You are on page 1of 15

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Hindi maipagkakaila na ang pagpupuyat ay hindi maiwasan ng mga kabataan sa panahong

ngayon. Lalo na’t ang lumalago pa ang teknolohioya sa modernong panahon. Sa katotohanan,

maraming kabataan ang nakakaranas nito. Ang pagpupuyat ay hindi lamang nakakaapekto sa

ating kalusugan gayundin sa ating pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Christopher Silas Neal noong 2015, 87% ng mag-aaral sa high school

sa Estados Unidos ay hindi nakakatulog ng sapat. Ngunit sa ating bansa, wala pang naitala na

bilang. Sa istatistikang nabanggit, masasabi natin na maraming mag-aaral sa high school ang

nagpupuyat.

Ayon sa website na tinatawag na WebMD, ang isang kabataan ay kailangan makatulog ng

walo’t kalahati hanggang siyam at kalahating oras. Ayon naman sa website na tinatawag na

Sleep Foundation, ang pagtulog ay kailangan upang gumana ng maayos ang ating isipan. Kaya

kung kulang ito, masasabi natin na maaaring maapektuhan ang akademikong aspeto ng isang

kabataan na nag-aaral.

Sa makatuwid, ang pagpupuyat ay isang malaking salik sa ‘performance’ ng isang

mag-aaral kung kaya’t minsan ay humahantong ito sa pagtulog niya sa klase na maaaring

maging sanhi sa pagbaba ng kaniyang grado.

Dahil dito, nais malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng pagpupuyat sa akademikong

aspeto ng mga mag-aaral mula sa Senior High School upang matukoy ang mga salik na nagiging
dahilan ng kanilang pagpupuyat gayundin ang magiging epekto nito sa kanilang akademiko

kung ito ay lagi nilang nararanasan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay impormasyon ukol sa epekto ng pagpupuyat sa

akademikong aspeto ng mag-aaral sa Senior High School at naglalayong matugunan ang mga

sumusunod na tanong;

1. Ano ang mga balakid sa pagtulog ng isang mag-aaral?

2. Ano ang kadalasang asal ng isang mag-aaral sa oras ng klase sa tuwing ito ay puyat?

3. Ano ang mga posibleng solusyon sa nasabing suliranin?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito.

Para sa mga mag-aaral, makakatulong ito na malaman nila na mahalaga ang pagkakaroon ng

sapat na tulog sa pag-aaral. Magsisilbi rin itong babala sa mga mag-aaral dahil malalaman nila

na malaki ang epekto ng pagpupuyat sa kanilang kalusugan gayundin sa kanilang pag-aaral.

Para sa mga magulang, makakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman nila na ang

pagpupuyat ay may malaking epekto sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Maaaring itong

magsilbing lunsaran upang bantayan nila ang kanilang mga anak lalo ang oras ng pagtulog nito.

At para sa mga susunod na mananaliksik hinggil sa pag-aaral ukol sa epekto ng pagpupuyat

sa akademikong aspeto, maaari nila itong gamitin upang basehan sa kanilang pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa epekto ng pagpupuyat sa akdemikong

aspeto ng mga mag-aaral.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa Senior High ng New Cabalan National

High School. Umaasa ang mananaliksik na nawa’y makamit ang layunin ng pag-aaral at

matugunan ang suliranin. Ang pag-aaral na ito ay labis na makatutulong hindi lamang sa mga

mag-aaral at magulang, bagkus pati rin ang ibang mga tao na nakakaranas nito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali ang pag-unawa at pag-intindi ng mga mambabasa tungkulin

ng mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

paggamit sa pamanahong-papel na ito.

Ang pagpupuyat ay hindi pagtulog ng sapat ng isang indibidwal.

Ang performance ay tungkol sa kakayahan ng isang mag-aaral patungkol sa akademikong

aspeto.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Batay sa sarbey ng Central for Disease Control and Prevention(2007). Ang hindi sapat

napagtulog ay may kinalamann sa sampung hindi magandang pag-aasal ng isang tao.Una, ang

pag-inom ng soft drinks ng isa o higit pang beses sa loob ng isang araw.Hindi kabilang rito ang

diet soft drinks.Ikalawa, hindi pag-papartisipasyon ng 60 minutong pisikal na gawain ng lima o


higit pang araw sa isang linggo.Ikatloang pag-gamit ng kompyuter sa loob ng tatlong oras o higit

pa.Ika-apat ang pakikipag-away ng pisikal ng isa o higit pang beses. Ikalima,paninigarilyo.

