You are on page 1of 4

Home / Computer Science

Pananaliksik.pdf
School

Bukidnon State University Main Campus, Malaybalay City, Bukidnon*


*We are not endorsed by this school

Course

FILIPINO 11

Pages

29

Upload Date

Jan 14, 2024

Uploaded by CoachHeronPerson1016 on coursehero.com

58 Helpful 4 Unhelpful

PAGGAMIT NG CHATGPT AI : MGA POSIBLENG RASON AT EPEKTO SA


BAITANG 12 NG SAINT MICHAEL HIGH SCHOOL OF LINABO INC.

Ipinasa kay:

Bb. Roselle Jean Bacalso

Saint Michael High School of Linabo, Incorporated

Linabo, Malaybalay City, Bukidnon

Bilang bahagi ng Pangangailangan

Sa Asignaturang Filipino 11

(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba`t ibang teksto tungo sa pananaliksik)

Mga Pangalan ng Mananaliksik

( Baitang 11- Our Lady Of Fatima)

Disyembre, 13, 2023

KABANATA 1

PANIMULA

Ang pagbabasa ng aklat, diksyunaryo, diyaryo, at mga artikulo ang tanging


pinagkukunan ng impormasyon ng mga kabataan noon. Ngunit sa paglipas ng
panahon ng mundo at sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ang
pagbabagong ito ang nagpakilala sa makabagong mapagkukunan ng impormasyon
ng mga mag-aaral. Kung saan ito ang ChatGPT Artificial Intelligence, at ito ay
pinatunayan ni (Deano, 2021). Iba na talaga ang panahon noon at ngayon dahil mas
napapadali ang ating pananaliksik o paghahanap ng mga impormasyon dahil sa
modernisasyon na panahon ngayon sapagkat dahil sa ChatGPT (AI) ay hindi muna
kailangan pang maghanap o magbasa pa sa anumang libro dahil ang ChatGPT ay i-
type mo lang lahat ng tanong at may kasagutan na agad na lalabas.

Ang ChatGPT AI ay inilunsad noong Nobyembre 2022. Ito ay itinatag ng isang


grupo ng mga negosyante at mananaliksik kabilang na si Elon Musk at Sam Altman
sa 2015. Ang Open AI ay suportado ng ilang mga mamumuhunan, na may Microsoft
na Pinaka-kapansin-pansin. Nilikha rin ng Open AI ang Dall- E, isang AI text -to-art
generator. Ang AI ay napaka bago panito dahil inilungsad ito noong Nobyembre
2022 at marami din ang nagtulongan para mabuo ito. Ang mga bumuo nito ay ang
Mga sikat na tao sa larangan ng teknolohiya.

Ayon kay (Fui-hoon, 2022) ang ChatGPT ay isang artipisyal na katalinuhan (AI)
chatbot na gumagamit ng natural na pag proseso ng wika upang lumikha ng pag-
uusap na parang tao o diyalogo . Ang Modelo ng wika ay maaring tumugon sa mga
tanong at bumuo ng ibat`ibang nakasulat na nilalaman, kabilang ang mga artikulo,
mga post sa social media, sanaysay, code at email. Ang ChatGPT (AI) ay may
talagang napakalaking ambag sa atin sapagkat kahit anong lengguwahe ang gamitin
ay maiintindihan nito. Kadalasan ang AI na ito ay ginagamit ng mga estudyante sa
kanilang pag-aaral, maraming mga estudyante ang inaabuso ang paggamit ng
ChatGPT AI.

Ayon kay (Ingewizard, 2023) ang ChatGPT ay isang uri ng generative AI- isang tool
na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magpasok ng mga prompt para
makatanggap ng mga larawan, teksto o video na katulad ng tao na nilikha ng AI. Ang
ChatGPT (A.I) ay napakataas na teknolohiya ( High Tech ) dahil may kakayahan itong
makipag usap sa tao gamit ang, boses, larawan, teksto o video na katulad ng tao na
nilikha ng AI kaya napapadali ang pagsagot sa ating mga tanong.

Ayon kay (Gonzalez, 2022) Ang ChatGPT ay Katulad ng mga awtomatikong


serbisyo ng chat na matatagpuan sa mga website ng serbisyo sa customer,dahil
maaring tanungin ito ng mga tao o humiling ng paglilinaw sa mga sagot ng ChatGPT.
Ang ChatGPT ay nangangahulugang "Generative pre- trained Transformer " na
tumutukoy sa kung paano pinoproseso ng ChatGPT ang mga kahilingan at paggawa
ng mga tugon. Ang ChatGPT ay sinanay na may pagpapatibay ng pag-aaral sa
pamamagitan ng mga modelo ng feedback ng tao at gantimpala na ranggo ang
pinakamahusay na mga tugon. Ang feedback na ito ay tumutulong sa ChatGPT sa
pag-aaral ng makina upang mapabuti ang mga tugon sa hinaharap. Ang Artificial
Intelligence ChatGPT ay isang advance na teknolohiya na ginagamit ngayon ng
karamihan lalo na ng mga mag-aaral sapagkat lahat ng ating mga katanungan ay
kaya nitong sagutan kaya ito ay mag malaking tulong sa atin dahil napapadali nito
ang lahat ng ating pagsagot ngunit ito ay inaabuso na ng karamihan dahil inaasa
nalang nila lahat sa AI at hindi na sila nagbibigay ng sikap at naglalaan ng oras sa
pagsagot sa mga tanong.

Sabi naman ni (Kamps, 2022) gumagana ang ChatGPT sa pamamagitan ng


generative pre-trained transformer nito, gumagamit ang mga dalubhasa ng algorithm
upang makahanap ng mga pattern sa loob ng mga pagkakasunod-sunod na data.
Orihinal na ginagamit ng ChatGPT ang GPT-3 malaking modelo ng wika, isang
neutral network machine learning modelo at ang ikatlong henerasyon ngp genartive
pre-trained transformer. Ang transformer pulls mula sa isang makabuluhang halaga
ng data upang bumuo ng isang tugon. Napakahirap talaga ng pagbuo ng AI dahil
ito ay ginagamitan ng algorithm upang makahanap ng mga pattern sa loob ng mga
pagkasunod-sunod ng data kaya naman kaya nitong sagutan ang lahat ng ating mga
Page1of 29

Uploaded by CoachHeronPerson1016 oncoursehero.com

RESOURCES

Study Guides

Documents Sitemap

FAQ

LEGAL

Copyright, Community Guidelines, DSA & other Legal Resources

Honor Code

Terms

Academic Integrity

Privacy Policy

Cookie Policy

Do Not Sell or Share My Personal Info


SUBJECTS

Accounting

Aerospace Engineering

Anatomy

Anthropology

Arts & Humanities

Astronomy

Biology

Business

Chemistry

Civil Engineering
Computer Science

Communications

Economics

Electrical Engineering

English

Finance

Geography

Geology

Health Science

History

Industrial Engineering

Information Systems

Law

Linguistics

Management

Marketing

Material Science

Mathematics

Mechanical Engineering

Medicine

Nursing

Philosophy

Physics

Political Science

Psychology

Religion

Sociology

Statistics

SOCIAL

© Learneo, Inc. 2024


© Learneo, Inc. 2024
*College Sidekick is not sponsored or endorsed by any college or university.

You might also like