You are on page 1of 1

EPEKTO NG INOBASYON SA MGA NAKASANAYANG ESTRATEHIYA

ABSTRAK

Ito ay tungkol sa epekto ng inobasyon sa mga nakasanayang estratehiya. Ito ay pagsusuri sa


mga makabagong paraan ng pagtuturo ng mga maikling kwento sa makabagong panahon ngayon.
Sa pag-aaral na ito bibigyan ng makabagong timpla ang mga nakasanayang estratehiya base sa
kung ano ang nagiging interes ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon

Ang layunin ng mga mananaliksik ay upang malaman ang epekto ng inobasyon sa mga
nakasanayang estratehiya kung ito ba ay mas epektibo sa mga makabagong magaaral. Gusto rin
nilang malaman kung malaki o may pagkakaiba ba ang paggamit ng nakasanayang estratehiya sa
makabagong estratehiya. At upang malaman kung ang mga guro ba ay kailangang gumamit ng ibat
ibang estratehiya sa pagtuturo na may makabagong timpla.

Ginamit ang eksperimental na pagsusuri(true experimental) sa pagaaral nito sa


pagtuklas ng epekto ng makabagong timpla sa mga nakasanayang estratehiya sa pagtuturo ng
Maikling Kwento sa mga mag-aaral ng Ikalawang Taon ng Batsilyer ng Sekundarya ng Edukasyon
Mayorya sa Filipino ng Don Honorio Ventura Technological State University. Pumili sila ng tatlong
maikling kwento na ituturo at ito ay ang sumusunod; (Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario,
Tata Selo ni Rogelio R. Sicat at Ang Kwintas ni Guy de Maupassant). Hinati ng mga mananaliksik
ang mga katugon sa dalawang pangkat ang grupong kontrolado na gumagamit ng nakasanayang
estratehiya at grupong eksperimental na gumagamit ng nakasanayang estratehiya na may
makabagong timpla, upang turuan ng maikling kwento. Ang mga instrumentong ginamit rito ay ang
mga talatanungan at mga estratehiyang gagamitin.

Batay sa mga datos na nakalap, makikita na may makabuluhang pagkakaiba ang inobasyon
sa mga nakasanayang estratehiya mula mean ng Kontroladong Grupo na 31.7200 at ang
Eksperimental na Grupo na 35.0000 na sadyang may pagkakaiba at agwat. Ito ay nangangahulugan
na may epekto ang ginawang inobasyon ng mga mananaliksik sa mga nakasanayang estratehiya,
mas naging epektibo ang mga ito batay sa nakuhang datos mula sa mga mag-aaral. At napatunayan
din ng mga mananaliksik na kailangang gumamit ng makabagong paraan o bagong estratehiya sa
pagtuturo ng maikiling kwento ng mga guro sa modernong panahon na may batay sa interes ng mga
mag-aaral.

Para sa susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa naturang paksa kailangang


palawakin ang sakop ng pagaaral upang makakuha o magkaroon ng ibang pananaw ukol sa
nasabing paksa. Para sa mga mag-aaral kailangan nilang magaral sa kanilang sarili at matutunang
hindi umasa sa pamamaraan ng pagturo ng guro. Para sa mga guro, kailangan nilang gumamit ng
makabagong estratehiya sa pagtuturo upang makuha ang kiliti ng kanilang mga estudyante. Para sa
mga administrador, kailangan nilang maging bukas sa anumang pagbabago na magaganap sa
kanilang mga estudyante, eskwela at mga guro. At para sa mga magulang, maging bukas sa mga
pagbabagong nagaganap sa eskwelahan, kinakailangang suportahan ang mga guro at ang paaralan
ng kanilang mga anak.

Guanlao, Ian Karl G. 12-Daniel

You might also like