado ay magiging pambansang bayani ng lahing Pilipino.
Isa’t kalahating siglo ang nakalipas, ginugunita pa rin natin ang kanyang
kapanganakan, at tinitingala ang kanyang kadakilaan.
Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating
masalimuot na kasaysayan, may isang Pilipinong muli’t muli ay piniling
gawin ang tama—ang unahin ang kapakanan ng kaniyang kapwa, ang
itaguyod ang pagkakaisa para sa kalayaan ng atin pong bansa—kahit pa
ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.
Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng kasaysayan.
Ngunit sinabi po niya, sa bibig ng tauhang si Elias sa kanyang Noli Me
Tangere:
“Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-
liwayway sa aking inang bayan! Kayong makakikita, batiin ninyo siya—at
huwag kakalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”
Wala po akong dudang binabati na natin ang bukangliwayway ngayon, nang
hindi nakakalimot sa mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa bawat
pagsubok, kapakanan ng Pilipino ang isasapuso namin; sa bawat
sangandaan, tuwid na landas ang aming tatahakin.

ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN

9
ISAISIP

Bawat akademikong sulatin ay


may pagkakatulad at pagkakaiba.
Nangangahulugan ito na ang bawat isa
ay katangi-tangi. Ang mahalaga ay
napag-aralan mo ang ilan sa mga ito
nang maihanda ka sa mas marami pang
pagsusulat.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Maghanap sa internet ng mga online journal. Pumili ng limang akademikong


sulatin batay sa iyong interes. Punan ang gabay na talahanayan ng iyong nasaliksik.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Pamagat Anyo Katangian Gamit Layunin

1.

2.

3.

4.

5.

Pamantayan sa Pagsagot
A. Kaugnayan sa paksa- 20
B. Kaangkupan ng nilalaman- 20
C. Wastong baybay ng mga salita 10
Kabuuan: 50

10
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng bawat anyo ng pagsulat.


Sundin ang talahanayan sa ibaba.

ANYO KATANGIAN LAYUNIN GAMIT


Pictorial Essay
Abstrak
Bionote
Panukalang Proyekto

REFLEKSIYON

Bilang mag-aaral sa Senior High School, paano mo gagamitin ang pagsulat


ng akademikong sulatin para sa ikabubuti nang iyong paaralan? Ilahad mo ang
iyong sagot.

11

You might also like