Ika-anim, paggamit ng marijuana. Ika-pito, pag-iinom ng alak. Ikawalo, pakikipag-talik.

Ika-siyam,pagkaramdam ng kalungkutan o kawalan ng pag-asa at ang huli ang seryosong

pagbibigay konsiderasyon ng pagkitil ng sariling buhay.

Batay sa ulat ng Research Center noong 2015, ang mga kabataan ay gumagamit ng higit sa

isa ng electronic device ng sabay-sabay, kadalasan tuwing gabi. Ang ilan sa 72% ay dinadala

ang kanilang cellphone sa kanilang mga kwarto at ginagamit ito hanggang sila’y makatulog, at

28% naman ay iniiwang bukas ang kanilang mga cellphone habang sila’y natutulog. Yun nga

lang, nagigising sila ng dahil sa text, tawag o email, ayon sa National Sleep Foundation poll on

electronic noong 2011.

Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of Psychology ng College of

Science, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang kakulangan sa tulog. Ito ay

pawang sikolohikal at pisyolohikal. Sa sikolohikal na aspekto, naaapektuhan ang haba ng

atensyon, konsentrasyon, tamang pag-iisip at nagiging sensitibo at sa pisyolohikal na aspeto,

naapektuhan ang pangangatawan ng isang indibidwal.

Batay naman sa Australianang mananaliksik na si Ann Williamson, “Pagkatapos ng 17

hanggang 19 na oras na walang tulog, ang pagtugon [ng mga kasali] sa ilang eksperimento ay

katulad o mas malala pa sa pagtugon ng isang taong may 0.05% [alkohol sa dugo].”

Sa mga nabanggit na pag-aaral, masasabi natin na lumalaking problema ang pagpupuyat.

Masasabi rin natin na may iba’t bang epekto ang pagpupuyat sa atin at kadalasan dito ay
nakakasama. Sa makatuwid, maari rin maging epekto sa akademikong aspeto ng isang mag-aaral

ay hindi rin maganda.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang paglalarawan. Tinangkang ilarawan at suriin

ang epekto ng pagpupuyat ng mga mag-aaral sa Senior High School sa akademikong aspeto.

Mga Respondante

Ang mga piniling respondante sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng New Cabalan

National High School - Senior High School mula sa akademik at tech-voc trak.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondante mula sa akademik at tech-voc trak

sapagkat naniniwala ang mananaliksik na sila ang makapag-bibigay ng makabuluhang kasagutan

sa mga tanong na inilatag ng mga mananaliksik. Ang mga mag-aaral sa kasalukuyang

henerasyon, laganap na sa mundo ang mga teknolohiya, gimikan, internet, at iba pa na maaaring

nakaapekto sa pagtulog ng isang tao kaya’t inaasahan at naniniwala ang mga mananaliksik na

makapagbibigay sila ng mga kasagutan sa sarbey-kuwestyon.

Talahanayan I

Distribusyon ng mga Respondente


TRAK/STRAND LALAKI BABAE KABUUAN

ACAD-GAS 7 6 13

ACAD-HUMSS 11 8 19

ACAD-ABM 11 14 25

TVL-HE COMBO 1 7 12 19

TVL-HE COMBO 2 4 20 24

100

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik

ay naghanda ng isang sarbey-kuwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang

matukoy ang mga epekto ng pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang

pinagkuhanan ng impormasyon tulad ng mga artikulo mula sa internet.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi naman

pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang

pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa paggamit ng matataas at

mahihirap na istatistikal na metodo. Kaya gumamit lamang ang mga mananaliksik ng simpleng

pagtatally at pagkuha lamang ng porsyento.


Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, ilalahad ng mananaliksik ang mga datos na nakalap na may kaugnayan sa

epekto ng pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mag-aaral. Makikita sa grapik na presentasyon

ang resulta ng ginawang pangangalap ng datos.

Pansinin ang mga talahanayan:

Talahayan II

Distribusyon Hinggil Sa Bilang ng Papupuyat ng mga Babae

60

50

40

30

20

10

OO HINDI

Distribusyon Hinggil Sa Bilang ng Papupuyat ng mga Lalaki


40
35
30
25
20
15
10
5
0
OO HINDI

Sa talahayan II, makikita ang distribusyon hinggil sa bilang ng pagpupuyat ng mga lalaki at

babae. Nakikita na mas maraming babae ang nagpupuyat kaysa sa lalaki at babae. Makikita na

mas maraming babae ang nagpupuyat kaysa sa lalaki sapakat 60% ng mga respondante ay babae

at 93.33% dito ay sumagot ng oo bilang tugon sa tanong na ‘nagpupuyat ka ba?’ Sa mga lalaki

naman, 40% ng kabuuang bilang ng respondante ay nagmula sa kanila. 35% dito ay sumagot ng

oo at 15% naman ang hindi.

