You are on page 1of 11

TEKSTONG PROSIDYURAL

STEM-11-ST. TERESA OF AVILA


ANG TEKSTONG PROSIDYURAL

Isang espesyal na uri ng tekstong EXPOSITORY ang tekstong


prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito
kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid
ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon
ngayong maraming mga bagay na sinasabi nilang do-it-yourself o
'yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay
ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong
tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong
pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang
matagumpay na maisagawa ang isang bagay.
ANG TEKSTONG PROSIDYURAL

Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang


kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama
ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o
magkamali ang gagawa nito. Ang isa pang dapat tandaan ay ang
paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling
maunawaan ang sinumang gagawa. Nakakatulong din ang
paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag
upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga
hakbang. Dapat pakaisiping layunin ang tekstong prosidyural na
maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa
ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito
sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat.
LAYUNIN

Makapagbigay ng sunod- sunod na direksyon at impormasyon sa


mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng
ligtas, episyente at angkop sa paraan.
APAT NA BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL :

-Inaasahan o Target na Awput 


-Mga Kagamitan 
-Metodo
-Ebalwasyon
INAASAHAN O TARGET NA AWPUT

Kung ano ang kakalabasan o kakahantungan ng proyekto ng


prosidyur.
MGA KAGAMITAN 

Ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailanganupang


makumpleto ang isinasagawang proyekto.
Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung kailan
gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng
tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anumang kagamitan.
METODO

Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.


EBALWASYON

Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang


tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay,
kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang
kaayusan na layunin ng prosidyur.
MAHALAGANG IMPORMAYSON UPANG MAKAGAWA NG TEKSTONG
PROSIDYURAL

Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero,


dayagram at mga larawan upang maging mas malinaw ang
pagpapahayag ng instruksyon.
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o
nagbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at
antas ng wika ang gagamitin.
THANK YOU
INIHANDA NI: 
MARK JEFFERSON FERRER

You might also like