You are on page 1of 2

Oliver R.

Leones 12-ABM-A

1. Ano ang pahayag nang tesis? Bakit kailangang bumuo muna nito ang isang
mananaliksik?
-Ang tesis ay nagpapahayag ng mga testamento o teorya na
siyang iyong nararapat na mapatunayan o mapasinungalingan gamit ang iyong
ginagawang pag-aaral o pananaliksik. Maliban pa rito, ang tesis ay siya ring
iyong isusulat upang ikaw ay mabigyan ng karapatang mag-may ari ng mga degree
sa kolehiyo, pagdadalubhasa, at doktoral na mga pag-aaral. At dapat bumuo muna
ang mananaliksik nang tesis dahil kapag wala siyang tesis walang patutunguhan ang
kanyang ginagawa dahil nasa tesis nakabase ang kabuuang gawain na dapat gawin
nang isang mananaliksik.
2. Sa paanong paraan maaaring mabigyan direksiyon ng isang matibay na pahayag nang
tesis ang isang mananaliksik?
-Maaaring mabigyang direksiyon ng isang matibay na pahayag ng tesis ang isang
mananaliksik sa paghahanap niya ng mga ebidensya o datos na magpapatunay sa
kanyang argumento. Ito ang magiging gabay niya para malaman niya ang patutunguhan
ng kanyang sulatin. Dito niya malalaman kung anong uri ng mga datos o ebidensya ang
kanyang kailangan at kung saan niya ito maaring makuha. Ito rin ang magiging sentral na
ideya ng kanyang pananaliksik kung saan makakatulong ito para masigurado niyang
lahat ng kanyang isasama sa sulatin ay nakapokus dito. Sa pamamagitan nito ang
malalaman niya na ang limitasyon ng kanyang sulatin at kung anong mga importanteng
detalye lamang ang kanyang dapat isulat.

3. Paano naman maaaring makatulong ang pahayag nang tesis sa mga mambabasa?

-Nakakatulong ang pahayag ng tesis sa mga mambabasa sapagkat ito ang


pinagtutuunan ng pansin dahil sa mga ideyang nakalakip at ang tesis ay nagbibigay ng
kontrol sa lahat ng pananaliksik na ginawa at ito din ay nakakatylong sa mambabasa
upang mabilis nilang maunawaan ang layunin ng panaliksik. Ito rin ang may malaking
gampanin sa panaliksik kung kaya't nabibigyan ang mga mambabasa ng pagka
interisadong basahin ang kabuuang panaliksik dahil dito nakapaloob ang pangunahing
katanungan ng mambabasa.

4. Paano maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuong pahayag nang tesis?

-Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuong pahayag ng tesis sa


pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong:

 Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?

 Tumutugon ba ito sa sakop ng pag'aaral?


 Nakapokus ba ito sa isang ideya lamang?

 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng


pananaliksik?

5. Ano-ano ang ibat ibang paraan nang paglalahad nang pahayag nang tesis? Sa inyong palagay,
alin sa mga paraang ito ang magiging pinakakomportable ka? Ipaliwanag.

-Ayon kay Samuels (2004) maaari itong maisagawa sa paraang mga ito:

 tingnan ang mga issue o paksa sa isang makabago at naiibang perspektibo o pananaw.
 pagkumparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ito ng arka.
 isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
 talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at manghinuha kung pano
ito malulutas.
 maglahad ng mga ideya kung paanong naimpluwensyahan ang isang paksa kaya ito
naging ganito o ganon.
 mag isip ng maaaring maging sulusyon sa isang suliranin.

-Ang pagtuklas sa bagong sulusyon sa isang suliranin ang masasabi kong komportable para
sa akin dahil sa pananaliksik kailangang makabago at makabuluhan ang mga panaliksik upang
ito ay makatulong sa mga subject at ganun din sa mga mananaliksik na maaring gumamit o
igaya ang kanilang panaliksik sa parehong isyu.

You might also like