Sa kabuuan, mas marami ang mga mag-aaral na nagpupuyat kaysa sa hindi nagpupuyat.

Kahit hiwalay na bilang ng babae at lalaki, makikita parin na mas marami ang nagpupuyat kaysa

sa hindi.

Talahayan III

Distribusyon Hinggil Sa Kadalasang Oras ng Pagtulog


30

25

20

15

10

7:00 pm - 8:00 pm 8:00 pm - 9:00 pm 9:00 pm - 10:00 pm 10:00 pm - 11:00 pm


11:00 pm - 12:00 pm 12:00 pm - 1:00 am Ibang sagot

Sa talahayan Blg. 2 makikita rito ang distribusyon hinngil sa kadalasang oras ng tulog.

Makikita na 25% sa mga respondante ay ang tulog ay ang tulog ay 10:00-11:00 pm. Sumunod

naman ang 12:00-1:00 am na 22% at 11:00-12:00 am na may 20%. Ang 14% ay natutulog ng

9:00-10:00 pm at 9% ay sumagot ng wala sa pagpipilian. Ang 7:00-8:00 pm at 8:00 pm at

8:00-9:00 pm naman ay parehong may 5%.

Mula sa talahayan sa itaas maikita na mas maraming mag-aaral ang natutulog na

mula 10:00 pm - 11:00 pm.Masasabi natin na sa mga oras na ito nakakaramdam na sila ng

kakulangan sa pagtulog at masasabi rin na sa mga oras na ito sila ay magpupuyat na.

Talahayan IV

Distribusyon Hinggil Sa Bilang ng Mag-aaral na Nahuhuli Sa Klase


100

90

80

70

60
OO
50
HINDI
40

30

20

10

Makikita naman sa talahayan Blg. 3 ang distribusyon hinggil sa bilang ng nahuhuli sa

klase. Makikita na 86% ang sumagot ng oo habang ang mga sumagot ng hindi ay 14%.

Mula sa mga datos, makikita rito na mas maraming porsyento ng mga respondante ang

tumugon na sila’y sumasang-ayon na nahuhuli sila sa klase kaysa sa mga mag-aaral na itinanggi

na sila’y nahuhuli sa pagpasok sa paaralan. Dahil rito hindi na talaga maipagkakaila na mas

marami pa rin ang sumagot na nahuhuli sa klase.

Talahayan V

Distribusyon Hinggil Sa Bilang ng Mag-aaral na Naantok o Natutulog sa Klase


100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
OO HINDI

Mula sa mga datos, makikita rito na 87% porsyento ng mga respondante ang

tumugon na sila’y sumasang-ayon na inaantok o natutulog sila sa klase kaysa sa 13% na mga

mag-aaral na itinanggi na sila’y hindi nakatutulog o inaantok sa klase.

Tungkol sa distribusyon na naganap sa bilang ng inaantok o natutulog sa klase, mas marami

parin ang sumagot na sila’y naaantok sa klase. Dahil rito nakaaapekto ito sa kanilang

akademikong aspeto dahil sa nawawalan sila nang pokus na makinig sa tinatalakay nang

kanilang guro dahil sa kagustuhan nilang matulog kaysa sa makinig sa guro.

Talahayan VI

Distribusyon Hinggil Sa Dahilan ng Pagpupuyat


40

35

30

25

20

15

10

INTERNET GADGETS
PAGLALARO NG GAMES SA KOMPYUTER PAG-GALA
PANONOOD NG TV/MOVIES IBANG SAGOT

Sa talahayang ito makikita ang mga kasagutan ng mga respondante sa tanong na

kung ano ang dahilan ng kanilang pagpupuyat. Ang nakakuha ng mataas na porsyento ay ang

letrang B ang gadgets, ito ay nakakuha ng 38%. Ang sumunod ay ang letrang A, ang internet na

nakakuha ng 28%. Sumunod ang letrang E, ang panunuod ng TV/Movies ay nakakuha ng 17%.

Sa letter F na iba pang sagot naman ay 12% ika-lima ang letrang D, ang pag-gala 5% at huli ay

ang letrang C, ang paglalaro ng games sa kompyuter ay 0%

Sa kabuuang bilang ng mga respondate sa 100, 38 ang sumang-ayon na gadgets ang kanilang

dahilan ng pagpu-puyat. Sa modernong panahon ngayon hindi na natin maipagkakaila na malaki

ang ginagampanan ng makabagong teknolohiya sa panahon ngayon ngunit king ibabatay ito sa

talahayan masasabing ito a ng pinaka-karaniwang dahilan ng pagpupuyat nang isang

mag-aaral.Ito ang pinaka-balakid sa kanilang pagtulog.

