You are on page 1of 1

Lokal na pag-aaral

Ayon kay Sofia Dove A. Menoza sa isinagawa nyang pag aaral na may pamagat na
Epekto ng Paglalaro ng Defense of the Ancients (DotA) sa Mga Piling Kabataan ng Solana,
Jasaan Misamis Oriental , na nagtutukoy na ang teknolohiya ay nakakatulong sa buhay ng tao sa
antas ng karunungan, sapagkat maraming kaalaman ang maaring makuha mula sa paggamit ng
computer ngunit ang labis na paggamit ito ay mayroon ding masamang epektong naidudulot
kagaya ng paglalaro ng DOTA.
Ang instrumenting ginamit niya sa pangangalap ng mga impormasyon ay deskriptib at
sarbey na talatanungan na may mapipiliang mga sagot na angkop sa mga kabataang mahihilig
maglaro ng Online Games tulad ng DotA. Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay
ang mga websayt na na tumulong sa mananaliksik upang makabuo ng isang pag-aaral tungkol sa
epekto ng paglalaro ng Online Games at gumamit din ang mananaliksik ng ilang mga tesis sa
aklatan ng COC PHINMA-Puerto Campus upang maging gabay sa pag gawa ng pag-aaral na ito.
Ang mga kalahok sa pananaliksik ay nagmula sa mga piling kabataan ng Solana, Jasaan.
Mga respondente na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ipapamahagi ay ang mga
naglalaro ng DotA. Sa maingat na patagtalakay sa isinagawang sarbey ng mananaliksik, nalaman
ang mga masasamang epekto na dulot ng labis na paglalaro ng DotA. Base sa resulta ng mga
ginawa niyang talatanungan, karamihan sa mga kabataan na naglalaro ng DotA ay mas inuuna
muna ang paglalaro bago sa pag-aaral at nalaman din na isa sa mga epekto ng subrang paglalaro
base sa mga respondante, ay madaling araw na kung matulog ang isang taong nalululong sa
ganitong laro.

You might also like