You are on page 1of 4

PAGLILIMITA NG PAKSA

Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya kakailanganin mong


limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang
hindi dapat maging malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong
gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi
maihahanap ng angkop na kasagutan. Makikita sa ibaba ang halimbawa ng
paglilimita sa isang malawak o pangkalahatang paksa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa:

 Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral

Nilimitahang Paksa:

 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpuppuyat ng mga Mag-aaral at ang


Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:

 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa


Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto
nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha naman itong limitado na halos
wala ka ng pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. Kung
masyadong limitado ang paksa ay maaaring magkulang ang mga gamit na
kakailanganin mo para rito. Dito mangangailangan ka ng modipikasyon o bahagyang
pagpapalawak sa iyong paksa upang maging mas makabuluhan ang kalalabasan ng
iyong pag-aaral.
ANG PAHAYAG NG TESIS O THESIS STATEMENT

Ito ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik.

Isang matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng


mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga datos at ebidensya.

Sa pamamagitan nito, malalaman ng mambabasa ang mga sumusunod:

 Tungkol saan ang sulating pananaliksik


 Direksiyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga ebidensyang
magpapatunay sa kanyang argumento.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis

1. Magsimula sa paunang pangangalap ng impormasyon o datos.


2. Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita mo ang kaugnay ng
bawat isa sa iyong
3. paksa.
4. Tanungin ang sarili: Sapat na ba ang impormasyon nakalap para makabuo na
nang isang
5. mahusay na pahayag ng tesis o kailangan mo pang magsaliksik upang higit pa
itong mapagtibay?
6. Kung sapat na, buoin mo na ang tesis batay sa iyong mga ebidensyang
nakalap.
7. Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng
tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod:

a. Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?

b. Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?

c. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?

d. Maari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan


ng pananaliksik?

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis (SAMUELS – 2004)

1. Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o


posisyon.
2. Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha
kung paano ito maaaring malutas.
3. Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
4. Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
5. Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung
nangyari/hindi nangyari ang mga bagay&bagay sa nakalipas.
6. Pagkomparahin ang dala%ang bagay na halos magkapareho at bigyan ang
mga ito ng marka.
7. Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimplu%ensiyahan ang isang
paksa kaya ito naging ganito o ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika)

Halimbawa ng Paksa at mga Pahayag ng Tesis

Paksa:

Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinasalin sa ibang
lengguwahe

Tesis:

Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng
orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.

Paksa:

Mas pinipili ng mga tao ang mga kapihan bilang lugar para sa socialization
kumpara sa mga fastfood outlets, restoran, o karinderya.

Tesis:

Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay nakapag-project ng imahen


sa lipunan sa tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o
nakikipagkilala ang mga taong sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura,
internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumili kaya
nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.
GAWAIN # 4

Muling balikan ang iyong mga napiling paksa sa activity 2 titik B. Pumili ka ng isa (1) na
kaya mong gawan ng pananaliksik. Kung ito ay espisipiko o nilimitahan na, hindi na
kailangang isulat ang malawak o pangkalahatang paksa. Pagkatapos ay bumuo ng
pahayag ng tesis kaugnay nito. (Tandaan: Kailangang may sapat na kaalaman sa
paksa sa pamamagitan ng pananaliksik o pagbabasa ng mga kaugnay na babasahin
upang makabuo ng pahayag ng tesis.)

Gamitin ang tseklist sa ibaba upang masuri kung ang iyong binuong pahayag ng tesis
ay matibay o mahusay.

 Sumasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?


 Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
 Nakapokus ba ito sa iisang ideya lang?
 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan
ng pananaliksik?

Malawak o Pangkalahatang Paksa:

Nilimitahang Paksa:

Pahayag ng Tesis:

You might also like