Talahayan VII
Distribusyon Hinggil Sa Mga Paraan Upang Maiwasang Mag-puyat

45
40
35
30
25
20
15
10
5
0

HINDI PAG-GAMIT NG GADGETS HINDI PANUNUOD NG TV/MOVIES


NAGSE-SET NG ORAS NG PAGTULOG IBANG SAGOT

Sa talahayang ito, makikita ang mga tugon ng respondante patungkol sa mga paraan

na kanilang ginagawa upang maiwasan ang pagpupuyat. Nangunguna ang sagot na letrang C na

nakakuha ng 41%, ito ay ang pagse-set ng oras ng kanilang pag-tulog. Ikalawa ang letrang A,

ang hindi pag-gamit ng gadgets ay nakakuha ng 31%. Ikatlo, ang letrang D (Iba pang sagot) ay

nakakuha ng 19% at ang huli ay letrang B, ang hindi nila panunuod ng TV/Movies ay nakakuha

ng 9%.

Sa datos na nakalap ng mga mananaliksik , 41 sa respondante ang nag-sasabing nag-seset sila

ng oras ng kanilang pag-tulog upang maiwasan ang pagpupuyat. Masasabi natin na kontrol sa

sarili lamang ang paraan upang maiwasan ang pagpupuyat.

Sa resulta na ginawang pagsusurbey.Mas maraming mag-aaral ang nagsabi na ang

kadalasang dahilan ng kanilang pagpupuyat ay ang paggamit ng gadgets. Maraming mag-aaral

naman ang nagsabi na ang kadalasang asal nila ay naantok o di kaya nahuhuli sa klase at sa
solusyon naman para sa pag-pupuyat, maraming mag-aaral ang naniniwala na mas epektibo ang

pag-set ng oras ng pagtulog.

Sa kabuuan masasabi na nakakaapekto ang pag-pupuyat sa akademikong aspeto

sapagkat marami sa mag-aaral ang nagsabi na sila ay naantok sa klase o di kaya na nahuhuli na

maaaring maging dulot ng pagbaba ng kanilang marka.

Kabanata V

LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang epekto ng pagpupuyat sa

akdemikong aspeto ng mag-aaral.

Gamit ang disenyong deskriptibo-analitik , ang mananaliksik ay gumagawa ng isang surbey

kwestyoner na pinasagutan sa isang daan (100) na respondante kung saan labing tatlo (13) ay

galing sa Acad-GAS, dalawang pu’t lima (25) naman sa Acad-ABM, labing siyam (19) ang

galing sa Acad-HUMSS at TVL-HE Combo1 at dalawang pu’t apat (24) ang galing sa TVL-HE

Combo2.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na

kongklusyon:

A. Mas maraming mag-aaral ang nagpupuyat.


B. Nakakaapekto ang pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mag-aaral sa kadahilanang sila’y

naaantok o nahuhuli sa kanilang klase.

C. Ang madalas na oras ng pagtulog ng mag-aaral ay mula 10:00pm - 11:00pm, ito ay taliwas sa

wastong oras na dapat matutulog ang mag-aaral.\

D. Ang kadalasang dahilan ng pagpupuyat ng isang mag-aaral ay ang paggamit ng gadgets.

E. Ang pagse-set ng oras ang isa sa pinaka-pinili ng mag-aaral upang maiwasan ang kanilang

pagpupuyat.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyon nabanggit, buong pagpapakumbahang inirekomenda ng

mananaliksik ang mga sumusunod:

A. Para sa mga magulang ng mag-aaral, sikaping bantayan ang anak tuwing gabi upang

maiwasan na makapagpuyat ang kanilang anak.

B. Para sa mag-aarl sikaping maging organisado sa mga gawain dahil minsan ito rin ang dahilan

ng pagpupuyat.

C. Gawing tradisyon ang pagtulog ng maaga upang malimitahan ang pagpupuyat ng mag-aaral.

D. Limitahan ang paggamit ng gadgets upang hindi ito makaapekto sa iyong tulog.

E. Mas makabubuti kung ginagawa talaga ng isang mag-aaral ang pagse-set ng oras nang

kanilang pagtulog upang makita kung may pagbabago o naapektuhan ba ng maagang pagtulog

nila ang kani-kanilang akademikong aspeto.

You might also like