You are on page 1of 7

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG: AKADEMIK

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 6)

PANGALAN : _________________________ PETSA: ____________

I. PANIMULANG KONSEPTO:

KATITIKAN NG PULONG

Tinatawag na KATITIKAN NG PULONG o minutes of the meeting ang opisyal


na tala ng isang pulong. Mawawalan ng silbi ang anumang pagpupulong kung wala
ito.
Nabubuo ang isang katitikan ng pulong kapag isinusulat ng kalihim ang mga
nagaganap sa isang pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo,
at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa
pulong. Mataps itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay
magsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyon
na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o
sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at pagkilos.

Mahahalagang bahagi ng Katitikan ng Pulong


1. Heading -ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, Samahan,
organisado, o kagawaran. Makikita ang petsa, lokasyon at maging ang oras
ng pagsisimula ng pulong.

2. Mga kalahok o dumalo – dito nakalagay kung sino ang nanguna sa


tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatala rin dito.

3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito


makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may
pagbabagong isinagawa sa mga ito.

4. Action items o usaping napagkasunduan – dito makikita ang


mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging
ang desisyong nabuo ukol dito.

5. Pabalita o patalastas – hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit


kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad
halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 1


6. Iskedyul ng susunod na pulong – itinatala sa bahaging ito kung kalian at
saan gaganapin ang susunod na pulong.

7. Pagtatapos- inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang


pulong.

8. Lagda – mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha


ng katitikan ng pulong at kung kalian ito isinumite.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS:

 Natutukoy ko ang mahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo


ng síntesis sa napag-usapan.

III. MGA GAWAIN:

Gawain 1

Panuto: Unawain ang mga paglalarawan sa ibaba. Ibigay ang tinutukoy ng mga
pahayag.

______ 1. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon,


o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging
ang oras ng pagsisimula ng pulong. .

_______2. Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong


gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang
mga panauhin.

_______3. Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.

_______4. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang panglan ng taon kumuha ng


katitikan ng pulong at kailan ito isinumite.

_______5. Isang proseso ng pagdesisyon kung saan tinitiyak na nagkakaisa ang


lahat ng mga kasapi sa pulong sa anumang pasya.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 2


Gawain 2: - Kilalanin Mo

Panuto: Unawain at kilalanin ang bawat bahagi ng Katitikan ng Pagpupulong sa


bawat kahon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

______1

Ulat ng naisagawang pagsasanay sa korespondensiya opisyal,


Ortograpiyang Pambansa at KWF Masinop na Pagsulat;
Pagsasanay at Patimpalak sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021;
Panubaybay na Ulat ng bawat Sangay sa pagpapatupad ng Kurikulum
sa Filipino; at
Iba pang kaugnay na bagay/gawain

______2.
Idinagdag ni G. Matris, na magbabahagi pa rin sila ng sample ng
LAS sa rehiyon.

Hinikayat ni Gng Laguda ang lahat ng Dibisyon sa patimpalak matapos


itong talakayin re: Memorandum Panrehiyon Blg. 42, 2021 -2021 Premyo
Gualberto Cea–Manlagñit – Panulaang Paligsahan para sa mga Makatang
Bikolnon;

Tinalakay ang Memorandum Panrehiyon Blg. 41, 2021: Panrehiyong


Pagsasanay at Patimpalak sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021;
a. Cha-Ching Jingle (Baitang 4)
b. Personal na Sanaysay (Baitang 6)
c. Talumpati (Baitang 10)
d. Negosyo sa Bagong Ngayon (SHS)

Nilinaw ang pamamaraan ng pagsasagawa ng mga patimpalak sa


dibisyon at kung paano gagawin ang panrehiyong antas na kompetisyon;

______3.

Inihanda ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


EPS, Filipino
Dibisyon ng Lungsod Ligao

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 3


____ 4.

KATITIKAN NG PULONG

Paksa: KUMUSTAHAN: Pulong ng mga Tagamasid sa Filipino


Petsa: 20 Mayo 2021
Platform: virtual/google meet
Oras ng Pagsisimula: 9:00 n.u.
Oras ng pagtatapos: 11:00 n.u.
Bilang ng kalahok: 14

____ 5.

Dr. Nora J. laguda – Nanguna sa Pagpupulong


G. Leo C. Brizuela, Jr – Tagatala para sa Katitikan
Dr. Rudyard Balacano
Dr. Annaliza Abuloc
Dr. Elisa Rieza
Dr. Rechie Salcedo
Dr. Ben Matris
Dr. Grace Manlapaz
Dr. Ma. Gina Templonuevo
Dr. Miguel Lovino
Dr. Sharon Vito
Dr. Emilia Boboyo
Dr. Sonny Taugan
Dr. Beverly Babagay

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 4


Gawain 3 – Idokumento Mo

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng pagpupulong na makikita sa ibaba.


Ituring na ikaw ang KALIHIM ng samahan, anupa’t ikaw ang naatasang sumulat ng
katitikan. Itala ang mahahalagang pangyayari at sundin ang mga bahaging tinalakay
sa itaas sa pagsulat ng Katitikan ng Pagpupulong.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 5


V. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS
Rubric sa pagpupuntos para sa Gawain 3

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng katitikan ng pulong at sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at 5
nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang 5
maingat, awsto at angkop ang paggamit ng wika.
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng 5
pulong at angkop ang sintesis na nabuo
Kabuoang Puntos 20

VI. REPLEKSIYON

Panuto: Pagkatapos ng aralin…

Natutuhan kong _____________________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 6


VII. SANGGUNIAN

 https://www.studocu.com/ph/document/colegio-san-agustin-bacolod/basic-
education/aralin-6-katitikan-ng-pulong/10968895
 https://eportp312pytha.wordpress.com/2017/10/19/katitikan-ng-pagpupulong/
 Filipino sa Piling Larang Modyul 6
 Filipino sa Piling Larang (Tech-voc)

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Para sa Gawain 1:
1. Heading ng awtput
2. Dumalo
3. Pagtatapos
4. Lagda
5. Consensus

Para sa Gawain 2:

1. adyenda
2. Action items o usaping napagkasunduan
3. lagda
4. heading
5. mga dumalo

 Para sa Gawain 3:
Gagamitan ng Rubric sa itaas

Inihanda ni:

APRIL ANN V. APONDAR,


Guro, Cabarian NHS, Sangay ng Lungsod Ligao

Tiniyak ang Kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino

RO_ FPL: Akademik _Linggo 6 7

You might also like