You are on page 1of 4

PAGBIBIGAY KAMALAYAN UKOL SA COVID-19 AT PAG-IWAS SA PANGANIB

I. Introduksyon

Nabubuhay tayo sa isang modernong mundo kung saan tayo ay lubos na umaasa sa
teknolohiya. Ang teknolohiya ngayon ay patuloy na nagbabago at umiigi patungo sa
pinakamataas na antas ng pag-unlad. Ayon kay Goodman (2020), ang didyital na teknolohiya ay
kadalasang nangangahulugan na ang mga aparato ay mas maliit, magaan, mabilis, at mas
maraming nagagawa kaysa sa dati. Nangangahulugan din ito na kahit anong dami ng
impormasyon ay maaari pa ring itago nang lokal o malayo at ilipat sa isang lugar nang madalian.
Kahit na ang salitang “impormasyon” ay lumawak para isama ang mga larawan, tunog, bidyo, at
iba pang midya, sa halip na mga titik at numero lamang. Subalit, ang mga impormasyon ay
madali ring maimpluwensiyahan ng kahit sino man sa tulong ng teknolohiya.

Lahat tayo ay nababagabag sa pagtaas at pagdami ng mga pekeng balita, nakaliligaw na


mapagkukunan, at satirikong mga pahayag. Ang konseptong papel na ito ay tumatalakay sa
pagbibigay ng tamang impormasyon sa komunidad tungkol sa COVID-19 lalo na sa mga liblib na
lugar na kung saan limitado lamang ang mga nakukuhang wastong impormasyon. Ang pagdami
ng mga kumakalat na maling impormasyon ay nagtulak sa mga mananalisksik upang talakayin
ang nasabing titulo na sa isang punto ay may inklinasyon magbigay ng tamang kaalaman sa mga
mababasa. Sa panahon ngayon hindi lamang ang COVID-19 ang dapat nating iwasan kundi pati
na rin ang pekeng impormasyon tungkol sa kalikasan at medikal na paraan para malunasan ang
COVID-19. Mayroon ding ilang mga tao at kumpanya na sinusubukan pang kumita at
nananamantala mula sa malawakang pandemya sa pamamagitan ng pagbebenta ng hindi subok
at ilegal na mga produkto na umaangkin ng lunas, tulad ng pagiging epektibo laban sa
coronavirus. Maaari itong maging mapanganib at humantong sa malubha at nakamamatay na
pinsala.

Batay sa World Health Organization (WHO), hindi lang ang naturang virus ang kalaban
ng mundo kundi pati na rin ang “infodemic” o ang labis na pagkalat ng mga tama at maling
impormasyon. ‘Di gaya ng virus, mas mabilis pa nga raw kumalat ang “fake news” pero
singpanganib daw ito ng kinatatakutang COVID-19. Dahil sa bawat impormasyong ibinabahagi
sa telebisyon, radyo, diyaryo, at online ay buhay rin ang nakasalalay. Ang pagdami ng pekeng
balita na ito ay nagdudulot ng takot sa mga tao na maaring mailagay ang buhay sa mapanganib
na desisyon. Ang FDA ay nagpapayo sa mga mamimili na maging maingat sa mga website at
mga tindahan na nagbebenta ng mga produktong umaangkin upang maiwasan, malunasan o
gamutin ang COVID-19. Walang pang produkto na inaprubahan ng FDA upang maiwasan ang
COVID-19. Importante na magkaisa ang lahat sa pagsunod ng mga alituntunin para hindi
tuluyang kumalat ang COVID-19 at pati na rin ang mga pekeng balita. Hindi makakatulong ang
pagbabasa at pagkakalat ng mga haka-haka. Kapag nakakabasa ng nilalaman o nakatanggap ng
balita sa komunidad, pag-isipan mabuti ang konteksto kung bakit ibinabahagi ang
impormasyong ito. Mainam na suriin ng mabuti at maging responsable sa paglalahad ng mga
impormasyon.

II. Layunin / Obhektibo


Napakaraming peke at mapanlinlang na mga balita na kumakalat patungkol sa kalikasan at
medikal na paraan para malunasan ang COVID-19. Ang paniwalaan ang mga balitang ito ay
maaaring magdulot ng kapahamakan hindi lamang sa pansariling kalusugan bagkus sa
kalusugan din ng iba. Kaya naman hangarin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Mabigyang tuon ang pagpapalaganap ng katotohanan ukol sa COVID-19 lalo na sa mga


liblib na lugar na hindi gaanong naaabot ng balita
2. Makabalangkas ng mga panukala para mapalaganap ang lehitimong balita tungkol sa
COVID-19 sa pamamagitan ng mga tulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tulad ng
mga tarhita, polyeto, at pahayagan
3. Makapagmungkahi ng mga programa para maturuan ang mga manggagawang
pangkalusugan para sila ay maging epektibong mamamahayag ng mga totoong
impormasyon ukol sa COVID-19 sa kani-kanilang pamayanan.

III. Deskripsyon ng Proyekto / Research

Sa panahon ngayon, mahalagang maging bidyelente sa pagsasagap ng mga balita lalo


na’t hindi mapagkakaila ang mapanganib na kinalalagyan ng mga Pilipino laban sa COVID-19.
Malaking hamon sa mga mamamayan ang sumunod sa mga wastong protokol na ipinipatupad
ng Department of Health (DoH). Maraming mga balitang nasasagap ang mga mamamayan
ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin napagtutuunan ng pansin ang kwalidad ng balitang
naririnig.

Sa panahon ngayon kung saan laganap ang sakit na Covid-19 sa buong mundo, higit na
mas kinakailangan ng mga mamamayan ang mga impormasyong kanilang maaasahan upang
matulungan silang malampasan ang unos na dulot ng pandemya. Maraming tao, lalong-lalo na
ang mga nakatira sa malalayong lugar kung saan mailap ang pagkalat ng impormasyon sa
kadahilanang walang signal o mahina ang internet koneksyon, ay ang isa sa pinaka
maaapektohan na sektor dahil limitado ang kanilang kaalaman patungkol sa sakit na ito.

Layunin ng proyektong ito ang mabigyang tuon ang mga pagkukulang sa pamamahayag ng
wastong balita sa pamamagitan ng pamimigay ng flyers, pamphlets, atbp. Mahalaga ito upang
lalong maunawan ng mga mamayanan ang mga panganib na dulot ng malubhang sakit na ito.
Nais din ng proyektong ito na mapanatiling ligtas ang komunidad dulot ng wastong
impormasyon at matalinong pamamahayag.

Nakasaad sa mga ito ang mga detalye tungkol sa covid at mga pangunahing halimbawa
kung paano maiiwasan ang pag laganap ng sakit na ito katulad ng tamang paghugas ng kamay,
laging pagsuot ng face mask, pagpapanatili ng pagitan mula sa kapwa-tao, at iba pa. Sa
pamamagitan nito, mas may access ang mga mamamayan sa tunay at lehitimong impormasyon
upang sila ay may kaalaman at mapanuri sa mga nangyayari sa lipunan. Mahalaga rin na ang
mga manggagawang pangkalusugan ay handang tugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan at makapagbigay ng mga impormasyon na kailangan ng mga ito ukol sa pandemya
sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga programa o aktibidades upang mas mahasa nila ang
kani-kanilang mga sarili at kakayahan sa pag responde ng mga galamgam ng lipunan, sa gayon
mas handa ang komunidad sa pag harap ng mga problema, lalong-lalo na ang Covid-19.

Sa flyers o pamphlets, maaring ilagay ang mga sumusunod sa sariling diyalekto:


● Detalye ng Sakit
● Epidemiology
● Sintomas ng Sakit
● Mga dapat gawin kapag mayroong higit sa dalawang sintomas na
nararamdaman
● Mga Maaring Gawin upang Makaiwas sa Sakit
● Kontak ng mga opisyal o organisasyong maaring makatulong

Mga Detalye ng Proyekto

Kailan: Nobyembre 25, 2020

Saan: Ito’y maaring makamit sa pamamagitan ng pamimigay mismo ng flyers sa mga


matataong lugar sa komunidad gaya ng Barangay Hall, Health Center, Police Station, entrans
ng isang subdibisyon, palengke, atbp. Samantala, ang Webinar ay maaring idaos sa
pamamagitan ng social media gaya ng Facebook.

Bakit: Upang matugunan ang pagkukulang sa pamamahayag at mabigyang tuon ang pagbibigay
ng wastong impormasyon ukol sa COVID-19. Upang mabawasan ang paglathala ng mga pekeng
balita.

Paano: Pamimigay ng flyers, infographics o pagkakaroon ng Webinar kabilang ang mga


nasasakupan ng komunidad.

IV. Gastusin

Nakalahad sa ilalim ang kabuuang gastusin sa proyektong sinimulan.

MGA AYTEM (Flyers at GASTOS


Pamphlets)

1 Rim Bondpaper P235

Stationary Colored Paper x 100 P250

Ink ng Printer

Colored x 3 P 750

Black P 220

Token ng taga-pagsalita sa P 200


Webinar
Total P 1605

V. Kontak
Goodman, P. (2020). 17 disadvantages of digital technology. Retreived from
https://turbofuture.com/misc/Disadvantages-of-Digital-Technology
(World Health Organization, n.d., as cited in Sison, 2020). Paano mapigilan ang maling
balita? Retrieved from https://www.zenrooms.com/blog/post/mga-paraan-para-
mapigilan-ang-pagkalat-ng-maling-balita/

VI. Mga Miyembro.

Mabus, Vannessa Gale


Felecia, Roseann Marie
Deocampo, Ma. Teress
Dela Pena, Dominic Rydell
Danoy, Monique Ann

You might also like